Friday, May 10, 2019

Repost: JM de Guzman Allegedly Involved in Altercation at Bar

Image courtesy of www.tnt.abante.com.ph


Inireklamo ng isang real state broker ang isang aktor ng ABS-CBN at ang kasama nitong foreigner matapos umano siyang pagtulungang bugbugin sa loob ng isang resto bar sa Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Juan Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang biktima na si Pitt Norman Zafra, 35, binata, real state broker at residente ng Saint Mary St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, QC.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga nakatakas na suspek na nakilalang si JM de Guzman at kasama nitong isang foreign national.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:45 ng gabi ng Mayo 7 naganap ang insidente sa loob ng Flying House Resto Bar na matatagpuan sa No. 10-B Malingap St., Brgy. Teachers Village West.

Batay sa mga nakasaksing kostumer sa resto bar, nakita umano nilang tumayo at pinuntahan ng foreigner na kasama ni JM ang biktima sa table nito at sa hindi malamang dahilan ay sinuntok ito sa harap ng live-in partner na nakilalang si Madel Bermudez.

Sumunod na lumapit ang aktor sa table ng biktima subalit sa halip na awatin ang kaniyang kasamang foreigner ay sinipa pa umano nito sa likuran si Zafra at pagkatapos ay sabay na lumabas ng resto bar ang dalawa.

Dinala naman ni Bermudez ang biktima sa East Avenue Medical Center upang ipagamot ang mga tinamo nitong mga sugat at pasa sa katawan.

Hinahanting pa ng mga awtoridad ang tumakas na aktor at ang kasamang foreigner habang iniimbestigahan kung ano ang sanhi nang pambubugbog ng mga ito sa real state broker.

Nabatid na si De Guzman o Juan Miguel Gob de Guzman sa tunay na buhay, ay isang mixed martial artist, model at singer at exclusive talent ng Star Magic.

38 comments:

  1. Kung totoo man to sinasayang ni JM ang opportunity na binibigay sa kanya ng ABS.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ilan beses na ba sya nabigyan ng opportunity, sa susunod sa mas deserving naman na , di naman nagbabago

      Delete
    2. Hindi nyo naman alam ang nangyare. Side pa lang ng "biktima" ang narinig nyo

      Delete
    3. kaya nga sabi kung totoo man to

      Delete
  2. Something’s wrong with this JM. Yet panay pa din build up at pagbibigay nh chance sakanya ng dos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. enough na dapat, pang ilang comeback na ba niya?

      Delete
    2. I unfollowed him na on ig. Masyadong pa-deep but seems fake and too pa-cute di naman na bagay sa edad nya.

      Delete
    3. Haha pansin mo din pala @1:03, pabebe masyado sa IG si koyah, p-cute pa more! Uo guapo talaga siya pero jusko mga posts nuya GGSS na para may gusto pang patunayan kalurks!

      Delete
    4. nag uumapaw ang talent mga besh. Bihira ang ganyan. Pero hindi dapat bigyan ito ng sunod na sunod na projects. May gap dapat kasi nga may sakit yung tao.

      Delete
    5. 5:37 hindi yan bihira baks ang daming gustong mag-artista na masipag at matino, kayang idevelop yan. kahit na sabihin mong talented wala rin yan kung ganyan ang ugali

      Delete
  3. Hindi na yata talaga magbabago itong si JM. Hayys, sayang ang mga chances na binigay sa kanya.

    ReplyDelete
  4. hays JM.what's happening to you?you're lucky enough na magcomeback for the _th time sa showbiz then this issue again???!!!tsk..

    ReplyDelete
    Replies
    1. may karamdaman po kasi si JM na inamin naman niya, he needs to be medicated. Go back to his doctor and get some help before going back to showbiz. Ang showbiz ay hindi sagot sa karamdaman ng tao.

      Delete
    2. tomoh 5.32 atsaka andami pang stressors sa showbiz like yang bashers nya na fans ni barbie. ndi talaga makakabuti sa kanya

      Delete
    3. Edi dapat umalis siya sa showbiz. He’s an adult now, responsibilidad na niya sarili niya. Doesn’t justify pa rin yung paulit-ulit niya mess ups.

      Delete
  5. Yung projects na ibibigay sa kanya paki bigay na lang sa mas deserving.

    ReplyDelete
  6. So Barbie hindi kahina hinayang si JM.You are lucky enough na di na siya part ng buhay mo ngaun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may mga rason nga talagakaya hindi naging sila, and good thing too,

      Delete
    2. She dodge a bullet!

      Delete
    3. He is nt Deserving to B thats why God finds a way...

      Delete
    4. e hindi rin naman good catch si Barbie for JM no! hello?!

      Delete
  7. Eto na naman sya!

    ReplyDelete
  8. Same old routine of JM haaay sabay interview iiyak at sasabihin magbabago.

    ReplyDelete
  9. This is so not true.

    ReplyDelete
    Replies
    1. How do you know 2:36? Were you there and witnesseď it?

      Delete
  10. I'll wait for JM's side and the CCTV kung meron to pass judgment. Initial showbiz reports are almost always not true.

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. There must be more to this story. Ang dali mag-pass ng judgement kasi artista si JM and may 'nakaraan'.

      Delete
    2. Mga judgemental kasi yong tao .Cctv talaga ang magpapatunay na never nanakit ng tao si jm kaloka tong mga hanash

      Delete
  11. This is your last chance na mka comeback boy. Bahala kana.

    ReplyDelete
  12. ayan n naman si jm... naka ilang chances ka na eh

    ReplyDelete
  13. Dont judge until you know the whole story.

    ReplyDelete
  14. Huwag muna tayong manghusga hanggat hindi natin alam ang totoong nangyari. Hindi tayo po Diyos para gawin iyon

    ReplyDelete
  15. Fyi! sa mga taong mapanghusga dito di muna inaalam ang buong pangyayari maka comment lng mka judge lang kung ano2 mga sinasabi bago kayo magsalita make sure na tama yong report ha .Yong pinangyarihan ng aksidenti my cctv bkit di tingnan don bago magdada ito mahirap sa report sobra2 minsan naman kulang grrrrr..Inuulit ko hindi totoo na nanakit si jm ng tao.Yong cctv ang magpapatunay hindi yong report2 na mali2 pla

    ReplyDelete
  16. Naku JM.. Stay focus.. Sayang ang opportunities..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...