Smart Ads

Sunday, March 18, 2012

GMA Network's Response to PFF Statement About Arnold Clavio

Image courtesy of www.gmanetwork.com


Below is the official response from GMA Network to the statement of the Philippine Football Federation about Arnold Clavio:


Kamakailan, inireklamo ng sexual harassment ang dalawang miyembro ng Philippine Azkals ni dating Philippine Olympic Committee President Cristy Ramos, anak ni dating Pangulong Ramos.

Nitong Martes, napag-usapan po sa Unang Hirit ang sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban sa dalawang miyembro ng Azkals kung saan nagbigay ang ilang hosts ng kani-kanilang opinyon.

Kahapon, nakatanggap ang GMA Network ng liham mula sa Philippine Football Federation o PFF kung saan inireklamo ang mga komentaryo nina Arnold Clavio at Rhea Santos sa kanilang programa.

Nais po linawin ng GMA Network na ang mga inirereklamong pahayag ay hindi bahagi ng aming news reporting kung saan tanging mga statement of facts ang ibinabalita at kung saan walang puwang ang pagbibigay ng opinyon ng mga host. Ang mga inireklamong pahayag ay unscripted discussion ng Unang Hirit hosts sa commentary segment ng programa kung saan sila ay nagpalitan ng opinyon at nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa naturang issue.

Nalulungkot po ang GMA Network na iba ang naging intindi ng Philippine Football Federation sa mga sinabi ni Arnold. Ang pinapatungkulan ni Arnold ay hindi kung Filipino citizen o kung may lahing Pilipino ang mga Azkals kundi kung naisapuso at naisaisip ba nila ang kulturang Pinoy.

Ang issue na tinalakay sa Unang Hirit ay sexual harassment—isang mahalagang issue kung saan matindi ang paninindigan ng mga host. Meron pong karapatan sina Arnold, Rhea at iba pang host na ihayag ang kanilang opinyon, isang karapatang pinoprotektahan ng ating Saligang Batas. Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon—basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas.

Sa liham ng Philippine Football Federation, sinabi nilang racist, discriminatory, libelous at malicious ang mga pahayag nina Arnold Clavio at Rhea Santos. Pero ang GMA Network po, walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea.

Source: GMA Network
Image courtesy of www.gmanetwork.com

Official statement of Arnold Clavio on the Azkals issue:

GMA News anchor Arnold Clavio responds to criticisms about the recent remarks he made about the sexual harassment case currently faced by some members of the Philippine Azkals:

Mga igan, nakakalungkot na may negatibong reaksyon ang naging pahayag ko tungkol sa Philippine Azkals kaugnay ng sexual harassment complaint ni Ms. Cristy Ramos. Wala po akong ganoong intensyon. Ang isyu po rito ay sexual harassment at kung may nagamit man po akong mga salita na hindi angkop, nagpapakumbaba po ako at humihingi ng pang-unawa. Dun naman po sa mga kasama kong nanindigan laban sa sexual harassment, maraming salamat po. Seryoso pong isyu ito na dapat bantayan.

-Arnold Clavio 

Source:  GMA Network

101 comments:

  1. Whatever happened to the sexual harassment case of the stray dogs? Too much hype on these stray dogs and they deserve to be put to their proper perspective.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa review pa ng PFF/AFC. Natatagalan dahil nasa Nepal pa yung team.

      Delete
  2. nakakaloka wala daw nakitang racist, malicious etc. nag bubula-bulagan lang ata ang GMA Network.
    Galing mag palusot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapuso ako kaso nadismaya ako sa ginawa nila. nagmataas ihi pa. lam mo di ako fan ng azkals pero clearly may mga mali sa mga sinabi ni clavio. below the belt. sa mga taong in denila na he said nothing wrong, lam kong may naramdaman kayo at some point na parang may mali pero galit lang kayo sa azkals kaya nagbubulag bulgan kayo. unscripted? all the more they have to sanction para maging mainggat mga news reporter nila sa pagbibigay ng opinyon.

      fyi di lang po kahit anong opinyon. opinyon sana na objective dahil news reporter sila. yun mga nagdedefend dyan na "opinyon nya yun eh". eto kasi yun. si clavio ay hindi lang isang pribadong tao. kung pribado sya, murahin pa nya azkals people wouldn't give a fart. infront of the camera he's a public figure. he gave his opinion infront of the camera. he gave his opinion as a broadcaster whose opinions should be objective and not based on personal biases. so sana magets ng mga taong defend ng defend dyan ng "eh opinyon nya yun." Ang mga opinyon po kasi sana ay nilulugar. now if he had made his remarks off-cam eh di walang isyu kasi that time he's not clavio the broadcaster but clavio as a private citizen.

      gma kala ko ba walang kinikilingan? you just ruined your reputation and credibility. i hope clavio's worth all this.

      Delete
    2. To Anon 10:54PM

      Exactly my same sentiments. And to think he's considered as one of the pillars of gma's news and public affairs. Yes, we're all entitled to our own opinion, but he could've reined it in a bit, and tried to be objective about his comments.

      Delete
    3. tama anon 10:54pm

      Delete
  3. Sexual harrasment cases can happen anywhere and to anyone, being a Filipino and knowing the culture by heart does not guarantee that you will not become an offender.

    I am not a fan of the AZKALS, I don't even watch their games, and if what the two members did to Cristy Ramos was true, I too would like to see them punished. But Mr. Clavio's harsh remarks about the players not being real Filipinos and doesn't have the heart of one was completely uncalled for. He even ranted about the players' looks and attitude that they feel they're God's gift to women WTF?!? Who gave Mr. Clavio the autority to lambast these 'boys' on national television? What drove him to think that he can publicly humiliate the AZCALS and get away with it?

    In my opinion Mr. Arnold Clavio should be made accountable for his actions the same way the AZCALS would if they're proven guilty. END OF RANT

    Andromeda72

    ReplyDelete
    Replies
    1. He even ranted about the players' looks and attitude that they feel they're God's gift to women WTF?!

      -- kaya nga merng sexual harassment case di ba? anong walang sense doon?

      Delete
    2. Kaya nga ang question after is "Who gave Mr. Clavio the authority to lambast these 'boys' on national television?"

      The AZCALS are INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY, yung comments ba nya had anything to do with the sexual harassment case? i.e. "ang yayabang nyo kasi", "Ampopogi nyo eh noh, ...", "eh hindi naman mga pilipino kasi yan.." "nagpapanggap lang naman kayo na kayumanggi" These statements were uttered in a matter-of-fact manner, which is completely unfair to the other players that we're not even there. This is what you call TRIAL BY PUBLICITY and CHARACTER ASSASSINATION. Again, The AZCALS are INNOCENT UNTIL PROVEN GUILTY, Once they're proven guilty, THEN and ONLY THEN can Mr. Clavio really say what he wants to tell them in the manner that he did. gets mo na AnonymousMar 18, 2012 09:17 AM?

      Delete
    3. AnonymousMar 18, 2012 09:17 AM obviously hindi mo naintindihan.

      "In my opinion Mr. Arnold Clavio should be made accountable for his actions the same way the AZCALS would if they're proven guilty. "

      Delete
    4. the thing is kung ang mga local politicians e ginaganyan ganyan on TV (ni-lalambast in your words), wala kayong pakealam pero itong kinalolokohan nyong grupo ang ginanyan makareact kayo. sino ang bias ngayon?

      Delete
    5. kaya nga nag-public apology si igan. anyway, these was said during the COMMENTARY segment of the show - so he said his piece like what other journalists do, give their unsolicited opinion (eg. Tulfo brothers)...

      Delete
    6. yes this is character assassination and trial by publicity. clavio has no right to lambast them on tv lalo na wala pang napapatunayang may sala sa pagiinarte ni christy ramos.

      tsaka agree ako sa isa nilang kasama dun sa show who said "wag naman natin sila lahatin." kasi nga naman 2 lang kinasuhan diba? pero clavio made sweeping statements about the WHOLE team. kaso nung pinoint out eto kay clavio, he shut her up by saying na masasabi nyang lahat yun eh kasabwat kasi lahat sila nagtatawanan. obvious talaga may personal galit si clavio sa azkals. bakit kaya?

      Delete
    7. AnonymousMar 18, 2012 09:27 PM

      HINDI MO DIN MAINTINDIHAN HAHAHAHA

      "In my opinion Mr. Arnold Clavio should be made accountable for his actions the same way the AZCALS would if they're proven guilty. "

      and pano mo naman alam na hindi nagrereact ang mga fans ng AZKALS sa mga tiwaling OPISYAL NG GOBYERNO? PSYCHIC ang peg mo teh?

      Delete
  4. Exactamente! Napanood ko ang segment na yon at talagang casual lang ang pag-uusap ng mga hosts. Hindi ito news segment kundi portion ng Unang Hirit kung saan nagpapalitan ng kuru-kuro ang mga hosts. So, sa akin, walang masama doon sa opinyon ni Arnold. At talaga namang tama siya.

    Para ring segment ng Umagang Kay Ganda kung saan nagpapalitan sila ng opinyon at pati na rin yung portion na nagbibigay ng opinyon si Anthony Taberna.

    Tigilan na ang pagkahumaling sa mga taong may "konting" dugong Pinoy na hindi pwedeng sumikat sa bansa nila at dito umaastang importante sila.

    Di bale nang walang football teams na lumalaban sa ibang bansa kung puro kabastusan lang ipapakita ng mga players na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Koreknez dahlin'..

      Delete
    2. ah talaga casual lang? pagkakaalam ko kasi ang unang hirit eh parte ng news program ng gma. mali pala ako. entertainment show pala eto noh? parang eat bulaga lang o showbiz central. tama yan wag na isanction si clavio. tutal nung sinabi nya yun eh casual lang noh? hindi naman sya nagbitaw ng kuro kuro as a broadcaster? pagsabihan pala natin si clavio na wag na mag suit and tie kasi entertainment show lang naman eh. di naman news.

      Delete
    3. AnonymousMar 18, 2012 12:38 AM
      "Di bale nang walang football teams na lumalaban sa ibang bansa kung puro kabastusan lang ipapakita ng mga players na yan."

      Strongly agree.

      Delete
    4. i agree!natamaan cguro sila kaya mega react sa nasabai mi igan..:)

      Delete
  5. Mr.Clavio, shame on you. And I thought that being a veteran reporter and media figure, you would have at least been more careful. Do you not realize that you have already prejudged the AZKALS by the very words you uttered. nandoon ka ba noong nangyari ang claim ni Ms. Cristy? Just because she filed a complain does that make her innocent and agrieved. Kahiya hiya ka. Nawala ang respeto at pag hanga ko sa iyo. Of all people, ikaw pa na senior na sa field mo. BE VERY CAUTIOUS WITH WHAT YOU SAY BECAUSE PEOPLE LOOK UP TO YOU AD TEND TO BELIEVE WHAT YOU SAY...YOU AREN'T ALWAYS RIGHT.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ateng, bago tuluyang mawala ang respeto at pag-hanga mo kay Mr. Clavio, mag-basa maige ng local current events, okay?

      Delete
    2. Isa sa azkals team member tong nagcomment na to. Haha

      Delete
    3. kung maka-emote itong si teh, kala mo girlfriend ni phil. hahaha...maka-peg kay angel?

      Delete
    4. like you girl, entitled sya sa opinion nya. OPINION lang. and besides, ano bang maganda sa azkals? kung wala don yung mga halfbreeds magiging fan ka ba? hindi di ba? admit it. butthurt fan girl ka lang

      Delete
  6. bilib ako sayo IGAN!

    Joyce

    ReplyDelete
  7. That's freedom of expression!!! Mr. Clavio is just citing his opinion.

    Well then, the truth hurts, so don't complain Azkals fans!

    ReplyDelete
    Replies
    1. freedom comes with a responsibility. hindi porke you're free to say anything eh pwede ka ng umapak ng pagkatao. that is abuse of freedom. ang pinupunto lang naman ng mga tao dito eh hintayin ang hatol ng kaso bago magbitaw ng maaanghang na salita. tsaka pwede ba wala sa lahi ang paggwa ng krimen. kahit pinoy naman gumagawa ng sexual harassment. si clavio nga nagtake advantage kay sarah balabagan. so pwede ko ring sabihin dko sya kakultura if we go by your logic? o di mo ako pwede hatulan kasi freedom of expression. ano pakiramdam mo? unfair noh? kaso ala ka magawa kasi panangga ko eh freedom of expression. kita mo na flaw sa logic mo?

      Delete
  8. bago magreact....panoorin niyo ang segment wag lang basahin. iba ang binabasa lang sa pinapanood/pinapakinggan ang sinabi!

    ReplyDelete
  9. syempre pagtatanggol ng GMA yan, kasi pag tinggal nila si clavio sino ipapalit nila? they are runing out of talents remember? yung ibang show s nga nila puro recycled artists at mga trying hards

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek! Tinatakbuhan sila ng mga talents nila. Malay natin, baka mga advertisers sumunod na!

      Delete
  10. sexual harrasment nga yung case pero di ba malinaw naman sabi ni cristy na wala namang advancement or physical na nangyari kundi verbal lang which she may have misconstrued na sya yung pinapatungkulan. Sya lang ba ang may ganong description or ganon ba kaya ang physical description nya in the first place, more so, shame on people who would not acknowledge those born Filipino in other parts of the world, they di not choose to be born there but they chose to do something for the country.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron bang Azkal na nagsusuot ng B cup? Aber? There are different forms of sexual harassment. It can be verbal or physical. Mag-research a muna teh.

      Delete
    2. Nagmamarunong, parang isang siyang surot na witness sa loob ng locker room. Basahin ulit ang storya nung mga boys, siguro wala ka lang kasi sense of humor kaya di mo ma get. Pakibasa na rin ang definition ng sexual harassment, lalo na yung parte tungkol sa dynamics nung harasser at saka harassee. Tignan mo kung si Cristy talaga yun. Hala dali, ang dami mong homework.

      Delete
  11. mabuti yan sa mga azkals. dati fan na fan nila ko, simula nung puro papogi nalang sila at sumabit sa kung ano anong controversies nakakawalangm amor na sila.

    ReplyDelete
  12. very unbecoming ka din sa mga pinagsasabi mo turn off

    ReplyDelete
  13. mahiya ka igan. anong ginawa mo kay sara balabagan?

    ReplyDelete
  14. i support you igan! what you said was true naman... Azkals are just diverting the attention to Igan para matabunan yung issue kay Cristy Ramos..at sila and paboran ng mga tao..

    there's nothing wrong naman with his comments. just telling the truth lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. then i'll tell you the truth rin na yang sinusuportahan mo eh bastos rin at isang hypocrite. remember yung binuntis nya si sarah balabagan tapos after nun eh tinakasan nya? pambabastos rin yun ng pagkababae pero kapal nya magpangaral kala mo naman sya eh malinis. just telling the truth lang...

      Delete
  15. Dear Arnold, porque naiinis ka sa mga taong hindi man lang pa nahuhusgahan na guilty, hindi nun ibig sabihin na pwede mo silang pagbintangan na hindi totoong Filipino dahil sila purong kayumanggi.

    Naghahanap ka lang ng kakampi kaya mo linulunod dun sa sexual harassment complaint yung ginawa mong racist na paginsulto sa mga miyembro na Philippine national team at sa lahat ng Filipino na hindi mo kakulay.

    Kung ayaw mong mag-apologize sa national team, mag-apologize ka man lang sa mga Fil-Chinese, Fil-Spanish at Fil-American, at sa mga OFW na meroong mga anak na may-halong ibang race. Hindi man kami kasing kayumanggi mo, Filipino kami at heart and by choice.

    ReplyDelete
    Replies
    1. *dahil HINDI sila purong kayumanggi*

      Delete
    2. di mo ba pansin may demolition job ang gma sa azkals? naalala ko nung nicole issue. puros news segment about her. ginuest pa sa showbiz central (kung san nagmukhang tanga si nicole kasi di nya masagot ng yes or no ang simpleng tanong kung nirape nga ba sya). sa isa ring parang wish-ko-lang type na show eh fineature rin si nicole at kung gano kaawa awa ang buhay nya. gaining sympathy from viewers to hate the team? obvious na demolition job. kaya wag ka na umasa magaapologize pa ang gma. this is exactly what they want to happen - na masira ng tuluyan ang image ng azkals sa mga tao. way to go gma! how very mature of you porke di nyo nakuha ang rights sa azkals.

      - sincerely yours, former kapuso fan

      Delete
    3. Totoo yan. Ibang klase ang pagka bitter nila dahil hindi nila nakakapagperahan yung team. Eh kasalanan rin naman nila, kung naniwala sila at sumoporta sa mga Azkals bago pa sila naging popular, eh di sana kasama sila sa financial reward.

      Delete
  16. Ok GMA, sana lang maalala niyo yan pag-nasilipatan na ang natitira ninyong mga advertisers sa ABS at sa 5. Matagal naman na kayong naghahabol ng ratings, ngayon siguro dapat pera na rin. Halos lahat ng top 50 na kompanya sa Pinas ay pag-aari ng mga Filipino na may-halong Chinese o Espanyol. Siguro ngayon hindi pa sila manghihila ng advertising dahil mainit pa ang issue, pero dadating at dadating din ang araw na maalala nila na umayuda kayo sa racist na nagsabi na ang mga katulad ay "nagpapanggap lang" na Filipino.

    ReplyDelete
  17. let's not forget that the central issue here is the sexual harassment of ms. ramos.. maybe it was arnold clavio's frustration on the azkals lack of respect for women that led him to say these things,,, unfortunately some sensitive souls deemed it to be racist or malicious...honestly, I don't have problems with his statement, it's just taken out of context by overzealous fans, ano ba babae kaya binastos nila..harapin ng azkals ito kung wala silang kasalanan at hindi puro pa press release..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano haharapin, they are overseas competing for our country? Will see once they are back.

      Delete
  18. Para naman kasi na ng uusap lng sila sa tindahan ni aling nena! Haha.. d nila iniisip na maging responsible sa sibasabi nla, ipagpalagay na nga natin na tungkol Ito sa sexual harassment case nong 2 players eh ano naman po kinalaman dun sa statement ni rea santos na ung mga fans na babae halos itapon na nla ung sarili nla sa mga players ng azkals, d ba nakaka offend naman nun! Pinapalabas pa ni clavio na alam nya ung mga sexcapades at gumagamit pa raw ng penicillin, sa pinagsasabi nla sa national television parang mas Bastos pa sila kaysa ginawa ng 2 players eh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Tapos morning show pa sya.

      Delete
  19. Asus nakarinig lang kayo ng kulay, racist na. Sabihin nyo, di nyo matanggap na may pumuna sa idols nyo. Walang malisya sa sinabi nya na hindi Pilipino at kayumanggi. Kung sinabihan nya na mga hilaw, mestizong bangus, fil-shams, oportunistang banyaga yang mga idols nyo, eh dyan kayo magwala. Juice me! Mas matitindi pa ang pang-iinsulto nyo kay Arnold. Kayo ang dapat ireklamo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti sana kung azkals player lang matatamaan sa sinabi nya?????
      baka nakakalimutan mo marami sa kababayan natin ang mga half-blooded ayaw man nila ng ganon pero wala silang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na may lahi silang pinoy kahit sa kakarampot na dugong nanalaytay sa ugat nila.

      Delete
    2. AnonymousMar 18, 2012 08:35 AM

      I'm not a fan. But you obviously DO NOT UNDERSTAND the word RACIST. How sad.

      Delete
    3. Defensive ka pa na di ka fan. IKAW ang hindi nakakaintindi.

      Delete
  20. 2 azkal guys are wrong. Arnold is wrong too.

    ReplyDelete
  21. The 2 Azkals are not pinoy. They're brits for crying out loud. Same problem encountered by PBA wen invaded by americans. We tried to regularize their citizenship in line with the hype. The issue is sexual harrassment and let's route back to where it started. If I were Cristy, ill answer back by commenting that the 2 are Brits, for sure dick size is 3.5 inches max, uncut and full of smegma. >:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're so dumb. The 2 Azkals in question are Chinese-American-Filipino and Spanish-Filipino. Why don't you read before you make a know-it-all comment?

      Delete
    2. Hahaha like this post

      Delete
    3. Hahahahah parang ang laki ng Pinoy no?

      Delete
    4. the 2 accused azkals are american/spanish, not brits. :)

      Delete
  22. ang issue d2 eh ung sa sexual harassment db???eh bakit kaylangan pa banggitin ni arnold ung tungkol sa pagiging dugong pilipino nila.porke may ganitong case hndi na sila pinoy,pano ung blood na dumadaloy sa ugat nila bilang pinoy mababalewala na lang bec. of this case?t dahil hindi sila pure pinoy kaya mbastos sila?pano ung mga anak ng OFW sa ibang race, bastos din ba silang matatawag?kasalanan ba nilang maging half-blooded?maraming na ooffend sa cinabi ni arn?dapat kase na focus lang sya sa topic, hndi na dapat sya nag dagdag pa.lalo lang sumama eh.wala akong care sa issue ng azkals at hndi rin ako fan nila.ang sakin lang, hndi lang half-blooded ang naka pag commit ng sexual harassment,aminin natin na mas marami ang ganitong case sa mga pure pinoy.c arn may nagawa din sya sa past nya.pure pinoy xa diba?so sana hndi na lang nya binanggit yung tungkol sa citizenship ng mga taong ito.at sa GMA 7 nmn, sana tinanggap nyo na lang na nagkamali ang mga host nyo,naka on-air sila nung sinabi nila un marami ang nakarinig at nakapanood nun at marami ang nasaktan tapos sasabihin nyo na walang mali sa sinabi ni arn.......

    ReplyDelete
  23. Arn Arn, Ikaw na din nagsabi,

    "kung magso-sorry, mag sorry nalng hindi yung kung anu ano pang... may lalaki bang may SUSO??"

    WALA.

    PERO...may nga Pinoy na hindi KAYUMANGGI.

    Wag mo ilihis yung issue mo, MAY ISSUE TALAGA ANG AZCALS, ngayon may issue ka na rin! hahhahaha

    ReplyDelete
  24. Napuna niyo ba na walang hirit ang mga grupo ng women's rights? Siguro marami sa kanila kilala si Ms. Ramos kaya pati sila hindi sigurado kung ano yung anggulo niya.

    ReplyDelete
  25. buti pa yung azkals, ang daming nagtatanggol na pinoy! pero pag kapwa pinoy ang dinidiscriminate ng kapwa pinoy, wala lang. madalas pinagtatawanan pa yung aggrieved party. Filipinos are the worst of the racist!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama! npaka-OA nmn kc nitong c angel Locsin..feelingera.

      Delete
    2. Ikaw ang feelingera. Di ka nga jowa nakikialam ka eh.

      Delete
  26. ang bilis nakapag-react ng mga pro-azkals sa issue ng racism! why don't you take a stand too sa issue ng sexual harassment? kesyo nasa court na ang kaso kaya there is nothing to be said? bakit, kasali ba kayo sa hearing?? wahahaha! ang sabihin nyo, kayo mismo may doubts din kung malinis nga yang mga idolo nyo kaya di nyo maipagtanggol ng diretso sa kaso ng sexual harassment!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya kami di humihirit sa sexual harassment eh dahil di naman yun ang issue dito eh. tanggap namin may mali sila. ang smin lang racist pa rin remarks ni clavio. di lang sa azkals ang natamaan sa sinabi nya. pati na rin ang ibang half-pinoy all over the world.

      Delete
    2. Tama. Comprehension check nga jan.

      Delete
  27. GMA is taking a stand. at least they are not washing their hands clean at ilaglag na lang si arnold. to that, saludo pa rin ako!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi ng gma wala silang kinikilingan. what they're doing is very one-sided. they can stand by clavio naman but apologize na lang sa mga naoffend. iba talaga hatak ni clavio sa gma. kahiya!

      Delete
  28. Naku naman issue pa ba ito in truth na walang halomg echos we have to face the fact na nagpipinoy pinoyan lang naman talaga cla aside from members that came from the Philippine army like calicdong etc. majority are non filipinos . wag na natin lokohin sarili natin na they went here to serve the country. they have lots of budget now and they are riding the hype so cmon tigilan na ito and let Ms. Jalasco's complaint be heard dahil sya ang issue. Anold just said something na alam naman nating totoo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. teh example ka ng comment na walang alam sa football. kahit san namang bansa ganyan eh. tsaka ano ba makukuha nila in playing for our country? money? excuse me lang ah di naman ganun kalakas budget ng gobyerno sa sports. at isa pa, may sari sariling mga football clubs mga yan (pansinin mo di kumpleto ang team palagi kapag may laro kasi may other commitments sila sa mga clubs nila?). pumupunta lang sila at their own expense to play for our country. why can't you just show appreciation? crab mentality talaga mga pinoy.

      fyi rin, di naman habang buhay tayo dedepende sa mga half-breeds. the pff is starting programs for developing grass root talents. dumami kasi mga batang interesado sa sport dahil sa media mileage dala ng azkals. in time these kids (pure pinoys na) will step up to be part of the national team. mahina pa current pool natin. the reason mas priority yung half-breeds ay hindi naman dahil favoritism. sila ay natrain na sa bansang pinanggalingan nila since bata sa football kasi dun yun ang number 1 sports. be patient rin at mawawala rin ang need natin for them kapag fully developed na football sa bansa natin. for now let's just support them. wag muna crab mentality ok?

      Delete
  29. Guys its just an opinion! , so you should respect other opinion, we have freedom na gwin ntin gusto ntin..

    kung makapag react ang iba akala mo yung mga opinion nila kagandahan din... SA ISIP NGA AT SA PUSO AT SA GAWA? meron b sila nun nung araw na hinaras nila si Ms. Ramos? ano opinyon niyo? meron ba namn babaeng thunder na mag rereklamo kung sa tingin nila di sila binastos.

    OPINYON NIYA YUN... KANYA KANYANG OPINYON yan. bakit di kayo nag react nung nagrereklamo si Ms. ramos? pero nung nag bigay lng opinyon si mr. Clavio kung makapg react kayo OA.. haha kalerqui..

    ReplyDelete
    Replies
    1. dear ate, ganito kasi yun. clavio is not just a private citizen. if he were one, he can cuss the azkals to his heart's content and no one would ever give a fart because that is his opinion. but why are people reacting to his opinion? because he's also a public figure. infront of the camera, he is a public figure and a newscaster which is why he cannot just say anything he wants on television. yes, there is such a thing as freedom of expression. but as a newscaster, he has this added responsibility of being careful with his choice of words. their opinion as newscasters should be objective and free of any biases.

      clearly what he said about the azkals were subjective, full of sweeping statements and biases. why do i say that? the tone he uses is a give-away which shows his annoyance with the azkal players' good looks and popularity. add to that his bias that the azkals did commit sexual harassment when in fact the case hasn't been solved yet. then the unnecessary remark about their "pagkapilipino." why unnecessary? because sexual harassment has nothing to do with race. even filipinos commit it, unfortunately. but he still took jabs at their lineage. his derogatory statements may have hurt other half-pinoys around the world. he got carried away with his feelings which shows how subjective he was at that time.

      had he said his piece off-cam, it would've been okay. it would've been taken as his opinion as a private citizen. but he voiced out his one-sided, subjective and bias opinion infront of the camera as a newscaster who's supposed to be objective and supposedly part of the gma news department whose slogan is "walang kinikilingan, walang pinoprotektahan."

      Delete
    2. Mr. Clavio and Ms. Santos are ENTITLED to their OWN OPINION. There's such a thing called OFF THE RECORD, right? At that point of the show, they were DISCUSSING as NORMAL PEOPLE, not reporting some news that is a part of the clause of "journalism". There's such a thing as having opinions, right? Like for example, here's my opinion which is probably come of as a different one from each of the people who are still dwelling on the topic. As much as I can't change yours, then of course, you can't change mine, as I've already formed it upon the conclusions I've drawn from what I've seen and heard. If they have a normal person as a GUEST in their show, then they won't be screwed, right?

      On the topic of RACISM, COLONIAL MENTALITY, and PATRIOTISM (I believe THESE should go altogether):
      There's SO MUCH RACISM ALL OVER THE WORLD and there's SO MUCH COLONIAL MENTALITY, I must say. Have we all FORGOTTEN ABOUT THIS? And there's a lack of PATRIOTISM in our country. Since some blogs are talking about "what a true filipino" really is, then we might as well think of what FILIPINOS have become. FILIPINOS allow other people who shine through in THEIR own land, whereas in fact we all know that if they were making big bucks or have a career in wherever place they were born, grew up, they wouldn't give a fuck to the Philippines.
      On RACISM, correct me if I'm wrong, but I still believe that somewhere in the culture and the trait of a Filipino, there's what we call being respectful of a woman. If I admit that I still believe that FILIPINO MEN have these traits, and say that I believe that THESE DISRESPECTFUL ATHLETES didn't display these traits and thus, I don't think they're FILIPINOS in that sense, would that make me racist? I suppose yes. Then call me one, because I still believe in the core values of Filipinos.
      And to those who are saying that Filipinos are racist. Yes, FILIPINOS are RACIST EVEN TO THEIR OWN RACE. Haven't anyone noticed this? Most FILIPINOS resent their own countrymen because they embarrass themselves of their doing. But haven't they even thought that not everyone is born with riches? THat the situation, the government, the poverty and lack of education have brought it upon them? That no matter what these people do, they can't do anything really good because they have to feed themselves, thus grabbing the worst-luck opportunity that come their way. I mean, why is it that it's very rare for a Filipino of "pure breed" able to play to our local leagues, to promising universities/colleges? WHY? Because our countrymen are not even given a chance to GO TO SCHOOL, learn, and even study. So there. Yes, FILIPINOS are RACIST.
      But FILIPINOS are also not PATRIOTIC anymore. Some of us are even MORE PROUD for the people who bring PRESTIGE to the Philippines despite the fact that they aren't really Filipinos. I didn't mean to go way overboard, but since we're discussing what "RACISM" is all about, might as well be reminded of the thought of COLONIAL MENTALITY and PATRIOTISM. Being OPEN MINDED to the CULTURE outside our COUNTRY should have their LIMITS, same things as to the extent of LOVING and SUPPORTING your own countrymen. And haven't we noticed that Filipinos patronizes FOREIGN PEOPLE, FOREIGN LAND, and FOREIGN products much more?

      Delete
    3. The issue about Mr. Clavio's & Ms. Santos' statement, about being QUOTED as racism is plain stupid. Have we not got any broad mindset? They used harsh words. So what? It was too straight forward and that's probably caught offensive. But if you think about it, what they're saying is right. Harsh but definitely, the truth. Should it be toned down a bit for "ka-plastican/showbizness"? Probably. But IF YOU GUYS ARE SMART ENOUGH, you would get what they truly mean.

      As a Filipino, I believe in our culture FILIPINO MEN are born to be a gentleman. This may not be applicable to other races as in their culture, girls are slutty whores or plain easy. Remember when Filipinas are referred to as Maria Clara? I don't think that having these kind of women nowadays is anything but an illusion, as I believe that there's still a big majority of them that do exist. But let's not forget that in the Philippines, WOMEN are treated with respect. And once a woman is disrespected, a MAN, MANS UP and defends her by all means. Filipino men know how to show some respect to women, even in modern times. Have we forgotten that this was the TRUE ISSUE after all? A smart person would know that the remarks made by Mr. Clavio and Ms. Santos were in reference to THE ATTITUDE that these athletes have done--their DISRESPECT to Ms. Ramos, in which, the DISRESPECT isn't a part of the FILIPINO CULTURE, or a TRUE MAN's characteristic, for that matter. That was what that "RACISM" comment that you guys are making a big fuzz about is really about--the attitude displayed, the culture that these athletes haven't adapted to yet. Much more, I believe that since they are educated and they know atleast one woman, then they should know what "respect" means. It's a surprise how these athletes get all the support with their attitude.

      You guys take things too literally. The comment wasn't literal about the skin color. Not even about where we're born, from whom we were born, or even the passport we were holding. Their comments/opinions were a metaphor of the CULTURE, the TRAITS, and the ATTITUDES that these disrespectful athletes have shown AT THAT MOMENT (take note of the emphasis) they verbally harassed a woman who was simply doing her job.

      Now, where's the legal action or the BIG NEWS or ISSUE on that? I hope you guys don't forget that you were born by your mothers, have a sister, a daughter and this issue should be called for.

      Delete
  30. Whatever Arnold Clavio says, mali pa din. He should have not said that. He is a media personality for heaven's sake and a lot of people listen to him. Magiging bias lang yung mga tao for what he did.

    Also, even though GMA says na discretion ng journalist nila na mag-air ng opinion, its not an excuse to not be involved. Talent nila yun and sa GMA pinalabas yung segment na yun. Its their responsibility to act accordingly to the issue.

    Sana nagsorry na lang sila or something, hindi yung nagexplain explain pa sila ng ganyan. They are just deepening the problem. Tinatry nila pagtakpan yung talent nila when obvious na obvious naman that the person is maligning the team.

    They are just putting their network in bad light.

    ReplyDelete
    Replies
    1. di magsosorry gma. this is exactly what they want.

      Delete
  31. actually di naman racist yun comments if compare mo sa ibang mga opinion ng mga journalists sa mga politicians mas grabe pa nga yun eh nagkataon lang maraming affected na fans unlike sa mga politiko na naturally sanay na ang tao sa mga ganun comments. Stick to the issue and sagutin nila yun sexual harassment case yun lang why divert the issue to arnold clavio.

    ReplyDelete
  32. Eto kasi ang problema sa opinyon, kapag inihayag mo na ito sa publiko tatanggap talaga ito ng sari-saring reaksyon. Hindi porke't kinontra ito wala nang respeto sa opinyon mo. Madaling magbahagi ng opinyon, pero matapang ka bang ipagtanggol iyon, at kung kinakailangan, baguhin kapag mali siya?

    Sa reklamo ni Ms. Ramos, hindi maaring pakinggan lang natin ang panig niya. Pati ang panig nung inaakusahan niya ay mapakinggan din. Ang kuwento may dalawang panig, kung hihirit ka rin lang, dapat balanse naman.

    ReplyDelete
  33. There lots of ways to get your point across without sounding racist, if all of you are claiming that this issue is getting out of hand hence; Arnold shouldnt have made rants about Azkals being a true Filipino or lack of which if I may say so. In my opinion Arnold and the rest of Unang Hirit Hosts made out of context comments. We are not glorifying these bastards from commiting such "crime" against women, but "harassment" see no colour. These happens everyday. If they are found guilty, then so be it; no questions asked let them rot in jail.

    ReplyDelete
  34. Tungak ka naman kasi clavio, sana nagisip ka muna mabuti bago ka magsalita. Media personality ka tapos hindi ka marunong magisip ng komentaryo mo? pasalamat ka pa nga at yung hindi purong pinoy lumalaban para sa Pinas. kung totoo yung ginawa nila, parusahan, wag kang magsasalita ng hindi based on facts. you're a media personality for goodness sake! nakakahiya ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Natawa naman ako sa pagkakasabi niya ng tungak. :)). Kidding aside, I agree to what Anon 944PM said. Sana pinag isipan pa rin kahit papano yung opinion na sinasabi, hindi yung bira ka lang ng bira.
      Akala ko ba walang kinikilingan? Eh bakit very one sided yung opinion? Kapuso pa naman ako, pero na disappoint ako sa mga sinabi nina Arnold and Rhea, moreso with GMA, for not acknowledging the fact that the opinion of their supposedly respected newscasters, got a little bit out of hand.

      Delete
  35. Pagnananalo ang Azkals sa tournament, ang nakalista na pangalan ay PHILIPPINES. Ayan, ang PHILIPPINES ay 3rd place sa Challenge Cup. Tayo ang nagiisang team/bansa na dumaan pa sa pre-qualifier na nakakuha ng medal position. Isampal mo yan sa purong kakayumanggihan mo, Arnold Clavio!

    ReplyDelete
  36. Curious lang ako, gloating aside,now that the Azkals just won third place in the AFC, i wonder what Arnold and the rest of the haters have to say for themselves now that they're finally bringing a medal to the country. Oo bronze lang for them, but I believe this is the country's only win in the AFC since 1934, I'd like to think this is still something we should be proud of. Baka pwedeng we set aside even for a moment our prejudices (I personally do not agree to the alleged behavior some of the players showed), and celebrate with them.

    ReplyDelete
  37. walang nakitang mali ang GMA sa ginawa ni clavio?! GRABE AH! kahit bata alam na may mali sa pinag-gagawa niya sa telebisyon!

    sige na, given na yun na may opinion si clavio. it's normal kasi tao siya. pero sana inisip niya na siya ay isang media personality. he should be careful and mindful of what he say lalo na madami ang maaaring makapanood sa kanya. sa ginawa niyang yun, nagkalamat na ang kanyang kredebilidad.

    ReplyDelete
  38. BAKA WALA KASI SILANG KINIKILINGAN AT PINIPROTEKTAHAN??? napakayabang ng Azkal para sa opinyon ko at para sa kin tama lang ang ginawa ni Ms. Ramos na samapahan sila pero kung may opinion man si ginoong clavio, hindi sya dapat nagpadala sa emosyon nya...maling mali sa sinasabi nilang walang kinikilingan! eh kitang kitang kiling na kiling sya kay Ms. Ramos eh...

    ReplyDelete
  39. ang OA nung isang mahilig sa showbiz, sinong politician ang binigyan ng racist comments ng mga journalist???give us one , kahit isa lang, o baka nag aassume lang kayo, kapag ginayan mo mga politician ipapatawag na yan sa senado!

    ReplyDelete
  40. Having read all the entries here, I find it enlightening to see people discuss their differences in opinion in calm and smart way. Sana sa ganitong paralan din nagpahayag ng kanyang saloobin si Arnold para Hindi lumaki ang issue nang ganito.

    ReplyDelete
  41. Arnold was wrong. The Azkals were also wrong.

    The medals matter to us as a nation, but human dignity matters more, I believe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why don't you wait until the PFF pens its conclusion before you assume the Azkals involved are guilty?

      Delete
  42. imbes na ipasahod ng gobyerno ang pera sa azkals ipangpagawa na lng nila ng mga bahay ng mahihirap..bat pag half filipino mataas ang offer na sahod bat pag pure pinoy kahit minimum walang maipasahod..

    ReplyDelete
  43. buti na lang hindi ako fan ng azkals.. nakakabobo pala. obvious na obvious sa mga comments nila dito. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...