Ambient Masthead tags

Tuesday, April 14, 2020

Philippines Tops List of Covid-19 Cases Among ASEAN Countries

Image courtesy of Twitter: theaseanpost

152 comments:

  1. Madami kasing balikbayan at mayayaman na mahilig mag travel. Ang Pinas siguro ang pinakamadaming OFW na nag tatrabaho sa Japan, Hong Kong at China. Sympre mga Chinese din na pabalik balik sa China at Pilipinas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not only that, ang daming pumasok dito sa Manila na mga taga mainland China.

      Delete
    2. Congratulations. Di lang boxing at besutycon magaling.

      Delete
    3. Baka nga yung iba jqn hindi Chinese Virus baka mga nanghina na lang dahil walang nutrisyon kaya tuluyan nang nadedo.

      Delete
    4. Parang Medal Tally na lang dahil nawala Olympics. Sa Asean Itong bansang ito ang Over All Champion!

      Delete
    5. Fyi up until now may mga pumapasok prin na chinese sa Bansa. My neighbors are chinese, dumating sila just last week. I was told na they just arrived from China. I think before CNY alis nila kasi they weren’t around that time e. Nanlumo nalang ako. Take note, these people are not Online Gambling Operators. They’re working in a construction ng buildings sa Ayala Triangle.

      Delete
    6. 2:24 may dumadating pa din na Chinese? Kalokohan lang pala tong lockdown. Paraan lang para makakuha ng malaking pondo. Ipost mo sa FB o YT para makita

      Delete
    7. Akala k naka lockdown ang airports natin? Walang papasok or aalis?? Hayy naku gobyerno natin..

      Delete
    8. The reason is late action. Vietnam started its medical screening on all entry points on 31 December 2019

      Delete
    9. Underreported yan! They only reported the deaths na covid+, di included yung mga namatay na PUI na di na natest o nalaman ang test results nila.

      Delete
    10. Matigas ang ulo ng ibang pinoy. Nilalabag nila ang ECQ at social distancing. Nakahanda na sila sigurong matigok. Gutom ang dinadahilan e dati na namang tambay at mga walang trabaho ang mga yan. Gutom o COVID?

      Delete
    11. No worries! Sabi ni Du30 sa May tapusin na Quarantine dahil me gamot na.

      Delete
    12. 8:29 bakit naman ako andito lang sa bahay tinitiis gutom dahil ganun na din naman dati pa. Kaso now mas lalong humirap. Kung sana mga anay o kambing na lang ang tao para kahit sirang kahoy o damo e makain pag nagugutom. Kahit mga dahon lang pagwala pang mga bunga.

      Delete
    13. 2:39 NANIWALA KA NAMAN?

      Ano yan 3-6months na naman na pangako?

      Delete
    14. 3:23 basta si Tatay nila ang nangako Magtiwala ka.

      Delete
    15. 2:24 pano makakapasok mga chinese ngayon eh takot na takot mga taga immigration ngayon dahil sa issue, ang init ng mga mata sa kanila ngayon.

      Delete
  2. No one is to blame but the Filipinos themselves. A lot of them are stubborn and don't have discipline.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The people & the government. Kung banned ang flight from china ng maaga, strict monitoring ng mga galing ibang bansa at ready na ang PPE & testing kits from the start, hindi sana ganyan karami.

      Delete
    2. Yung chinese couple ata ang unang positive dito. At namasyal pa sila bago na-test.

      Delete
    3. 12:23 yes sila nga ang nagdala ng sakit dito s pinas. Hayz, kung nagban kaagad and naglessen ng flights from and to other countries eh di sana hndi ganito.

      Delete
    4. Parang ang dali lang talaga para satin magsabi na magban ng travel. Lol. Di ganun kadali yun mga inday. Nagkataon na ang virus came from our ally country kaya di ganun kadali yang sinasabi nyo. Unlike Taiwan and Vietnam na anytime madali magban since di these countries are not in good terms with China.

      Delete
    5. @12:20 please dont blame the govt tignan mo nga ang ibang 1st world countries? Binan nila agad ang travel in and out of china? Di ka ba nagbabasa? Pero bakit ang america number 1? Kahit binan na nila lahat nasa tao parin talaga kung sumunod lang lahat tapos na ito matagal na

      Delete
    6. Isa pa tong si 12:23 maaga nagban ang italy from china jusko huwag puro putak magbasa kayo makinig na totoong balita hindi yung chismis. Kahit iban natin ang travel from china december palang of 2019 kalat na ang virus so ibig sabihin hindi lang from china dahil marami tayong kababayan na umuwi nung pasko at bagong taon. Magisip nga kahit manisi kayo ang totoong may sala kundi yung mga tao na nasa harapan na natin

      Delete
    7. 12:23 Yes, kung sana lang maagang nagban ng flights ang government. Dapat napaghandaan ang COVID-19. Kasalanan talaga lahat ng government. Tapos ngayon walang maibigay na financial aid. Lahat talaga kasalanan ng government. Kung magaling lang sana ang mga namumuno, wala sanang problema kasi napakatatalino ng mga Pinoy. Lahat kasalanan ng gobyerno.

      Delete
    8. 1:12 unfortunately, yung ally natin will now be the most hated country in the world dahil sa coverup nila ng covid. bakit naman kase dun pa tayo nakipag ally? nasilaw lang ang government sa perang pinautang sa pinas and now ano na, nganga taung mga pinoy

      Delete
    9. 1:12 May valid reason para mag ban. Yung "good terms" with China eh sa mga projects lang yun. Ibang usapan pag may threat ng epidemic sa bansa.

      Delete
    10. O sya sige. China naman talaga nagdala nyang virus. Pero nasa atin pilipino parin kung kakalat yan o dadami lalo. Dahil napakadaming walang disiplina lalo na metro manila

      Delete
    11. 1:24 May mga first world countries na kontrolado ang virus. Ang america naman, their government is no better. So ok lang sayo na i-compare sa country na hindi rin maayos palakad ng gobyerno nila? Parang inamin mo na rinna i-blame ang government kasi kinumpara mo sa ibang government na hindi masyos ang palakad.

      At kahit mapudpod ang daliri mo sa kakasaway, may mga tao talaga na pasaway. Hindi lang dito. Ang sa akin, it is easier to ban flights from china, close & strict monitoring of PUI's coming from other countries & ordering PPE & testing kits in advance kesa mag putak tayo sa mga lumalabas. Galit din ako sa kanila, pero ang government pa rin ang may malaking power to flatten the curve.

      Delete
    12. 1:26 Sabi ni 12:11 no one is to blame but filipinos. Pinoint out ko lang na CHINESE COUPLE ang unang nagdala dito ng virus at namasyal pa.

      Delete
    13. Pero the gov't downplayed the spread of virus. Nakalimutan niyo ba sinabi ni Duterte? Kung naghanda siya for worst case scenario nung December at January pa lang edi mas nalessen ang effect sa bansa.

      Delete
    14. Miss lagi meron pinagmulan, nun nag ban ang government ng travels, meron ako friend n nasa Taiwan, I was reading the comments nagagalit sila Kay president kc Bakit daw need p ng travel ban s lahat, so kahit saan mo I lagay me reklamo, ang Canada March 15 Lang nag travel ban. So wag kau dyan n parang ganun Lang kadali

      Delete
    15. Some people are not really stubborn. Hindi naman kasi lahat nabigyan ng ayuda or relief goods, wala naman silang choice but to go out and buy foods. Sa tingin mo, may lalabas pa ba kung may stock naman sila ng pagkain?

      Delete
    16. Sorry but an ally will not let you get sick. Sa mag kakaibigan, kung may sakit yung isa, sasabihin na huwag kang dumikit at baka mahawa ka. China is not your friend. They will always take care of themselves first before you.

      Delete
    17. 2:25 Kaya ba lumalabas ang mga tao eh dahil lang bumili ng food? Last time I heard, inaallow naman yun basta may quarantine pass and only to buy food and meds. Pinagbawal na rin ba yun?

      I think these are not the people being complained of. Madami pa rin talagang matigas ang ulo, yun ang totoo.

      Delete
    18. Nope. Infections in pinas were started by tourists from Wuhan. The government was late in stopping tourists coming from China despite the worsening epidemic in China, especially Wuhan, in January 2020.

      Delete
    19. First contact ng wuhan virus dec. 2019,akala nila SARS flu lang.january 2020 chinese new year! Uwuian lahat. Then mas dumami, khit mga chinese citizen wala pa silang idea na ganon. Ka seryoso ang virus, kasi mga medical doctors lang talaga nakakaalam,yung CCP sinbhan sila na wag basta maglalabas ng information, kasi pwde ka nila ikulong(communist nga diba) tpos dagdagan mo pa ng isang organization na malaki ang impluewensya ng CCP, WHO!! Sila mismo nagsabi na nothing to panic because its not pandemic,no human to human contact. Which they are totally wrong... Kaya everyone is blinded.. Ganon mag laro ang CCP.

      Delete
    20. Hand in hand ang gobyerno at tao. Kung may pagkain, tubig at maayos na lugar ang mga tao, at di nila aalalahanin ang trabaho nila, susunod sila sa quarantine ng gobyerno. Problema, waley!

      Nakapunta ka na ba sa squatters area, na tipong isang 15 sqm na tirahan eh pito ang nakatira? Mainit, maingay, tapos wala pang pagkain o maiinom... ay talagang lalabas sila ng bahay!

      Delete
    21. baliktarin natin. ganon din nman tyong mga pinoy. kya wag kang mapanghusga. sisi kyo ng sisi eh bkit nung december ba at january asan ka? im sure nag christmas party pa or labas..d tlga tyo handa ksi dinownplay ito.

      kung sana nag self quarantine ang mga umuwi galing ibang bansa for 14 days.bka nakatulong pa. pro likas na ang matigas ulo at pasaway.

      Delete
    22. 2:25 other than those who need to leave their house to find a living or buy necessities, ano tawag mo dun sa mga nahuling nagsasabong during lockdown?

      Delete
    23. If you look up at numbers of # new cases over 200, it means to say, dami ayaw sumunod sa quarantine. CoVid is 1:3 rate of infections

      1 sick can infect 3 people. These 3 person end up infecting 9 people and 9 people infecting 27 people and so on. It has domino effect. CoVid rate of infections is 1.3 , ang hirap e -contain ng Virus na iyan.

      1 infected person isolate himself and quarantine himself in his house, he will probably infect his 3 of his family members but if they all decided to stay home. They will contain the spread the virus and hopefully recover and get better

      1 infected people ends up infecting 3 more people. All of them abide the home quarantine except one person who continually defies government quarantine, the cycle of infection and community spread will start all over again. 😓

      Delete
    24. Eh kaninong choice of ally ba ang china? Presidente lang naman nagpupumilit gawing ally yung magnanakaw ng isla natin. Habang nagkakagulo dahil sa covid, busy sila sa WPS. Thank you, china

      Delete
    25. Mga balikbayan mga nanghawa, case 4 and up puro mga bakasyonistang galing abroad at mga nagbalik na ofw

      Delete
  3. Ang hindi ko maintindihan bakit pinauwi ung mga ofw na galing ibang bansa. Dapat nagquaratine muna sila kung san man sila galing

    ReplyDelete
    Replies
    1. Are you even reading the news? Diba pinapagquarantine nga sila yung mga umuwi? Pero sila mismo ang nagagalit nagrereklamo supposedly 14days silang quarantine pero dahil ugali ng pinoy maging pasaway di sila sumunod sa protocol ng gobyerno. So ang ending pagdating umuwi sa bahay nagkalat ng virus. Ginagawa ng mga tao ang trabaho nila kaso marami ang pasaway at ayaw sumunod

      Delete
    2. 12:12 Pinauwi sila kasi wala na silang trabaho kung saan man silang bansa nanggaling dahil sa mga lockdown. Hotels, restaurant, seafarers, piloto etc. Hindi sila para sagutin ng ibang bansa kaya ending-uwi! Marami pa yan sa mga susunod na buwan

      Delete
    3. Maraming nawalan ng work sa ibang bansa. And sadly hindi sila priority ng gobyerno doon. No choice for them but to go home.

      Magbasa ka naman ng news.

      Delete
    4. Wala na po kasing trabaho kaya maraming terminated ang contract. No choice, kumbaga.

      Delete
    5. Pero sa China huminto na ang mga namamatay sa covid dahil hindi na gumagalaw yung tally board nila stuck na sa 3349 ata lang and matagal na yung hindi umakyat. Sa dami ng population nila. Inaantay ko yung India pero mukhang Patay ang virus sa Dumi ng paligid nila kaya walang gaanong namamatay mas marami pa dito sa atin.

      Delete
    6. Nagpapaniwala ka naman na 3k lang ang nategibelles, ask mo pa Taiwan. Binilhan sila ng China ng 50k bodybags. Try lang.

      Delete
    7. At 3:24 naniwala ka naman na wala ng new infections sa China? I doubt it. Kung tinago nila nong una,I’m sure itago nila na Meron pa din new infections.

      Delete
  4. Uwian na may nanalo na. Pero seriously ang baba ng nakakarecover sa atin. Sa paigtingin pa ng DOH ang laban.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It only shows na kung gaano kahina ang health system natin dito

      Delete
    2. mababa talaga ang recovery rate while mataas naman ang death rate dahil pwera na lang sa mga politicians, ang tinitest lang ng DOH ay yong may severe or critical conditions.

      Delete
    3. Mataas din ang bilang ng mga medical staff na nahahawa at namamatay, nakakaawa.

      Delete
  5. dyan magagaling ang pinoy, sa pagiging no.1 !!! ang titigas kasi ng ulo at puro kayabangan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa mga mahihirap, kalam ng sikmura yun at kawalan ng maayos na matitirhan.

      Sa mga yayamanin na pumila pa sa drive thru ng Starbucks... ayun, matigas lang talaga ulo.

      Delete
  6. Kung nung simula plng binan na ung incoming flights mababa to none cguro ang covid cases.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magbasa ka po. Sept2019 nagstart ang virus december 2019 nagstart na ito diba nay doctor from china ang nagreveal? So regardless kung sabihin man natin na DAPAT binan ng maaga wala narin tayong magagawa kasi nalaman nalang ng WHO ang lahat late january na then february declared pandemic so hindi na nacontrol ng gobyerno natin ang pagkalat kung ang america nga maaga nagban sila itong number1 tayo pa kaya? Matuto magbasa paulit-ulit nalang kayo puro sisi

      Delete
    2. Girl wala ng kinalaman yun! Yung patuloy na pagdami ngayon e yung kawalan ng disiplina ng karamihan lalo na metro manila

      Delete
    3. 1:29 defensive ka lang. Totoo lang naman. Kung yung iba ay nagban na ng incoming flights from China, ano ba ginawa natin? Winelcome pa sila. Sabi ng tatay digong niyo, ilagay ninyo mga sarili niyo sa kanila ano mararamdaman niyo? Di ba masakit? Dapat daw iparamdam natin na nandito tayo para sa kanila. At wag mo ikumpara ang US sa atin dahil iba geographical state nila. Ikumpara mo Pinas sa mga katabing bansa nito dahil parehong klima meron sila. Tingnan mo for eg Taiwan na lang dahil pinakamalapit sa China. Maagap sila. Banned incoming flights from China. Kamusta sila ngayon?

      Delete
    4. 1:29 kasi ang WHO ay backed up by China. Kasabwat sa pagtatago ng totoong situation sa Wuhan. May alam na palang bagong sakit at may chance na kumalat as early as last year pero January at February false assurance pa rin binibigay ng gobyerno. Sana naisip nila na maghanda sakaling umabot sa bansa at kumalit, hindi e pinagwalang bahala ni Duterte at DOH

      Delete
    5. 1:29 paniwalang paniwala ka naman sa WHO. May issue kaya yang si Tedros sa pagiging incompetent nya at pati sa position nya. Late na kumilos WHO kaya kumalat yang covid na yan

      Delete
    6. 1:29 wag ka masyadong pabibo. Sa panahon ngayon di lahat ng nababasa mo eh 100% FACT. Ako naman magsasabi syo noh, magresearch ka din di puro basa.

      Delete
    7. Kung naghahanap kayo ng maayos na ehemplo na kapwa 3rd world, just look at Vietnam. Enero pa lang, wala na silang pasok. Maaga din silang nagban ng flights, nag-lockdown at nagsuot ng mask. At ang disiplinado ng gobyerno at mamamayan nila na akala mo may gyera sila sa tindi ng planning, execution at pagsunod sa mandato ng gobyerno. Partida, may border sila with China, pero ang baba ng cases nila. Prevention is truly better than cure.

      Delete
    8. 1:29 That doctor who died was talking on twitter with his co doctors in late december and not september. LOOK it up. His name is Li Wenliang. Taiwan banned entry of Chinese mainlanders and fever testing on airports as soon as they found out. WHO already know about it before China announced it in Dec 31. Duterte was forced to ban people from Hubei in January 31 only after protest. Wala ring protection na nilatag sa airports. That is a whole month na kumakalat ang virus habang in denial si Duterte. Yung ibang bansa at that time, naghahanda na at bumibili ng mask, ppe at hinaharang may lagnat sa airports pero tayo petiks lang gaya ng US.

      Delete
    9. 1:29, Dec 31 pa lang, binalita na sa TV patrol na may unknown virus na nagcacause ng Pneumonia ang kumakalat sa China, 1st week ng January, inacknowledge ng WHO to. January 23, naglockdown ang Wuhan para macontain nila. So from the whole of February, ano naging preparations ng Pinas? Kasi by late Feb/early March, boom! Kumalat bigla sa Korea, Italy at Iran. And by then, the threat of this becoming a pandemic na posibleng makaapekto sa atin has become imminent.

      Delete
    10. 12:11 ah e di ba nga puro ABSCBN ang laman ng mga balita at yung concern ng mga artista sa mga small workers nila. Me parally pa nga kasama mga leftist. Nung nagsuspend lang ng klase tumigil. Special session pa nga $enate di ba nga!

      Delete
  7. Ay so proud of pinoy, another achievement n nman ito. #proudtobepinoy

    (para s mga hndi makagets, sarcastic po ako)

    ReplyDelete
  8. We are reaping the fruits of procrastination

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag kumalat at lumala saka lang aaksyon. Dapat yung sa umpisa pa lang nalaman mo na may danger at maghahanda for the worst case scenerio. Mali mali pa advice ng DOH at WHO tuloy mga tao nakampante rin

      Delete
  9. Wow, ang galing! Bongga na naman ang record na naset ng PH! To think understated pa yan dahil wala pang mass testing. Ang deaths recorded malamang yung alam na positive sila, ang mga pui lang na di man lang nakapagtest at binawian na (at marami sila) di kasama dito. Segi doh, gandahan niyo pa ang stats, diyan kayo magaling, ang magtago ng katotohanan.

    ReplyDelete
  10. Martial law na lang para madisiplina mga Pinoy at matigil na to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:58 lalong magkakagulo nyan kung ginamit ang salitang "martial law". Better kung higpitan nlng ang implementation

      Delete
    2. kahit na magmartial law if wala namang cohesive plan ang gobyerno kung paano iflatten and curve, useless din. tignan mo ngayon, nglockdown nga pero wala namang mass testing, so useless din. kaya sa susunod na election, vote wisely. wag herd mentality.

      Delete
    3. Alam mo, aanhin mo ang martial law sa taong kumakalam ang sikmura? Lalabas at lalabas pa rin yan!

      Delete
    4. seriously????

      Delete
    5. Martial law kayo dyan, eh ngayon pa nga lang wala nang plano gobyerno. Bibigyan pa ng martial law ang gobyerno?!? Kalokohan!

      Delete
  11. I wonder kung hindi ba sila nagssharean ng notes kung paanong madaming recoveries sa ibang bansa pero sa atin ganyan lang. Merely a percentage of their Malaysia's and Thailand's total count.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:05 mapride si pduts, kaya most likely he didnt tale note of their good action. Plus, he most likely consult china and his useless minions

      Delete
    2. Puro budget cut ang DOH, halos walang sahod ang nga nurse sa public hospitals, he cut the budget of UP na pinakamalakas mag-research (right, Sen. Villar?!)... tapos ngayon, hahanap hanap ng mirakulo galing sa medical teams?!? Doon kayo maghanap ng solusyon sa mga mahal ang bayad, like Mocha at kung sino sino pang presidential appointees!

      Delete
  12. Ang dami namang DDS dito na ang script ay pasaway at kasalanan pa ng mga tao bakit ang daming cases dito... may isa pa sabi martial law solution.
    Hindi ba pwedeng inept lang ang gobyerno at sana ayusin ang health care.
    We have done our part na huwag lumabas. Gawin naman nila ung part nila to flatten the curve
    🙄🙄🙄

    ReplyDelete
    Replies
    1. So bibo kid ka nyan 1:13?

      Delete
    2. Ha? Bakit? Hindi ba kasalanan na ng tao kung dadami at dadami yang cases?? Kung konti lang ang lumalabas o kung walang nakatambay parin sa labas walang kakapitan ang virus! Nakikita mo ba mga nasa metro manila na nag iinuman parin sa labas? Sugal? Sabong???

      Delete
    3. 1:13 sadly hindi lahat sumsunod sa quarantine. Labas pa din ng labas at hindi sineseryoso ang virus.

      Delete
    4. Exactly. Eh yung chinese couple naman unang nagdala ng sakit dito. Maraming matitigas ang ulo in GENERAL. Hindi lang dito sa Pinas. Hindi ko sila binibigyan ng excuse. Pero kahit patayin mo man sila sa salita, hindi pa rin mapipigilan. Kaya ang ball ay nasa gobyerno. May mga resources sila. Dapat una pa lang preventive measures na ginawa.

      Delete
    5. 1:13 ofcourse they do that, they are blinded by their toxicity and delusions. They want to save their cult leader from further embarassment.

      Delete
    6. Hindi ako DDS isa akong nagiisip na pilipino. SEPTEMBER 2019 may isang doctor from china ang nagupload sa youtube about the virus namatay na sya, December 2019 kumalat na sa buong wuhan ang virus January 2020 saka lang nalaman ng WHO, February 2020 declared Pandemic so ilang months ang lumipas? Sa bawat araw linggo na yan kumalat na ang virus? So regardless kung binan ng maaga kumalat na sya at 14days bago lumabas ang symptoms ate magbasa ka. Kahit sisihin nating lahat ang gobyerno na kesyo bakit di binan ang travel ano gusto mo sa iba nating kapwa pilipino? Matrap? Mamatay sa ibang bansa? Magisip ka nga. Ang america hindi agad nagban same as italy why? Kasi inisip nila muna ang mga tao nila na makabalik sa bansa nila at sila itong magasikaso kaso ang ending kumalat na. Again PANDEMIC ito. Advice ko lang magresearch k marami sa youtube na reliable resources para naman maging productive ka sa bahay di yung puro putak ang gagawin mo. Jusko huwag ka ring maatittude ahhh baka isa ka rin sa umaasa ng ayuda at relief goods

      Delete
    7. 1:13 Have you been living under a rock or wala ka bang TV sa bahay para masabi mo yan? Ikaw pwedeng hindi ka lumalabas pero yung ibang matitigas ang ulo na pinoy sinadya mo bale walain? Ganyan ka na ba ka loyal sa kabila kaya kahit alam mo ang ginagawang mali ng matitigas ang ulo hindi mo pa din sila sinisisi bilang dahilan ng pag dami ng may sakit? Ayos ka baks! Bulag na bulag sa katotoganan.

      Delete
    8. para kasi sakanila Digong can do no wrong kahit dami na kapalpakan at incompetency

      Delete
    9. 1:51 Nakakatawa na America at Italy ang examples mo na hindi rin nag ban kaya ok lang na hindi tayo nag ban nung una pa lang. Pero yang 2 countries na yan ang top 2 sa dami ng cases. Lol.

      Delete
    10. Read the news.a significant portion is not complying. Maraming pasaway na pinoy. Govt is really not that strict yet. Dito s uae, may find pag lumabas plus ipupublisg ang mga photos ng nag violate.

      Delete
    11. Yung mga dumadagdag sa bilang marami diyan eh health care worker at frontliners. I should know kasi sibling ko pui at medical technologist siya. Di sinabi ng superior niya na pinagduty niya ang ongoing ang staff na ongoing ang covid test ayun nung dumating resulta after isang linggo saka palang nila nalaman. Ngayon di na umuwi sib ko para sure. Kami rin sa bahay nag self quarantine 2nd week na kami. Wala naman symptomps ang sibling ko pati fam namin pero just to be sure di ba.

      Yung disiplina rin sa mga ospital kasi may mga korapsyon din. Kung sino bata ng politiko siya magiging head kahit hindi senior na matagal ma doon. Ending incompetent.

      Delete
    12. 2:22 Sobrang palpak naman talaga, lahat ng nasa gobyerno. Simula pa lang nung una, wala nang presidenteng pumasa sa standards natin. Tumakbo ka na nga sa susunod na eleksyon bilang presidente at nang maiboto kita. Kailangan natin ng magaling, matalino, at alam lahat. For sure pag ikaw presidente, giginhawa ang buhay nating lahat at walang problema sa kabuuan ng termino mo. Saludo ako sayo ngayon pa lang. Yan ang kailangan natin ngayong panahon na ito, mga nag-iisip at hindi takot bumatikos sa mga mahihinang leaders.

      Delete
    13. Why do you keep on comparing the Philippine government sa mga countries who mishandled the Pandemic? Kasi inept naman talaga ang government. Maniniwala ako sa inyo IF mataas ang cases sa Vietnam. Sadly, no.

      Delete
    14. 2:11 do you even know the reason why some of them are going outside? For your information, they're finding ways to acquire basic needs which the gov't CANNOT EFFICIENTLY PROVIDE! Lalabas pa ba sila ng bahay kung efficiently provided ng gov't ang pinangakong ayuda? Mag-isip ka nga.

      Delete
    15. Well 2:26, you should read the entire news article and not just the headlines. They are not complying because the gov't cannot efficiently provide their needs. Some of them were not able to receive support from the gov't since day 1 of the community quarantine.

      Delete
    16. Ang babaw ng dds script. Nagsstay at home naman ako, girl. Si bong go, hindi. Nagpaikot ikot pa sa bansa para magassemble ng tao at mamigay ng goods. Puede naman sana ipahouse to house sa LGU yun. Makaepal lang talaga

      Delete
    17. Eh bakit samin dito sa mga probinsiya kontrolado na mga cases, diyan lang sa metro manila yung dumadagdag lagi

      Delete
  13. Hindi sa nagmamarunong but I think the report should include the population density of the countries. How many people per square km

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas importante ang testing capacity, wala yan sa population at location

      Delete
    2. i don't think the population density matters at this point. Tama si 2:23, Testing capacity dapat. Kung less ang test, most likely less ang positives.

      Delete
    3. Mga classmates, most virologists do not put much weight on this kind of reports. The problem with tests is that there can be false positive and false negatives unless it’s done with a reliable PCR. Nevertheless even if it’s done with a PCR how the test was taken is still a factor. A false positive is even more acceptable what is not is a false negative. I know while I am. not a virologist my nephew is. Just say I am better informed of course not compared to most of you but from most of what is in the media. Yes. this is 1:16

      Delete
    4. 1:16, ako na sasagot. Singapore has a population of 5.8M and land area if 721.5 square km. That’s 8.1k persons per square km. Philippines, on the other hand has 106.7M population and land area of 300k square km. That amounts to only 355 persons per square km.
      Now that you have the figures, do you think it matters if a place is densely populated?

      Delete
    5. Palagay na natin Tama ka 1:16All the more that this is skewed. Let’s take the population density of Manila alone. It’s 42,000 per square km. Yes it does matter. Magbasa ka ng science based report para ma intindihin mo kung paano ina analyze at ma compare ang mga ganyang klaseng graphs. So you think testing is that important. Yes it is. Depends on the testing method used. Why is South Korea now reporting “recurrence”? Mahabang explanation I suggest go on Twitter and search and follow virologists. Like I said am fortunate to have a virologist in the family. We can look at data and news reports objectively.

      Delete
  14. depende din yan kng ilang katao ang natest. Less tested na countries obviously less din ang chance na dumami ang magpositive

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero konti rin naman ang natest natin.

      Delete
    2. As of April 6, 2020: Malaysia tested 51,937.
      Transparent naman ang government nila and meron daily press conference ang Ministry of Health mismo to address the number of cases and answer any questions from the public.
      How about ang transparency sa bansa natin? Parang di ko nga napanood na meron pa press conference ang DOH

      Delete
    3. Philippines ang last sa tests conducted

      Delete
    4. Philippines nga kelan lang nagstart ng tests. Ang SG January pa nagstart and lately they’ve been testing as many as 2.7k per day. Basta may flu symptoms test kaagad.

      Delete
  15. It only shows kung gaano kapasaway ang mga Pinoy

    ReplyDelete
  16. Yung mga pasaway dapat pagsamasamahin na lang lahat. Tutal gusto nila mahawa eh pagbigyan at ilockdown sila lahat sa isang lugar. Matigas ang ulo.

    ReplyDelete
  17. Not all of those reported cases are hospitalized. Parang half lang. Yung iba home quarantine. It takes 2 tests para masabi na recovered talaga. Imagine if it used to take 5 days to a week bago makuha yung result tapos need pa ulitin. Lately lang dumami ang kits and bumilis ang testing. Mukhang mas tedious kaysa pagconfirm na positive and sa deaths naman 10 percent or more din ang namamatay sa filipinos abroad. Mas marami pa sa 6% death rate natin dito sa Pilipinas. Kasalanan pa rin ng healthcare natin yun? May guidelines po na sinusunod sa treatment ang mga doctors dito hindi po sila nanghuhula lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay naku, kaunti lang ang testing natin. Marami din na infected ay hindi counted kasi they are not tested. At ang namamatay sa bahay lang Hindi din counted kasi they are not tested din.

      Delete
  18. Ang titigas kasi ng mga ulo ng Pinoy. Sige labas pa para dumami pa lalo mamatay. Tatagal tayong naka lockdown at hindi na makaka balik sa dating buhay pag hindi naki cooperate mga matititas ang ulo. Meron kasi dyan mga kunsintidor na sasagutin daw ang bail ng 21 na nag rally. Kaya lumalakas loob ng mga taong yan dahil sa mga umeepal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas matigaa ulo ni Duterte at DDS. Panawagan ng tao isara at iban na foreign travels January pa lang pero dahil tuta ng China ayaw ng poon gawin

      Delete
    2. Tama ka doon. May bulls eye.

      Delete
    3. Kung efficient lang sana ang ayuda ng gov't, hindi na kakailanganing lumabas ng bahay ng ibang Pinoy para maghanap ng basic needs.

      Delete
    4. Hindi lahat nabibigyan ng ayuda kaya may ibang lumalabas para kumita at bumili ng makakain. Kung maganda lang sana ang pamamalakad ni Duterte, walang maglalakas loob na magrally.

      Delete
    5. 2:24 pano kasalanan ni duterte eh isa tayo sa pinaka unang nag travel ban sa china. Yun nga US aga din nila nag travel ban sa china pero tignan mo cases nila

      Delete
  19. Hindi lahat ng bansa nagkaroon ng maagang travel ban, not even Malaysia or Thailand. Hindi ako DDS pero pinapairal ko common sense ko. Palagi nalang sisi sa gobyerno ang alam ng tao. Granting nagkaroon ng maagang travel ban, sa tigas ng ulo ng mga pinoy, sa tingin mo ba, mas mababa ang kaso ng Covid sa Pinas, I don't think so.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Many of the early cases were people coming from hk and china or had contact with people from hk and china. Kung sana nagimplement ng travel ban and strict quarantine sa mga galing sa China, definitely mas mababa sana. Ang nangyari sa atin, kalat na ang virus before nagimplement ng ECQ.

      The ECQ is already working. Bumabagal ang pagakyat ng numbers. Ibig sabihin at this point, yung early infections prior to the ECQ talaga ang major factor

      Delete
    2. Yung Russia nga isa sa mga naunang nagpa travel ban sa China pero mas mataas pa number of cases nila satin

      Delete
    3. Hindi lahat ng infected sa virus nanggaling sa China. Yung iba nanggaling na sa carrier ng virus mula sa ibang bansa.

      Delete
  20. kakahiya. yun lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag kang mag-alala. Problemado din ang mga ibang bansa dahil sa covid. Wala silang panahon para pagtawanan tayo.

      Delete
  21. Hindi naman nakakagulat na yung mga overpopulated at third world country na gaya natin mataas ang bilang ng cases.

    ReplyDelete
  22. Omg, it’s scary for us. It’s not under control, obviously.

    ReplyDelete
  23. Ang dami kasing umuwing ofw dahil bagsak presyo plane ticket

    ReplyDelete
  24. marami pa rin kasi na ayaw magpaawat sa pag gala sa labas. Nakakaloka.

    ReplyDelete
  25. grabe recovery sa thailand at malaysia.

    ReplyDelete
  26. Ano yung sinasabi ni Arn Arn na wag daw ireport mga namatay, eh ayan o Topnotcher tayo

    ReplyDelete
  27. ayan kc sobrang competitive ng pinoy gusto number 1 palagi. cge masilabas pa kayo ng bahay nyo para world wide na tayo number 1

    ReplyDelete
  28. Partida naka. Enhanced Quarantine pa tayo nyan

    ReplyDelete
  29. Government may have flaws fighting this pandemic. Who would be ready for this? What we can do is to follow kung ano ni rerequest ng government para hindi na kumalat yung virus. If you have complaints, you can relay it to your local government. Sila bug bugin nyo ng reklamo kase sila dapat nakiki pag usap sa higher government. Virus po kalaban hindi yung tayo tayo ang nag aaway. Kahit dito lang maki isa naman tayo wag puro away. Prayers lang kaya ko iambag at mag stay sa bahay. ✌️

    ReplyDelete
    Replies
    1. Duterte didn't have Miriam Defensor-Santiago's foresight. If she was still alive and became the president, our country would have been ready for this. Miriam Santiago filed a bill to prepare the Philippines for pandemics years ago pero binalewala lang 'to ng Congress. Now we are suffering because of Duterte and the Congress' incompetence and cluelessness.

      Delete
    2. Local officials do not have communication with the natl govt. Di nga raw sila pinapansin o kinakausap. Diretso presscon tapos sila ang binabatikos dahil sa mga declaration ng malacanang when in fact, late naman naibaba ang mga budget sa LGU. Maraming di pa nakakatanggap until now and week 5 na ng quarantine.

      Delete
    3. Who would be ready for this? Vietnam. Taiwan, Georgia, Greece

      Delete
    4. 4:22 yung mga sinabi mong bansa walang masyadong mga citizens na nagtratrabaho sa ibang bansa unlike sa atin. Mga asymptomatic balikbayan halis mga nanghawa satin

      Delete
  30. Puro nalang kayo sisi sa gobyerno. Tingnan nyo kung gaano katigas ang ulo ng mga PINOY. Alam na alam naman na lockdown pero saan mo sila makikita? Magsalita kayo tungkol sa gobyerno akala nyo naman ang lilinis nyo. Sa panahon ng CORONA kelangan magkaisa at matutong makinig sa paalala ng gobyerno. Para din naman sa ting lahat to at ng matapos na. Please lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi efficient ang gov't sa pagprovide ng basic needs ng mga pinoy kaya sila lumalabas para bumili o kumita ng pera. Para sa kaalaman mo, nakamamatay ang sobrang gutom. Kung makapagsalita ka rin tungkol sa mga pinoy akala mo naman nakapagbibigay ka ng ayuda. Wala kang naitutulong kaya huwag mo silang pigilan na magreklamo. Wala kang karapatan. Please lang.

      Delete
    2. Kahit ilang buwan mo ilockdown ang mga tao, kung hindi tayo nag-tetest, hindi nagagamot ng maayos, dadami lang ng dadami.

      Delete
    3. Hello, ung gobyerno pa nga ang kailangan ng facts at paalalahanan kasi ang dami nilang maling pinakalat. "No need to ban china flights. Jusy boost your immune system" "ear bananas" "drink ginger tea" "we do not need mass testing"

      Meanwhile, ilang araw na trending ang travel ban, lockdown at mass testing bago inimplement.
      Saying this while faithfully staying at home. May internet naman kasi, girl. Kaya namang magsalita habang sumusunod kami sa gobyerno. Sa totoo lang, nauna pa nga kami sa gobyerno kasi ung DOH ang bagal.

      Delete
  31. Obvious naman na yung kapitbahay nating bansa hindi nagtetest o hindi narereport ng totoo. Hello cambodia, laos, myanmmar etc.

    ReplyDelete
  32. Ang Philippines ang worst case sa ASEAN, tapos tayo lang ang naka-lockdown. Ang daming stranded, maraming nagugutom, maraming pagod na pagod maglakad. Sa ibang bansa limited lang ang galaw tapos less ang deaths pero more recoveries. Bakit...?

    ReplyDelete
  33. Says a lot about how the govt is handling this

    ReplyDelete
  34. Dumararami na dahil dumarami na ang nate-test. That's a good thing actually. Normal yan.

    ReplyDelete
  35. Wala kasing discipline karamihan sa mga pilino, matitigas ang ulo ayaw sumunod para iwas sakit.

    ReplyDelete
  36. I remember chinese una nating may covid at namatay din yung isa, so it means yang mga chinese na yan ang nagdala dito ng covid

    ReplyDelete
  37. Calling the attention of our leaders...Pls lang po Sir once matapos ang lockdown i'am 100% sure na mag papasukan na naman dto ang mga chinese...mag babalikan na naman cla...please sana wag muna natin gawin yun...mag bilang po muna tayo ng months para makasiguro tayo na clear na lahat...huminga muna tayo ... Kasi kung naaalala nyo na sila ang nagdala dto at sa kanila nanggaling ang virus...
    Pakiusap lang po na sana wag muna silang e allow na makapasok dto...
    Im not racist po naniniguro lang po para maka iwas po tayo...pagod na pagod na tayong lahat sa nagyayare na to...baka manan po pwede nyong econsider na wag muna mag papasok na mga dayuhan lalo na mga chinese...eisangtabi muna natin ang iniisip na kikita at dagdag kita sa economy natin...di bale na po bumagsak muna ang economy kesa naman mag bagsakan tayong lahat dito sa pilipinas sa sakit...yun lang po at mabuhay kayong lahat.

    ReplyDelete
  38. Pilipino number 1 sa katigasan ng ulo,ineasy easy lang ang virus na yan.Inuman s labas,gala,boxing,sabong,tsismis..Sisihin nyo sarili nyo

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...