Sunday, September 22, 2019

Repost: Camp of JM de Guzman Responds to Charges of Frustrated Murder

Image courtesy of Instagram: 1migueldeguzman


Naglabas ang kampo ni Kapamilya star JM De Guzman ng statement tungkol sa diumano pagsampa ng isang Pitt Norman Zafra ng complaint na “Frustrated Murder” laban sa aktor at sa isa pang indibidwal. Sinampa ang naturang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Ayon sa statement, nauna na noong nagsampa ng reklamong “Physical Injuries” si Mr. Zafra laban sa aktor at sa kasamahan diumano nito. Iniatras na rin daw ng parehong complainant ang reklamong “Physical Injuries” noong August 8, 2019.

Ikinagulat diumano ng aktor ang pagsampa ng mas seryosong reklamo ni Mr. Zafra laban sa kanya, na base lang sa parehong “factual circumstances” at reklamong iniatras na niya last month.

Ganunpaman, mas makabubuti daw na ang pagdinig at imbestigasyon ng reklamo ay gawin sa proper venue at hindi sa media.   

Dahil rin sa nag-file na ng panibagong complaint si Mr. Zafra, hindi raw fair para sa aktor na ma-preempt ang proceedings dahil na rin sa pagkakalat ng negative publicity ng kampo nila Mr. Zafra laban sa aktor. Hindi pa rin daw nakakapag-conduct ng preliminary investigation ang Investigating Prosecutor ng Quezon City.

Confident diumano ang kampo ng aktor na merong sapat na evidence (testimonial at electronic) si JM na magpapatunay na inosente siya sa mga charges ni Mr. Zafra laban sa kanya.

Lumabas kahapon September 20 ang article sa Abante Tonite kung saan dinetalye ang diumanong pambubugbog na ginawa ni JM at ng MMA fighter at fitness coach na si George Castro sa kanya.

Ayon sa article, nagsimula ang lahat nang magpa-picture si Mr. Zafra at ang “wife” nito kay JM.

Narito ang statement ng actor mula sa kanyang management Starmagic:

Image courtesy of www.push.abs-cbn.com

40 comments:

  1. Hindi ba papasok sa jeopardy kapag ganyan nagsampa ulit ng ibang kaso and same evidence lang ang gamit? Pls enlighten me mga ka-FP. Thanks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. double jeopardy kapag naconvict ka sa isang crime tapos kakasuhan ka ulit ng parehong crime

      Delete
    2. 12:24 wala pang double jeopardy if na sa preliminary investigation stage pa ang complaint. So baka hindi pa umabot sa korte yung physical injuries.

      Delete
  2. Ano ba to si JM, lagi na lang may trouble na kinasasangkutan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong trouble??? Katagal na niyan at binalik ng other party..basahin mo nga para maintindihan mo bago mag comment.

      Delete
    2. Kaya nga. Old habits die hard. Kung trouble maker ka, trouble maker ka. Period

      Delete
    3. 1:59 tsk tsk. Itinaga mo na talaga sa bato.

      Delete
    4. @1:59 alam mo ba ang totoong nangyari? bakit ka nag conclude kaagad? kaya nga may counter affidavit yung camp ni jm dahil he is being judged unfairly.

      Delete
    5. Grabe maka-condemn si 1:59

      Delete
    6. Galit na galit ka naman 1:43. Tard ka? Hahaha

      Delete
  3. bakit ba kung kelan me career na ulit sya laging me issue?

    ReplyDelete
    Replies
    1. What amazes me most is he can always do a comeback

      Delete
    2. Naku sana wag na syang pabalikin. He never learns.

      Delete
    3. Kasi magaling naman sya. Pero baka last nya na to. Sobrang dami nang chances. Plus abs has RK now. Nawawala na din naman Ang fans ni jm dahil sa controversies nya.

      Delete
    4. Anong controversies nya?? Wala naman ah, except this one..baka you mean yung mga drama sa nega at assuming starlet with nega fans na until now binabash pa rin si jm..

      Delete
  4. takaw controversya itong si jm

    ReplyDelete
  5. Ang gwapo ni JM! Parang Rafael Rossell-Joshua Garcia mixed.

    ReplyDelete
  6. Frustrated murder??!! E suntok at sipa lang yung inabot nung lalake, slight physical injuries, tapos ngayon frustrated murder ang demanda??

    ReplyDelete
  7. Naku po, from pa pocture to suntukan,

    ReplyDelete
  8. From physical injuries to frustrated murder. Iba rin si Mr. Zafra magpapansin eh tumahimik na nung physical injury ang ikinaso nya tapos naisipan nya ulit magdemanda. Sinasabotahe ang career ni JM.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka gustong mag artista si Mr zafra.

      Delete
  9. This doesn't look true. Not a fan pero there's something fishy about the complainant.

    ReplyDelete
  10. Klarong klaro na demolition job ang ginagawa ng nagsampa ng reklamo. Sana naman wag ijudge si jm based sa past nya, he's trying his best para magbago din naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's a demolition job..a very judgemental society that a person has no chance of changing for the better.

      Delete
  11. so totoo nga ung bugbugan may naganap tlg, todo deny p cla anu b 2ng c jm cia din ang gumagawa ng sarili niang problema kung kelan may nangyayari s career nia

    ReplyDelete
    Replies
    1. May evidence sila ni JM na nakuha sa cctv kaya may counter ang camp ni JM...buti na rin para the complainant will get his own dose of medicine..kawawa yung tao, pilit magbago ngunit minamasama pa rin.

      Delete
    2. Basahin mo nga nang maigi bago mag comment..kaya nga may counter sila kasi hindi totoo.

      Delete
  12. Pag may skills ka sa martial arts, takaw-away ka. Madaling mag-init ang ulo at mabilis rumesbak.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di naman. Bawal ngang makipag away, baka tanggalin ka sa club or sports association.

      Delete
    2. I don't think so. You're trained to have self control at may mga rules silang i follow.

      Delete
  13. Ang gwapo nya s pic.

    ReplyDelete
  14. Baka naman private time na ni jm nang gulo pa yang si zafra.

    ReplyDelete
  15. Go JM! File na ng counter affidavit ng mapahiya mga bashets mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree..ang daming bashers nya..kawawa naman..nagtratrabaho lang naman yung tao, binabash lang sa mga bashers at nega.

      Delete
  16. Ewan ko ba simula ng napalayo sa mga barkada nila Angge parang mas napatrouble. Mukhang good influence naman sila ANGGE

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo. Sila ang tumanggap ni JM nung kakalabas lang nya but pinabintangan pa na bad influence..ngayong sikat na si jm kung sino sino nalang ang gustong makipag ibigan but during that time na walang Wala siya, no show sila.

      Delete
  17. JM has to learn to choose his friends or the company he keeps. Nagiging magnet siya ng controversies. Sayang kasi magaling siya na actor.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...