Ambient Masthead tags

Monday, April 13, 2020

Philippines Ranks Second in Confirmed Covid-19 Cases Among ASEAN Countries

Image courtesy of Twitter: tribunephl

180 comments:

  1. Partida, nasa 72k na ang tinest ng Malaysia. Sa atin 25k pa lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga PUI's pa na namamatay na lang ng wala pang result or hindi tested at all. Idk kung sinasali sa count.

      Delete
    2. don’t forget the deaths. Nakaka panlumo, shows lang na wala tayong maayos na service dito.

      Delete
    3. Walang bansa Ang handa sa epidemic na Ito even sa mayayamang bansa.. wag ka nman ganyan bigyan mo nman kami Ng mataas na moral!
      #GovtEmployee
      #Frontliner

      Delete

    4. AS USUAL KULELAT SA HEALTHCARE, ANG PINAS.

      Delete
    5. totoo yan 152am. halos pare-pareho lang ang sitwasyon sa buong mundo ngayon ke mahirap ke mayaman. kahit papaano may nagagawa naman ang gobyerno natin. ofw ako, asean country rin. dito selected areas lang ang may lockdown. mukhang wala ring contact tracing. sa grocery lahat ng tao naka-mask pero hirap pa rin sumunod sa social distancing. at least dyan sa atin strictly implemented talaga ang social distancing at may ecq. yun lang madami pa rin pasaway. pero in fairness, marami rin namang sumusunod.

      Delete
    6. 2:24am edi hindi strictly implemented kasi madami pa din pasaway

      Delete
    7. 1:52 Bakit ba pinipilit nyong walang handa na bansa? Look at Singapore's number of cases vs their number of deaths? At yan lang ang cases nila despite all the mass testings and being an airline hub in asia. Wanna know why? because they were prepared!!!

      Delete
    8. Ang dami na nagsabi na ban muna flights from China... but no... so tama na yang copy paste na response na yan, 1:52 kasi merong mga bansa na nakapaghanda, like south korea, singapore, taiwan at vietnam

      Delete
    9. 1:52 May mga handa pong bansa. FYI. Tingnan mo ang Singapore, Taiwan at Vietnam. Also kahit yung mga hindi handa, kahit papaano bumabawi sila sa competency. Look at Malaysia, marami ngang cases pero hindi naman ganun kadami ang namamatay. Kumpara mo naman sa atin eh marami kasing incompetent na mga officials.

      Delete
    10. Singapore is prepared. Even before the pandemic hits, they already built the bldg designed for any pandemic. We had trainings/drills for it since I started here way back 2008. Frontliner here and working in the COVID bldg.

      Delete
    11. Pinas ang number 1 in active cases.. 2K na ang recovered sa Malaysia eh.

      Delete
    12. Eh yung number of deaths? At number of recoveries? Indication yun ng mga hindi natutugunan ang mga taong apektado ng COVID19, at kapos na kakayanan para tumugon sa mga taong dinapuan ng COVID19.

      Delete
    13. 2:56 follow lahat Ng Tao kya kunti Lang ang namatay unlike sa pinas daming pasaway at daming reklamador

      Delete
    14. 2:56. Mayaman na bansa ang Singapore. I know dahil nagwork ako dun for ilang yrs. May malasakit ang gobyerno nila at may disiplina rin ang mga citizens. Yung public hospitals nila pang Makati Med levels na. Hindi mo pwede ikumpara ang Sg sa Ph dahil pagdating pa lang sa gobyerno, walang wala na ang Pinas.
      Kung ung puno’t dulo pa lang, sa pinakauna unahang panahon pa, naging maayos na ang gobyerno natin, walang corrupt at talagang ang pag angat ng bansa ang napagtuunan, di sana naghihirap ang buhay ng mga Pilipino.

      Delete
    15. @2:56 iba ang prepared sa me pera. Maayos healthcare ng sg dati pa. At di pasaway mga tao dun.

      Delete
    16. 2:56 Don't compare a small, 1st world country to us na mas malaki and 3rd world country.

      Delete
    17. 1:52, wala talagang prepared. BUT THAT’s NOT AN EXCUSE. Ano yun? Tanggapin na lang natin? Lol.

      Delete
    18. Gaano ba kalaki at kadami Ang Population Ng Singapore? Do the mathπŸ€”πŸ€¦

      Delete
    19. It's not about being prepared. It's about having a good response. Lahat tayo binigla nito pero sadyang mas magaling mag-respond yung ibang bansa lalo outside ASEAN na yung maayos na yung healthcare system at IT infra like Korea.

      Delete
    20. 1:52 dito sa Australia, Di rin kami handa Pero 5k lang yung active cases and yung death rate mababa at ang daming nakakarecover.

      Be realistic. Basura talaga ang healthcare sa Pinas.

      Delete
    21. 2:56 they were sort of prepared because of SARS before but SG in terms of land mass, control and structure of govt also the discipline of people is very different from phil. Also given that singapore is one of the richest countrIes they have more resources have more capability to do tests and provide the best healthcare possible. Our country philippines with very limited resources is already doing great compared to other countries in terms of numbers of cases cause we did the lockdown pretty early sana lang mga tao sumunod sa strict social distancing guidelines to flatten the curve. Cos we cant come to the point where hospitals will be overwhelmed and system will start to collapse and not be able to care for patients dun tayo magiging kawawa. So please stop whinging and just stay home. If kaya tumulong sa iba help.

      Delete
    22. 1:52 teh tignan mo kasi yung Vietnam. Third world din yan at close sa economic situation ng Pilipinas. Alam mo ang difference nila sa atin? Nagprepare sila. Maski mahirap na bansa kayang mapabuti ang situation kung may maayos na planning noh.

      Delete
    23. Congratulations Philippine government. Santa botante, sa susunod na eleksyon boto ulit kayo ng incompetent at irresponsable at un bahag ang buntot sa China

      Delete
    24. 1:52 mali hashtag mo more on #dds ka dapat. Wag mo kaming eklabuhin. Kasalanan ng gobyerno na ito bakit ganyan ang numbers. Thailand, Myanmar, Cambodia first world countries ba yan? Look at their number of deaths kumpara mo sa atin. Sabay kamot ka sa ulo

      Delete
    25. Sa tingin ko malaking factor sa preparedness yung obedience ng mga tao. Kahit gaano ka ka prepare kung di susunod mga tao wala din .

      Delete
    26. 2:56 because they're trying to excuse this government's incompetence. As usual.

      Delete
    27. 2:56 hindi rin girl, hirap na ang Singapore, they tried it but the prime minister is thinking of a lockdown there

      Delete
    28. Wala naman talagang bansang handa dito, pero atleast most of them may magandang plano at systematic na plan para kung di man mawala ang covid, ay somehow mabawasan ang cases. Just take korea and singapore as an example.

      Incompetence is incompetence. Pati recovery rate natin napakababa. Kawawa mga frontliners natin, dahil lang sa incompetent ang DOh natin

      Delete
    29. SA CHINA WALA NG COVID KUNG SAAN ITO NAGSIMULA! NAGBUKAS NA ANG WUHAN AT TAPOS NA ANG LOCKDOWN! WALA NG NAMAMATAY!

      Delete
    30. Don’t blame it all to the government. Madami talagang pasaway na pinoy rin. @2:56 kinompare mo talaga sa Singapore na sobrang disiplinado ng mga tao.

      Delete
    31. Hi Anonymous April 13, 2020 at 2:56 AM
      Wag mo igaya Singapore sa Pinas, they have better citizens. Sa Pinas lang ako nakakita ng mga taong wala na ngang trabaho, sila pa yung magaling magreklamo sa naiaabot na tulong ng Gobyerno. Nasaan na yung ugaling pinoy na matutong mamaluktot kapag maikli ang kumot? Masyado na ata na spoiled mga Pinoy. Kung sino pa yung di nakikinig at sumusunod sa Enhance Quarantine, sila din yung nagrereklamo dahil lumalaki yung cases. Napaka hypocrite. Paalala lang po, hindi po mayaman ang Pinas. Wag tayo utak talangka, at kung kompetesyon man ito, wag kayong mag alala mga snowflakes jan sa Pinas, di lang kayo ang nahihirapan. Pero kayo lang ang mga pa woke. Kala mo dami naambag sa lipunan. TIME!

      Delete
    32. 1:52 government employee rin ako kaya mas lalong naffrustrate ako kasi alam ko na ang daming magandang advice na binibigay sa taas pero hindi iniimplement. minsan iniimplement na lang pag ang lakas na ng public pressure. politika pa rin pinapairal sa decision making.

      Delete
    33. Handa naman ang Pilipinas. Nag-order nga si Duque ng 2k na testing kits di ba. 😜

      Delete
  2. Competitive talaga mga pinoys

    ReplyDelete
  3. Including the number of deaths, Philippines ranks first. Globally competitive talaga ang mga Pinoy. Pero please lang sana sa loob na lang tayo ng bahay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Indonesia sa number of deaths

      Delete
    2. Nope, we’ve overtaken Indonesia. Wala pa tayong mass testing. Andaming namamatay na di alam kung positive or negative for Covid-19.

      Delete
    3. @1:04 pero tingnan mo number of recoveries ng indonesia kumpara sa atin

      Delete
    4. 2nd sa number of deaths but look at how many their number of recoveries are. Tayo yata ung may pinakamataas na mortality rate to recovery that the govt continues to ignore. Quit giving excuses.

      Delete
    5. 9.25 what idea can u give us namakatulong para sa katulad naming frontliners? Buti nga kayo nasa house lang puro pa kayo reklamo. Baka gusto mo tumulong.

      Delete
    6. Wala pa ata lockdown sa Indonesia kaya I think mas mataas ang real cases nila kesa sa atin. Also I have read na medyo nili-limit ng government nila sa media ang pagsabi ng real numbers nila.

      Delete
    7. 12:47 frontliner ka ba talaga? Yung mga nag rereklamo is for frontliners din. Para magkaroon ng magandang system sa healthcare. Para gumaan ang trabaho niyo kahit papaano.

      Delete
  4. Also 2nd in number of deaths. Di ba natin kayang magpagaling ng severe cases? Feeling ko karamihan sa naka-recover at yung may mga mild symptoms lang. Matagal din kasing hindi natututukan ang health sector mg Pilipinas eh. Nakakalungkot. Sana makabangon na ang buong mundo sa covid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito din napansin ko. Mukhang mahina pagdating sa gamutan ang Pilipinas. Shucks

      Delete
    2. Wala naman kasing gumaling na severe cases puro papuntang Cremation pag severe na.

      Delete
    3. Hindi naman talaga dapat nakakamatay ang virus na ‘to unless may comorbidity ka. Ang problema eh yung capacity ng hospital at health workers na mag-gagamot sayo. Yun ang problema kaya kahit mayayamang bansa eh di magkandaugaga.
      Kaya nga nag-ECQ para mapabagal ang dami ng cases at di ma-exhaust ang hospitals. Ang problema, matagal ng overloaded ang hospitals natin at naglayasan na ang mga healthworkers.
      So talagang magdasal tayo na wag tayo tamaan kasi yung chance natin na ma-tegi mas mataas kesa sa maka-recover dahil sa healthcare system natin.

      Delete
    4. Kulang tayo sa ventilators. Mabagal ang results ng tests. So doctors can’t give the necessary and appropriate treatment for the patients.

      Delete
  5. Ayaw patalo. Daming matigas ang ulo kse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lang yan, ang government din walang matinong plans from the beginning. Dami nga nating deaths. Yung Malaysia naman maraming cases pero konti lang ang deaths.

      Delete
    2. Madaling magplano kung nakikinig lang mga tao hindi puro reklamo.

      Delete
    3. 1.30 baka me plans ka to beat corona virus..share mo naman at ng maishare natin kay gov. Coumo ng new york kasi matagal na silang tagilid. Ishare mo naman golden ideas mo at ng ikaw na presidente.

      Delete
    4. tigas ng ulo ng mga officials mismo. ilang beses na nga ulit lumabag si bong go sa bawal ang social gathering na rule? yung donations pwede idiretso sas beneficiaries. maximum epal lang kasi kaya panay ang pagassemble ng tao para magpamigay ng goods na natatakan ng mukha nya.

      Delete
    5. 1248 pm di ka yata aware na ilang araw una nagtrending ang travel ban at mass testing bago inimplement ng gobyerno. Ilang linggo ring private donors ang nagsusupply ng PPE bago nagprocure ang government.

      Delete
    6. 12:48 Ang dami nang nag sh-share ng ideas from the beginning. Paulit ulit kayo. Dapat banned na agad ang flight from China nung January pa lang. Dapat strict monitoring sa pumapasok na mga tao from overseas. Dapat nung una pa lang marami nang orders ng PPE at testing kits. Dapat hindi dinownplay itong virus ni Duts at Duque. Ang dami pa pero DDS ka so hindi mo pakikinggan.

      Paki ko sa US?? Nasa Pilipinas ako. Lmao.

      Delete
  6. Konti naman ng recovery satin.

    ReplyDelete
  7. Suma Cumlaude pala ang Pilipinas.

    Tapos kami sa metro Manila sa Quezon City Magna Cumlaude. Consistent!

    Haaay. Hinde ito matatapos hangang Marami matitigas ang ulo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na tlga ito matatapos. Bukod sa parang common flu na ito at nasa community na, wala pa naman vaccine. Ang gusto na lang natin macontrol sana yung dami ng nagkakaroon at namamatay kaso sa tigas ng ulo ng pinoy at mas mamamatay sila kung di makatambay at makagala, eh parang imposibleng bababa tlga ang kaso. Itago na lang natin sa pneumonia ang sakit ulit

      Delete
    2. Sabi pa ng Friend ko who is a front liner yung iba talaga hinde nag sasabi ng totoo. Haaay

      Delete
  8. Baka meron na naman magsasabing proud to be pinoy

    ReplyDelete
  9. Ang taas ng deaths natin compared sa iba at ang baba ng mga recovered!

    ReplyDelete
    Replies
    1. @12:59 Accdg to DOH, kaya kung minsan mataas ang death toll sa isang araw kasi daw yung nga namatay as PUIs, mataTally lang as Covid19 death kung lumabas na results nila as positive. May mga namamatay kasi na PUI pa lang prior to their results. At mas marami na kasing testing labs ngayon kaya daw ganyan. Pero alarming pa din talaga.Kaya dapat talaga #StayHome. Wag matigas ulo.

      Delete
  10. Yung mas mahihirap na Bansa pa ang mababa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung mahirap na bansa maybe hindi nag testing kaya mababa. Ang best is yung marami kang na test and konti lang positive. Pero yung mga test kit din kasi minsan hindi accurate kaya tricky din. Akala mo negative ka tapos in reality positive pala and hindi ka ma ingat kaya nakapang hawa ng iba

      Delete
    2. Hindi kasi ganun karami ang tourists sa mas mahihirap na bansa. Yung mas marami mga paboritong bakasyunan ng mga East Asians and other nationalities.

      Delete
    3. Vietnam mas mahirap sa atin pero mas ok yung stats nila sa atin. Marami kasi tayong OFW at chinese na nagpunta rito kaya ganon na lang ang hawaan. Hindi tayo nagtravel ban Jan pa lang. Ano sinabi ni Duterte? Sasampalin lang raw niya yung virus. At di pa pwede mag ban sa china kasi raw unfair yun sabi ni Duque at Go. Ayan tuloy nangyare.

      Delete
    4. check facts 1:25, mas marami di hamak ang natest ng ibang ASEAn countrie kesa sa pinas. pag ginawa mo per capita, mas lalo pang mababa sa pinas.

      Delete
  11. Infairness sa Malaysia, mataas recovery rate

    ReplyDelete
  12. Guys question, Bakit Marami tayo Hinde pa nakaka recover at deaths kaysa sa ibang bansa? Dahil ba sa test kits ba ito ? Kung yes Bakit ang Malaysia and other Asian countries madami tayo Hinde! Ang unfair naman Anu ginagawa ng gobyerno natin ? May paki ba sila?:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas inuna kasi ng gobyerno natin ang hinaing ng mga nasa laylayan ng lipunan na kumakalam ang tiyan. Inuna ang relief goods kaysa sana pagtuunan ang kailangan na pagtuunan which is labanan ang Covid19. Sad to say, poor ang health system ng bansa. More on kuda sa mga virtual presser kaysa totoong ayusin ang kalagayan ng mga infected ng virus na ito. More on sa Health Dept and advisers ng presidente ang nakikitaan ko ng problem.Si PDutz kasi lahat naman na ng budget binibigay,eh pero kulang sa galaw ang mga tao nya.

      Delete
    2. I agree with 1:37. Ang dami lang kasing dapat pagtuunan ng budget sa bansa natin.

      Delete
    3. 0228 Marami talagang dapat pagtuunan ng pansin sa bansa pero wala daw sapat na pondo. Bakit kaya walamg laman ang kaban?

      Delete
    4. 1:37 wala kasi sila maayos na plan. Kung tutuusin other countries could provide both concerns. Kaso ewan ko kung anong klasend solution planning ang ginagawa ng gobyerno bakit parang mga walang alam. And wag nyo itry ipagtanggol pa kasi iut shows in the numbers.

      Delete
    5. i think it's because severe cases and politicians lang natetest sa atin due to lack of test kits.

      also because matagal nang overloaaded ang hospitals natin kahit walang covid. go to any government hospital, napabayaan talaga. siksik na siksik sa tao. hospitals in other countries are not like that

      Delete
    6. Late testing ang nangyarari. Natetest na lang pag severe symptoms na, in which case di na kayang agapan ng mga hospitals kaya namamatay na ang patient. Sa ganitong sakit, early testing is the key.

      Delete
  13. Atleas Malaysia half ng covid cases nila is recovered na

    ReplyDelete
  14. At hindi na naitest yung mga PUIs na namatay. Malamang underreported pa yan.

    ReplyDelete
  15. Laban pilipinas.. puso

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well sana maging cooperative ang lahat and stay at home. Kasi ang dami parin pasaway

      Delete
  16. Nakakalungkot. Ano ginagawa ng Malaysia bakit ang taas ng recovery rate nila? Hindi ba natin kaya i-replicate yun?

    ReplyDelete
  17. Curious lang ano status nung 4k plus natin? Nasa ospital lahat yan ngyon?

    ReplyDelete
  18. Diba may mga Chinese Doctors na dumating at winelcome pa ng bonggang bongga. Paeklay lang yata yung mga Chinese na Doktor na yun dahil di naman sila maramdaman

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12 lang yung dumating baks, almost 5k ung positive natin. Anong gusto mong gawin? Be part of the solution

      Delete
    2. 1:20 Tapos kung ma media, ma post ang mga ginagawa nila, may sasabihin ka nanaman? Basahin mo rin ang comment ni 2:21. Ano ba ang akala mo sa mga chinese doctors? Miracle worker? 12 DOCTORS NAPAGALING ANG 4K COVID PATIENTS. Nakakatawa diba?

      Delete
  19. Sa recovered patients palang talong talo tayo. Talo pa tayo ng Vietnam na ilan lang infected. Mahal na nga ng bayad sa hospital wala pang magandang serbisyo ng gobyerno, mga nasa laylayan lang talaga nahihirapan. Pero pag sila infected super duper bongga ang mga hospitals pang international kaloka

    ReplyDelete
    Replies
    1. vietnam at taiwan kasi, napaso na ng kakapalan ng mukha ng China pagdating sa mga virus. sa taiwan, January pa lang nakikiusap na sa WHO na mag declare ng advisory laban sa flight from China. remember nag trending #oustduterte nung February sa twitter? ito ung issue, na aksyonan na kaagad ng gobyerno ang covid19 pero xmpre bff ni du30 ang china so waley, huli na ang aksyon. same with mass testing, kesyo di daw kelangan kahit hinihingi ng netizens nung march, tapos papa mass testing din pala, kaso april 14 pa. lokohan lang, laging huli ang aksyon πŸ˜‘

      Delete
    2. 1:37 ma pride si pduts and his admin, eh wla nman matinong maimplement for this. Puro hugas kamay and pagyayabang.

      Delete
  20. Kung kasama ang Timor Leste rito, ito 'yung isa sa mga pagkakataon na ang sarap maging kulelat.

    ReplyDelete
  21. How bout outside Metro Manila? Natetest manlang ba sila dun?

    ReplyDelete
  22. Ang mga balikbayan ang nanghawa sa mga Pinoy na walang travel history. Ilan ba ang foreign nationals ang nagkasakit dito? Tatlo? Lima?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung mga Chinese nagiikot pa dito kaya malamang nakahawa. Yung mga balikbayan, dapat may strict quarantine. Mukhang di ginawa.

      Delete
    2. Truth! Tsaka yung mga nag travel abroad. Imbis kasi mag home quarantine lumabas pa ng bahay. Ganyan ginawa ng husband ng friend ko nung early march pa lang.

      Delete
    3. Sila for sure yung mga sinabihan lang na magquarantine sa loob ng bahay pero hindi sumunod. Lalo na pag OFW, fiesta lagi yan pag-uwi. Inuman, karaoke, etc. Pati na rin yung mga may pera na ayaw papigil sa travel goals nila.

      Delete
    4. Sa dami ng chinese na pinapasok at namasyal dito, malamang nagkalat na yan ng virus. Dumagdag pa mga pinoy na may travel history abroad na namasyal pa

      Delete
  23. I’m here in KL. Mas maganda ang healthcare system kasi. Maraming available na testing centers, may drive-thru at may home visit testing kung pa-VIP pero wala ka naman symptoms-7k pesos lang naman πŸ˜…
    Most of their public hospitals around 30, focus for covid patients. Libre halos for citizens. Naghanda na rin ng expo hall para sa mga may mild symptoms lang for isolation. 3k mostly retired nurses/health workers ang nagsign up for volunteer if needed more manpower.
    Lahat reported ng health department. Ilang cases, recovered, active at death. Sa postive cases, ilan ba dun ang mild lang, need ng respirators saka nasa ICU. Reported din ilan ang bed capacity na nagamit na vs available pa. So far around 40% pa lang ata ang nagagamit.
    Nakakaiyak makabalita sa Pinas :( Nauna sa listahan ng namatay mga doctors. Sumusuko na mga hospitals sa pag-admit ng pasyente. At madaming kung di sa virus mamatay, sa gutom naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. That’s how our government works here. Di ko na sasabihing hindi prepared. Ang dapat nang sabihin kulang ang ginagawa.

      Delete
    2. Pa relax relax pa kasi presidente saka doh nung una. Minamaliit ang virus. Alam naman ng lahat na hindi kaya ng healthcare ng pinas na maghandle ng ganitong epidemya. Di rin nakatulong pag cover up ng doh sa number ng cases nung una. Remember, nagalit pa doh nung nag announce ang cardinal santos saka deloitte about sa covid positive case nila. Kesyo dapat sa doh daw dadaan lahat ng official statement. After nun nag start na ung sunod sunod na confirmed cases sa pinas

      Delete
    3. 0250 kaya sana wakeup call sa mamamayan na mamili ng iboboto. Hindi lahat ng pulitiko useless pero parang ang dami nilang kukurap kurap lang. Wish ko balang araw umasenso ang Pinas pero hindi magyayari kung ganoon pa rin ang sistema

      Delete
    4. @1:49 dito din ako sa malaysia! Wala na akong masabi kundi ang galing mo magsummarize 😊

      Delete
    5. 2:50 Yes totoo, marami talagang pagkukulang ang gobyerno, pero wag din kalimutan kung gaano katigas ang ulo ng mga pilipino. Kahit anong paghahanda, mahihirapan ma control ang virus kung di naman cooperative ang mga tao. Pag maging strict naman ang pulis at militar, ginagawan naman ng human rights issue ng mga tao. So, please be fair wag lahat isisi sa gobyerno.

      Delete
    6. Sad tlga ang nga nangyayari ngayon. Wla parin maayos n plan govt at ang mga tao ay hndi cooperative, daming pasaway. Hayz

      Delete
    7. 2:50, kahit saang bansa may matigas ang ulo. Dito ako sa SG and sa first few days ng circuit breaker over 200+ din yung napenalize for violating. That simply shows madami din ang di sumusunod. Di kasama diyan yung mga natanggalan ng work permits the past months dahil sa hindi pagsunod sa Stay-Home-Notice.
      Maagap lang sila at maaga silang nagtest ng mga patients. As early as Jan. nagstart na silang magtest ng mga patients showing flu symptoms. Early Feb. when Dorscon Orange was announced, businesses were told to implement their BCPs kaya andami din nagpanic noon. Yung approach nila is planned, hindi bara-bara.

      Delete
    8. tanggalan na ng allowance ang 4ps, tinuturuan lang sila maging tamad, yung allowance na binibigay sa kanila galing sa mga tax ng masisipag na pilipino, ipam pagawa nalang ng hospital.

      Delete
  24. Naku huwag tayong masyadong nagpapaniwala dyan. Yung iba dyan walang transparency, kalahati lang ng actual number of cases ang idini-declare. Yung ibang bansa naman na mahirap din walang testing kits so paano nila mabibilang ang cases nila? BTW, OFW rin ako. Malapit sa Malaysia. Walang contact tracing dito..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mababa rin ang testing natin.

      Delete
    2. eh same din yan sa pinas. kung totohanan lang baka malapit na tayo sa 10k pti mga patay sobra sobra pa dyan

      Delete
    3. Anon 2:13 It's a tie! Dahil marami din namang namamatay sa pilipinas na hindi alam kung caused by covid19 due to lack of tests. So hindi rin accurate yung satin.

      Delete
  25. parang medal count lang sa SEA Games hehe

    ReplyDelete
  26. Through community transmission na kasi ibang cases dhil matigas ang ulo ng mga Pinoy. Ayaw sumunod para sa ikabubuti ng pamilya & buong Pilipinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:25 Totoo ito. Napaka tigas ng ulo, kaya paano matatapos ang covid sa bansa? Tapos ummeksena pa ang mga human rights group na yan. Sino ba yung public figure na nagsabing discriminatory pag hindi pinapasok sa grocery ang walang quarantine pass? O eh di malakas na ang loob ng mga tao na lumabas labas kahit walang quarantine pass.

      Delete
  27. Maraming death sa pinas una dahil di naman agad natetest so pano mo gagamutin ang isang sakit kung di mo alam yung totoong sakit.
    And plus the fact na medyo hirap ang healthcare system natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2:26 Hirap na nga health care system natin tapos ang dami pang makukulit at matigas ang ulo na labas pa din ng labas.

      Delete
  28. Papogi points kasi mga government officials sa Pilipinas. Imagine, 1st financial assistance eh 200 billion pesos when Luzon lockdown started. More or less 110 million ang population ng Pilipinas. Eh kahit bigyan nila ng tig 1 million ang bawat Pinoy, young and adults eh sobra sobra pa. Then may 2nd ayuda pa. The question is saan napunta ang sobra sobra from 200 billion. Then the World Bank granted loan sa Pilipinas ng 500 million US dollars for this Covid 19. Haisst magdadasal na lang tyo "God please protect us from this dreadful virus".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree ako sa iba mong sinabi pero mali ka ng computation sa ayuda, baks.

      Delete
    2. 2:39 Tumigil ka na! Di ka pa ba nag sawa sa mga pinag sasasabi mo. As if may maitutulong yan sinasabi mo. Lumalakas loob ng mga tao mag rebelde at hindi sumunod sa batas dahil sa mga gaya mo na puro reklamo. Nakaka suka na mga gaya nyo. Instead makatulong kayo puro kayo reklamo. Tsupi!

      Delete
    3. UTANG NA NAMAN!!!!!!! UTANG NA!!!!! Ah e bigyan ng tig wa1 million bawat isa e kulang yang 200billion dahil 110million na tao baka higit pa.

      Delete
    4. 2.39 nakakasuka ka na girl. Bakit ikaw lang ba biktima ng pandemic. Kahit sa facebook puro kayo reklamo sa gobyerno. Bakit di na lang kayo tumulong. Me pa God protects us ka pa..change ur state.. Change ur mindset.

      Delete
    5. 9:20 AM where are you getting your point na lumakas ang loob ng pasaway dahil sa nagrereklamo? FYI, may internet kami sa bahay namin. kaya naming magcriticize while staying at home.

      Our reklamos pushed the government to procure PPEs for frontliners, provide transportation and dorms to frontliners, implement mass testing tomorrow, prepare quarantine facilities for covid positive patients, etc.
      oh, and btw, marami na rin akong nadonate at naprovide na improvised PPEs for frontliners bago mo ako batuhin ng "ano ang ambag mo."

      kung ikaw stay at home lang ang tulong, thank you. Sana itodo mo na at itigil mo yang kakareklamo mo sa mga pinupuna ang kakulangan ng gobyerno at nagiisip ng solusyon kasi yung dakdak mo ang walang natulong.

      Delete
    6. 9:20 and 12:55 kayo ang magsitigil. Walang magrereklamo kung hindi incompetent ang gobyerno. Check your privileges, both of you! Be more empathetic naman! People like 2:39 might just be simply complaining for you, but they're really asking for help! Silencing people who are most affected by the virus will force them to do drastic measures later on. Hindi man sila nakakatulong in your opinion, pero kayo naman ang nagpapalala ng sitwasyon.

      Delete
    7. @9:20am and 12:55pm, FYI, I'm a Filipino but permanent resident ako ng UAE, I married an Emirati. BUt since I'm Pinoy ay consistently read the news not only from abroad as well as my own country. I'm not voicing out my points of view for myself because from 1997, I reside here in UAE. Hindi porke nagbigay ako ng opinion, eh meaning I'm complaining for myself. @3:11PM is correct that I'm just shariing you what I know and my points of views not for me, but rather for my kababayans. I don't need to brag my living status, I don't work but my husband provides me well that I'm helping 3 families from my clan even before without Covid 19. The more I help them now, dahil nawalan sila ng work because of the lockdown. SO don't judge me. I'm just stating facts.

      Delete
    8. Ang problem kahit bigyan ng tig 1million ang pinoy sa ugaling gastador nyan kung san san yan mapupunta.
      Sa dami ng kailangan gamitin sa ospital at ibigay sa frontliners na ppe at mga testings kits I doubt magkakasya yan since ilang beses kailangan gumamit ng testing kits bawat patients.
      Pati mas kailangan ng madaming isolation at quarantine rooms and tents.
      Buong mundo nagsusuffer ngayon sa pandemic na ito.Sa ibang bansa ang kukulit pa din ng iba ayaw nila maniwala na totoo to at simpleng flu lang tingin nila.
      Sana nga yung mga frontliner bigyan nila ng libreng vit C booster shot kasi pagod at puyat na sila.

      Delete
    9. @9:27 110 million people multiply by 1 million? Kulang ang 200 billion? Basic mathematics lang Baks. Any number multiplied by 1 is equal the number.

      Delete
    10. 3:11 be empathetic? sabihin mo yan sa sarili mo. why dont u empathize sa govt. they are doing what they can. gusto mo bumagsak gobyerno natin? makipagtulungan ka girl. we are all in this together.. puro kayo sisihan.

      Delete
    11. 10:01 Empathize sa government na una pa lang dinownplay na ang covid19? Tapos imbes na tanggapin nila ang critics & do better, pinersonal pa at nag i-issue ng warnings. Paano bibigyan ng empathy ang hindi apologetic at incompetent pa rin.

      Delete
    12. 2:39 am, kahit naman wala pang CoVid, madami talaga ang mahilig mgreklamo.

      Iisa lang ang Sabi ng mga frontliners, stay home. Sumunod muna tayo sa panawagan ng goberyno. Kaya Lang meron talaga ayaw sumunod, paulit unlit Lang at ngkakahawaan, nangyayari Mas tumatagal masugpo at tumatagal ang quarantine.

      Kung papasok ka sa trabaho, bukas ba opisina mo? Dami sarado ngayon. Mamasada ka? Wala naman pasahero, lugi pa. Wala rin pasok sa eskwela. So anong gagawin mo sa labas? Paano ka mghahanap buhay, puro sarado lahat?

      Delete
  29. working as a frontliner dito sa ibang bansa and iba talaga ang action nila.meron na agad silang emergency plan,within few days nakapagbukas na ng mga isolation wards,meron na agad COViD team and readily available ang PPEs.amg nakakbilib pa,sa TV lang inaannounce amd social media na may total lockdown,checkpoints lang meron at sumusunod mga tao,sa atin sa pilipinas kelangan pa may nag-iikot na mga tanod sa bahay bahay para lang pgsabihan mga tao na wag lumabas.disiplina talaga kulang sa ating mga pilipino.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakla parang hindi rin naman ganun kahigpit mga barangay. Sa ibang lansangan nga parang ordinaryong araw lang ang dami ng mga tao. Sana nga mas maghigpit pa tulad ng pagpataw ng penalty sa mga pagala gala sa labas na wala namang importanteng gagawin

      Delete
    2. Expected na tayo ang pinaka madaming cases soon. Sa tigas ba naman ng ulo ng mga tao dito sa Pinas hindi imposibleng dumami pa yan. Kawawa tlga mga doctor at nurses dahil sa katigasan ng ulo ng mga Pilipino.

      Delete
    3. 2:48 Yes totoo.. nakakalungkot nga kasi sablay sa lahat ng aspeto. Ang problema, puro gobyerno ang sinisisi ng mga tao. Di nila naisip na malaking part din ng problema ang katigasan ng ulo ng mga mamamayan.

      Delete
    4. 12:10 Marami ring naninisi sa mga pasaway. Dito nga lang madami na. Pero ang government lang ang may malaking control dyan para maayos. Yung iba kailangan lumabas para mag trabaho nang may makain. Kailangan gawan ng paraan ng gobyerno yan. Wala namang choice yung iba. Yung mga pasaway talaga na mga tambay, kailangan mas strict na implementation ng social distancing at curfew. Kasi kahit mag mura tayo sa kanila, maayos na system pa rin ang magpapatino dyan.

      Delete
    5. 11:17, ang problema is late detection. Magkulong man lahat ng tao ngayon kung marami na ang nagkaroon ng infection, mahirap na talaga i-contain. Isipin mo yung incubation ng virus could take up to 28 days, meaning yung iba Feb. pa lang nahawaan na. Yung nahawaan na yun may weeks pang nagpagala-gala at nakapanghawa ng iba before the lockdown. May iba naman na asymptomatic at di natest, na for sure nagpagala-gala din bago pa mag lockdown. Yung mga nahawaan nila, yun ang natetest ng positive ngayon. Yan din reason kung bakit mataas ang death rate - Late detection + poor healthcare system.

      Delete
  30. Pakiramdam ko maextend and ECQ hanggang katapusan ng May dahil dumadami ang cases at mas maraming no. of deaths kaysa sa recoveries.

    ReplyDelete
  31. Konti na lang number 1 na, yan naman gusto ng Pinas always number one. If only the gov't had done preventive measures early on like travel ban, acquired the necessary test kits for mass testing agad, wala eh inuna mga gov't officials sa testing. Yabang pa ni tanda nung Feb na kesyo wala yang virus na yan, ano na ngayon. Ultimo private hospitals tumatangi sa pasyente kahit hindi covid related,

    ReplyDelete
  32. Bago pa man nagkaroon ng covid eh kaawa awa na talaga ang kalagayan ng healthcare syystem natin. Yung mga public hospitals kulang sa resources kahit dati pa. Kaya wag magtaka na mataas ang death rate natin kumpara sa recovery.

    ReplyDelete
  33. Hinde kaya nagsisi si Pdutz na dapat january Or late december gumawa na siya ng action? Kasi kalat na ang convid hinde lang talaga niya sineryso tska friendly friends sila ng China. Marami na bansa ayaw na makipag ugnanyan sa China tapos tayo Go Go parin? Jusko po. Paano na kami ? Tapos mass testing sa april
    14 pa? Dapat una pa lang ginawa na. Ang hina hina talaga ng systema natin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baks China nga di handa..dec 1 pa nalaman me covid 19. lat jan na sila kumilos. america nga di handa..nagbabasa ka ba news? buti nga naglockdown agad. dami mo reklamo. ano maitulong mo?

      Delete
    2. Baks puro na lang naiambag, natulong. Paulit ulit na yang script nyo. At lockdown agad teh? March na naglockdown! December pa lng kumakalat na ung veerus

      Delete
    3. 9:52 Yang mga binanggit mong bansa eh terrible ang mga namumuno ngayon. So inaamin mong terrible din ang pag handle ng government dito.

      Delete
    4. 9:52 anong hindi handa ang china? Sinadya nga nila itago ung tungkol sa virus. Remember, hinuli nila ung doctor na nag bulgar ng virus sa group chat. Kung december pa lang naging transparent na ang china, hindi ganito kalala ang epekto ng virus globally. Kaloka ka

      Delete
  34. Bakit di magtanong sa Malaysia kung anong ginagamit na medicine. Ang taas ng recovery rate nila. I remember sa Thailand, concoction ng antiviral at HIV drugs ginagamit kaya marami din gumagaling.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang naman atang sikretong gamot. Around 60% ng cases are asymptomatic or with mild symptoms. They have more enough hospital bed, ICU’s and respirators to treat those with severe symptoms.
      Ayun ang wala sa Pinas kasi mismong malalaki at private hospital nga tumatanggi na tumanggap ng pasyente.
      It’s not about “magical pills”. Hospital beds, facility at dami ng medical frontliners ang basehan vs population/no of cases.

      Delete
    2. The bigger question is may pambili ba? May nabasa akong article dati na aside from surgical masks kailangan ng ventilators and oxygen tanks ng mga hospitals. This was long before the Italy and US Covid-19 issues. Sadly, only a few countries heeded that advice.

      Delete
  35. Consider nyo rin po na nasa sa among sa nasa listahan na yan, 2nd sa most populous ang Ph. 1st dyan ay indonesia. Pgkakadikit dikit ng tao rin po. Yung mga SG etc, d po ganun kadami population nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 4:49, nasa 5.8M ang population ng SG. For a country with a total area of 721 square kilometers, overpopulated yun. Compare mo sa Pilipinas na may 106M population yet, 300k sq kilometers naman ang total land mass.
      Do the math and you’ll see overpopulated din ang Singapore. Maayos lang sila mag urban planning kaya kung titingnan mo hindi densely populated ang bansa nila.

      Delete
  36. Gustog gusto ko ang strategies ng Taiwan and South Korea. They were prepared having learned from previous outbreaks in their countries like Sars and Mers. So sana pag nalampasan natin ito, we will all learn from this experience. Paghandaan na at hindi puro pagbili ng armas ang asikasuhin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naready naman tayo nung sars at mers. Pero previous adminstration pa un

      Delete
    2. 12:38 am, SARS and MERS are not as contagious compared to COVID19.

      CoVid 19 is pandemic. SARS at MERS, hindi po siya pandemic as per WHO. CoVid is widespread and has high mortality and morbidity rate, na halos pinaluhod ang maraming mga bansa sa dami ng lockdowns.

      CoVid, infectious rate is way to high 1:3 compared to Flu 1:1. May mga tao na after madiagnose ng CoVid, they die within a week.

      Delete
    3. Mali 10:05, SARS has higher mortality rate than Covid-19 kaya binalewala ng WHO at ng mga western countries ang Covid-19. Before the outbreak in Italy and US, nasa 2% lang ang mortality rate nito. Ang general consensus then was infectious lang siya like the flu but not deadly kaya kampante sila.
      Check mo yung timeline, March nga lang nagdeclare ang WHO na pandemic na ang Covid-19.

      Delete
    4. 1:43 pm, It’s like almost everyone where too slow to respond. It was too late to sound the alarm. No one see this pandemic coming. Even the use of mask in public, the US government just recently told its people to wear cloth mask

      Now, the world has almost 2 millions are infected and over 125 thousands death and counting... This is πŸ’” and people are dying 😭

      Stay safe everyone and cooperate with the government. Let us ask God forgiveness and pray.

      Delete
  37. salutatorian laNG PERO malapit lapit na mag Valedictorian

    ReplyDelete
  38. Ang taas ng recovery rate ng thailand. At ang bagal tumaas ng cases nila to think na hindi pa sila naka lockdown sa lagay na yan. Hay sucks to have a poor health system saka walang concrete plan talaga yung gobyerno natin to begin with at idagdag mo pa ung katigasan ng ulo ng mga pilipino.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meh... I don't think they're transparent enough. Thailand has so much more tourists than us, as in million million ang agwat nila satin yearly tapos mas malapit pa ang china sa kanila and wala pa silang travel ban. You expect me to believe that they have less cases than us??? No way!

      Delete
    2. We cooperate here we follow instructions sana ganyan din sa pinas

      Delete
  39. Hopeless Case.na talaga ang Pinas. 🀬🀬🀬Sorry to say pero inutil at kakahiya talaga ang mga politiko at .ga lider sa bansa.The Philippines has some of the best doctors, nurses.Therapists in the world and they are all abroad!! Dito sa Anerika, Canada, Europa, etc

    ReplyDelete
  40. Napabayaan kasi mga ospital natin. Ano ba naman yung kada may budget bumili ng mga long term & essential na gamit for patient management. Calibration ng infection control lahat ng staff lalo na cleaners. Wag yung ang ganda ng city hall & parks pero chaka ospital.

    ReplyDelete
  41. Sige lang mga kapwa ko Pinoy dyan sa Pinas..galingan niyo pa..unti na lang at tayo na first place...dapat dyan sa Manila 1 year shutdown.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige magyabang ka pa na wala ka dito. Puro ka diyan diyan. Pakayabang. Matulog ka na lang

      Delete
    2. Dapat sayo mag shut up.

      Delete
  42. Pag hindi pa sumunod ang mga Pinoy to stay at home tayo na mangunguna na pinaka maraming may sakit sa Asia. Hindi yan imposible at ang daming pasaway.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung efficient ang ayuda galing sa gov't, the public will stay at home. Pati gobyerno pasaway. Ganun lang lang kasimple.

      Delete
  43. I think mas mababa yung cases ng mga poorer countries since mas konti yung mga nagtatravel sa kanila esp compared to the number of OFWs sa atin na umuwi galing ibang bansa. etong mga Filipino OFWs or kahit those na hindi OFW pero galing ibang bansa, tapos hindi nag-quarantine, ang talagang nagpadami ng cases sa atin. walang disiplina talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka baks!

      Delete
    2. Hindi nila naisip na highest ang risk na magka covid sa airports. Mas inuuna kasi ang takot, hindi na nakapag-isip ng maayos.

      Delete
    3. Vietnam started its medical screening at all entry points on 31 Dec 2019 and set up the emergency group on 2 Jan 2020 It’s all about foresight and early action

      Delete
    4. agree!
      yun maiinis ka, yun mayayaman na panay travel pa tapos ayaw magpa quarantine, magpapacheck up di sinasabi yun totoo san bansa galing. tapos ang sisihin sa pagdami eh yun mga mahihirap. sila talaga nagpadami..

      Delete
    5. Isang dahilan na rin siguro yung konti ang testing kits ng poorer countries kaya konti lang din nate-test sa kanila

      Delete
  44. PLease don't panic or be super nega again because the number of positive cases will surely go up once we finally conduct mass testing which will start on the 14th. We will most likely take the lead in SEA when it comes to number of cases. It is better that way kesa sa very limited tests lang, mas lumalapit tayo sa real figures. Mas okay parin naman ang transparency natin compared to Indonesia who I think has the most cases talaga, ayaw lang aminin at testing nila mas limited kesa satin.

    ReplyDelete
  45. I blame not just to the current administration but all admins. AQUINO, RAMOS, ESTRADA, ARROYO, AQUINO AND ALL OFFICIALS UNDER THEIR ADMINS. Di nila ginawang prio and healthcare system natin. Ano kayo, ilang bwan lang, handa agad?!!! Ang Sg, HK, Sk, Taiwan handa yan kahit papaano kasi natuto sila sa nagdaan epidemya. Mahiya kayo! But one good thing today is, everyone are doing their best, coming up with solutions and helping each other. Govt, public and private people or companies.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakalimutan mo si Marcos. Kung hindi sana tayo baon sa utang nun dahil sa pangungurakot niya, marami sanang napagawa.

      Delete
    2. Dapat hanngang kina Aguinaldo sinama mo na

      Delete
    3. Hahahah vote wisely. Dapat tax payers Lang allowed bomoto

      Delete
    4. Ghorl nakapag ready tayo sa sars at mers. Ano say mo dun?

      Delete
  46. Look kung gaano kababa ang recoveries at gaano kataas ang deaths satin. We have a poor healthcare system at hindi yun kasalanan ng mamamayan natin.

    ReplyDelete
  47. Ang galing na recovery ng Malaysia. Sana all

    ReplyDelete
  48. May nabasa ako na article na factor din daw yung air pollution. Yung Wuhan, Madrid, Milan ang taas ng level ng air pollution nila.

    ReplyDelete
  49. Don't you dare believe all of those numbers to be true! SOutheast asian countries are NOT transparent. Kanya-kanyang tago ng baho ang mga gobyerno dito ngayon maliban pa sa limited testing but one thing is for sure, THE SEA COUNTRY WITH THE HIGHEST TOURIST ARRIVALS FROM CHINA HAVE THE MOST POSITIVE CASES AND THAT'S DEFINITELY NOT THE PHILIPPINES.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It could be politically accurate, dahil limited ang resources ng ibang ASEAN countries. So the number relied on what they "currently" have to track the cases. Not all ASEAN countries has budget to do a mass testing like for those on "rich countries". Be open-minded and read more news to understand how those numbers comes up.

      Delete
  50. Go for Gold Philippines! Tigas kasi ng ulo sige labas pa!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...