Ambient Masthead tags

Monday, March 15, 2021

Ivana Alawi's Pranking of Random People Leaves Her Emotional

Video courtesy of YouTube: Ivana Alawi

134 comments:

  1. Puro prank na lang itong mga youtubers. OA na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana pinanood mo muna. Hindi ito walang kwentang prank tulad ng sa iba

      Delete
    2. Puro prank nalang lahat. minsan naisip ko pano yung mga taong nakapaligid sa kanila parang sanay na sa prank alam na nilang prank yung nangyayari at pinaprank nalang sila sumasakay nalang sila for the views. Kung mayat maya ka ba naman iprank di ka pa masanay

      Delete
    3. with a cause. kesa naman sayo puro puma wala naman tulong. dds ka no?

      Delete
    4. Nauna kuda bago panoorin. Kung ganyan ang prank sa akin, ay teh ipagpapasalamat ko pa.

      Delete
    5. Obviously di mo pa ata nakita yung vid nya. Manood ka baka ma inspire ka pa dyan

      Delete
    6. napanood mo ba? purus kuda lng alam

      Delete
    7. Panooren muna bago kuda

      Delete
    8. Watch before you say something

      Delete
    9. Sana pinanood mo muna ang video... promise may matutunan ka... it may be a prank... pero kung ganyang prank lang naman, kahit ilang ulit akong ma-prank, payag ako... hehehhehe....

      Delete
    10. Did you watch it? I’ve seen one or two vids from her channel and I would agree with you based on that. But this one is actually good. It highlights the importance of kindness - how a little bit goes a long way. You’ll be inspired.

      Delete
    11. Hers is to help. Shes giving back. Wala naman namimilit sayo manood.

      Delete
    12. Kesa naman dun sa isang naka colab niyang puro daldal at walang naitulong sa iba. Bastos pa bunganga DDS pa

      Delete
    13. Parang nauubusan na ng content si Ivana puro prank na lang ginagawa nakakasawa na. Sana mag create naman ng content na makabuluhan.

      Delete
    14. 1:02 & 1:58 maisingit lang talaga eh noh?

      Delete
    15. Kung gusto tumulong or mag give back bakit need pa ng prank? At gawin content ang pagtulong? Sabi nga if you sincerely want to help, leave your cameras at home:) i

      Delete
    16. OA ba tumulong sa kapwa? Gosh. Bago ka mag comment - manuod ka muna.

      Delete
    17. 1240 tumulong sya. Dami naiyak at natuwa sa ginawa nya. Ikaw ba puro nega at lait na lang?

      Delete
    18. 2:28 sana pinanood mo para nakita mo yung kabuluhan na hinahanap mo

      Delete
    19. Oo nga eh, hinestly hindi ako natutuwa sa mga pranks na yan eh. Nakakawalang gana.

      Delete
    20. Tumutulong kasi may kamerang umiikot na pihadong pakakakitaan nya. Doble doble balik sa kanya ng simpleng pagtulong nya. Tumutulong kasi may kapalit

      Delete
  2. Sobrang bait pa din talaga ng mga ordinaryong mamayang Pilipino, kung sino pa mga nasa laylayan sila pa ang may mga puso talaga. Kudos kay Ivana sa pag iisip na content na ito

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually parang ginaya yung content kay jelai andres

      Delete
  3. In fairness , naluha ako kay Tatay and yun kay Bunso. šŸ„²

    ReplyDelete
  4. Plastic mo naman Ivana! Eh di sana hwag mong gawin.

    ReplyDelete
  5. Mga pinoy infliencers at celebs, ito gayahin nyo hindi puro landian, walwal, unboxing ng chenes, collection ng luxuries, yung may matututunan ang tao hindi materialism. Napaka genuine ni Ivana at generous mamigay, bukal sa puso hindi puchupuchu na may maibigay lang. May iba halatang ginagamit ang mahihirap. Nakakaiyak panoorin nyo nakaka inspire.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow ang taas ng standards sa artista pero sa gobyerno ang baba. lol

      Delete
    2. 1:50 ang layo ng sinabi mo lol

      Delete
    3. Malamang for content. Marami naman youtuber gumagawa niyan. Di lang nabalita di sikat.

      Delete
    4. Pano mo nasabi? Wla akong nabasa about sa gov. Basahin ulit first sentence.

      Delete
    5. Similar concept sa yt video ni jelai andres

      Delete
    6. 1:01- "May iba halatang ginagamit ang mahihirap." How different is this video? I believe that if she's genuine in helping these people, no need for prank, no need for video coverage.

      Delete
    7. 8:58 Youtuber siya so malamang pero napaka genuine nia oy. Matagal ng tumutulong si Ivana kahit bago pa lang na vlogger at shinie share niya ang mga kinikita at blessings niya para makatulong sa paraang alam niya. Madaming artista at nonsense ang vlog duh!

      Delete
    8. 5:45 So bakit nga naka vlog? Pag youtuber wala nang off button ang camera,dapat naka on lahat ng ganap genuine o hindi?

      Delete
    9. 858 tingin mo asan pinangkuha ni Ivana ang pangtulong nya? Malamang sa pagvlovlog. šŸ™„Jusko sa hirap ng buhay, basta tumulong wag na ibash kasi ang daming youtubers na basura ang contents, as in karamihan. Lol

      Delete
  6. šŸ˜­šŸ˜­šŸ˜­ kung sino pa mga walang wala sila pa taalaga gandang tumulong palage

    ReplyDelete
  7. Ivana deserves all the blessings she gets. May God bless you more, Ivana!

    ReplyDelete
  8. I stopped watching her videos nung puro prank and challenge na lang ginagawa niya. Limited nga siguro kasi pwede niyang gawin dahil sa pandemic kaya hindi makagawa ng mas makabuluhang content. Besides, her followers seem entertained. Marami pa namang videos ng ibang youtubers ang pwedeng panoorin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Most viewers wants to be entertained and not to learn sad but true 1:09AM and ganyan karamihan ng mga YouTubers. They know what's selling so yun ang inooffer nila.

      Delete
    2. 1:09 ok lang di ka naman kawalan. di mamumulubi si Ivana sa pag alis mo. byeeee

      Delete
  9. 12:40 Prank ba yung makatulong ka din sa kapwa mo? Inggit ka lang di ka kasi nabigyan. ��✌️

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman siya nanghingi . Ikaw yung nabigyan. Nakabili ka na ba bago cellphone šŸ‘»šŸ˜‚

      Delete
  10. Ang bid-joo naten.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatawa yang comment mo?

      Delete
    2. Hindi nakakatawa comment niya. Pero nakakainis yung masyadong pajologs mag salita. Over na.

      Delete
    3. 6:58 yan naman kasi target audience niya

      Delete
  11. Infairness sya pinakamaganda magbigay sa mga nasama nya sa video. Shinishare talaga ang blessing.

    ReplyDelete
  12. Kahit ano sabihin nyo, prank pa din yan! Ginagamit pa yung kalagayan ng iba para sa content. Pwe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Biterrrr.. mag yt ka rin 1:45

      Delete
    2. Galit na galot kay solenn dahil ginagamit ang mahirap to promote her Artwork. Eh ganun din naman eto. Mas malala pa ginawa pang content. Kahit na ba magbigay siya ng tulong e. Sana kung trabaho ang ibigay niya para ma bago ang buhay nila. Mahirap pa din sila pagtapos niyan at si Ivana lalong yumayaman. At di ako inggitera ha lol

      Delete
    3. I'm sure kung ikaw ang na prank ni Ivana ng ganyan tuwang tuwa ka pa baks haha

      Delete
    4. You have a point. We'll it's symbiotic. They got helped, she got views... kng pano mo titignan to, depende kng fan ka o hindi.haha

      Delete
    5. Di ko bet yung ganito content. Parang dun sa isang youtuber na nakaaway ni Donnalyn about dun sa lola nya. May something off sa pagtulong.

      Delete
  13. Nakakaiyak lalo na yung last part. Parang gusto ko rin tulungan si Tatay. I love watching videos like this highlighting people's kindness. It makes you hope and believe in humanity lalo pa sa panahon ngayon, kailangan natin nito. Sabi nga nila kung sino pa ang salat sa buhay sila pa ang mas mapagbigay. Di man ako fan ni Ivana, salamat pa rin sayo for uploading this kind of vlog. Pagpalain ka sana.

    ReplyDelete
  14. Hindi ko buong pinanuod pero kung ganito ang mga vloggers at youtubers, mas masaya sana maski vinivideo ok lang basta makatulong. Yung ganito ha, hindi yung 10 pesos gawing 100 pesos. Lol, diba demanding. Sure nman akong bawing bawi sila dyan. Yan nlang ang prank nyo lagi.

    ReplyDelete
  15. @1:20 sana kahit sa pagkakataon lang na to wag niyo muna kutyain at laitin yung vlogger at mas bigyan niyo ng pansin yung mensahe at inspirasyon ng kabuuan ng vlog.

    ReplyDelete
  16. Sana mga gantong contents ang gawin ni ivana, tutal she earns millions from her videos. I will not skip ads if the videos are to give back to those who are in need. Bilib talaga ako sa mahihirapan, sila pa yung mas willing tumulong dahil alam nila anong pakiramdam nung wala. Natouch ako dun sa last 2, ung nagtitinda na hinuli at walang bahay at dun kay tatay na taga Ormoc. Napakabait. Imagine mo, nagbigay na nag bente, nagbigay pa ng kutsinta, bibilhan nya pa ng softdrinks/tubig si Ivana. Sana mahanap nya ulit at bigyan nya pa ng mas maraming tulong.

    ReplyDelete
  17. Social experiment yan hindi prank.

    ReplyDelete
  18. Etong pranks ang may kwenta at PUSO. D gaya ng jamill.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Puro luho vlog nila

      Delete
    2. Eto talaga e. Walang katuturan ginagawa sa mga vlogs pero yumaman. Hehe! Swertihan lang siguro talaga.

      Delete
  19. Bakit minsan parang pa goody two shoes to si Ivana.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil mabait talaga sya!

      Delete
    2. 1:59 I felt sincerity.

      Delete
    3. Ikr! Ang totoong mapag bigay at mabait hindi dapat scripted at may camera. Dapat siyang mag hire ng social media expert na mag iisip ng puwede niyang content.

      Delete
    4. wag na kayong mga bitter/hater. ang importante naka tulong sya. yun lang yon.

      Delete
    5. Ang pait nyo maging happy kayo na may mga napapasaya at natutulungan siya lalo ngayong pandemiya. Artista siya na may puso but she shares her blessings yun ang mahalaga!

      Delete
  20. More than 2M views in 8hrs. Mas entertaining ang channel niya sa ibang mas nauna pa sa kanya sa YT.

    ReplyDelete
  21. May God bless you more ivana, khit ano p sabihin nila you use your platform in a right way to help less fortunate.. you made me cry on this.. <3

    ReplyDelete
  22. Iba talaga pagsikat youtuber. Bawat galaw trending. May ibang gumawa na nito. Di lang binalita. Small youtuber lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 537 That’s not a bad thing either.Dat means mas madami pa matutulungan si ivana.’Hopefully dumami na ganitong content

      Delete
  23. Naiyak ako kay tatay.

    ReplyDelete
  24. Kaya may backlash sa ganitong way ng pagtulong kasi mas malaki by mile ang makukuha niya from the views compared sa tinulong niya. Pwede naman na tumulong lang siya without video or with video pero wala ng paandar pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It is a content meant for her channel. she never expect to get hit and inspired emotionally by one random old stranger in the street.

      Personally? I perceived the vlog positively. I can see the message being conveyed rather than just merely a vlog content for views alone.

      To those who have backlashed these all sorts of vlogs? its all up them. The world is made of hateful people as they live in hatred rather than seeing every beauty in this cruel world.

      Delete
    2. 6:08 Anong pinaglalaban mo day? May video o wala ang importante nakatulong siya! It is none of our business kung kumita man siya sa video niya, eh channel niya yan. At least marunong siyang mag give back at may natulungan.

      Delete
    3. Haaayyy mentality talaga ng pinoy! Just be happy na lang na tumutulong si Ivana! Kung may malaki man balik sa kanya, deserve nya yan! If gusto mo gumawa ka ng youtube din ha!

      Delete
    4. Para awareness din to sa mga viewers niya na tumulong maliit man o malaki

      Delete
    5. 608 Which us better right? If malaki views and kita ni ivana, for sure mas madami pa siya matutulungan

      Delete
  25. Not a fan of Ivana pero naiyak talaga ako sa vlog nya na 2.

    ReplyDelete
  26. For those who are judging without watching the video first, try to watch kahit sa last part lang. yung last part 20:10 ang the best.

    ReplyDelete
  27. I tried watching it again, the last part 20:10. Naiyak pa din ako everytime pinapanood ko. Tatay has a big heart kahit na mahirap lang sya. So kind of ivana to help him more coz he deserves it. I love this vlog. So pure and genuine.

    ReplyDelete
  28. Among those people, si tatay lang talaga para sa akin ang may kind big heart. Obvious yung genuine concern nya. Yung iba parang wala lng eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1053 Sobra ka naman. Tumulong na nga sila sa makakaya nila. Jinudge mo pa

      Delete
  29. sana nag give din siya ng credit ..na naging inspirasyon niya gawin ito katulad ibang vlogger na may ganitong concept... for sure nagaya lang din naman niya ito ...

    ReplyDelete
  30. Prank na may kabuluhan naman, tsaka Mas ok naman to kesa yung iba jan na nag grocery lang vlog na, kumain lang nang kangkung vlog, may na received na package vlog, niloko nang jowa vlog, hayyysss

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:24 may choice ka naman ndi manood. binibigyan mo lang problema sarili mo

      Delete
  31. Bakit ba tuwang tuwa mga Pinoy sa mga vloggers.pare parehas naman content.. Dami na gumawa nyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That’s good then kung marami na gumawa ng ganyan

      Delete
  32. Dami na namang kickback ni ivana for sure. Magkano lang ilalabas nya for this, pero magkano kikitain nya from this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:43 Sana po ay gawin na lang tong inspirasyon, hndi yung mamasamain pa nakatulong na yung tao. God Bless us ❤

      Delete
    2. Omg toxic mentality. Nakaka hiya mga taong katulad mo

      Delete
    3. hahahhaha true

      Delete
    4. Mahirap talaga pag puno ng inggit ang puso at isipan no? Napaka miserable siguro ng buhay mo.

      Delete
    5. 10:34 that's the reality. nagkataon lang 1:43 knows how it works.

      Delete
  33. Aabangan ko part 2 ng vlog. Hahanapin nila si tatay para mas matulungan pa.

    ReplyDelete
  34. Nakakaiyak. Thank you Ivana, please choose to help yung mga nagttrabaho vendors. God bless your kind heart more.

    ReplyDelete
  35. Kamukha nya si Vanessa Hudgens sa movie na Gimme Shelter..

    ReplyDelete
  36. This not unique content however, I never knew anyone in local showbiz like how Ivana Alawi did for a good cause.

    This her most inspiring content so far. Keep it up Ivana!

    ReplyDelete
  37. Naiyak ako. ❤️ How can I reach out to Tatay?

    ReplyDelete
  38. poverty porn din ba to? huhu ako naawa kay solenn

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true..yung super talented pa tuloy yung masama..

      Delete
    2. Not comparable. Hndi nman nag help si solenn sa mahihirap, she just used the background to promote her paintings.

      Delete
    3. Bit Ivana used this as her content na malamang pagkakakitaan nya din..

      Delete
  39. Prior to this video, madami ng natulungan si Ivana without the camera. Ok lang sa akin ‘tong video na ‘to, para gawin din ng ibang youtubers.

    ReplyDelete
  40. On cue ang iyak. Un last part parang eksena lang sa isang teleserye lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di naman. Inggit ka lang. Ikaw ba may naitulong sa kapwa?

      Delete
    2. 1:39 tanggalin mo muna galit sa puso mo. Para ma feel mo na genuine yung kindness nila.

      Delete
  41. Ang daming bitter. Wala namang natutulungan na kapwa. Puro pintas. Kayo na ang magaling.

    ReplyDelete
  42. Love the last part. Very kind talaga ni tatay, he is very respectful the way he talks unlike the rest na treatment talaga nila kay ivana is pulubi. Tatay’s treatment to her is so loving and full of concern.

    ReplyDelete
  43. OA and useless nonsense. Get some talent or at least some training for something.

    ReplyDelete
  44. Poverty porn much. Exploiting poverty for clicks and “entertainment”. Shameful.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1134 Exploiting poverty? O just showing the world the REAL SITUATION?

      Delete
  45. Bakit ganun? Ilang beses ko inuulit pero naiiyak pa din ako each time na pinapanood ko.

    ReplyDelete
  46. Genuine naman yon pagiyak nya, kahit ako na medyo matigas ang puso napaiyak din. Kasi naalala ko yon tatay ko, pumanaw sya na hindi ako nakauwi sa pinas. At ilang beses sinabi ni Ivana na "ikaw na lang tatay ko" doon palang alam ko na naisip nya din yon father nya.

    ReplyDelete
  47. 11 ads, grabe!!! Magkano lang ipapamigay nya kumpara sa kikitain nya. Yan kung bakit nababash. Oo tumulong, pero itong mismong pagtulong na to, rumaket muna si inday at tubo pa sya. Pwede namang off muna ads. Bakit pag sina bea, angel, etc ang tumulong, ginagawa yun kahit wala silang project at that time, so talagang “bigay” at galing mismo sa bulsa nila at walang assurance babalik. Dito, projected na magkano babalik sa kanya tsk. Dito pakyawan ang ads. 1-2 is enough sana or wala muna para mafeel naman ang sincerity!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung alam kong sa ganito mapupunta ung seconds na ibibigay ko sa ads sa vid nya, then I'd gladly do so :) Kaysa dun sa mga vlogs nila David Guison at Vern enciso na puro kaartehan at materialistic things lang.

      Delete
    2. 906 I know for sure itutulong ulit ni ivana ung kikitain sa vlog

      Delete
  48. The intention is good (to help) but somehow it promotes wrongdoings:
    - technically bawal ang manglimos at magpalimos. Dapat sa kanila ay inirerefer sa dswd para makauwi sa kanila at hindi na magpakalat kalat
    - pag nanghingi ng pera, pwedeng pagkain na lang ang ibigay. Iniiwasan ang pagbibigay ng pera dahil madaming cases na mga sindikato ang ganyan, yung mga namamalimos na pakawala ng sindikato
    - tinuturuan lalong maging tamad at manghingi na lang. Madami din mahihirap na walang pera pero ginagawa nila ang lahat para lang wag manghingi (tulad nyang mga nagtitinda ng kahit ano kahit kainitan ng araw)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Finally someone said this..

      Delete
    2. 10:54 I agree with you. Dapat naman kasi talaga merong tamang procedure. Dapat local government nag aayos ng ganyan problema. Minsan maawa ka pero makikita mo mga streetchildren nagrrugby. Minsan pa magbibigay ka pagkain, kesa ma appreciate, magagalit pa sayo.

      Delete
    3. 1054 Nakakaawa kasi talaga. Gutom na yung tao at kailangan. na niyang umuwi. Alam naman nating lahat walang kayang gawin itong gobyernong ito.

      Delete
  49. Sabi ni Ivana sa dulo, may pag asa pa din daw tayo.. sa mga nagsasabing hindi na daw uunlad ang pilipinas, ayan daw may pag asa pa dahil may mga mababait. Ngekssssa. Hindi po porke mabait, umuunlad. Uunlad lang po ang pilipinas pag wala nang mga corrupt na politician at bulok na sistema at walang disiplinang mga tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 11:00 what do you expect, ang Pinoy puro emotion pinapa iral. mabait mapagbigay. syempre wala ka naman makikita dyan na tutulong na galing sa middle class kasi those people donate through charities, ndi sa kalsada. manood ka palang mga ads o commercial sa Pinas, tayo lang yata lagi fueled by emotions.

      In case you didn't know, these youtubers earn hundreds of thousands lalo kung madaming ads. nakabili nga siyang kotse gamit Lyka gems eh. I'm not bitter or jealous of her or other youtubers. I'm in favor pa nga kaso kung alam niyo lang balik sa kanya compared sa nabigay niya.

      Delete
    2. Para kasing self explanatory na ung corrupt at politician eh. Maybe sinasabi nya uunlad pa din sa kasipagan at dahil dun kumikita pa din sila. Hindi sila sumusuko khit mahirap ang buhay at kahit sila na mag adjust.also then sa kabaitan, nakapanlimos si ivana sa knila. Hindi padin nakakalimot na tumulong sa iba.

      Delete
    3. 10:22 she specifically mentioned kasi yung may mababait pa daw. Being mabait does not translate to pag unlad. In fact, kita mo sila pa nga yung mas naaapi at natatapakan. Ang kelangan ng pilipinas ay disiplinadong mga tao/law abiding at clean/honest governance.

      Delete
    4. 9:47 exactly. In my case, i donate through charities and "adopt" kids thru the likes of world vision. Those are proper channels, not the kalye.

      Delete
  50. Para hindi na kayo magulat everytime ngpopost si ivana ng mga ganito, social media influencer kasi sya. Nagtataka naman ako ibabashh nyo ung ganitong klaseng content na may natutulungan hindi nyo ba alam mas madaming vloggers na walang kwenta ang mga contents tapos yumayaman lang. Un ang pinapakita nila sa viewrs puro kayabangan lang ng nabili nila dahil sa subs. Si ivana namimigay pa ng pera at don tlga sa deserving.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...