Tuesday, May 14, 2019

Tweet Scoop: Kakai Bautista Hopes Philippine Society Understands that Being Alone Does Not Equate Loneliness


Images courtesy of Twitter: kakaibautista

78 comments:

  1. Oh sooooo true!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yang post niyang yan. Pag babae walang pera at panget mag-isa yun. Pag lalake walang pera kahit gwapo wala pa ding papatol na babae.

      Delete
    2. True that. Why coerce single men and women into marriage when they still haven't found the persons they think are right for them?

      Trust me, as much as single women would want to find the one, it's never easy. Never rush into marriage. Annulment is expensive. A waste of your time, money, effort and sanity.

      Delete
    3. if you are empowered dapat sundin ang gusto mo, hindi mo kailangan magpakasal to be socially accepted. Pwedeng mag jowa na lang or mag live in , depende sa gusto mo. Marriage should not always be an option.

      Delete
  2. Iyung iba nga may asawa pero miserable naman. Wala namang assurance na pag may asawa eh masaya na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo. Sympre mas masaya kapag may asawa na may respeto sayo at hindi sakit sa ulo. Pero madaming lalaki na sakit sa ulo sa mga asawa nila. Kung yun ang makatapat mas maganda kung walang asawa. Mas makakagalaw ka at hindi ka masasaktan sa ginagawa ng isang tao.

      Delete
    2. TAMA KA BAKS

      Delete
    3. Minsan naman kasi un asawa nahihiwalay, namamatay, nagaabroad. Minsan un mga kamag- anak ko kahit nag-asawa na, ang ending mag-isa pa din pagtanda. Wala naman guarantee na may kasama ka forever at masaya kayo forever kung mag-aasawa ka. Kung di ka iiwanan sa buhay, sa patay naman.

      Delete
    4. 1:20am on point ka, girl. Yan din lagi ko naiisip. Meron nga diba pagka honeymoon, dead agad. You'll never know din naman talaga. If it makes people happy then pakasaya sila. Pero sana wag na pakialaman tayong mga happy being single.

      Delete
    5. Alam mo totoo yan. Ang pag aasawa ay hindi guaranteed na magiging happy ang buhay mo.

      Delete
  3. Sabi ng tita ko na senior citizen “ iha, it’s our choice to be single and we’re happy and content Hinde ko sinasabi na maging tulad ka namin darating din para sayo”

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha parang binigyan ka ng hope tapos binawi hehehe pero mas impt un buo ka. Single man o may asawa

      Delete
  4. Ito ang ugali ng mga Tito at tita....

    Oh bakit hinde ka pa nag aasawa? Nahuhuli kana

    Mga ganyan banat pinapatulan ko na sila kahit pinapagalitan na ako ng Nanay ko.... masydo pakialamera.. loob loob ko close tayo tita ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. TOTOO! Bakit kaya hindi yung life insurance nila ang asikasuhin nila kesa pinapakealaman ang buhay ng iba. Masaya at may peace of mind ako at I don't think may problema o kulang sa buhay ko kahit single ako. I had 4 exes so hindi ako deprived! Napagod lang ako and taking my time now. Daming nakikialam. Pati mga friends mong super concerned eh sila mismo mga problemado sa mga nagloloko nilang mga asawa. Hahaha! Bakit kaya hindi nila unahing iresolve yung mga sarili nilang problema.

      Delete
    2. Naloka ako sa "close tayo Tita?" Hahhahaa

      Delete
    3. Haha. Ako nga may Tita niloloko ako mag asawa. Eh hiwalay nga siya sa asawa niya eh. Ano kaya iyon. Damay damay na?

      Delete
    4. lagi na rin ako nasasabihan noon ng matandang dalaga at tomboy kase NBSB pero bago ako mag 28yrs old nagka bf nabuntis kinasal at ngayon 2 na anak. bawing bawi sa naman sa bilis ng pangyayari haha Masaya naman pero siempre di pa rin mawawala yung away at tampuhan.

      Delete
  5. Tapos Ito pa, pag waladaw anak it means magiging kawawa Na pagtanda. Hayst! Kairita yong mga taong ganyan Sa totoo lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true. Nakontra ko nga nanay ko dyan nung sinabi nya yan about a friend of mine. She didn’t know that friend had hysterectomy so dapat naman maghunusdili bago magsabi ng opinion.
      Madami ganyan, tingin sa anak caregiver. Kaya nga emphasis sa ipon at pension kasi hindi ka dapat asa sa anak pagtanda. Their responsibility is to their own family nagiging vicious cycle yang ugali na anak ang may responsibility sa magulang pagtanda.
      Sorry nag rant na ako dito.

      Delete
    2. May anak ka nga, ilalagay ka nman sa nursing home yun yung mas masakit. Maigi pa cgro wlang anak kasi expected mo na yun na kaylangan mag.ipon para pagtanda may pambyad sa mag.aalaga. But for real, ang sarap sa feeling may anak. 😂✌️

      Delete
    3. actually yan ang fear ng tatay ko dati na baka daw pag tumanda sila ng nanay ko eh papabayaan na namin mga anak nila. sabi pa ng nanay ko, nasa mga anak mo na yon kung titingin parin sila sa atin, ang importante pinalaki natin sila ng pagmamahal. so ngayon retired na ang tatay ko, plain housewife ang nanay ko. kami mga anak kahit papaano ang nagtutulong-tulong financially para sa pamilya namin. 4 kaming babae, puro single. ayaw ng mga ate ko mag-asawa. sakit lang daw sa ulo ahahahaha

      Delete
    4. 1:39 what’s wrong with nursing homes?? Some even prefer to be there because there are nurses who can respond to them in case of emergency. They also have activities there and there are people their age they can talk to. It’s better than being home alone because the children work during the day.

      Delete
    5. Ako, since we live abroad, hindi na ako umaasa na aalagaan pa ako ng mga anak ko. Ayaw ko rin nman kasing maging pabigat at the same time, makialam sa mga buhay nila when they are adults at lalu na when they have their own families. I'll be there if they need help, of course. And I wouldn't mind if my hubby and I end up in assisted living arrangement one day or nursing homes, especially if that will ease the burden of care for our children. As long as they visit and keep us abreast, ok na yun.

      Delete
    6. ako nag iipon ako to be able to stay in a nursing home. i have kids but i wouldn't want to impose on them especially if they have a family of their own. i still want my independence, as long as i can so i'd rather stay in a nursing home.

      Delete
    7. may mga iba pa na dapat daw may mga anak para sila na ang magtatrabaho sa pagtanda mo,kung baga insurance plan nila yung dami ng anak para marami daw mag sustento. Dapat yung mga tao sila yung mag ipon para sa sarili nila para sa pagtanda hindi nakaasa sa mga anak.

      Delete
    8. Yan din reasoning ko. May asawa naman ako pero I get irritated when people tell me na dagdagan anak ko pano daw ako pag tumanda... kaya ka nga nag iipon sa insurance kasi ayaw mo iasa buhay mo sa anak mo pagtanda.

      Nung wala pa ako asawa, asawa naman concern nila. Honestly sa mga single ladies and men. Take your time in choosing your life partners. Humanap kayo ng asawa na walang bagahe or pamilya nya na hindi umaasa sa inyo. Ang hirap din kasi kahit gusto mo mag plan for your future pero yung pamilya ng asawa mo parang alimango na hinihila ka pababa. Nakakapagod minsan. Wala ka ipon dahil ini expect ng pamilya nya na kayo magsasalba sa kanila... oo hugot yan

      Delete
  6. pag ang babae ay single at lagpas na sa kalendayo ang edad, talaga namang matandang dalaga na pero maaring di naman tomboy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not true. Baka late ka na sa kaalaman. Madami ng paraan para magbuntis. Kung gusto talaga mangyayari un. Kahit ba maglustay ka ng pera mabuntis ka lang. Wala naman kaso dun.

      Delete
    2. 1:23 ano naman ang kinalaman ng pagbubuntis? ang argument ay tinatawag daw na matandang dalaga pag may edad na ang babae. di ba totoo naman yon, matandang dalaga talaga que pwedeng mabuntis or hindi.

      Delete
    3. matanda na si 1:23 kaya intindihin mo na lang. LOL

      Delete
  7. Hindi lahat ng single ay malungkot at hindi lahat ng nasa isang relasyon ay masaya. Oo single ako minsan malungkot din tlga. Pero may kaibigan akong may asawa nga pero miserable naman. Ano ang pipiliin mo sa dalawa kung may choice ka. Malungkot na mag isa o miserable kang kasama nya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. true i rather be single than w a wrong person

      Delete
  8. Love Kong na si Cacai

    ReplyDelete
  9. Bakit wala ka pang asawa o boyfriend? Hindi naman po requirements sa buhayna dapat may asawa o bf kung may dadating na para sayo well and good kung wala na malay mo may dumating pinalagpas lang ang importante kaya mong tumayong mag isa hindi ka nang aabala ng ibang tao para sumaya

    Single ako pero gusto ko parin maikasal sa taong mahal ko hindi dahil gusto ko lang ng may kasama sa buhay hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho tayo baks. pero at the end kung wala talaga ok lang din ahahahaha

      Delete
    2. this is so true, hindi yung ang goal ng tao mag asawa na lang palagi. Tapos wala na career.

      Delete
  10. So truuuuee! Nasa 21st century na tayo dapat lawakan ang pag-iisip para sa mga single.

    ReplyDelete
  11. This is so true. Someone might be alone but not lonely. Masyado kasing backward thinking ang pilipino. Dapat at a certain age may asawa at anak ka na. Para bang yun lang ang purpose ng tao sa mundo, parang yun lang ba ang dapat maging priority ng tao sa mundo. Lalo na kung babae ka pa. Pilit na pilit na dapat mag asawa ka na, pero pag nagkaproblema kayo mag asawa wala naman sila masabi, pag chichismisan ka pa.

    ReplyDelete
  12. Been single for almost a decade now, and approaching na ko sa age na mawawala na sa calendar. I must admit minsan naiisip ko ganyan na I’m happy and contented sa family ko, pero minsan nalulungkot din ako. Tho not the miserable lungkot naman but yung feeling ng “ano kayang feeling kung...”

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl, super young mo pa ☺️ satin lang naman may pressure sa age. Enjoy ka lang muna dadating din yan ♥️

      Delete
    2. Yan din feeling ko when I was approaching 30. Kasi nakikita ko mga kaibigan ko are getting settled one by one. It will pass. Now 42 na ako and happily resigned to being single. :)

      Sarap kaya maging single!

      Pwede ako matulog at kumain kng kelan ko gusto.

      Pwede akong lumabas, mg-travel na di kelangang mgpaalam kahit kanino.

      Wala akong kelangang pakisamahan na ibang tao o kamag anak ng kng sino.

      Nabibili ko kng ano ang gusto ko.

      Iniisip ko lng ang sarili ko. Pwede akong mg-aral, o mgpahinga kapag napagod sa trabaho.

      Basta financially stable and contributor of society, ok maging single.

      Dami sa mga ka-batch ko na single pa din. They are pretty, well-off, intelligent, with good personality. It is their choice as it is mine.

      I'd rather be single than be trapped in a failed/unhappy marriage. Yng tipong ngsasama na lng para sa mga anak or the love has simply gone pfff. Di ko ma-imagine malagay sa ganong sitwason. Buhay ka nga pero di ka naman malaya. Parusa yon.

      Delete
  13. Korek! May asawa ka nga puro problema naman either pinalit ka sa cheap na babae or nananakit physically. Mabuti na yung mag isa ka kesa miserable ang buhay-asawa mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. happiness is pag ang pinalit sau eh pangit haahhaha relate much hahahaha glad she stole the bio dad of my daughter im living my life to the fullest Cheers to all single

      Delete
    2. yun ang pinaka malakas na revenge mas maganda ka at mas mayaman ka sa kanilang lahat hahahaaha. Kaya kanila na ang ex mo.

      Delete
  14. Single man or in a relationship makaka experience ng loneliness at some point. While i agree that it doesnt equate, medyo defensive lang ang dating. Kanya kanya pa din,i know someone who is single since birth na, (i dont wanna use the word lonely) but LONGING to be loved by someone. My point is. Keep it real,kakai.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The issue i think was others being sooo insensitive and minding others business and becoming tooo opininated and all. Who wouldn't want to be loved and accepted? Paano kung dpa panahon na makilala mo xa o pano kung sadyang itinadhana ang isang tao na maging single forever?

      Delete
    2. yes may point ka naman pero may ibang babae din na choice talaga ang maging single. ang problema kasi sa pinas nilalahat nila na ang single is automatic miserable or lonely. yon ang point ni Kakai.

      Delete
    3. Agree ako sa LONGING. kaibigan b kita 220 hehe . Been single all my life, malungkot lalo n nung nag home based ako. Nakakilala ako ng Singaporean online and kahit alam ko na parang walang patutunguhan nagbulag bulagan ako kasi malungkot ako. Naloko ako kasi sabik ako, kasi napangiti niya ako. Longing. Now, im Trying to bring back kung ano ako before ko sya nakilala. Ayoko muna magpakita safriends ko kasi nkkpagod maging 3rd 5th 7th wheel

      Delete
    4. 5:57 dont look for it, dont wait, it will come to you..someone who will treat you right ☺️ for now let yourself heal and enjoy ka lang muna being single.

      Delete
    5. Bwhahaha.nakakaloka ka 5:57pm. Mukhang me sense ka kausap.tara, inum tau.hahaha

      Delete
    6. The post was meant to defend yourself against people who insist that you’ll never be happy being single or alone. So yes, its supposed to be defensive talaga.

      Delete
    7. 9:45 the right defense would be paying no mind to what others say about you or your status. If youre not miserable you wont care

      Delete
  15. Well, may mga nakausap ako na mag isa at walang kasama sa buhay. Malungkot daw pag mag isang kumakain, walang kausap o kasama sa pag tulog lalo na pag matanda na which i think totoo kasi madaming namamatay na walang nakaka kita na nastroke na pala or na choke na so i think sad din kung wala man lang sumagip syo kung living alone ka in life.

    ReplyDelete
  16. TRUE, napaka empowered ng mga kababaihan na hindi kailangan ng lalaki para sumaya.

    ReplyDelete
  17. I understand the sentiments of above commenters. However, another phase/stage of life kasi ang pag.aasawa. When I was still single, it came to a point na gugustuhin mo ng mag.asawa. I felt empty that time. I want to have my own family, my own home, my own keeps And nangyari naman. Of course, hindi lahat talaga happy moments. But the most beautiful experience a woman could have is motherhood. You will experience how to love that you never know that it exists, At maganda rin na may katuwang ka pag na.experience mo yun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I can relate with you, 6:35. Matagal ko ng pangarap maging ina and spend my life with someone. It hasn't been a bed of roses pero no regrets. Ngayong may edad na kami, we're just glad to be there for each other. Takot din akong mamamatay kasi one day na nag iisa at wala man lang nakakaalam na I did exist. Same din yung fear ng hubby ko kasi ulilang lubos siya, no siblings and walang malapit na kaanak. Ako at mga anak namin ang meron lang siya.


      Delete
    2. Same sentiments dear. Para sa akin lang ha, mas masaya ako na may own family ako. Iba kapag may kasama ka sa buhay. I guess everyone is afraid of getting into relationships because these might fail at the end. Maybe some are destined to be single. All I can say is pray for someone who is worthy to be with you for a lifetime. That is what marriage is about. Pero it is still a matter of preference if one wants to be single or not.

      Delete
  18. I agree ... I have been a single mom for 13 years Ihave enjoyed my life to the fullest travelling, shopping, eating, my daughter just finished her second year in university with flying colors 2 more years to go, i have been to UK, Australia, Japan, SG, HK etc ... several branded stuffs and I always Thank GOD for all these numerous blessings. I am Single and I am happy.

    ReplyDelete
  19. sa totoo lang, malungkot kung single at may edad na, pero MAS malungkot kung may edad ka na at may karelasyon na hindi na nga kaaya-aya ang itsura, mas pangit pa ang pag-uugali at di kasundo ng kaanak dahil saksakan ng kayabangan tapos kelangan mo pang alagaan dahil sakitin pa. true to life hugot. so, kung ganyan ang situation, alin ang pipiliin mong buhay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sarili ko nalang no. At least pera ko sakin lang gagastusin. Kahit anong maisip ko gawin, pwede. Mag travel, invest sa hobbies, magkaron ng maraming fur babies, mag negosyo etc etc.

      Delete
  20. kaya marami ang naghihiwalay sa pinas or nagiging miserable ang buhay kasi yong pag-iisip natin, siguro dahil sa culture narin, na dapat at least middle 20s may asawa na kasi daw at least makikita pa nila paglaki ng anak nila. kaya yong iba, nag-mamadali magpakasal agad na hindi pa naman talaga satisfied sa pagiging single. kaya ang labas eh yong iba napapagod, nawawalan ng gana sa relationship at nagsisisi kaya lang it is too late na kasi may mga anak na. ang labas eh nagiging miserable ang buhay.

    ReplyDelete
  21. True ateng! Ako nga 34 na at yung kasing edad ko na kapitbahay namin e may apo na. Tinatanong kung bakit di pa ako nag-aasawa. E wala akong balak mag-asawa dahil ayoko ng stress sa buhay. Ang saya-saya ko na single ako dahil nagagawa ko lahat ng gusto ko na hindi pa kailangan na magpaalam kung kanino.

    Sa japan at korea nga e mababa ang percentage ng mga nag-aasawa at ng birth rate dahil ang point nila e mas inuuna nila ang career at sarili muna nila. Magpapatali ka sa isang kasal tapos malas mo kung ang taong makukuha mo e iresponsable, batugan, nambubugbog, sugarol, lasenggero or di faithful; wag na lang na uy! Para kang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i totally agree ... being single is a bliss

      Delete
  22. Ako I have a Friend. Mayaman siya nagka boyfriend, kinasal sila.and take note nung kasal nila everything is so Grand from suppliers basta everything. My Friend was so in Love but after 1 year Of beijg married nag hiwalay sila tapos I learned sinasaktan niya Friend ko... grabe pinag daanan Friend ko.. kaya lagi ako pinag sasabihin “wag ka mag madali, enjoy your life wag mo ako gayahin”

    Haaaay. Kaya minsan mabuti na lang maging single ako para less stress

    ReplyDelete
  23. pag wala pera dun ka malungkot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Actually!

      Delete
    2. at kung halimbawa magasawa ka ng walang pera, yun ang mas nakakalungkot. Mas buti pang ikaw lang mag isa.

      Delete
  24. I am turning 50 this year and I am living a full life as a single person. One should find their purpose and live it. Not everyone is blessed with the gift of marriage and motherhood but it doesn't mean than being alone means one is lonely nor needs to be pitied by others.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true, hindi lahat ng goal ng bawat babae ang magpakasal.Masaya din maging Malaya.

      Delete
  25. Tawag nga sakin matandang dalaga. 30 na daw ako wala pa asawa or bf. Mahuhuli na daw. Kainis kaya.

    ReplyDelete
  26. No man is an island. We all need social interactions. But it doesn’t mean na kailangan may jowa. For me, kung may true friends ka and/or family who truly cares for you then that’s all you need.

    Magandang mindset na yan ni Kakai. Yung iba kasi napepressure magkajowa na kahit na sa maling tao. Nagsstay pa rin sa marriage kahit nagkakasakitan na.

    ReplyDelete
  27. For a couple of centuries, the only way to survive longer is to have a family and many kids. People would start working at 12, then at 35-40, their bodies would give up due to manual work. They would then rely on offspring to provide sustenance. In the Philippines settings, it has only been 3 decades ago that things started to change. The current older generation unfortunately still has that mentality that is still being passed on to kids. Changing mentality is like teaching an 80 year old the nuances of bitcoin, it is bloody hard.
    I hope that we would be kind to our older generation who has this mentality and survival instincts.

    ReplyDelete
  28. sourgrapin lng yan . Sa totoo lng iba pa rin pag may kaasama ka sa buhay , masaya talaga lalo na kung mahala at mabait naman sayo at kahit ano pang sabihin at somepoint pag magisa ka malungkot at mahirap naman talaga in defense lng yan peeo wala naman magagawa kung yan ang destiny ng na mag isa lng sa buhay

    ReplyDelete
  29. noong panahon ng nanay ko , there are people forced into marriage. Kesyo dapat at a certain age makasal na ang isang babae. Pwes, hindi na ngayon, a lot of women doesn't prioritize marriage as a need. Kesyo mabuntis, pwedeng hindi magpakasal. Maraming mga kababaihan ang career oriented. May mga gustong marating sa buhay kesa naman ilagay sa Bahay at mag house wife. Marriage is not a death sentence. May mga ibang uubra dito may mga iba naman na hindi ito bagay sa kanila, mas masayang mag isa.

    ReplyDelete
  30. Yeah, convince yourself more, Kakai. Because if being single truly doesn't bother you, you will not be writing about it. You will not be even thinking about it.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...