Friday, February 14, 2020

Insta Scoop: Aiai Delas Alas Raises Employer Woes In Response to Proliferating Attention on Househelp Issues



Images courtesy of Instagram: msaiaidelasalas

53 comments:

  1. Human na dinagdagan lang ng e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo i-widen vocabulary mo, ghorl. Kaloka! Hahaha!

      Delete
    2. Iba ang human sa humane. Tao vs magpakatao. Magkaiba un.

      Delete
    3. Kakahiya ka 1:24! Susme! Mag aral ka!

      Delete
    4. That e makes a lot of difference in meaning. Google.

      Delete
    5. 7:23 tapang mo magsabi na kakahiya ako at gusto mo pa ako mag-aral. Hahaha!

      Delete
  2. Agree. Grew up na pauba uba ang yayey namin. Sobrang bihira ng nagtatagal samin kasi dami pasaway. Pinakamalala yung itinali ako at di pinapakain ni yayey... Kaya pag nagkaanak ako gusto ko ako mismo tututok hirap na

    ReplyDelete
    Replies
    1. Un yayey namin per day bayad. Gusto niya everyweek tumataas ang sahod niya nagsimula sa 250, 300, 400, 500 hanggang naging 600. Nainis na kami di na namin pinabalik. 3 times a day ang kain. May dala pa paguwi. Pag abusado naman kinasasawaan din. Lalo ngayon lahat automatic na. May robot mop pa nga na kusang naglilinis. Un iba kasi ayaw naman talaga magtrabaho, gusto lang un pera. Ngayon siya na nagtatanong kailan siya babalik.

      Delete
    2. 2:45 abusado naman ng yayey nyo 😁

      Delete
    3. I used to have maids and nannies growing up in the Philippines. Now that I'm here in the US, I don't have any of them. I cook with the help of my slow cooker, bake with my bread maker, clean- your right 2:45, robot map and vacuum cleaner, wash dishes with my dishwasher, wash clothes with my washer-dryer , coffee with my automatic coffee maker . Now I can order Alexa to start my coffee and bread maker. Breakfast is fast and easy. I don't need a maid, it's cheaper, no headaches,no worries. Actually buying these gadgets is cheaper than paying a live in help. The Filipinos are so spoiled when it comes to maids. Maski wala ng pang suweldo, may maid pa rin.

      Delete
    4. 833 lahat nman ng sinabi mong gadgets normal pg nasa ibang bansa ka kasi mahal pag may katulong. Per höur ang bayad. Maski nga artista sa atin, wlang katulong sa ibang bansa.

      Delete
    5. May katulong din ako noon sa Pilipinas. Ngayon sa US wala dahil lahat electric gadgets na. Plus hindi ko na ma-imagine na may stranger akong kasama sa bahay ko.

      Delete
    6. You people living in the US are lucky. Yang mga gadgets na sinasabi nyo, mura dyan. Kung meron man nyan dito, most likely double or triple the price. You also have day care/ child care centers where you can drop off kids and then fetch nyo na lang after work. Wala din nyan dito.

      Delete
  3. Medyo true ito. May maid kami noon ginagamit pala yung mga tinapon namin coffee filter pag inuutusan ng lola ko gumawa sya ng coffee. Just because wala daw sya makita. Imagine sa basurahan na yun galing. Meron pa di lang pinayagan bumale dahil naka 5 bale na tapos di na kami kinakausap sa bahay. Kakaloka attitude kung attitude

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:26 Grabe. Gaano ba kahirap gumawa ng kape? Pati matanda gusto pa lasunin. Galing basurahan na un ah. Di mo alam kung shunga o tamad lang talaga. Sa amin walang bale bale, di na babalik pag ganon o tatamadin na pumasok.

      Delete
    2. Pansin ko din sa mga nakakasama namin sa bahay mostly yung mga nasa early 20s pa yun yung mga sarili lang iniisip (at most of the time cellphone). Kesyo pakainin ka ng madumi wala silang pake basta magawa nila inuutos mo

      Delete
  4. Mahirap maghanap ng loyal and mabait na kasambahay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. @131 wala nang ganun. Nakikita ko na malapit na na most middle class families in Manila will not opt for household help even if they can afford it. Mas hassle pa na meron kaysa sa wala. Baka dumami na yun cleaning service na lang.

      Delete
    2. Mahirap na talaga maghanap. Mareklamo na tamad pa. Gusto pa mataas ang sahod. Puro cellphone at pagbf lang ang alam.

      Delete
    3. Meron pa naman. Our househelp has been with us since my kid was 5 days old, she's now almost 11. Walang Facebook, di mahilig mag-day off, di din mahilig bumale. Kapag uuwi sa probinsya or kahit aalis lang saglit, paguwi, may pasalubong. Swerte kami, pero true din naman na super rare na ng mga katulad nya.

      Delete
  5. Kung ang tinutukoy nito ni Ai Ai ay ang most recent episode ng tulfo about sa kasambahay na binugnog, aba hindi ata makatao. Basag ang ribs ng bata dahil pinapahiga at inaapak apakan ang ribs, hinahampas ng arnis sa ulo, tinatanggalan ng kuko, ginugupit ang tainga, tinutusok ng gunting, tinutusok ang ari. Inuutusan din ang nanay na saktan ang anak kung hindi siya ang bubugbugin. Sobrang insensitive ng comment ni Ai Ai na ito. Mukha bang nagdadrama ang mag-ina? Oo baka may experience siyang di maganda sa kasambahay pero wag na sana niya ihalintulad dun sa nagreklamong magina dahil kawawa talaga ang dalawang yun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:31 ewan ko syo. Layo ng comment mo. Explain ko sana syo pero baka hindi mo rin naman magets kaya ewan ko syo na lang

      Delete
    2. 1:31 nasa Jupiter at Mars ka na. Kami andito lang sa Earth naguusap usap. Malayo na ang narating mo. Un statement ni Ai ai. Take it as it is. Simple lang naman. Madaling intindihin. No need to over think or over analyze

      Delete
    3. 2:29 hahaha triggered si 1:31. Wala naman sinabing ganyan si aiai

      Delete
  6. infer there are always two side to every story

    ReplyDelete
  7. Naku tama si Ai Ai. Paano naman yung mababait at matiising amo. Sa hirap maghanap ng kasambahay ngayon minsan titiisin mo nalang talaga kahit hindi maganda trato nila sayo. Kahit bastos sila sumagot at inaangilan ang amo, sila na ngayon ang nagtitimpi. Mabait lang pag babale o mangungutang. Tapos di mo pwede tanggihan kasi tatakutin kang aalis nalang sila. Dati ang mga kasambahay may malasakit sa pamilya kaya tinuturing na pamilya. Ngayon bibihira talaga ang may malasakit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo. Dati may malasakit pa talaga. Ngayon wala na silang pakialam. After sila sa pera, pagkain o mga gamit na makukuha nila.

      Delete
    2. true pera pera na ngayon walangmalasakit kaya hirap ipart nang pamilya..

      Delete
  8. Yes true na true! Napaka galing pa magtago kapag may ginawang kalokohan. Di na mahagilap. Blocked ka pa mula socmed hanggang cellphone

    ReplyDelete
  9. Mabait naman din talaga maid namin kaso nuknukan ng chismosa si ateng at laging pa cute sa boys. Hirap humanap talaga ng maid na mapagkakatiwalaan ngayon.

    ReplyDelete
  10. Mahirap na talagang makahanap ng maayos na kasambahay kadalasan hindi na sila nagtatagal. Walang ibang ginawa ang iba kung d magtxt, makipagligawan sa gard, sa construction worker, driver at sino sino pang tambay sa labas. Uuwi ang mga yan sa kanilang probinsya kapag nabuntisan na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti uuwi pa. Yong sa amin, nabuntisan, nanganak, nasa amin pa rin. Mama ko tuloy nagaalaga sa baby para makapag trabaho si maid sa bahay. Fortunately, nagsawa si yaya, umuwi, pina ampon si baby sa amin. Graduate na si baby, may trabaho ng maganda. Ngayon, sila na lang ni mama sa bahay kasama ang bago nilang maid. Happy ending.

      Delete
    2. 8:44 okay un ah. Happy ending nga. Lumaki na kasi siya sa Mama mo kaya di na iba ang tingin niya.

      Delete
  11. Kaya kami wala ng maid. Mga tamad grabe tapos sobrang demanding. Ibang iba yung mga katulong namin noong maliliit pa kami ng mga kapatid ko. May respeto sa amo at talagang masisipag. Ang bait kaya namin sa mga katulong namin kung anong kinakain namin yun din sa kanila, may bonus at weekend break pa pero mga maid ngayon mga tamad at sobrang demanding kaya bye bye na.

    ReplyDelete
  12. Meron din namang kasambahay na lahat na lang hiningi. Akin na lang to, akin na lang yan. Tapos pag minsang di mo pagbigyan andami nang hanash.

    ReplyDelete
  13. Wala bang show ito ?

    ReplyDelete
  14. True sa ngayon amo na makikisama sa kasambahay kasi nga baka gawan ka o worse mga anak mo ng masama, itsismis ka sa iba, pagnakawan ka etc. bukod pa sa mahirap maghanap ng kapalit. Kaya ang kasambahay lakas ng loob

    ReplyDelete
  15. Kaya ako di ako naghahire ng helper. Naka walo din kami since 2009, may pina aral pa. May tumagal ng ilang taon, yung iba sobrang bilis lang nawala kasi pasaway. Merong magpapack ng pagkain patago para sa boyfriend, merong tsismosa at kung anu ano pa

    ReplyDelete
  16. Medyo may swerte ako sa mga naging yaya ng anak ko. Mahal nila anak ko to the point na nababaliw sya pag nagday off ang yaya. Pero di ko sila pinipigilan umalis pagnakita ko milestone ang gagawin. Minsan pasaway kasi bored or naaburido. Ini.encourage kong magbakasyon muna para ma refresh. Pagbalik ok na ulit.

    ReplyDelete
  17. Mahirap nanhumanap ng kasambahay ngayon..lalo na may 4Ps..bkit pa sla magbabanat ng buto qng 0wede nmn silang nakahilata lang habang hinihintay yungnperang bugay ng gobyerno ng libre galing sa mga taxpayers na naghahanapbuhay..nagrereklamo pa pag matagal maibigay..

    ReplyDelete
    Replies
    1. THIS! Yan din situation kahit dito sa province namin sis. Hirap ng makahanap ng helper kasi sa 4Ps or pantawid na umaasa kaysa dating work ang focus

      Delete
  18. ang off naman ng post ni ai ai... magreklamo ka na lang if you experiences difficulties sa maid na nahired mo... no need to dragged those maids na nagrereklamo kay raffy tulfo last time kasi if you really watched my valid reason naman kung bakit nagreklamo...

    ReplyDelete
  19. Yung maid namin, malikot kamay. Nagnakaw ng pera, pero akala nya she will get away with it. Pinabaranggay namin, blotter and kulong (ng ilang days). Ayun, lahat ng maid na magaapply takot na takot na pag sinasabi namin yun. Pero we stopped getting help na, ang hirap na ngayon lalo na may mga cellphone, ang titigas ng ulo.

    ReplyDelete
  20. Totoo ang sinasabi ni Aiai. May mga kasambahay na abusado talaga. Itinuring mong pamilya pero ang ibabalik sayo kawalanghiyaan. Minsan sa sobrang tiwala mo, di mo namamalayan na winawalanghiya ka na pala.

    ReplyDelete
  21. I agree w Ai ai. Ang dami na rin ngayong mga kasambahay na may masamang ugali. Hindi lang mga amo.

    ReplyDelete
  22. Naku ang kasambahay namin celohone ng celphone. Halos 24 hours hawak ang celphone. Kahit naghuhugas at plantsa ang celphone nasa harap niya at nagtetext. Nagwi wifi pa in between. Nag you youtube! kaya ino off namin wifi paminsan. At nauuna pa kami magising sa umaga. Pano napupuyat sa wifi. Abusado talaga. Pag sinabihan nagtatampo at uuwi. Hayzzz!

    ReplyDelete
  23. yung kasambahay ng mother ko, pag nakaipon ng pera, magpapaalam, magnenegosyo daw. Pag naubos na puhunan, tatawag, babalik, tatanggapin ulit. Tapos naging cycle na over the years, mag iipon, aalis, magnenegosyo, mauubos ulit puhunan, tatawag, babalik. Nakakaasar. Basta may pera na sila, kahit makiusap ang amo na wag muna umalis, hindi mapipigilan.

    ReplyDelete
  24. Meron pa dyan, pag nag-away at ng dyowa naninira ng gamit. Yung gamit ang pinagbubuntunan. Pag tinanong bakit nasira sasagutin ka ng "ewan ko" Tapos sisimangutan ka pa. Washing machine, bentilador, binubugbog. Minsan kong nahuli naku ang sarap tirisin kung di ako nagpigil. Pinaalis ko na lang baka kung ano pa magawa ko.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...