Saturday, January 5, 2019

Repost: Camp of Julia Montes Denies Pregnancy Rumors

Image courtesy of Instagram: montesjulia08


Kamakailan ay kumalat ang balitang "nagtatago" sa ibang bansa ang aktres na si Julia Montes upang ikubli ang kaniyang pagbubuntis.

Umugong ang espekulasyon dahil "no show" si Montes sa ilang Kapamilya events gaya ng ABS-CBN Christmas special at sa special screening ng advocacy film na kaniyang ginawa kasama sina Kean Cipriano at direktor na si Brillante Mendoza.

Pero pinabulaanan ito ng Cornerstone Management na siyang namamahala sa karera ni Montes.

Ayon kay Erickson Raymundo na manager ni Montes, totoong nasa Germany ito kasama ang ama para sa holidays pero hindi totoong nagtatago siya doon dahil nagdadalantao.

"She's in Germany with her dad... She heard about [the rumor] and we called her... pero hindi talaga totoo," ani Raymundo sa isang text message.

Huling naiugnay si Montes sa kapwa Kapamilya actor na si Coco Martin ngunit walang naging pag-amin sa kanilang panig. —Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

20 comments:

  1. Idideny lang ang dami pang sinabi at hindi naman diretsang dininey

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paanong hindi diretsang dineny? Pakibasa na lang uli:

      "She heard about [the rumor] and we called her... pero hindi talaga totoo," ani Raymundo sa isang text message.

      Delete
    2. Napakahina ng reading comprehension mo 12:40

      Delete
    3. Hintay na lang rayo sa pagbabalik nya. Mga after 1 year, ganyan... :P

      Delete
    4. kailan kaya ito magbabalik Pilipinas?doon pa lang magkakaalaman.

      Delete
  2. Kamukha nya talaga si scarlwt johansson

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakaganda naman ni scarlett johansson kay julia lol. Ang layo teh.

      Delete
    2. Ha? Yung anak ni Gretchen Barretto ang kamuka ni Julia Montes. Ayan o, look ka jan sa pic sa itaas.

      Delete
    3. 4:44 Napaka ganda? Google mo before and after ng matauhan ka ng konti.

      Delete
  3. Tingin ko di sya buntis. Mending a broken heart lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama yung fans nila away away sa socmed haha eh ang totoo wala na cla depende n lng if bigyan nya p chance c Cardo

      Delete
  4. She’s the least person sa showbiz na tingin kong gagawa ng bagay na hindi ayon sa principles nya

    ReplyDelete
  5. broken hearted lang yata si julia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa latest igstories nya mukhang nkamoveon na fans nlng nya ang hindi syempre ganun talaga magbf lng nman cla mgasawa nga naghihiwalay diba

      Delete
  6. i like Julia Montes a lot and in fact, i don't care if she ever gets pregnant or whoever the father of the child is, kasi alam ko mabubuhay nya pa rin anak nya. Ano naman paki natin ke ma buntis , di naman tayo ang bumubuhay sa kanila. She can do what she wants because its her life, and she is mature enough to understand and know the right and wrong.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po, buntis o hindi. Wlang mgbabago tlagang gusto kpa din c julia wla nman tayong pakialam kahit cno ama kc kya nman nya yan saeh, higit sa lahat kahit cno pa kmukha ni julia pra sa amin sya ang pinakamganda period!

      Delete
    2. Same. Gustong gusto ko yong bata na to talaga. Mga bashers kasi kala mo ang peperfect e. Porke di masaya buhay nila. I wish her the best kung ano man mangyre sa knya. ❤️

      Delete
  7. Well. Buntis or not, im praying na she's doing great.. Sa industry na ginagalawan nila hndi mo masasabi ang totoo s hindi lalo na pag nakita mo online lng.. Kahit naman sa mga IGs nila or any social media accts, you really cant say that a person is happy or undergoing something just by mere looking on photos or vids that they chose to share ..

    ReplyDelete
  8. I like Julia Montes as an actress, kedaw kung buntis or hindi basta lahat ng projects niya na napanood ko, magaling siya. She gives life to her character.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...