Thursday, October 3, 2019

Insta Scoop: Ice Seguerra Admits Going Through Depression, Sees Wisdom in Seeking Medical Help



Images courtesy of Instagram: iceseguerra

104 comments:

  1. Lahat na lang ng tao lalo celebs ngayon may mga hanash na depresyon. O di kayo na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Be careful though. Mental illness is a real thing and comments like yours don’t help at all.

      Delete
    2. Mental illness shaming. Madami ka ding hanash. Bat di mo ieducate sarili mo about sa mental health. Lol edi kaw na

      Delete
    3. Ang #1 problem ni Aiza/Ice kaya lumalala ang depression niya is being very active on social media.

      Delete
    4. Social media talaga ang pangunahing pinagmumulan ng depression lalo na sa mga celebrities kasi konting kilos lang nila may magsasabi at magsasabi ang mga tao sa kanila. Kaya agree ako dun sa plano ng FB na baka tanggalin na nila yung feature kung saan makikita kung ilan yung likes ng post. Kasi may bata daw sa Australia na nagpakamatay dahil sa nalulungkot sya at naicocompare nya yung likes na nakukuha nya kesa sa mga friends nya. Parang bumaba yung self-worth nya kasi hindi sya nakakakuha ng maraming likes tuwing magpopost sya.

      Delete
    5. Grabe yung comment mo. Please be kind.

      Delete
    6. Kinda agree @2:11 coz i was like that 10 yrs ago back when FB is starting to gain traction over FS when “Friends For Sale” were the craze... I always question myself “baket walang bumibili saken eh maganda rin naman ako” ”di ba ako like-able/buy-able?” Gnyan gnyan, ngagawa nga naman ng hormones saten during teenage years haha pero i’m ok now! I know my self-worth kaya di na aq insecure sa mga ganyan, i tend to avoid Soc Med altogether sometimes unless i want to update myself of what’s happening regarding my loved ones... and syempre dito na lang natambay sa FP instead hahaha πŸ’‍♀️πŸ’‍♀️

      Delete
    7. You are ignorant 12;42. Mental illnes is real and you have no right to belittle someone who suffers from it, celebrity or not.

      Delete
    8. 12:42 mukhang depress ka rin. Seek professional help. Dali!

      Delete
    9. Bible ang basahin nila para mamulat sila!

      Delete
    10. 12:42 people like you with no compassion and think everything is “hanash” is the reason why this illness is stigmatized.

      Delete
    11. Wisdom comes from fearing the Lord and reading His Words in the Bible....

      Delete
    12. Hindi “hanash” ang depression, 12:42. Maraming mga non-celebrities din may depression. Actually I applaud honest celebrities like these who open up and are transparent. Let’s not shame for those who seek help and also not shame those who are willing to open the doors for people like myself who are afraid. I only hope one day it gets better for Ice, for it also gives me hope to find strength to be better. - Abuse Victim/Severe Depression Survivor

      Delete
    13. I am living in Sydney right now and napansin ko rin na hindi na nakikita ang total likes ng post. I just noticed it 2 days ago. I don’t know kung dito lang ba or sa ibang lugar din. Hindi rin ako active masyado sa social media especially FB. Nakakadepress talaga sya kasi I’ve been in a situation dati na addict din ako. I always seek validation from others, pressure pa sa paligid mo lalo kung mga kasama mo o family is exposed din ang buhay sa social media so you need to keep up with them. When I moved to Sydney few years ago, I experienced depression on the first few months. Culture shock, family issues and more on getting to know myself. Kami lang ng husband ko ang magkatuwang. Fortunately, I slowly recovered. One way is to detach from social media. I did it in gradual steps until nakasanayan ko na hindi masyadong nagpopost about myself until I found happiness sa mga simpleng bagay like pag kumain kami sa labas or namasyal, we don’t take photos or may photos man we don’t post it. My reason is why do we need to inform everyone what we are doing right now? As if they care. And then ang sarap sa feeling na satisfied ka throughout the day with what you’ve done without any reactions from people na hindi mo naman kasama o nakita ang totoo mong ginagawa. Sa bago kong mundo mas nakilala ko ang sarili ko. Helpful na rin siguro kung ano ang paligid mo. Living abroad is a very big risk. But like in Sydney, magsisikap ka talaga pero dito you can live freely. Walang paki sa looks mo. Tahimik ang lugar. Those factors helped me to know what and who I really want in my life. Ang layo sa dati kong buhay sa Pinas. But as the news have said ang taas pa rin ng depression rate dito kaya nga I am glad na naimplement na yata ng Australia ang ihide ang numbers of likes sa social media as of the moment. It may look a simple step but it can help a lot.

      Delete
    14. She is broken... what went wrong kaya? Accepted nman ung gender nya, she’s famous since 3 yrs old, may love life.Just be thankful Aiza.

      Delete
    15. 2:20 Just hang in there.Prayers said for you my dear.....

      Delete
  2. Kung sino pa ang #blessed sila pa Ang mabilis ma #depressed. Sorry not sorry

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depression is an "illness". Kahit ikaw pa pinaka "#blessed" sa mundo, pwede kang tamaan ng sakit na yan. Di talaga naiintindihan ng iba hanggang di nila nararanasan. #sorrynotsorry

      Delete
    2. Hindi por que blessed eh wala ng pwedeng mangyari sa kanila. So pag “blessed” di na pwede magkasakir? Ang taong mayaman di na pwedeng malungkot kung may kamaganak syang namatay tutal mayaman na sya, bakit sya malulungkot? Ang doctor di na pwede magkasakit? Ganon ba? Yan mga kagaya mo ang thinking kaya ang mga taong may legit depression and other mental health problems eh hindi nagsseek ng help. Dahil madami, dinidiminish ang nararamdaman nila. Please lang. pakilawakan mo pagiisip mo.

      Delete
    3. Kasi kapag mahirap ka, hindi mo na binibigyan ng importansya ang nararamdaman mo o naiisip mo. Ang importante lang maka-survive. May pangkain sa pang araw araw. May pamasahe papunta sa eskwelahan. Ang kaligayahan bumababaw. Pero kung mayaman ka na, na meet mo na un basic needs mo, may mga hahanapin ka nang iba. Na madalas hindi na nabibili ng pera. Oo may nagpapakamatay na mahihirap, mga nawalan na ng pag-asa, pero in general ang sinasabi ko.

      Delete
    4. Depression is not easy. I for one experienced it, it’s very hard to fight it. It’s the kind of loneliness you can’t even trace where it’s coming from and no amount of happy environment can ever cheer you up pag tinamaan ka nyan. Lahat ng mga nagpapasaya sa akin I lost interest all I want to do after work is to eat and sleep. I stayed away from my family and battled with it alone. Thank God I was able to heal myself on my own. Depression is worse than nightmare! You refused to feel it but it would always find its way to get to you. Mas malala pa sa feeling na nabroken hearted or namatayan ang depression kaya be careful with your words anon 12:43 baka tamaan ka at hindi mo kayanin.

      Delete
    5. Tanya! Maski sino pwede magkaroon ng depression. Mag aral mabuti para di maging tanya, ok?

      Delete
    6. Agree to this!!

      Delete
    7. wow. how do you live with yourself?

      Delete
    8. Mayaman ako,depress ako kung minsan,may problema ka ba sa akin?

      Delete
    9. May point din naman si 12:43 kasi danas ko yan. Nung halos wala kaming makain at hirap na hirap ang buhay ang daling resolbahin ng problema, pero nung nabigyan ako ng chance na makaahon sa buhay na kung tutuusin sobra sa pangangailangan namin, bakit dun ko nararamdaman ung anxiety. Hindi ako nagse-self diagnose ng depression pero yung symptomps, papunta na dun kaya umalis ulit ako pabalik ng abroad.Hindi ko maipaliwanag maigi ung ganung pakiramdam pero nasabi ko sa sarili ko, parang kulang at kulang pa rin. Dati ung simpleng buhay, nagiging kumplikado.

      Delete
    10. Agree ako kay 2:20

      Delete
    11. Depressing nman talaga ang buhay sa dami ng problema. Kung mahirap ka daming problema, kung mayaman ka iba din ang problema like lovelife, safety kung wala kang prob ung kapatid or nanay mo nman gusto kang problemahin lol. on a serious note, listening worship songs in church helps.

      Delete
    12. Its because naghahanap ka ng mga bagay na hindi nabibili ng pera, tama si 12.20. Ganyan ako eh until I realize I cant get all the things I want in this world, bet it material things or non material things not to mention that life is not a fairy tale. So self contentment is the key.

      Delete
    13. Like heart failure or allergies, depression Is sickness too that some of us are unlucky to be born with enzymic defects in our DNA.With impaired methylation they are more prone to diseases like depression, anxiety, cancer,etc.Have some emphaty nman ppl!

      Delete
    14. True 1:45 kahit you maintain healthy diet and avoid unhealthy ones may sakit talang dadapo sa yo na magihing cause ng death.

      Delete
  3. I applaud anyone and everyone that speaks about their own experience with depression. Kasi naeencourage ang mga taong may similar experiences to seek help, to speak up about it. In a way it’s a support system. There’s nothing shameful about having mental health problems.

    ReplyDelete
  4. Mental ILlness is not easy. God bless you. People need to be kinder to one another. Hindi madali at mga mean comments will be magnified pag may anxiety yung tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank goodness may empathy pa rin ang ibang FP folks.

      Delete
  5. There is nothing wrong in seeking help, especially if it is availabe, when deemed necessary. Depression and mental illness know no class, industry, profession, etc. You cannot impose someone to feel better just like you cant will fever to go away with mere mindset.

    No to mental illness shaming!

    ReplyDelete
  6. There is nothing wrong in seeking help, especially if it is availabe, when deemed necessary. Depression and mental illness know no class, industry, profession, etc. You cannot impose someone to feel better just like you cant will fever to go away with mere mindset.

    No to mental illness shaming!

    ReplyDelete
  7. Overused ang word na "depression". Konting ano lang, sasabihin agad may depression. Kahit hindi naman sa lahat ng oras yun ay depression.

    ReplyDelete
    Replies
    1. diagnosed nga daw diba....

      Delete
    2. Binasa mo ba yung caption nya? He was clinically diagnosed with depression. Duh!πŸ™„

      Delete
    3. she is clinically diagnosed na may depression. hindi yung hanash hanash para makiuso.

      Delete
    4. Pero sa case nya, diagnosed sya ng doctor.

      Delete
    5. It’s an illness. Ok?

      Delete
    6. Obvious na hindi mo binasa yung caption, 12:59. Basa basa din para hindi ka napapahiya at nagmumukhang shunga. Lol.

      Delete
    7. maging insensitive naman sana yung iba, some people never get depressed pero hindi lahat ng tao resilient.

      Delete
    8. Yong cousin ko meron din neto but everytime this sickness attacks she just read Bible lahat ng sagot nandon accrdg to her no need a psychiatrist.

      Delete
    9. Nakakaloka yung nasa start na nga ng sentence that she was diagnosed pero di mo pa rin naintindihan. SMH

      Delete
    10. the comprehension is on the floor. what’s the matter you want someone to help you read word for word? it seems like you just picked the word depression and ran with it to comment something this insensitive.

      Delete
    11. Naalala nyo sila Robin Williams,Anthony Bourdain.Yan may depression mga taong yan Kaya totoo na may ganitong kondisyon.

      Delete
  8. Lahat ng issue, affected si kute.

    ReplyDelete
    Replies
    1. when you are depressed, there is a lot of triggers. it’s not even about “being affected”. he is living with the illness.

      Delete
  9. As far as I remember legit na may depression si Aiza.

    ReplyDelete
    Replies
    1. And yet read how this early shamed siya for sharing.

      Delete
  10. Ang insensitive naman ng mga comments ng iba. Nilagay na nga nya na "diagnosed" sya since early 2000's, pero tingin nyo pa rin nakiki-bandwagon lang sya? Shame on you! Wag nyo sana danasin yung ganyang state

    ReplyDelete
  11. Bka sa meds na iniinom nya. Kasi naimbalance ung hormones nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correct.Na experience ko kasi yan.I had to take meds for my horminal imbalance at talagang nagiiyak ako,nadepress bg walang rason.

      Delete
  12. I've learned to stop explaining myself to people re my mental health illness. Kahit pakitaan mo ng reseta at clinical abstract yung iba meron at meron pa ring troll na magsasabing nagiinarte ka lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinoy Mindset, sakit na talaga naten dahil marami pa ring MANGMANG sa aten πŸ’‍♀️πŸ’‍♀️

      Delete
    2. ignorance that is why it is stigmatized. i educated myself and is still learning about this illness. i moved to the us and they consider this seriously, even as young as elementary school. i do not know when philippines will wake up and catch up, but this is really tragic.

      Delete
    3. Dito lang sa Pilipinas ang ganyan.Dapat nga may mga psychiatrist eh.

      Delete
    4. Antidepressant medications can't treat depression-related cognitive impairment. So parang hindi nagagamot ang punot-dulo ng lahat. Wow.

      Delete
    5. Di kc nila alam, yung feeling na wala ka naman ikaka depress pero wala kang gana kumain at ibang klase ang mood swings. Ayoko na balikan ang stage ng depression ko buti nlng i seek help! Kundi baka nasa kangkungan nako. Sis dadating tayo lahat sa ganyang stage

      Delete
  13. For some of the posters who are saying depression is overrated, I think you guys didn't properly read that she was diagnosed by a doctor. She was prescribed medication.

    I have relatives who are were diagnosed having anxiety, depression, bipolarity. They are volatile when they don't take their medicines. They look fine, but their mood swings are extreme. So please, do not ever think that it's just being sad or out of sorts. Lack of support, or supervision, can push them to the edge without a logical reason, just by their desire to end it all.

    I'm glad Ice chose to go back to her doctor, and that she's getting there with the help of her family and regular medication. With the right help, people with depression can function just as well or even better than those who aren't.

    ReplyDelete
    Replies
    1. only you can heal yourself.

      Delete
    2. I sort of disagree 11:15. I suffer from PTSD because of my abuse as a child and there are times I cannot sleep for days because of my trauma. I was diagnosed with severe clinical depression and if it weren’t for my therapist I would have not survived this long. While yes it was my own decision to take accountability of my mental health - it also took a village and my family’s support to get me where I am. We are all able to heal ourselves but also with the help of others makes it “quicker” or “healed” effectively. Even through “self-help” books, you are still asking help from others.

      Delete
  14. Outsider and first timer - siguro madami na din kasing bagong singers and good actors recently

    ReplyDelete
  15. Nakalagay na ngang diagnosed at umiinom ng gamot tingin pa nung iba nakikibandwagon. Comments like these set people back on their recovery.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag pumunta ka sa doctor at sabihin mo na may depression ka, mag aagree sayo ang doctor, try mo.

      Delete
    2. Natry ko. Di naman.

      Delete
  16. Back in the days na walang socmed, wala ding depression. IMHO, masyado na sensationalize ang depression. Mga bata nowadays, kahit sa mababaw na dahilan nadedepress daw, npagalitan lang, nadedepress na, even millenials nowadays ay masyado na nabe baby kaya madali sila sumuko at bumigay sa hamon ng buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. How would you know na walang depression? E wala ngang socmed? Lol

      Delete
    2. @207 Baka ang ibig nyang sabihin, nowadays kase people can just post anything and claim they have depression. Sa totoo lang, those who really have it do not talk about it publicly. How many times have we seen famous people commit suicide and they never post anything about how they truly feel, nagugulat nlng tayo na depressed pala sila. Dami kase nag-iinarte sa social media ngayon e, anything just to grab attention and sympathy.

      Delete
    3. luh, gaano ka back in the days yan? depression has been on earth since the beginning of time, wala lang silang term for it. it is an undergoing study. ano naimbento ng social media ang sagad na kalungkutan ganyern? nagsign up ka sa socmed and napagtanto mo recently? OMG i cannot deal with your comment

      Delete
    4. ang favorite nila ‘i’m bored’!

      Delete
    5. Susme teh,panahon pa ni mahoma may depression na.

      Delete
    6. 2:07 I'd rather hear people talk abt their depression para I will know how to help them esp kung kaibigan ko kesa naman manahimik sila na ang bigat pala ng dinadala nila at mauwi pa sa suicide

      Delete
    7. @834 but should we really invalidate yung claim nila just bec we felt na nakikijoin lang sila sa "bandwagon"? I am living w/ bipolar disorder type 2 and matindi ang bipolar depression. I was clinically diagnosed and few times I shared this sa socmed posts ko not to gain sympathy but to raise awareness. Kase I only got aware abt this illness nung may nagshare abt it sa socmed tapos i did my research. What Im saying is, just because walang socmed before and wala kang kilalang nagsshare, doesnt mean na walang depression even before

      Delete
    8. Introvert c Aiza walang outlet outside like church besides, she’s famous takot mag share bka kc ijudge or makitaan ng weakness. When i was younger i was bullied, aloof and no female friends. I don’t ‘t know abt depression then, now the more i read abt it the more yata akong nadedepress. Buti nlng may aso kmi yon ang kinakausap ko lol. With God‘s mercy & grace i overcame it when i became a mom.

      Delete
  17. Oh well, life is depressing naman talaga e. That’s life.

    ReplyDelete
  18. I wonder if her psychiatrist agreed with Aiza to include in her treatment plan, that sharing in social media with a risk of negative feedback would be beneficial for her while undergoing therapy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah. Social media is one of the risk factors. Aiza should be out of it.

      Delete
  19. Bakit kaya mas mataas ang depression sa mga taong may pera. Yung mga mahihirap, bihira kang makaka kita ng depressed... hmmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yong mahihirap malaria, TB, high blood sakit teh.

      Delete
    2. They don’t live long enough to be depressed baks.

      Delete
  20. Socmed makes a person angry and depressed.
    Nakaka high blood din kung minsan lalo na
    yung mga ibang tao na feeling nila kilala ka.

    ReplyDelete
  21. Parang lahat nman or majority ng tao nararanasan yung mga dinescibe nya. me myself ganyan na ganyan pero hindi ko iniisip na depression to. I just take a rest, sometimes nagbabakasyon then balik uli sa dati. Hndi ako nagpapadoctor.

    ReplyDelete
    Replies
    1. because you are not depressed. good for you, vacation works. at least you distinguish that you are not depressed, just sad or stressed. depression is deeper, like a dark cloud over you even when you’re in a happy or stable environment. vacation does not cure it, it just gets distracted.

      Delete
  22. most child actors experiences depression. hoping for healing

    ReplyDelete
  23. Sorry pero mejo cynical na ako pagdating sa ganitong issues. Parang nagiging bandwagon na e. Do these celebrities know what depression really means? It’s not only emotions but a whole lot more. Being said doesn’t equate to depression.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Do you even know what clinically diagnosed mean? Diagnosed sya since 2000 and nagttherapy nun. You think bandwagon lang yan? Lol

      Delete
  24. Get out of the limelight and Live a simple life. Wag kana kasi maghanash at magpapansin sa socmed. Dami mo din kasing kuda ehπŸ™„πŸ™„πŸ™„ socmed is a very toxic environment sama mo pa political affiliate mo.... mababash at mababash ka then babasahin mo po at sasagot ka edi patong patong na depression mo nyan eh kung namuhay ka nalang simple at malayo sa limelight at di na nagpopost ng kung anu anu just to gain attention at empathy edi wala kang problema at walang mangbabash sa hanash mo sa buhay! Eh ikaw mismo nagiimbita sa kanila para pansinin ka ehπŸ™„πŸ™„πŸ™„

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ikaw lang. toxic. πŸ™„πŸ™„πŸ™„ pa more instead of learning about the illness. his depression is way beyond social media. and why would someone “invite” attention to be depressed?

      Delete
  25. I have read a study before that there was a link between transgenderism and depression, anxiety. The rates of depressive symptoms (51.4% for transgender women; 48.3% for transgender men) and anxiety (40.4% for transgender women; 47.5% for transgender men) surpass the rates of those for the general population. Kaya nga sinasabi nila na ang mga transgender ay depressed to begin with.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Could be because of the medicines that you are taking.Anything that alters the hormones is depressing

      Delete
  26. Comments here are shocking. Mental illness is real. At kahit sabihin niyo attention-seeker itong celebrities na to marami silang pwedeng ma-motivate and inspire to seek professional help. Maraming nakakaranas nyan but aren't educated enough so hinahayaan lang. My gosh!

    ReplyDelete
  27. Magmula ng magka social media, andami na lalo nade-depressed. #Fact. Kaya ako, anti socmed talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dami kaseng nagke-claim na depressed sila sa social media. Fact is, someone who is suffering from depression dont say it out loud. Dami na natin narinig na ganyan, bigla nlng nag-suicide kase depressed pero clueless mga tao nay ganun pala sila kase nga most of them hindi pinapakita yon.

      Delete
    2. So yung mga nananahimik lang ang tunay na depressed? Abangan natin magsuicide ganun

      Delete
    3. @1:09 you're comment is ridiculous! so you are saying people who openly saying they are depress, you will not taking them seriously?! you won't listen where are they coming from? you're impression that they just want attention. look they are seeking some help. and what?! so you wait for them to do something for themselves i.e. suicide before you provide support and help?

      Delete
  28. Make your life private

    ReplyDelete
  29. Minsan napapansin ko yung political views ni ICE ay taliwas sa kanyang mga kaibigan.Sana in general,wag tayong mag away away base sa political color.Respetuhin natin opinyon ng iba.

    ReplyDelete
  30. Sa true lang ah, daming nag-iinarte kase sa social media ngayon, anything just to get sympathy or be excused from being unproductive. Si depression lagi ang sinisisi.

    ReplyDelete
  31. Hay naku, kung sa pinas ka, madepress ka talaga.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...