Wednesday, May 1, 2019

Repost: Baron Geisler to Wed Psychologist Girlfriend

Image courtesy of www.push.abs-cbn.com


Sa Cebu City na naka-base ngayon ang aktor na si Baron Geisler. Ayon sa kanya nang makausap namin siya sa telepono, isang taon na rin siyang nasa Cebu at doon nagnenegosyo.

Sa Cebu na rin nakilala ni Baron ang girlfriend na si Jamie Marie Evangelista na balak na rin niyang pakasalan anytime soon.

“Tapos na kami sa engagement part. Three months ago pa yon,” balita niya sa amin.

Naging opisyal daw ang relasyon nila ni Jamie noong September 2018 kaya bale eight months na silang mag-on.

Kuwento pa ni Baron sa PUSH tungkol sa girlfriend niya, “Psychologist si Jamie. She works sa rehab, freelance psycho therapist siya. She teaches college students also. Kinukuha siya ng mga  rehab center para tumulong sa mga addict at alcoholic.”

Ibinahagi rin ni Baron sa amin kung ano ang mga nagustuhan niya sa girlfriend.

“She’s very patient  sa akin. Alam niya kung paano ako templahin. Super happy ako kasi maalaga siya.

“When I had nothing, wala pa yung barber shop ko, nung walang-wala ako she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” sambit pa niya.

Isang barber shop ang itinayo ni Baron sa Cebu – ang Gents Barber – na matatagpuan sa 2nd level ng Gaisano Country Mall.

“Ginamit kong puhunan yung konti kong namana at ibinenta ko yung Fortuner ko para makapagsimula.  Kakabukas lang nung barber shop ko and so far it’s doing good naman,” pagmamalaki pa ng aktor.

Eh, bakit nga ba nagdesisyon na siyang magpakasal?

“Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya,” sagot niya sa aming tanong.

Kelan naman ang kasal nila ni Jamie?

“Pinaplano na namin yung tungkol diyan, pero wala pang date. May mga kailangan kaming bayaran, and then, baka it’s either next year or sooner. Bahala na si God, but we want it as much as possible.

“Ang sa akin kasi, ayokong mag-premarital sex,  we want to do it right,” rason pa niya.

Nagkaroon na ng comeback sa pag-arte si Baron at mapapanood nang muli sa TV bilang Dante sa Ang Probinsyano. 

70 comments:

  1. Good job Baron and kudos kay ate girl for helping him. People like Baron needs help and guidance from the right person lang naman talaga. See? May pag-asa pa for him. Can we all be happy and not spread negativity about him and his relationship anymore? It might trigger him and cause relapse. Be positive nalang guyssa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman. Mabait naman tayo.eh. Hindi naman puro bash lang heheh

      Delete
    2. maganda yang partnership na yan kasi magandang impluwensiya kay Baron yung girlfriend niya, ginagabayan siya ng tama. I hope magtuloy tuloy din ang kanyang magandang career.

      Delete
    3. 12:05 Ewan ko ba kung bakit natuwa ako nang makita ko si Baron sa Ang Probinsiyano. Siguro dahil nakita kong nabigyan muli ng isa pang pagkakataon ang isang taong gustong magbago. Napaka-galing nyang artista at marami pa syang maco-contribute sa mundo ng showbiz. Sana mag-tuluy tuloy na yan.

      Delete
    4. I know the girl. Shes well bred, soft spoken, maganda school, smart, well to do na family. Swerte ng guy.

      Delete
  2. Friend ko si girl, super bait nya. i hope talaga tuloy tuloy na pagbabago ni Baron.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hearing the "no PMS" from Baron is big ha. Knowing how and who he was before, laking improvement. He respects his fiancee.

      Delete
    2. Isang malaking check! Good job, Baron! Sana tuloy tuloy na to!

      Delete
  3. anong meron sa cebu at naka base ang magkaibigan na jlc at baron?

    ReplyDelete
    Replies
    1. At kaye abad. Baka dahil nandon ang ilog kung san ang mundoy tahimik.. Char!

      Delete
    2. Bukod sa mega traffic din, maa laid back ang buhay dun, friendly and approachable ang mga tao, maganda ang place para sa mga bakasyonista. Pero ung mga cebuano talaga ang guato ko, karamihan kase sa kanila madaling pakisamahan.

      Delete
    3. Namiss ko tuloy ang Tabing Ilog!

      Delete
    4. 12:49 Nice one! :D

      Delete
    5. Di obsess ang mga tao dito sa mga artista. Pwede sila mamuhay ng tahimik dito.

      Next na si Sarah G na dito na rin titira. Haha

      Delete
    6. Maganda talaga sa Cebu. It has everything to offer that's why it's the #1 tourist spot for Koreans in the country.

      Delete
    7. They should do a reunion sa Cebu, trips lang, hahaha!

      Delete
    8. 1249 kinanta ko haha!

      Delete
  4. I hope tuloy tuloy na Baron. Infer nakakatakot ang acting mo sa AP. Iba ka ang galing mo

    ReplyDelete
  5. So happy for baron. Perfect partner for him especially that she understands and has more knowledge about his past behavior. Good that he turned his life around.

    ReplyDelete
  6. kaya paLa Lagi sya dito sa Bantayan IsLand... taga Cebu paLa gf nya.

    ReplyDelete
  7. I wish them happiness!!!!

    For sure lang, maraming professionals ang tataas ang kilay kung client ni Ateng si Koyah. Pero baka naman pag ibig talaga itey.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naniniwala ako sa second, third chances, lahat ng tao pwede magbago. Sana magtuloy tuloy na siya sa showbiz at magkapamilya na rin with this lady.

      Delete
    2. Same thoughts tayo

      Delete
  8. The girl is really brave or baka nag bago na din si Baron. With Baron's past parang it would take a lot of courage to marry him.

    ReplyDelete
  9. Woah! Umayos ka baron ha. Pero sakto yan psychologist si gf. Good luck sa inyo.

    ReplyDelete
  10. Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Baron Geisler.. sini next para Tabing Ilog in Cebu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jodi at Desiree.

      Delete
    2. 1:04 Desiree is already a Labrusca

      Delete
    3. Patrick Garcia

      Delete
    4. Paula Peralejo pa

      Delete
    5. Let’s say visayan partner kc patrick’s Wife is Visaya

      Delete
  11. Pls lang be good to her

    ReplyDelete
  12. Ang pretty ni girl.

    ReplyDelete
  13. Naawa ako kay Baron. Naawa ako lalo ng sinabi nya na binenta nya ang sasakyan nya at yung kaunting minana nya ginamit nya for puhunan para makapag umpisa sya muli. I never thought of him as masamang tao unlike yung mga nang babash sa kanya. May problem sya mentally kaya hindi sya dapat kasuklaman kundi kaawaan. I'm so happy for him and sana mag work ang relationship nila ng soon to be wife nya. Baron needs someone like her na nakakaunawa sa kanya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's not nakakaawa. It's admirable. Sa negosyo nya ginamit. Aanhin nya ang Fortuner kung wala namang pang gas. It shows na he's become more sensible and mature. Seems he's found the perfect girl who could understand him and help him if he falls off the wagon again. I do wish them luck and happiness.

      Delete
    2. This! Totally agree!!

      Delete
    3. agree baks! sana nga magtuloy tuloy na ung pagiging maayos ni Baron for sure magkakaroon pa cia ng maraming show kasi isa talaga cia sa pinaka magaling.

      Delete
    4. Hello? Anong nakakaawa? Yun iba nga walang wala kahit pang bagong buhay. Swerte pa din ni Baron di nya kailangan mangutang para magsimula ulit. Yun fortuner basta magtino lang sya ma kakabili sya ulit.

      Delete
    5. 2:47 wag maawa, its a lesson in his life that he needed :)

      Delete
    6. True 9:08. Lesson learned the hard way - but it's good that he learned it.

      Delete
    7. @7:39 Jusmiyo pati ba naman nararamdaman ko para kay Baron pakialam ba?! Kung naawa ako sa pinagdaanan nya wala ka na dun. Basta't masaya ako for Baron at unti unti syang bumabangon at nag babagong buhay after all the hurtful words at pang dadown na ginawa sa kanya ng mga judgmental na tao dito. Tsaka stick to the topic, wag ka mag mention ng ibang tao na ginawa mo pang example. Si Baron ang topic dito kaya wag ka mag compare sa iba.

      Delete
  14. I didn’t see the reasonnhe is getting married is because he loves his girlfriend. Sorry, I just want to make sure everyone is making the correct decision. Marriage is a lifetime commitment not about what you can fo gor me.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi nya rin na gusto na nyang magkapamilya. Tama ka na it is a commitment. Gusto na nya lumagay sa tahimik at magkapamilya, right reason naman yan baks. Plus inaayos na rin nya ang finances nila which means hindi padalos dalos

      Delete
    2. try mo magpamilya and see yourself after.

      Delete
  15. sa mga artista hanga ako kay Barron kasi talagang matindi sa acting. Bihira ang mga character actors na on point palagi. He is a gem.Nagpasira lang yung kanyang bisyo at nakaraan, but with this lady by his side. I think makakabalik ito. Kapit lang at gabay, he will be back on track. Good luck to Baron, he deserves another chance.

    ReplyDelete
  16. See guys, God works in mysterious ways. Shes heaven-sent for Baron

    ReplyDelete
  17. Good luck sa inyo baron. Sana tuloy tuloy na.

    ReplyDelete
  18. Susko hanga ako sa girl. Good luck. Ginusto mo kayanin mo

    ReplyDelete
  19. Wag ka maawa baks ok un ginamit sa negosyo ang pera. Magtino lang talaga siya mababawi niya rin mga yan.

    ReplyDelete
  20. I hope he doesn't hurt the girl..looks young. Goodluck na lang!

    ReplyDelete
  21. Congrats, Baron! Happy for you!

    ReplyDelete
  22. I believe in second, third and fourth chances. Mukha naman willing magbago si Baron, at dahil nga solid ang talent nito mala Heath Ledger, makakabalik at makakabalik siya sa showbiz. Keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. As long as buhay ang isang tao, may pag asa pa din mag bago in God's perfect time.

      Delete
    2. mukhang marami din ang nagdasal para kay Baron. There is still hope.

      Delete
  23. I always think Baron is a Good guy. Nadala lang siya ng Depression kaya naligaw ang landas. Isa siya sa hinahangaan kong aktor. Magaling talaga siya. Kay ate girl Kudos to you.

    ReplyDelete
  24. Replies
    1. my thoughts exactly

      Delete
    2. the reason why she's a psychologist yun naman talaga purpose niya sa field niya. I salute ate girl. I'm also a psychologist and we need to understand these people mild pa nga lang to yung iba may psuchotic tendencies pa

      Delete
    3. alam naman na nung girl yung pinasukan niyang relasyon. She is actually what he needs.

      Delete
  25. i hope this is it Baron. hope this will make you peaceful and more matured now. this is the nth chance so i hope ito na talaga! CONGRATULATIONS.

    ReplyDelete
  26. That means showbiz is really for him kc May mga celeb na ndi na tlaga nkkabalik

    ReplyDelete
    Replies
    1. halimaw naman kasi siya sa actingan. Ang galing. Parang mga Mark Gil noong araw. Ibang klaseng artista.

      Delete
  27. Good for him, though I hope that his partner is not his mental health provider...cause that would be uhm...odd. Oh well, baka naman the woman just happened to be a psychologist pero never siya naging pasyente.

    ReplyDelete
    Replies
    1. whatever the circumstance, pwede din na ganung way sila nagkakilala. As long as she understands his condition and accepts him for what he is, then walang masama sa pagiging in love.

      Delete
    2. That's a big nono 4:17 especially na maiksing panahon palang na stable si baron. Hindi uncommon as a therapist na nagkakagusto ang pasyente sa kanila, especially if they see you as someone who helps them recover and pull through. Ikaw yung ideal "friend/partner" nila ika nga. It's ok if Baron is a former patient and the courtship happened outside the therapeutic relationship, but baron hasn't been sober for a significant amount of time, so borderline unethical parin, plus the "therapist" girlfriend supported him financially it seems. That's why I said I was hoping na hindi pasyente si baron when this happened, cause those types of things shouldn't be romanticized.

      Delete
  28. Happy for them.

    ReplyDelete
  29. Maiba halos lahat ng tabing ilog cast nasa Cebu base na heheh jlc, kaye abad, at baron. Jodi ikaw na lang hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha baka cebu din destiny niya masaya yun sama sama sila sa cebu, tabing ilog cebu version haha si Patrick bisaya din ang wife. Masarap mgmahal ng mga cebuano/a

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...