Ambient Masthead tags

Tuesday, August 9, 2022

Insta Scoop: Julius Babao Calls Out Restaurant for Plastic Sheet on Pizza


Images and Video courtesy of Instagram: juliusbabao

 

109 comments:

  1. Replies
    1. Rich lang ba may afford nyan? Kahit sino mgrereklamo kung ganyan.

      Delete
    2. Dzai hindi naman uy! May buy 1 take 1 promo ang Shakeys pag may super card ka. Pag mag order ka sa Grab naman discounted din bawat isang pizza hanggang 30%. Kaka padeliver lang namin today and thank goodness walang plastic.

      Delete
    3. Kahit sino pwede makaexprience ng ganyan. If maexperience mo please share it para rin sa lahat ng tao para magingat sila sasusunod

      Delete
    4. Huh shakeys pang rich na ba un?!?

      Delete
    5. Ang hirap magreklamo ngayon ano? Pag kilalang personalidad ka, "rich people problem" na agad. Pag nasa laylayan ng lipunan, gusto lang sumikat. So paano, 11:20 tatahimik na lang ba dapat? Suggest ka nga ng advise please.

      Delete
    6. Rich prob ka jan. Di ka pa nkakain ng pizza ever? Kahit kanino pwede mangyari yan kung di nag iingat yung nagprepare ng food.

      Delete
    7. So kung poor ka hindi problema sayo na may plastic ang food? Lafang lang ng lafang?

      Delete
    8. Hahaha shakey's is not for rich people

      Delete
    9. Rich? It’s every customer’s right to share their exp. OA mo

      Delete
    10. Napaka dukha mo ba para maisip na rich problem yan?

      Delete
    11. Hahah 12:02

      Delete
    12. health hazard yan 11:20, hindi dapat nakakain ang plastic. wag ka kasing kakain ng plastic para gumana ang brain cells ha?

      Delete
    13. Ayan na naman kayong mahirap paawa lol πŸ˜‚

      Delete
    14. 1120 - Rich Problem?? Di ako mayaman pero nakakakain ako sa Shakey's. Bakit Sobrang Hirap mo na ba na kumakain ka na ng Plastic?? Lol

      Delete
    15. 11.20,ganyan ka kadukha sissy at ang pizza na may plastic ay pang rich lang? Specifically shakeys? Hahahaha!!!!

      Delete
  2. I'm sure di intentional yan. Malamang lutang lang ang nagluto. Di na kailangang i socmed yan lalo isolated incident lang yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Erm. No. It needs to be called out! Kayo okay na kayo s gnyng customer service wag nyo kami idamay

      Delete
    2. Girl taasan mo standards mo! Di porke unintentional or isolated cases ignore na lang. Dapat talaga i- call out agad para di na maulit. Tama ginawa niya para lesson learned na at magdoble ingat na ang staff and company. Ikaw siguro yung naghihintay na lumala ang sitwasyon bago mag complain! Wag ganun te.

      Delete
    3. Malamang ready-made na ung pizza dough naka shape na topping na lang kaya may plastic. Kaya dun ako sa D*m!n0's, shape talaga nila and hand tossed yung dough you can see them make it pa

      Delete
    4. The more na kailangan isocmed. Para maging maingat kung sino man gumawa ng pizza na yan. Lutang pala eh dapat hindi sya nagwork. Don’t make excuses for your failures/errors. Trabaho mo yan at binabayaran ka so gawin mo ng tama. Ganun lang kasimple.

      Delete
    5. Nkakapagtaka why not fresh dough ito? Yuck!!! Kala konpa naman fresh dough lagi gamit nila, frozen dough pala tapos naiwan pa ang plastic eiwwww

      Delete
    6. Please do not settle, you give good (meaning not kulang) money, get good (not kulang) service. Mahirap buhay pero lahat naman may hirap, so let’s do a good job always. Kung kelangan mo ng help dahil masama pakiramdam or distracted ka, hingi ng favor sa kasamahan ng tulong.

      Delete
    7. I agree. Isolated case naman, sana he contacted the branch nalang. Naka-tag pa talaga pati DTI. Dapat ata city hall for sanitary purposes.

      Delete
    8. Ateng, health hazard yan. Tama lang na isocmed. Di naman sya nangbash. For awareness na rin to ng crew na nakakalimot tanggalin plastic.

      Delete
    9. intentional or hindi need pa din ng awareness te palibhasa kasi hindi pa directly affected kaya walang pake. pinoy things. lels

      Delete
    10. No. People should be aware na it happened especially icall out shakeys. Remember the towel chickenjoy???

      Delete
    11. inosente 11:20 , safety reason ok lang?
      ang plastic di nasunog pero plastic na tulad mo
      ewan lang

      Delete
    12. Huh bakit Hindi?

      Delete
    13. woi sobrang toxic ng plastic mahalo sa food at maluto. kailangan i-call out kasi maling mali. trabaho yan, pag pagod mag break.

      Delete
    14. 11.20 agree not intentional. lahat tayo may lutanh moments. Syempre fast food yan lagay lng ng lagay hinde natanggal plastic ng premade dough

      Delete
    15. 5:56 Ok ka lang? Napaka rude at walang manners. Pwede naman kasing magreklamo bakit kailangan pang ipost

      Delete
    16. Kahit di intentional, kailangan may standards and accountable pa rin. Di pwedeng "ay sorry di ko sinasadya" lang. Protocols and processes in food preparation should be reviewed.

      Delete
    17. 10:13 wag tayong ignorante, para matutong mag ingat yung staff and yung mga bibili dun, sa tingin mo pag pinagsabihan sila secretly ititake seriously ng staff yan dun? ililibing lang nila yang issue na yan na parang walang nangyare kasi takot sila matanggal sa trabaho.

      Delete
  3. At least hindi towel hehehe pero nuh ba yan, quality control sana naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha yung nagreklamo about sa towel incident ayun naglaho na

      Delete
  4. Yare haha ganyan pala yunnnn

    ReplyDelete
  5. Heads will roll..

    ReplyDelete
  6. Nakalimutan siguro nung magluluto na tanggalin yun plastic. Yun branch na yun kung saan sila nagpadeliver at yun nakashift sa oras na yun ang malalagot for sure. Asa white plains sila nakatira so isip na lang kayo kung ano yun mga branch na malapit doon.

    ReplyDelete
  7. Lol.shakeys may plactic pizza. jollibee fried basahanπŸ˜…

    ReplyDelete
  8. My gahd. Naiintindihan ba ng ibang commenters dito kung gaano kalala na naisama sa pag bake yung plastic? Aware ba kayo na toxic ang plastic?

    ReplyDelete
  9. Grabe manghusga ang mga worker dyan. Di kami pinansin porket simple lang damit namin. Balak lang kasi namin bumili sa convenient store pero bigla namin naisipan mag pizza. Nagintay kami 5 mins wala lumapit ending sa iba na lang kami kumain. Kahit kailan di na kami babalik dyan same sa Z burger resto. Ang sisira talaga sa business mo minsan ang manggagawa.

    ReplyDelete
  10. Pagod na siguro yung worker kaya nalutang na di natanggal plastic wrap. Baka naman matanggal pa sa work dahil sa pag post na yan.

    ReplyDelete
  11. Meron rights si Julius to rant kase hes just like us paying customer and expecting good quality food and service fr the provided! nakaka inis nga naman yan!!!

    ReplyDelete
  12. Ready made pizza dough tapos binudburan na lang cheese at sauce pero walang slice
    Kung na slice sana mapapansin ng nag nag slice na may plastic
    Hay ano ba yan

    ReplyDelete
  13. Tao lang po nagkakamali! 1 out of 3 orders didn’t make it right! I don’t think that’s the norm but more on human error that can be corrected.✌️

    ReplyDelete
  14. that means hindi fresh ang dough na ginagamit kundi forzen kaya may plastic. hindi natanggal yun plastic bago nilagay yung sauce and toppings.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinagpapatung patong kasi yan gurl kaya may glassine sheet in between

      Delete
  15. Para sa akin wag call out un buong brand. Pwede naman specific na branch na lang. Human error it is.

    ReplyDelete
  16. O shakeys anobayan, 1 year supply naman πŸ€ͺ

    ReplyDelete
  17. So 11:20 same commenter. I want you to know that it’s important that this should be exposed so that consumers are aware that companies can mess up with their products - either intentionally or unintentionally - that can harm us or affect our health. Just saying....

    ReplyDelete
  18. Baka may pinagdaanan ang nakaduty sa shift. Possible carcinogen din yan pag nakain lalo na't nainit yung plastic sa oven.

    ReplyDelete
  19. I just hope nareport muna nya sa Pizza resto bago sya mag hanash sa socmed

    ReplyDelete
  20. Pwede namang privately I-email sila. Nagbibigay sila ng complimentary food.

    ReplyDelete
  21. Had a bad experience too with Shakey’s at their Congressional branch before. Meron hair na kulot sa pizza nila. Parang masuka suka ako nun when i saw it. Kadiri! Ang masama, naulit pa at the same branch again. After that, we never ordered again at Shakey’s.

    ReplyDelete
  22. I hate it when Julius says " Oh shakeys! Ano ba yan!". I know you are disappointed but that super arrogant magsalita.

    Sure akong nagkamali yan when they cooked it. Baka pagod na yun staff or nataranta na, maraming orders. STILL NOT AN EXCUSE. So yeah, Shakey's should debrief their staff for this faulty in the kitchen. Hazard yun naluto mo yun plastic mismo sa ibabaw with cheese.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So? Pati ba naman pag react niya kelangan mo i-police? Eh yan yung naramdaman niya.

      Delete
    2. 12:47 mas maarte ka pa kay julius, valid yung sa kanya pero yung sayo hindi kame sure. lol

      Delete
  23. Ready made pizza crust na yan, nalimutan siguro tangalin plastic sa dami ng orders

    ReplyDelete
  24. May promo kasi ngayon ang Shakeys guys!!! Special price sa pizza!!! Kakaorder lang din namin ay ok naman yung pizza.
    Don’t be mad at Shakeys ka Julius. Yung empleyado may kasalanan dyan, hindi ang Management. Madami siguro umorder nalingat sa plastic sa pizza dough napatungan agad ng cheese at toppings.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Calling out Shakeys is the right thing to do. Quality control has to be improved irregardless of the reasom. Health Hazard yan. Platics is a bit obvious what if it is a small
      Particle?

      Delete
    2. Shakeys hired him so at fault rin sila.

      Delete
    3. Lol galit agad sa tingin m

      Delete
    4. Teh huwag niyo masyadong i-defend ang big companies like Shakey's. Hindi naman kayo yayaman at bibigyan ng free pizza lol.

      Delete
  25. Dami naman kasi inorder nyo!!! Baka nagmamadali sa 30 minutes time delivery kasi kapag delivery ay late, libre ang Shakeys Pizza promo sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay pasensya na daw at parang kasalanan pa nung nag order. iisa lang kasi ang crew sa mga fast food chain no? lols

      Delete
    2. Sinisi pa ang customer! Oh, the world we live in

      Delete
    3. Ay so kasalanan pa nila kasi madami inorder nila? Kaloka ka anong klaseng pag-iisip yan? πŸ˜‚

      Delete
    4. So kasalanan pa ng customer? They shouldve put a limit kung hindi pala kaya iaccomodate. Bs reason.

      Delete
    5. so kasalanan ng costumer umorder ng marami. as employee, responsibility mo icheck yung trabaho mo lalo pagkain yan

      Delete
    6. Bakit ganyan ang takbo ng utak mo? Bakit dapat may excuse at sinisisi pa ang customer? Walang accountability, imbis na sabihin na the pizza place should apologize and make sure it never happens again, yung customer pa talaga ang may kasalanan? Bulok talaga kaisipan ng ibang Pinoy!!! Wala kayong standards of quality kahit sa maliit na bagay kaya pati politicians mga bulok din.

      Delete
  26. Nakow! May matatanggal sa trabaho nyan, kawawa si empleyado. Tsk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di kasalanan ni Julius yun. Health hazard yan.

      Delete
    2. Well, kung hindi sana lutang

      Delete
    3. Aba dapat lang. Sa trabaho dapat pinagbubuti hindi yung pabara bara. Kailangan ng pera? Magtrabaho ng maayos

      Delete
    4. kung ganyan ang mindset niyo na puro awa lang baka everytime na mag oorder kayo may side dish ng kasama. lol

      Delete
  27. shakey's endorsement deal coming right up

    ReplyDelete
  28. ofcourse it is with plastic, they are a food chain, mostly their food are ready made and frozen. unfortunately the one who prepared it failed big time. Baka problemadonsi ate/koya employee.

    ReplyDelete
  29. Daldalan kasi ng daldalan mga empleyado. Na notice ko yan sa ibang pizza parlor inorderan ko tawanan ng tawanan at kwentuhan habang ginagawa ang order ko so baka ganyan din yung nangyari dyan sa shakeys.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano naman gusto mo iyakan ng iyakan? Try mo kayang mag work as service crew lalo na kaharap mo oven na nuknukan ng init. Minsan need mo rin mag lighten up.

      Delete
    2. This! Not entirely wrong naman pero dapat focus pa rin sa work

      Delete
    3. True lagi nasa cellphones

      Delete
    4. Naku parang true. Meron pa nga Shakey's employee na naglalalive sa mga soc med platforms while on duty

      Delete
    5. Hoy 2:45 Dahil sa kadadaldal nila nahulog yung pang slice sabay pinulot at ginamit sa pizzang inorder ko! Ayusin nyo kasi ang trabaho nyo! Wag mag daldalan at mag chismisan pag may order sa inyo para di kayo nagkakamali. Hindi ko kailangan mag trabaho as service crew para malaman ko ang hirap nyo. Kayo ang mag focus sa work nyo para hindi nyo makalimutan alisin ang plastic sa pizza bago nyo ipasok sa oven.

      Delete
  30. Honest mistake lang yan. Hindi na siguro napansin.

    ReplyDelete
  31. Inuna kaya nila magreklamo sa Shakeys bago ipost sa socmed?

    ReplyDelete
  32. He’s a broadcaster. His influence can ruin a brand. He could have taken this as private.

    ReplyDelete
    Replies
    1. And what's wrong about that? This won't ruin it entirely, maybe lose a few customers. This is an opportunity for the company to be more strict with their policies and training for staff. Wag ka malungkot in their behalf. They'll survive.

      Delete
    2. All the more he should use it to benefit the consumers and for companies to improve their service. Shakey's is already a established and strong brand kaya wag kang mag-alala masyado.

      Delete
    3. Teh more like awareness ang ginawa niya. Hindi na niya kasalanan kung marami ang iiwas na bumili sa Shakey's.

      Delete
  33. Bakit walang toppings? Ang boring ng pizza lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naka Sale kasi siya pag sa food delivery app/s inorder.

      Delete
  34. Ngayon palang naawa ako sa employee.

    ReplyDelete
  35. Shakey's already released a statement and explained na food-grade glassine sheet (not plastic) yung asa pizza which the staff unfortunately forgot to remove before adding the topping.

    For me lang, sana nag reach out muna sa branch before posting sa social media para mabigyan man lang ng chance ung branch and crew na ma rectify ung mistake. sobrang hirap and kapagod mag trabaho sa food industry and i know hindi excuse yun pero tao lang naman, nagkakamali din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If this is done quietly, the management will just ignore it. Tama lang yung ganito para aware ang tao at maging extra cautious ang staff. Pagkain yan te! Just take accountability na lang, no excuses. Taasan mo na standards mo in terms of complaining or giving a feedback.

      Delete
    2. Kahit food grade pa ang glassine, pang lining lang sya dapat, harmful pa rin kung maexpose sya to cooking temps na andun sya sa food mismo. Plastic pa rin material nyan. Kung nasa ilalim sya ng topping most likely naiwan sya dun because nilalagay muna toppings bago maluto diba

      Delete
    3. Whatever it is, it shouldn't be there in the first place.

      Delete
  36. Sometimes cheap cheese when it melts looks like plastic☹️

    ReplyDelete
    Replies
    1. πŸ™‚πŸ€£πŸ™‚πŸ€£

      Delete
  37. Kung niluyo ng may plastic dba dlaat melted na yung plastic? Bka nalagyan ng plastic after maluto kaya ang stivk agad. Lytong ung crew. Usually nilalagyan tlga pizza ng plastic sa taas para fi dumitkit sa carton box

    ReplyDelete
  38. To those people here blaming the customer for exposing this issue and calling out the management publicly, why would you think he's in the wrong? If you look at it at a bigger perspective, this can help improve the quality of service we get. Nasanay na tayong tayo ang naga-adjust kesa magcomplain kaya paulit ulit lang din nangyayari, and it just gets worse each time. Yes, this is bad for the company's image but this will teach them to be better next time. Madaling sabihin na sana kinausap na lang privately kung hindi mo na-experience yung na-experience niya. More often than not, management will just apologize and ignore if you report it to them directly. Pero kapag sa socmed, they will act quickly.

    ReplyDelete
  39. Very strict dapat ang quality at compliance to good manufacturing processeses ng food industry, regardless kung fastfood yan, consumer goods...basta pagkain at may contamination o health hazard, big no no yan. DAPAT I-CALL OUT.

    It's not about magsosorry ang company or magbibigay ng complimentary, or papalitan ng mas mahal. Konting standard naman guys. Pagkain yan. Dapat at any given time, safe to consume yan. Pwede ngang marevoke ang license nila dyan e.

    Yung nagsasabi na isolated case yan, how would you know kung hindi ka magsasalita at hindi malalaman ng karamihan? Kung branch specific man yan, pangalan pa din ng Shakey's ang dala nila so responsibility pa din ng mother company yan.

    Again, konting assertion naman ng consumer rights natin dyan.

    ReplyDelete
  40. If it's late it's free, pero wag namang madaliin ng ganyan kadirdir.

    ReplyDelete
  41. Sana wag naman tanggalin yung empleyado. What happened to Julius is something to complain about but there's a saying, to err is human. I hope they'll just improve their process and retrain their staff so that nothing like this will happen again.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I wonder if you'd say the same when something much worse happens to you. Remember, kapag pinalampas mo ang isang mali, it'll just get bigger in the long run.

      Delete
  42. Sa mga readers ng FP lalo na kung bago kayo, please read the guidelines before commenting. Lately nagiging marites vs marites ang usapan dito.

    ReplyDelete
  43. As consumer me karapatan kang magreklamo, it’s not just rich problem.

    ReplyDelete
  44. May mali sa Shakeys. Fact. Pero yung dadaanin mo agad sa social media eh nakita naman ng customer ang plastic dapat notice derecho sa Shakeys na muna kesa i publicize. Patakaw atensyon naman itong mga vloggers for views.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...