Thursday, September 12, 2019

Sue Ramirez Becomes Emotional Over Young Moviegoers' Watching Movies Only for the Presence of Big Stars


Image and Video courtesy of YouTube: ABS-CBN Talk

147 comments:

  1. Hayss. Ganun nmn tlga kalakaran sa showbiz. Pero depende pa rin nmn saovie.

    ReplyDelete
    Replies
    1. baket naman ako magbabayad para mapanood ka?? as in duh?!

      Delete
    2. 1:45 exactly kaya nga sinabi show BUSINESS dahil yung pinaka on demand na produkto ang patok sa customers. Wala naman nagsasabing hindi sila mag produce ng Indie Movies pero dapat tanggapin na hindi yun pang masa.

      Delete
    3. May mga movies naman na kumita na hindi sikat na love teams o artista ang ganap. Heneral Luna is one. Pag maganda ang project at matiyaga ang marketing, susuportahan yan. Aba, you have to make it worth people's time and money ano?

      Delete
    4. Syempre pag hindi ka gusto ng audience,wala talagang manood ng movie mo.

      Delete
    5. Baket hindi nila isali sa Film Festivals abroad ang movie nila kung talagang sure sila na maganda?

      Delete
    6. I THOUGHT SHE WAS FAMOUS, TOO? MILLIONS DIN ATA FOLLOWERS NIYA DI BA SA IG?

      Delete
    7. people will watch what they want to watch.

      Delete
    8. Depende yan sa movie. Kahit hindi ka sikat pero kung maganda ang material papanuorin yan ng tao like kita kita, heneral luna. Ako manunuod ng panti sisters kasi magaling ang casts and I would not spend a penny on vice ganda movies.

      Delete
    9. 300-600 ang sine nowadays. Hindi siya mura. Kaya ako mismo bakit ko panunuorin ang movie nitong si Sue eh hindi nga sikat at puro kalaswaan naman ang topic and walang moral responsibility? Just sayin.

      Delete
    10. Hindi mo pa nga napapanood yung movie jinudge mo na? That’s exactly her point. Judging a movie by its trailer. Di mo pa napanood, wala na agad moral responsibility? GURL

      Delete
    11. 5.10 gurl trailer nga e..kaya nga dpat sa trailer pa lang naenganyo na yung manonood..if You are a producer dapat sa trailer pa lang nashowcase mo na yung ganda ng movie kung trailer pa lang waley na bakit pa ko mag aksaya ng pera panoorin yung movie kung wala naman pala mapakita maganda?

      Delete
  2. Ang mga artista sa Pilipinas hindi naman naging mabuting halimbawa sa pagsuporta pagpromote at pagtangkilik ng sariling atin kaya ang mga Pilipino nakondisyon ang isip na mas suportahan ang gawa ng mga banyaga. Ngayon nga mas pinopromote pa ng mga artista ang Kdrama Kpop Korean culture at tourism kesa sa sariling atin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayyy sis natumpak mo!! Part din sila ng problem at sana i acknowledge din nila yun.

      Delete
    2. Yeah and also, Sue Ramirez was or still is the Filipino ambassador for South Korea tourism.

      Delete
    3. 12:41am, that's why Jose Rizal's Noli and El Fili's books still live on because Pinoys remain the Dona Victorina in 2019.

      Delete
    4. Feeling cool kasi pag ibang lahi sinusupport plus gagayahin pa accent

      Delete
    5. So true! Si Anne nga hindi nya alam mga teleseryes ng station nya.

      Delete
    6. 7:26 alam mo naman si anne, dito na’t lahat yumaman hindi pa din marunong mag tagalog, manood pa kaya ng pinoy shows? Lol

      Delete
    7. Correct 3:56 nagtataka nga rin ako. Tagal na nya sa Pinas parang level pa ng Tagalog nya si Ryan Bang. Kaya nga masakit din tanggapin na nag-iinvite sya na manuod ng shows nya samantalang sya mismo hindi supportive sa Filipino movies.

      Delete
    8. 3:56 anong di marunong magtagalog? never watched her on Showtime? Never seen any of her tagalog shows? nabubulol lang siya minsan pero kaya nya magsalita ng straight na tagalog. Lol!

      Delete
  3. The thing is, some are big stars because they earned it. Kaya sila big star kasi magaling sila. Kaya sila gustong panoorin kasi magaling sila magkwento. What good is a good story, no matter the hard work you put into it, if the delivery is mediocre or wala talaga. what people will look for is credibility, the veracity of the material, it’s ability to convey what needs to be said. These big stars can do this kaya sakanila pumipila ang tao. Earn the trust of the people muna iha bago ka maglament ng ganyan. Dont generalize or stereotype na kaya nanood ang mga kabataan dahil sikat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're wrong. Some big stars are not even that good. May mga big stars din na di namam kumimita ang pelikula. Pero kung maganda ang pelikula tapos big stars pa ang bida, that's when people watch talaga. Di lang sya sa dapat big star o maganda ang kwento, dapat sabay silang sangkap.

      Delete
    2. Sa Pinas ba na artista pinagsasabi mo? Lol, parang c Judy Ann na ang last actress na sikat na magaling umarte. After that, hype nlang ng abs.

      Delete
    3. Very few exceptions though

      Delete
    4. 2:00 Pero hindi ganon ka blockbuster ang movie ni Juday. Yung movie nya na naging box office siya yung Isusumbong kita sa tatay ko with FPJ. Yung iba kay Piolo nung LT pa sila pero hindi siya naging Box office queen. Sa TV siya talaga ang queen. Madaming talents din na magaling ang ABS na worth it namang i-hype. Hindi lang si juday.

      Delete
    5. I disagree, ang style ng pinas, kung sino may malaking fanbase, yung pinipilit pasikatin kahit walang talent.

      Delete
    6. Not necessarily. Just look at the movies that do well right now, most are loveteam movies. And let’s be honest, these loveteams aren’t the best actors, they’re just very popular. Popularity doesn’t alwyas equate talent.

      Delete
    7. 10:42 bakit nga ba lumaki fanbase ng artista? malamang dahil sa talent and charm.

      Delete
    8. Mas pipilahan ang movie ni daniel p. kesa kay dennis t. If you know what I mean.

      Delete
    9. I agree with you 12:42 kaya pinapanood ang mga pelikula ng mga sikat na artita kasi nakukuha nila ang sympathy ng mga tao maybe bcoz their pagiging natural na tao the way na magsalita very humble at makitungo sa tao and very respectful sa mga fans nila. Kasi may mga artista kahit ngumiti at kumaway ka sa mga tao parang walang sincerity sa gesture nila sa face nila parang halata nilang plastic.

      Delete
    10. 3:40 dahil gullible and uncritically thinkers ang karamihan. They won't question the movie, the acting, the plotline...basta relatable yon movie, may kilig or hugot moments at sympre charming yon bida pasok sa kanila lalo na pagidol pa nila.

      Delete
  4. May point naman. Sobrang “safe” ng mga ginagawang movies na nagiging blockbusters. Pare parehong artista. Pare parehong stories din naman. Naiba lang bansa na pinagshootingan, or naiba lang ng slight ang characters. But basically, same formula. Yun mga mas magagandang stories, yun mga mas award winning, di nabibigyan ng chance. Di aki fan ng mainstream movies. Mas gusto ko mga indies. Mas magaganda stories

    ReplyDelete
    Replies
    1. But I would like to point out that not all mainstream movies are trash, and not all indie movies are golden.

      Delete
    2. Agree 1257. Just because it's indie doesnt automatically guarantee quality.

      Delete
    3. I agree. Wala actually distinction sa characters played except for their names & character background. Bibihira ka makakita na talagang iba ang pagganap at atake. Wala mga tulad ni Christian Bale, Rami Malek, Heath Ledger at Joaquin Phoenix na todo transformation for a role.

      Delete
    4. Sa totoo lang kasi maraming indie movies na disturbing ang topic tulad ng kahirapan,prostitution,pang aapi,etc na paglatapos mong panoorin,malulungkot ka.Paglabas mo ng sinehan,depress ka.Ayaw ng Pilipino ng ganun.Kaya siya nanood ng pelikula,para makatakas sa realidad ng buhay,para maaliw kahit panandalian.Pagod ka na nga sa trabaho tapos ang mapapanood mo pa depressing.

      Delete
  5. Kaya nga sa award giving bodies dito sa Pinas, nilalast nila ang Best Actor at Best Actress kasi mas inaabangan yun kesa Best Picture o Best Director. :(

    ReplyDelete
  6. Kahit saan naman ganyan talaga. Even sa hollywood ganyan din ang systema. Mapapalabas mo ba at mapapagastos mo ang mga tao sa isang movie na hindi kilala ang artista???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huh? Jusko ang daming da who kaya sa mga sikat na movies sa Hollywood. Yung bigla bigla nlang naging bida na di nman talaga kilala pero magaling umarte kaya bumebenta mga movies nila. Sa Pinas lang ganyan 1243. Lol, wag ka na mandamay.

      Delete
    2. Iba ang US sa lawak ng audience nila at sa dami ng tao malamang may manonood ng pelikula.

      Delete
    3. 12:43 Umm no, mas diverse ang Hollywood. Yes may big stars ang box office hits nila. But unlike dito sa Pinas, tinatangkilik din sa kanila yung indie films regardless kung sino yung actors.

      Delete
    4. Helo 12:43. halatang limitado hollywood movies na napanood mo.

      Delete
    5. Anon 2:03 Tama si anon 12:43 yung uncle ko actor and producer siya sa Hollywood. He even said that Angelina Jolie is not that good in acting dahil nahihirapan parin siya sa mga takes nito at naka ilang takes pa siya para lang ma perfect yung eksena. Napagtanto ko din na mananalo ka lang pala ng Oscar awards not because you are talented pero madami ka dapat commercials and back ups. Just look at Johnny Depp sobrang galing aktor kesa sa iba pero wala pa din Oscar award until now. So, yes popularity is rampant both on Hollywood and in Asia. Tingnan mo na lang yung Lara croft na da who yung gumanap, pumatok ba? No, kasi hindi si Angelina Jolie yung gumanap. Yung sa avengers mostly sa mga gumanap don sikat. So yes in entertainment industry popularity is always there maoa Hollywood man or mapa Pilipinas.

      Delete
  7. Everyone started small. May mga factors lang na naging matagumpay yung isang artista.

    ReplyDelete
  8. kami pa din mag didikta kung saan at paano namin gagastusin ang pera namin. choose a better material next time

    ReplyDelete
  9. Let’s face the fact na producers are businessmen. Most of them will invest doon sa sure returns. Now depende na lang sa tapang ng producers to take risks at mag invest sa bago. Good example ang movie na ‘Kita Kita’ na unexpectedly pumatok sa ng tao.

    ReplyDelete
  10. It is because of Monopoly. Nasaan na ang mga Film Outfits moong 70s, 80s and 90s?? Nawala na. Why??? Because there's something manipulated everything.


    Hmmmm.. gets mo???

    ReplyDelete
  11. I DISAGREE. "Medyo nagiging emosyonal ako doon sa fact na ang tinitingnan pala ng mga kabataan ngayon ay kung gaano kasikat ang artista na bumibida sa isang pelikula." Movie goers are smart. Take, for example, Kita-Kita Movie. No considered “sikat” starred in it, but because of GOOD ACTING, storyline, the Manoood including the Kabataan watched it. It seems like she is already making an excuse that if this movie do not make the “financial cut” sa takilya - blame on the “Kabataan”! SERIOUSLY?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I AGREE 12:48 !!!!

      Delete
    2. truth! maraming celebrities na famous pero fail naman movie nila!

      Delete
    3. KOREK!!!!! GOOD ACTING AND STORYLINE!!!tapos sisisihin mo kaming kabataan?!

      Delete
  12. Kaya ba she opted for daring roles na kasi di sya tangkilik sa youngsterd?

    ReplyDelete
  13. Well I disagree. It’s all about marketing strategy, PR and how you package yourself. You need to step up the game. At bakit naman young peepz ang gusto nyang audience nya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truth! Spg yung movie niya tapos target market nila young ones. Tsaka story of two prostitute that fell in love? Like seriously ano special don at the end of the day hindi naman magbabago pag tingin ng piboy sa mga prosti kahit pa sabihin natin na nagbago sila sa movie at di na naging prosti. Hindi na maalis yun kung gaano kababa pag tingin nila sa isang prosti.

      Delete
  14. Maswerte pa din sya at binibigyan sya ng opportunity at chance ng management unlike other celeb her age.

    ReplyDelete
  15. bakit si empoy at alessandra di naman sila big star, wag isisi sa manonood kung walang gustong manood ng movie mo, kaze karapatan nila kung anong gusto nila panoorin, hindi mo pwede ipilt kung ayaw talaga nila

    ReplyDelete
    Replies
    1. I do consider Alessandra a big star with all her acting accolades. She may not have a solid fan base but she is a bigger star than those who rely only on the power of their fanbase

      Delete
    2. Ang manonood or audience kasi hindi kabataan.Audience na may pambili ng tickets ay office workers,middle class at may mga careers.Sakto yan sa Alempoy.Nakakawala ng stress pag manood ka ng movie.

      Delete
    3. but we all know allessandra is a good actress. panoorin nyo yung movie nila ni paolo contis mas maganda kesa sa kita kita actually di lang masyadong na-hype

      Delete
    4. Yes yung Through night and day. Nakakaiyak din yun galing nila pareho ni paolo.

      Delete
  16. she has a point but fame isn’t the only reason why people watch certain movies. there are famous celebrities na fail parin ang movies nila. depende talaga sa pag arte and sa reviews ng mga viewers

    ReplyDelete
  17. Dahil dito sa Pinas di importante ang talent. Dapat may looks, anghel image at higit sa lahat may power magpa kilig kahit. Yes. Ganyan kababaw ang entertainment industry satin

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1252 - Girl! Sa hollywood din ganyan. Di kagalingan umarte pero bumebenta, pacute na teen romantic movies pero bumebenta. Kahit saang bansa may ganyan. Ang tawag dyan pr marketing, at star power ng cast at samahan mo pa ng luck. Makapilipinas lang na comment... be honest naman on commenting po.

      Delete
    2. Hindi lang kilig habol ng viewers dapat yung relatable din ang story at mahusay yung pagganap ng artista kasama na yung good image at masarap sa mata ang isang papanoorin

      Delete
    3. 401 ano bang klaseng hollywood movies pinapanood mo? Gurl, ang gaganda kaya ng mga movies nila compared sa atin, jusko jus por santo. 🤣

      Delete
    4. Hollywood movies,taon bago matapos ang shoot.Pilipinas,matagal na ang dalawang buwan na shooting.

      Delete
  18. Hindi rin. Case in point: Kita Kita and Ang Pangarap Kong Holdap. Hindi naman “big stars” ang nandun pero dahil seamless ang story at production, nagustuhan ng mga tao kaya naging hit by word of mouth. Ang tao naman basta narinig nilang maganda ang movie, kahit mahal, susubukan nilang panoorin.

    ReplyDelete
  19. wag din kaze accept ng accept ng project basta lang may masabi na trabaho, syempre sasabihin mo maganda kaya mo tinanggap tapos pag di kumita ganyan ang sasabihin, parang andami na nitong ginawang movie pero walang pumatok

    ReplyDelete
  20. Di kasi pumapatok yung edgy movies sa pinas, madalang to say the least and from a producer's POV, kung gusto lang din naman kumita, konti lang ang susugal sa kakaibang tema ng pelikula. Sad reality is, mas malakas ang hatak pag sikat ka kasi malawak ang fandom mo. Kahit gano pa kataba o kalaman ang movie na ggawin mo, kung di ka kilala, napakahiram ibenta sa masa.

    ReplyDelete
  21. I think she is pertaining to certain celebrities. But fame isn’t the only factor na tinitignan ng viewers. It’s all about marketing strategy. And for sure, movie stars earned their fame kasi magaling sila umarte which is why mas pipiliin ng viewers panoorin sila rather than risking their money of getting wasted.

    ReplyDelete
  22. It’s a sad reality for moviemakers everywhere. Pero dito naman sa atin, basta may word of mouth na maganda ang pelikula, nagiging blockbuster din naman, kumbaga eh mga sleeper hits. Just like Kita Kita and Heneral Luna among others.

    ReplyDelete
  23. Meron naging blockbuster kahit hindi superstars ang bida like Kita Kita at Heneral Luna. Factor ang ganda ng movie hindi lang artista. Meron nga sikat ang bida pero flop.

    ReplyDelete
  24. Wow ha, puyat at pagod as artista. Part ng trabaho nio yan. Parang yun mga shift work/job . Tulad ng nars, Doctor etc...wag mag reklamo ka sama yan sa work at binabayaran kayo para mapuyat at mapagod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas napansin mo pa yun kesa sa pinupunto nya? Err

      Delete
  25. Yun naman ang starting point para mabenta ang movie artista. Next yung story. Mahal ang sine so bakit ako manunuod na hindi ko sure kung maganda. Usually yung mga fans out of love you kaya nanunuod.

    ReplyDelete
  26. I disagree. Pag maganda ang material (movie/series), tatangkilikin yan. Wala kasing magagaling na writers dito na pwedeng gumawa ng magandang mainstream movie. Yung iba, binabawi na lang sa hugot lines. Kaya ang ending, yung movies lang ng big stars kumikita kasi kilala na sila in the first place at maraming fans. The producers are banking on that.

    Sa Hollywood nga, ang andaming unknowns na kina-cast as lead. Pero kumikita pa rin. Why? Kasi maganda yung material. Then saka sila sumisikat. Yung GOT, most of the cast were unknowns. Pero dahil maganda yung series (except sa last season lol), hit sa mga tao.

    So sana mag improve ang writers natin. Ibang usapan yung mga indie films or films na made to receive awards. Kahit sa Hollywood hindi rin kumikita yung mga ganung films.

    ReplyDelete
    Replies
    1. They all have to work harder than ever if they want to succeed. Sometimes I even see Filipino celebrities going crazy to the extent of promoting Koreans than our own.

      Our writers should step up their game/imagination, try to see highly acclaimed movies/series/books. Meron nag suggest dati na instead of teleserye na every night gumawa sila ng tipong series with 10 episodes me nakinig ba? It should start with TV before movies. I have seen Kita Kita and andun ang feeling na parang French movie ang pinanood ko.

      People are watching series from Netflix na di naman nila kilala ang celebrities meaning in the end it boils down to good stories and execution.

      Delete
    2. Agree ako sa sinabi mo na dapat magsimula sa TV dahil sa tutuo lang sobrang napag iwanan na ang mga series natin. Daig pa tayo ng Thailand ngayon dahil gumagawa sila ng mga series na 12 to 16 lang ang episodes at libre pang napapanuod sa youtube na may ibat ibang language na subtitle kaya sobrang dami na nilang international na fans.Samantalang dito sa Pinas grabe ang pagpromote ng Kdramas pero yung sarili nating mga teleserye hinayaan nalang nila mapagiwanan. Buti nga meron ng iWant ngayon ang ABS na mas okey ang mga kalidad at istorya ng mga series.

      Delete
    3. And thread na ito ng comments parang yung ano lang sa mga sentiments ni Erik Matti. Ang mga netizens like us magbibigay ng opinions, suggestions pero parang wala din naman silang ginagawa or gagawin. Oo mukhang tama ka 6:05AM na napagiiwanan na tayo kahit ng Thailand meron na din silang mga movies na pumapasa sa international audience. I personally like action movies meron paba tayong pantapat dun sa Indonesian na si Iko Uwais?

      Itong mga taga showbiz they blame the moviegoers and the government but not themselves. Ilang years na nila sinanay ang audience sa ginagawa nilang halos pare pareho so if they really want a change umpisahan nila and wag basta mag expect na overnight okay na ang lahat. It will take time. Makinig kasi sila sa mga suggestions ng mga taong gusto nilang himukin manood ng movies nila. Gamitin nila ang mediums available within their reach.

      Delete
    4. Speaking of Filipino writers writing mainstream stories, may Filipino author akong nabasa sa Kindle. Young adult fantasy ang genre niya. Parang I Am Number Four ang dating na may pagka Percy Jackson adventure style. As in very imaginative and original ang world-building and the characters are unique naman. Nakakakilig sobra pero hindi cheesy, as in. Although nandun yung usual fantasy tropes, nakaka amaze lang na may mga pinoy pala na nakagawa ng mga ganung klaseng novels. Yun sana ang mga sinusuportahan na nating mga Pinoy kase pang international ang dating talaga, pwede siyang gawing superhero/fantasy movie, it's called The Oranyn by Xavi Lang. At tama yung sinabi ni 1:14, kahit sinong ilagay na cast, kung maganda ang materials, papatok talaga.

      Delete
    5. 10:18 agree! Daming factors bakit napag-iiwanan tayo sa movies and TV: one is I think limitado ang galaw ng actors, writers and directors dahil uso dito yung may mga exclusive network contracts. They have little to no room for collaboration, they tend to work with the same team kaya stunted ang creativity. Isa pa, masyadong nakasentro sa advertisers and ratings ang mga galaw nila. Notice how networks hold media conventions to sell upcoming shows to advertisers, for them to place their products sa primetime slot, or how they keep on extending the show kasi mabenta, dibale nang magsuffer ang storyline. May nagmention na sana i-try dito na ilang episodes lang ang i-shoot, then sell the finished product, then make another season pag pumatok. If they do this, pati artista at crew makaka-pahinga.

      Wag isisi ang lahat sa viewers. Vicious cycle kasi yan eh: basura ang ipapakain, tapos they expect to nurture a “healthy” audience??

      Delete
  27. Gandahan kasi ang quality at story. Nakakasawa na rin yung type of romcom natin. Simula yan nung That Thing Called Tadhana, lahat na ng mga sumunod na pelikula, ganun na ang pagkagawa, pansin ko lang.
    I hope they make something fresh and out of the box. Yung magugulat naman ang mga tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I tried watching "That Thing Called Tadhana" in Netflix. Although the concept may have been refreshing at that time, it was actually tedious to try and finish the movie. There comes a point na nakakapagod na yung pagiging self-absorbed nung character ni Angelica. And the never-ending hugots? At the end of the movie, I became more sympathetic na dun sa character ni Joem Basco, lol. And you're right 1:14. Yung mga romcoms sa atin, very tiresome kasi lahat na lang ng characters nagre-revolve lang around the angst of the lead. Wala man lang silang back story sa other characters. Lahat na lang sila pinuproblema yung problema nung romantic lead. As if wala silang buhay at all.

      Delete
  28. hindi naman lahat ng indie movies maganda, katulad din ng mainstream

    ReplyDelete
  29. Hard to say, but the mass audience, patronize mediocrity.
    They only watch movies based on hype. But to actually balance Sue's argument, may that also be a challenge to the producers, script writers, directors to hone their craft and improve much more to produce quality movies na tatangkilikin ng tao.

    ReplyDelete
  30. sorry sue pero di ba isa ka din sa tumatangkilik ng international artists like kpop group? bumibili ka pa ng ticket para sa concert nila ryt? so its a matter of choice yun... di mo naman mapipilit yung isang tao na panoorin pelikula mo kung ayaw nila... i fnd u really hypocrite sa sinabi mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto yata ng mga artista gastusan sila pero yung mga tinatangkilik nman nilang gamit ay artists mga ibang lahi. Lol, ginagawa pang uto.uto ang mga tao.

      Delete
    2. Exactly! kasama sya sa mga artistang kung sambahin at ipromote ang mga kpop o kdrama tapos ngayon dahil movie nya dadrama ka sa kabataan, ayun sila baliw sa mga koreano kahit daang libo gastusin makita lang sila, swerte mo na lang sa pilipinas kung sikat ka magaling at may solid fan base para maghit ka

      Delete
    3. Kaya nga 435 hiyang hiya nman ako kung may artistang Asia's superstar kuno sa atin. Lol, di nman talaga kilala yung mga artista sa atin kasi sa kalidad na rin ng mga palabas natin. Parang di benta sa ibang lahi.

      Delete
  31. I don’t know who Sue Ramirez is. Srsly

    ReplyDelete
    Replies
    1. Whoa! Sorry daw sabi ni Sue.

      Delete
    2. Me too. But most people watched movie because they like the story, the artists and bcoz of marketing!

      Delete
  32. It depends kasi kung audiences are after the celebrity or the actor, magkaiba yun. Mostly they are after the celebrity and not the capability as an actor and the story the movie tells. In reality, recycled and not out of the box mga pinoproduce kasi alam na nila formula for box office returns. Sa totoo lang mas magaganda pinoy movies ng 70s, 80s and 90s in terms of quality, story and acting.

    ReplyDelete
  33. Oops! May point but let's view it the other way around.

    May that also be challenge to every produces, actors, script writers to hone and improve their craft by thinking outside the box. Granted that you put blood, sweat and tears to a particular craft but expect that not everyone will like it. Movie industry is a business where producers actually prefer revenues more than quality films.

    True enough but a painful fact that, not every movie is worth watching. It's not always about how big the actor is, but rather how the emotions are delivered or portrayed, how the lines are written and spoken, etc. Its how a movie tells a story.

    One moview, Uge Eugenio's Barber's Tales. Uge isn't really a big star back then until just recently. But her craft received a standing ovation and recognition internationally.

    Ewan ko sayo Sue.

    ReplyDelete
  34. Hoy kung di ka nag kontrabida sa Pangakp sa Yo, di naman kita makikilala, kapal iiyak iyak ka pa. May pa blood sweat tears ek ek ka pa, libre pa pag gawa mo? May TF ka din.

    ReplyDelete
  35. Depende din naman may sikat pero nega ang image kaya minsan talagang ayaw ng masa supportahan. Depende din sa artista

    ReplyDelete
  36. Karamihan ng tao gusto yung nakakarelate sila sa movie. Yung nasasalamin yung buhay nila. For example, the 2 to grossing films, simple lang ang premise hindi complicated, but it was well executed. It's true that it might be rehashed, but alin ba ang hindi. Lahat naman ng movies May nakakapareha, sa execution nagkakaiba.

    ReplyDelete
  37. Instead of blaming the audience, Sue and other industry people like her should point their fingers at the industry itself. I get na kulang sa budget but it's an opportunity to be more creative... but studios go for the ones na sure silang kikita and it's what gets heavily promoted. Di naman na kasalanan ng normal na tao if hindi sila mareach nung isang project kahit may quality pa yan. Hindi responsibilidad ng mamamayan yun haha! People are just here to spend their time and money on whatever they think will entertain them para mabawasan naman ang stress sa buhay-buhay. Pressure the bigger studios to take bigger risks, creatives should unionize or whatever. Pero di ko talaga matake itong mga artistang nanggiguilt trip pa ng mga taong gusto lang malibang. Ang entitled lang. It's an industry problem, not the audience's. Start offering better things on a wider scale(big productions) and people might change their thinking or stereotypes about the quality of Pinoy movies. Hindi audience ang kalaban nyo.

    ReplyDelete
  38. Mejo nag cringe yata kay Sue yung director na katabi nya. He had to put the thought into perspective for her.

    ReplyDelete
  39. Sa pilipinas kasi ang Tao palaging manonood ng sikat. Ganyan kahit noon. Nora Vilma Sharon maricel Claudine juday Bea angel kathryn... At one point nung sila ang pinakasikat sila ang pinanood kesehodang mababaw Yung ibang (hindi lahat ha) mga films Nila kasi sa mainstream palaging ganyan.

    ReplyDelete
  40. I feel her, nakakafrustrate and depressed nga naman na kahit anong try ng mga underdogs yon mga top dogs pa rin yon nabibigyan ng mga project at sinusuportahan ng masa. Ngayon kasi loyalty ng mga tao ang magdadala sayo sa blockbuster at fame. Kung malaki ang fanbase susuportahan ka nila, gagastos sila kahit so-so lang yon movie basta nandon idol nila.

    Yon Kita kita movie nagstruggle sa umpisa. Both leads were underdogs, walang fanbase, ni hindi nga sila nakapromote ng maayos. By word of mouth lang kaya nacurious ang mga tao sa movie, swerte na pumatok sa casual viewers kasi maganda naman talaga yon overall execution ng movie from cinematography, musical score, acting kahit simple lang yon story.

    ReplyDelete
  41. ang hypocrite ni sue jusko

    ReplyDelete
  42. Most movie goers watching pinas movies are younger women and they only watch the usual love this-love that nonsense movies. It’s too funny and sad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh. I'm sorry that your taste is far too refined compared to the majority of people. Maybe you should join in with your so called high society people who have so called high society taste in movies and just intermingle amongst yourselves. Unless you're paying for it... you have no right to judge people and the movies they like.

      Delete
    2. You are right. They seem to like really bad movies. It’s embarassing.

      Delete
  43. Pinas used to make good movies by directors like Brocka and Bernal. The local movies now are just awful garbash. Waste of time and money, especially because there are so many really good foreign movies on streaming services.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true. I’ve watched some of their old movies and they are really good.

      Delete
  44. Ang bawbaw kasi karamihan sa pinas. Nakakahiya lang talaga.

    ReplyDelete
  45. Stop blaming the audience kung flop ang mga movies mo. Our money, our rules. Don’t force us to watch or like your movies kung ayaw naman namin. Kami pa rin magdedecide san namin gagastusin ang pinaghirapan naming pera.

    ReplyDelete
  46. Wow, blame it on the kids? May kanya kanya tayong taste, you can’t force simeone to like a certain film kung di naman nya feel yun. Hindi lahat ng tao pare pareho.

    ReplyDelete
  47. I have watched your movie na allergic sa wifi and hindi naman sya maganda. Maybe next time, gumawa naman kayo ng magandang film para mag hit. Stop audience blaming. Bakit nyo kami pipilitin manood ng ayaw namin.

    ReplyDelete
  48. Unfair for you kasi movie mo ang di nila pinanood? Eh pera naman nila yun? People want to be entertained, kung tingin nila maeentertain sila sa movie na gusto nila panoorin, why blame them?

    ReplyDelete
  49. May pattern na rin yan na hindi tinatangkilik ng audience angvmga pelikula ni Sue.Lahat halos ng movies niya,walang kumita.Sa true tayo.Baka nega kasi ang dating sa tao kaya waley appeal.

    ReplyDelete
  50. Hindi ko bet na nagpapa guilt trip si Sue porke iba ang popular taste sa movie nya. Pwede ba, walang pumilit sa kanya na gawin ang movie na yan, ginusto nya yan tapos aangal dahil walang nanood.

    ReplyDelete
  51. You worked hard for the movie. Kudos. Awesome for you. But, my money, my time, my choice. If I want to watch a movie because of a famous celebrity, it's my choice. We live in a free society and the choice to watch whatever we want, no matter how trashy it may be for you or how shallow my reason for watching it is.

    ReplyDelete
  52. I agree sa mga comments dito na... Hindi naman sa lahat Ng pagkakataon Yung big stars ang nagpapablockbuster sa isang movie...kahit sabihin natin na majority Ng pinoy Yun sikat ang sinususuportahan, pag ang isang movie ay may quality,maganda ACTING and storyline...pumapatok pa din through word of mouth like Kita Kita, general Luna....wag Naman sisihin at maliitin Ng sobra ang mga moviegoers,sa Mahal Ng sine ngayon... talagang Yun dekalidad na movie or Yung IDOL na artista Lang nila ang paglalaanan nila Ng Pera...

    Ang producers kase gusto sure money palagi Kaya kahit ligwak and rehash ang storyline basta sikat ang Bida...go na...masabay tuloy Tayo sa ganun na kalakaran.

    ReplyDelete
  53. Sows! 99% ng indie movies depressing! Bakit naman magbabayad ang mga tao para lamang ma depress! Ang gusto ng tao yung maganda kuwento at entertaining. Umiyak ka man magiging masaya ka pa rin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. true.. palagi nalang may mamamatya sa huli para sabihing maganda... ung movie nya na allergic sa wifi. may namatay din. at hindi nmn din sya magaling umarte...

      Delete
  54. Ang mahal na rin kasi ng price ng movie ticket eh kaya ayaw gumastos ng iba esp kung di sila sure kung magugustuhan nila yun movie or not. May iba nga wala na tiwala sa pinoy movies, they rather wait na lang na ipalabas sa cable kaysa manood sa big screen kahit pa sikat na sikat yun casts pano pa kaya yung mga starlets pa lang.

    ReplyDelete
  55. pera namin un karapatan namin kung anung pipiliin nmn movie, hnd kami nag cha2rity pag manunuod para kumita lang kau!!anu un manunuod kmi kahit hnd nmn gusto ung concept ng movie?

    ReplyDelete
  56. Bakit sya Reklamo? Pano papanoorin movie nya ng young audience eh parang soft porn maryosep

    ReplyDelete
  57. Bakit yung kita kita naging blockbuster. Pag maganda story Hindi kailangan big stars.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi din kase I went to see Kwaresma it’s one with Sharon and Arcilla maganda solid ang story pati twist, hindi blockbuster. Walang promo masyado. Sayang. Hindi lahat, swerte, swerte lang tlga.

      Delete
  58. Am sorry I don't agree. Filipino moviegoers now are smarter and can discern the good movies with or without big stars, from the bad ones. Kita kita is an example.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:56 kita kita the exception. This is the only movie you can claim to support your argument because in reality kita kita was fluke opposite to big production movies.

      Delete
  59. The problem is the loveteam culture. You cannot make it big in Philippine showbiz without first starting off from a successful loveteam. Just look back at all the famous actors then and now (Vilma, Nora, Sharon, Judy Ann, Claudine, Bea, JLC, Piolo, Angel, Kathniel and Lizquen), everyone has started from a loveteam. Filipinos are in love with the idea of love, that kilig feeling, thus why lt movies do so well and will always continue to do so. Quality films will never take precedent over lt/kilig movies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree 12:25pm. started sa love team tapos unti unti silang ipaparehas na sa iba doon mo makikita kung sino aangat sa kani kanilang mga career. But kay Sue wala siyang charm at dating sa tao

      Delete
  60. it depends on the movie & let’s face it mahal ang sine & it’s their money so wala kang K para sabihan saan gagastusin & sino panonoorin.

    ReplyDelete
  61. Sa kalakaran ngayon majority ng fanbase ay nagpapamultiple blockscreenings hangan mareach nila yon quota at para mamaintain ang blockbuster status ng idol nila. May mga bigatin sponsors din sila na tumutulong sa expenses minsan galing pa nga sa network and management or sariling pocket ng artista. Mga casual viewers manonood lang yan ng 1-2 max, ang tanga naman ng moviegoers kung panoorin ng 10x yon movie, ano yon napakasimpleng movie di nila maget. Kaya fanbase ang bumubuhay sa movie industry ngayon, kung wala kang malaking fanclub, hindi kikita movie mo. 300m lang ata gross ng kita kita movie at dahil sa casual viewers yon ah, so let's say kung si kath and dj ang bumida, madadagdagan yon ng another 500m. So ang laki ng difference pagmay solid kang fanbase na susuportahan ka sa kahit anong project kahit pangit at corny pa yon movie.

    ReplyDelete
  62. Well girl, hindi ka kasi charming and likeable and the image you project is pasexy and pacool pa. Marami ka pa kakaining bigas. You are lucky to be given projects, work hard on your craft. Someday it will pay off.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek may bad attitude si Sue di siya likeable.

      Delete
  63. Sa mahal ng sine ngayon at taas ng bilihin of couse we will prioritize Basic needs and schooling for kids. We have to choose the movies we watch now. Movies are now a LUXURY

    ReplyDelete
  64. May mga Indie Films din naman na kumikita kahit di love team. Medyo Nega din kasi dating mo.

    ReplyDelete
  65. Di kasi sulit, Sayang lang

    ReplyDelete
  66. May attitude kasi si sue kaya walang supporters

    ReplyDelete
  67. Grabe naman mga basher dito. I find Sue's comments valid since naexperience nya yun. Kaya nga minumulat mga tao gusto nyo lagi iaccept everything

    ReplyDelete
  68. i really dont like you thats why i will not watch your movie...

    what if "sikat" kana.. edi maiirita ka na sa sarili mo nun kasi ung movie mo nalang tinatangkilik ng mga bata????

    ReplyDelete
  69. Meron namang kumikita kahit walang big stars. Kita kita is an example. Pag maganda ang movie, malakas ang word of mouth then xmpre madami macurious na manood sa sinehan. Pero kung so-so lang yung movie, expect na di rin kikita.

    ReplyDelete
  70. Hindi lang dahil sa big stars kaya kumikita ang movie. Kasama dun yung magandang story, word of mouth, tapos pag ineffortan din yung marketing.

    ReplyDelete
  71. Magaling kang actress Sue. Just hang in there and you’ll do well

    ReplyDelete
  72. Nako sue tagal muna sa showboz ako sayo magiba kana lang ng career. Magaral kana lang ulit

    ReplyDelete
  73. Parang ang bitter bitter naman ni sue. Of course, manunuod ang tao ng gusto nilang artista. Kahit maganda ang kwento if di ko like yung bida, Ill never spend money on it. Bakit? I pay to be entertained. It is my koney and I get to decide who I spend it on.

    ReplyDelete
  74. Hay naku, I think they only make movies in pinas for the fantards. And they are all the same bad, cheap, shallow and repetitive nonsense movies.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...