Monday, February 24, 2020

Repost: Parents of Sarah Geronimo Allegedly Irked at Matteo Guidicelli's Giving of Bouquet to Singer After Concert

Image courtesy of Instagram: sarahgeronimoshots


Hindi umano naging maganda ang reaksyon ng mga magulang ni Sarah Geronimo sa ginawang pag-abot ni Matteo Guidicelli ng bulaklak sa kasintahan sa pagtatapos ng unang araw ng kaniyang concert kasama si Regine Velasquez.

Matatandaang noong Pebrero 14 ay idinaos ang "Unified" concert nina Geronimo at Velasquez sa Araneta Coliseum.

Kapwa dumalo sina Guidicelli at ang mga magulang ni Geronimo. Nakaupo si Guidicelli sa harap kasama ang iba pang manonood.

Nang matapos ang concert, umakyat si Guidicelli sa stage at inabutan ng bouquet ng bulaklak si Geronimo. Ang singer na si Ogie Alcasid naman ang nag-abot ng bulaklak sa asawang si Velasquez.

Ayon kay MJ Felipe ng ABS-CBN News, naging isyu umano para sa mga magulang ni Geronimo sa nangyari.

"Ayon sa aking source, so di ba umakyat si Ogie Alcasid, si Ogie ang nag-abot ng flowers para kay Ate Reg, tapos si Matteo ang nag-abot kay Sarah. Isyu pala 'yun," kuwento ni Felipe sa kaniyang radio show na "OMJ!" sa DZMM nitong Sabado.

Dagdag pa ni Felipe, ikinagalit umano ng mga magulang ni Geronimo na hindi ang tatay nito na si Delfin o kaya ang kaniyang boss na si Vic del Rosario ng Viva Entertainment ang nag-abot ng bulaklak sa singer.

"According to my source who was there sa backstage, nagalit daw, diumano, ang parents ni Sarah kung bakit daw si Matteo ang nag-abot ng flowers kay Sarah. Bakit hindi daw si Boss Vic or siguro, bakit hindi si daddy?" ani Felipe.

Nabanggit din ni Felipe na ayon sa kaniyang source, si Del Rosario ang dapat na mag-aabot ng bulaklak kay Geronimo, ngunit ipinasa niya ang bouquet kay Guidicelli.

"Ang narinig ko, ang kuwento sa akin, si Boss Vic talaga 'yung may hawak ng flowers, kaso kasi si Matteo was nakaupo sa harap ni Boss Vic. Ang ginawa daw ni Boss Vic, inabot 'yung flowers kay Matteo and allowed Matteo to hand the flowers kay Sarah," kuwento ni Felipe.

Mainit na balita ngayon ang naging kasal nina Geronimo at Guidicelli, na hindi umano alam ng pamilya ni Geronimo.

Usap-usapan din ang relasyon ni Geronimo sa kaniyang mga magulang na sina Divine at Delfin, dahil na rin sa napabalitang kaguluhan sa kasal.

Ayon sa close-in security detail ni Sarah na si Jerry Tamara, sinuntok umano siya ni Guidicelli ​nang mapagbintangan siyang nagsumbong sa nanay ni Geronimo tungkol sa kasal.

166 comments:

  1. Replies
    1. Que horror these in-laws! Lahat na lang issue! Napaka-toxic.

      Delete
    2. Que Horror talaga. Valentines day yon. Syota o asawa mo o manliligaw na lang ang magaabot ng bulaklak. Ang baduy naman na si Boss Vic o tatay un magbibigay ng bulaklak. Corny yun walang kilig.

      Delete
    3. I know Sarah is legal na and I fully support her and Matteo... pero first time ko talaga makabasa na ang lahat ng tao ay full support sa hindi pagsunod sa magulang ng isang anak.

      Delete
    4. Que Horror na que horror talaga.

      Delete
    5. 12:52 Selfish ang mga magulang ni Sarah. Masunurin, mabait at mapagbigay na bata si Sarah sa lahat ng bagay. Ito lang ang ipinaglaban ni Sarah. Sana ibigay na nila sa kanya itong desisyon na ito.

      Kung hihintayin ang blessing bg mga magulang, tatandang dalaga itong si Sarah.

      Delete
    6. 12:52 Pilipino kasi tayo at makapamilya talaga tayo. Pero alam naman ng tao kapag sobra na. Una, legal age na si Sarah. Pangalawa, nagtrabaho na si Sarah ng halos 2 dekada para sa sarili niya at pamilya niya. Pangatlo, wala naman masama na i-share niya ang buhay niya sa iba. Si Matteo, napili nila isa't isa para bumuo ng pamilya. Walang nakikitang masama ang buong madla. Maliban sa pamilya niya na walang sumuporta ni isa sa kagustuhan niya.

      Delete
    7. HAHAHA mas que horro un madinig sana natin un sigaw at pagpigil ni Divine

      Delete
    8. 12:52 AM i dont think they support ang HINDI PAGSUNOD SA MAGULANG. What most people here are pointing out is that she is being fully controlled by her parents at her age. She is not allowed to decide for herself. Would you like it to happen to you as well? Not being trust and all after feeding your family all these years?

      Delete
    9. At that time hindi nman basta bf na lang si matteo. Fiance na sya ni sarah so parang ok lang nman na sya nagbigay ng flowers.

      Delete
    10. 12:52 just consider it a mass enlightenment. Hindi ka na dapat sumunid sa magulang kung Mali at toxic na Sila.

      Delete
    11. Why are you fuming 1:50?

      Delete
    12. Don't worry guys. Mag-iba ang pananaw ng parents ni Sarah pag may apo na yan. Ever heard of Kobe Bryant's story with his wife Vanessa? Vanessa was not liked by his parents.

      Delete
    13. Look, same sentiments here that Sarah is fully capable of running her own life and I’m happy that shes is now freed from her parents’ clutches. I’m all for being independent. Pero aminin mo man o hindi, pagsuway sa magulang ang ginawa niya and it’s a value we Filipinos cherish but sometimes, like in Sarah’s situation, it’s unhealthy. Unpopular opinion, I know pero that’s how I see it.

      Delete
    14. Nakipagtanan ako sa boyfriend ko noon at asawa ko na siya ngayon. Sinuway ko rin ang nanay at tatay ko and nalungkot talaga sila. Pero nung nanganak na ako, unti unti na nilang natanggap ang asawa ko. Pero minsan naiisip ko yung sakit na binigay ko sa kanila. Hindi naman ako nagsisisi sa napangasawa ko, yung naiparamdam ko lang sa kanila.

      Delete
    15. Ang labo 2:58, pakiulit nga

      Delete
    16. Si Sarah talaga pinaka-kawawa dito. She’s exerting her independence which is rightful of her age pero sya pa masama dahil ”suwail”. Let’s not deny the fact na may mali din ang magulang kaya nagmu-mukhang suwail ang anak.

      Delete
    17. 2:58AM kung minor pa si Sarah, pagsuway nga tawag don pero she is already 31 yrs old and she can decide for herself. Toxic yung porket ayaw ng magulang kahit 40 yrs old ka na susunod ka pa rin, ano ka si Maria Clara?

      Delete
    18. Masyadong mabait si Sarah. Dapat nilagay niya sa tamang lugar ang pamilya niya. Hindi ganyan na sobrang pakikialam.

      Delete
    19. Kahit mali ang magulang, 2:58? Jusko, yan ang unhealthy sa mga pinoy.

      Delete
    20. 2:58 hindi ba unhealthy din yung treatment ng magulang nya sa kanya? Being a parent is never an excuse to emotionally abuse your kid. Kapag toxic na ano dapat nya ginawa nga-nga na lang until pumayag parents nya? Got some news for you, may parents na toxic people kung ayaw mo maging msaya anak mo tawag dun selfishness.

      Delete
    21. Siguro if Sarah did defy her parents at every turn 2:58, then that would apply - yung 'unhealthy'. But this is the first time she actually did, and whether you admit it or not - we all have to do it at one point - to go against the rules.

      Delete
    22. 2:58 Hindi yan pagsuway when she's already 31 yrs old for godssake. She is finally learning to assert herself when they basically raised a spineless kid by being too manipulative and controlling.

      Delete
    23. 258 vakues ng pinoy ang respect sa magulang, but respect begets respect. Kinucontrol ka na sige parin? May limitation lahat ng bagay kahit values pa yan. What's more unhealthy is isakripisyo mo sarili mong buhay and kaligayan para sa mga magulang mo na wala na sa hulog ang rason. So ano gagawin mo maging miserable habang buhay masunod lang mga magulang? Twisted values na yan.

      Delete
    24. I totally agree with 1:50.

      And no, she is not fuming. The ALL CAPS is for EMPHASIS. Ang slow mo naman, 2:50

      Delete
  2. mommy d naman! Bulaklak lang big deal pa ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lahat na lang big deal sa kanila mag asawa

      Delete
    2. I agree 11:42. Kung walang bf si Sarah, it made sense na ang tatay or si Boss Vic ang mag-aabot ng flowers. Pero given na ang theme ng concert ay Valentine's, understood na Ang bf niyang si Mateo ang mag-aabot ng flowers para dagdag kilig sa mga manonood.

      Delete
    3. Too sensitive, too sipsip, Valentine's Day ho, hindi Fathers' Day!

      Delete
    4. napaka awkward kung c boss vic ang magbbgay ng bulaklak ano ho ito happy grandparents day hahaha

      Delete
    5. Mabuti pa si BOSS VIC may kahihiyan .
      bwhaahahah Binigay kay Mateo yun flowers kasi
      nahiya sya umepal on VALENTINES DAY--na para sa LOVERS dabaaa?


      Mommy D, yun tatooooo? Dika binigyan ng flowers ng jowa mo nuon noh?

      Delete
  3. Kasi Valentines Day kaya si Matteo na boyfriend/fiancee ni Sarah G ang nag-abot ng flowers. Anyways, congrats and best wishes sa bagong kasal: Sarah G and Mateo! Kaya Mommy Divine, attend ka na ng church wedding sa Italy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang visa ang vaklush, di nag-effort mag-apply in advance!

      Delete
  4. Sus maliit na bagay. Parents learn to take the backseat when needed. Poor Sarah and Matteo

    ReplyDelete
  5. Seriously? Pati flowers big deal kay mommy d?? Buti na lang hindi sila like mother, like daughter

    ReplyDelete
  6. Jusme! Pati ba naman yan issue

    ReplyDelete
  7. Diosmio. Pwede silang magbigay ng bulaklak lahat kung yun lang issue! Sana inisip nila eh yung significant others ng 2 ang singers ang magbigay ng flowers, so tama lang na si matteo na nga at fiance naman niya yun 🙄

    ReplyDelete
  8. Sakit sa bangs nang pag iinarteng ito ng mga Geronimos 🤦🏽‍♀️

    ReplyDelete
    Replies
    1. true..as a parent ayokong gawin to sa anak ko..bata pa lang sya sinasabi ko sa kanya pag laki nya yung mga napamaskuhan nya lahat ng pera nya from binyag ibibigay ko sa kanya paglaki nya kase kanya yun.pag nagwork sya yung pera nya is pera nya kase may sariling buhay na tatahakin anak ko.hindi ko sya pagaari though forever baby ko sya.

      Delete
  9. Kaya mejo maiintindihan mo na lang na gusto talaga kumawala ni Sarah. Kssi pati maliit na bagay, issue. haay. you are free, Sarah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. They are free legally. Pwede na silang bumuo ng pamilya. Dapat kay Sarah manirahan sa ibang bansa at dun bumuo ng pamilya at memories with Matteo. Uwi lang dito kapag may trabaho gaya ng The Voice. Mag-retire na muna sa ASAP para malayo talaga sa mga magulang.

      Pasalamat sila hindi sila nilayasan ni Sarah kahit pwede niyang gawin at may karapatan siyang gawin dahil over legal age na siya.

      Delete
    2. I admire Sarah for being strong and grateful to her family despite having a closed minded parents. Hoping her mom should also take care of Sarah me talk health.

      Delete
  10. pati ba naman iyan, ginawan ng isyu?

    ReplyDelete
  11. Siguro reason nung mommy di pa naman sila kasal kaya dapat yung family ni sarah dapat magbigay flowers

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napaka-oa ha. Makagawa na lang ng issue, kahit ang liit liit na bagay, napaka-inarte jusko! Ka-highblood!

      Delete
    2. flowers lang naman. bakit ba bigdeal.

      Delete
    3. Eh VALENTINE’s nga diba? Pang husband or boyfriend yon. Kung wala eh di tatay o si boss vic. Kaso nga MERON...MERON!

      Delete
    4. 11:54 Binasa mo ba? Kay Boss Vic galing yung flowers. Pero dahil si Matteo yung nakaupo sa harap at since si Ogie na rin naman ang mag-aabot ng flowers kay Regine, inabot ni Boss Vic ang flowers para si Matteo na lang nag mag-abot kay Sarah.

      Delete
    5. kung mothers' day o fathers' day ok lang , kaso Valentine's day e. day of lovers, BF/GF, husband and wife...OA much. engaged na kaya sila...

      Delete
    6. spell F-I-A-N-C-È my dear :)

      Delete
  12. Feeling ko siguro may mga rules din ung parents ni sarah na hindi nasunod ni matteo noon. Gaya nung travel nila out of the country kaya siguro medyo off si mommy divine kay matteo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masyado silang controlling. Gusto nila ay sila lagi ang masusunod. Mabuti na lang at nakawala na si Sarah sa poder nila. Sakal na sakal na siguro si Sarah sa kanila kaya nagpakasal ng hindi nila alam.

      Delete
    2. maiintindihan ko kung minor si Sarah. kaso hindi eh. matanda na. bawal pa ba yun.

      Delete
    3. Yup yung rule na dapat hindi siya manligaw. So dapat sinunod niya yon? 🧐😏

      Delete
    4. I dont understand this. Why two people who are planning spend the rest of their lives together are not allowed to go on trips together. They should be. How are they gonna know each other fully, and how are they gonna see their incompabilities. So kapag kinasal na okay lang na marealize ay hindi pala sila compatible, at may indifferences pala sila?

      Delete
    5. Wag mo na ipagtanggol

      Delete
    6. At some point sinusuway natin ang mga magulang natin for love. Pero naman. Ang tanda na ni Sarah. 6 years silang mag-bf-gf. Hindi naman yan papasok sa lifelong commitment nang hindi pinag-iisipan ang desisyon. She's not the uto-uto type. Magtiwala naman sila sa choices at desisyon ng anak nila. I-guide nila, oo. Pero wala naman na silang right to impose their decisions on her. Selfish sila. Yun lang yun.

      Delete
    7. 12:18 thank you! Over aged na din ako at 4 years na kami ng boyfriend ko pero yung mindset ng matatanda, bawal mag travel together. Honestly, sinusuway namin yon secretly kasi wala naman ako makitang mali lalo na peroa naman namin gamit namin. Mas nagkakakilala kami sa travel namin kaya magandang bonding yun.

      Delete
    8. Ay 147 good thing ginawa mo yan bago ka magpakasal. Dyan mo makikita talaga kung kaya mo bang pakisamahan ang jowa mo kung kayo nlang dalawa. Sa akin kasal na ako nung nagtravel na kami lang dalawa at muntik ko ng maitulak sa boulevard ng Mallorca ang hubby ko sa inis. 🤣 Our whole travel inis lang naramdaman ko. Lol

      Delete
    9. 12:35 true lahat naman sumusuway s love, kame n hubby before nabuntis ng maaga halos galit lahat ng parents nmn as time goes by at anjan n ang apo um-ok na lalo pa ngayong nsa 30's n kme halos pagtulakan n kme at sundan anak nmn what more p kia c sarah???

      Delete
  13. Matteo giving Sarah the flowers a big deal? Come on now ...

    ReplyDelete
  14. Kaya siguro it took a year for them to announce the engagement. They were hoping siguro that the parents would come to terms with it, but wala eh.

    ReplyDelete
  15. Nag papasalamat ako sa diyos mabait magulang ko at hinde ako ginigipit Or sinasakal. Pakiramdam ko nga ngayon, sabik na sila ma kasal ako kasi wala ako jowa ! Hahaha. Sana gumana na divine intervention ng nanay ko para sa aking lablyf- in a Good and positive way hahaha

    ReplyDelete
  16. Parang mas magulang pa si Boss Vic

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya sana siya ang maghatid sa altar sa Italy wedding. Ayaw ng magulang dumalo eh. Kawawa si Sarah sa kanila. Mga control freak!

      Delete
    2. I wonder if Sarah's parents are controlling their other children. Gusto kong maiyak para Kay Sarah. She has been a dutiful, kind and loving daughter. For once in her life let her take some risks for the sake of her happiness. Let her grow in her own terms; not being dictated by her parents.

      Delete
    3. 1:26 or mga tita and tito niya, mababait at supportive mga tita at tito niya and close sia sa mga pinsan nia.. Alam ko kasi isa sa kanila best friend ng magulang ko

      Delete
  17. Mygahd , Mommy Divine paligayahin nyo nmn c Sarah ,she deserves to be happy for the hard work she had done for your family.

    ReplyDelete
  18. Omgeee naman parents Akala mo royalty kayo

    ReplyDelete
  19. Kaloka. Eh si Boss Vic Del Rosario naman pala ang nag-abot ng bulaklak kay Matteo para ibigay kay Sarah bilang si Matteo yung nasa harap nya. Ayaw lang talaga kay Matteo ng mga magulang ni Sarah kaya maski bagay na non-issue eh ginagawang issue. Toxic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. EH BAKIT KC DI DIN MAGSALITA ANG VIVA??? kainis

      Delete
    2. 1:09 Because its a personal/family issue. Gets mo na?

      Delete
    3. 1:09 because IT’S SUPPOSEDLY A SECRET! Ganern!

      Delete
    4. 1:09 personal problems nila yun bakit agency ang hinihingian mo ng opinion? Out of respect pa din sa magulang ng talent nila yun Private issues yun te.

      Delete
    5. Because Boss Vic is doing what is right as a manager and as a guardian: di na nya gagatungan ang issues. Mommy D and the bodyguard are doing just fine making a mess.

      Delete
  20. Ok lang kung teenager si Sarah. eh lagpas 30 na sya.

    ReplyDelete
  21. Juskodai! Que barbaridad! Ayoko na! Di ko na kinakaya yang nanay nya jusmiyo

    ReplyDelete
  22. toxic na mga magulang, nakakasakal

    ReplyDelete
  23. Que Horror naman parents ni Sarah. Lahat ginagawang big deal. Napuno at nasakal na yung anak nyo kaya yan, nagpakasal ng wala kayo. That alone should give them a clue. Be happy AshMatt, the whole Pinas is rejoicing dahil kasal na kayo and Sarah can finally live her life!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga selfish na magulang. Paano kung magka-mental health issue si Sarah dahil sa kagagawan nila. Di nila naisip yun kasi mga control freak sila. Sumobra na sila..

      Delete
    2. Diba nagka break down na si Sarah minsan. Jusko kawawa nman sya

      Delete
    3. Nag-breakdown na nga sya sa US concert nya di ba. Sana nakakuha na ng clue yung nanay nya dun. Pero mukhang di pa din.

      Delete
    4. 1:29, pagka nagka mental issues si Sarah sa tindi nag pinag dadaanan niya, pustahan tayo, isisi pa nila Divine ke Matteo ang lahat ng ito...

      Delete
    5. 1:29 feeling q muntikan na db nung nagconcert cia dti haays buti n lng anjan c matteo

      Delete
  24. grabe. di ko maimagine pano natiis ni sarah yung ganyan. nakakaloka.

    ReplyDelete
  25. Mommy D this is too much! Sumosobra kana ang toxic mo!

    ReplyDelete
  26. CLAP CLAP CLAP! Finally, nakawala si Sarah kay Mommy D!!!

    ReplyDelete
  27. Diosmio marimar! May rason talaga si Sarah na magpakasal wala ang magulang. This is just too much.

    ReplyDelete
  28. ang siste gusto pa ata ni momshie na tanggihan ni matteo yung pinagawa ng boss niya. pasalamat ang magulang dahil pinaglaban ni matteo yung anak nila, enough reason na yun para tanggapin nila jusko hindi naman umaasa ng financial support yung tao kay sarah, wag kasing gawing life insurance ang mga anak natin ng hindi natin sila nasasakal in the end.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sad pero true. Ang goal ng karamihan ng magulang sa pilipinas mapagtapos ang mga anak para sa kinabukasan NILA. You can't blame them though dahil sa kahirapan. Kaya ako, nagiipon para sa sarili ko para di na maging burden sa anak ko sa future at maenjoy nya life nya.

      Delete
  29. Sarah’s parents should be happy that there’s a guy who would stand by there daughter against all odds. Yung tipo ng lalaki na Kahit binabastos na siya harap harapan ng magulang nung babae eh titiisin at hindi iiwan ang anak nila. Yun ang taong may paninindigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unfortunately hindi nila nakikita yan. Their blinded by their hatred and selfishness.

      Delete
    2. Na pati pamilya ng lalaki, minahal at tinanggap din ang anak nila.

      Delete
  30. sa 6 years na nila mag ka relasyon. I’m sure if Sarah saw something with Matteo na Hindi nya gusto humiwalay na sya, Pero the fact na she said yes to be married with him it means mahal nya Talaga si Matteo at mabuti na tao si Matteo. So mommy divine hayaan na natin sila

    ReplyDelete
  31. Grabe no wala ba magsasalita sa side ni sarah or matteo kung pano nila i a address yung issue na to for sure aware sila na national issue si divine ngayon. Nakaka awa si sarah dito kasi magulang nya pa rin yun or maybe kahit magsalita man lang si divine kung bakit nya gngwa yan sa anak nya. Ang toxic ng parents ni sarah! Kawawang bata hay.

    ReplyDelete
  32. Ang petty ng parents ni Sarah

    ReplyDelete
  33. Toxic Filipino culture. Lampas na sa kalendaryo ang edad ng anak, ayaw pa rin palayain. Tsk!Tsk!Tsk!

    ReplyDelete
  34. Yung ngiti pa lang ni Sarah dito sa litrato hindi kayang bilhin. Mabuhay ang bagong kasal!

    ReplyDelete
  35. Too much of something is bad enough

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala napakanta tuloy ako ng Too Much ng Spice Girls. Hahaha

      Delete
  36. kelan kaya nila mapatawad itong mga ito? baka pag nagkaapo na sila. Sana naman magkaayos dahil asawa na yan ng anak nilang si Sarah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. They don’t need to ask for forgiveness in the first place. They’re just two people who are in love and will conquer all. They’re both mature adults and they can decide on their own. I feel bad for Sarah who’s been putting up with her parents who are very controlling and toxic.

      Delete
    2. Kung ako naman si sarah at matteo, bakit ako hihingi ng tawad. Sila pa ba ang nagkulang? May hangganan ang pagiging mabuting anak. Abuso na masyado ang magulang.

      Delete
    3. Korek ilang taon si Sarah nung nagumpisa sa showbiz 15 yrs old. Siguro naman enough na ang naibigay ni Sarah na para sa kaniyang magulang its about time siya naman 31 yrs old di na dapat kinukwestiyon ng magulang when it comes sa pag ibig matanda na siya at pag nagkamali or nadapa siya nandiyan ang magulng para bigyan ng advices at moral support.

      Delete
    4. May mga magulang kasi na ganiyan makikitid ang utak.

      Delete
  37. Kaya pala nag brebreakdown si Sarah. Remember in 2018? Nagbreakdown while doing her concert. Her parents, particularly her mom is so selfish.

    After everything Sarah has done for her family, her parents think she doesn’t deserve to be happy. That’s just sad. I wonder what Sarah feels now.

    Sana man lang bigay na ang blessing sa anak nila. Baka mas mahalin pa sila nito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tigilan na dahil yung kahirapang dinanas nila noon ang dahilan kaya ganyan siya kahigpit kay Sarah. Matagal na silang nakaahon sa lusak. Bigyan niya ng kalayaan ang anak niya. Inggit na inggit siguro si Sarah kina RAG at Yeng dahil hinayaan ng magulang na maging independent at gawin ang gusto nila sa buhay. Yung siya na ang magde-decide para sa sarili niya kasi she’s way past her being a young adult. 30s na siya jusme. Si Matteo lang ang nagtiyaga kay Sarah kahit sobrang higpit ng nanay. Talagang mahal niya si Sarah kasi tiniis niya yung toxic attitude ni Mommy Divine. Kahit pinamukha sa kanya na ayaw nito sa kanya eh tiniis niya dahil sa pagmamahal kay Sarah. Jusme ayaw pa kay Matteo na sanay maging independent. Marunong sa buhay kasi hindi mama’s boy.

      Delete
    2. This! Now we know kung bakit ganun na lang nag break down si Sarah, so sad.. nanaay nya pa yung nang gaganyan sa kanya, na dapat number 1 home nya sana. Sad

      Delete
    3. Hindi ko ma gets ang nanay takot siya mahiwalay si Sarah sa kanila kasi si Sarah lahat ang nagbigay ng magandang buhay sa kanila. Pero ang tagal na ni Sarah nagtatrabaho Im sure enough na iyon para mabuhay sila habang buhay. Dapat naman maintindihan din ng nanay na may panganngailangan din si Sarah. Give her the happiness what Sarah deserves mother ang kailangn niyo lang gawin sa part ninyo eh support and assistance physically mentally and spiritually.

      Delete
  38. kung binigay ni Boss Vic kay Matteo dapat binigay ni Matteo sa tatay ni Sarah. Ayaw talaga ni Mommy D si Matteo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano???
      So gusto mo 2:05, na umakyat si Matteo sa stage at pumunta ng backstage para ibigay ang flowers sa dad ni Sarah para siya ang mag abot?
      Una...maiisip pa ba yun ni Matteo?
      Si Matteo ang bf so natural lang na siya ang mag abot

      Delete
    2. Siguro pag pinuntahan at inabot ni Matteo sa tatay ni Sarah baka mapahiya lang kasi nandun si Mommy D lol

      Delete
    3. Valentine’s day ineng so, dapat ang bf/ husband!

      Delete
    4. Nasa backstage yung tatay ni sarah, ano yun tatawagin nya? Eh ayaw nga ata syang makita.

      Delete
    5. Nasa backstage raw ang parentals

      Delete
    6. Jusme mabintangan lang talaga si Matteo noh? Gagawan mo talaga ng paraan. Che!

      Delete
  39. Ang babaw ano ba to

    ReplyDelete
  40. Oh dear sa halip na maging happy ang lahat for Matteo and Sarah nakakalungkot tuloy. I can imagine ang pinagdaanan ng dalawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukang happy naman sila at walang pake sa geronimo family hahahhaha

      Delete
  41. Napakababaw ng mga to jusko 🤦🏻‍♀️

    ReplyDelete
  42. So malamang umirap din sila nung sinabi ni sarah my love ko sabay turo ke Matteo hahahaha don’t worry Sarah nandyan naman si Giorgia at si Mommy Glenna na welcome na welcome ka

    ReplyDelete
  43. Sana magkababy na sina Sarah ❤

    ReplyDelete
  44. jusko! wala na talaga kong masabi sa mga in laws! Sarah and Matteo. . . . RUN!!

    ReplyDelete
  45. I don’t believe the entirety of this story. Napaka petty if ikakagalit ng magulang ni Sarah pati pag aabot ng flowers. I think they are more intelligent and pleasant than people give them credit for. Just because they choose not to be “showbiz” people stir a lot of speculation about their character.

    ReplyDelete
  46. Ang babaw niyo, nakakapikon kayo!

    ReplyDelete
  47. God Bless you Mateo.. mukhang need ng extra pang prayers to deal with Sarah’s parents

    ReplyDelete
  48. kalola para yun lang? ! parang tatay narin ni sarah si boss vic may blessing nya kay matteo to give the flower to sarah bakit big deal yun! pwede naman magdala sarili flower parents ni sarah di ibigay din nila para marami flower mas masaya!

    ReplyDelete
  49. Di naman ibang lalaki lang si Matteo. Fiance siya! And it was Valentine’s Day! No wonder gusto na talagang kumalas ni Sarah! I salute her for having the courage to stand up for herself!

    ReplyDelete
  50. Just thinking out loud pero if RICKY LO tell everyone about the wedding, it may have gone smoothly. Why arent we blaming this guy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree 554. sana pnaubaya na nya. imposbleng hnd nya alam na ayaw ng mgulang ke matt. sna nirespeto na lng. nagkagulo pa tuloy

      Delete
  51. The fact na hindi nagcocomment si sarah and matteo that means that they respect the parents of sarah. Eh alam naman nila na sala sa init, sala sa lamig. I remember this talk na sabi nga it is okay to declutter, kahit pa "family member" especially kapag pinaguusapan na ang welfare natin. Our mental health is still important lalo na sa panahon ngayon.

    ReplyDelete
  52. dyosmio naman! eh Valentine's Day slemper boyfriend ang mag-give ng flowers. Napaka- awkward naman nun na yung boss mo or daddy mo bigay ng flowers eh yung fiance mo nasa harap mo lang, atsaka just look at the eyes and way Sarah was waiting for Matteo when he went up to give her the flowers. I don't think she'll have the same look of happiness kung boss mo or daddy mo bigay ng flowers.

    ReplyDelete
  53. Ploy lang na kay Boss Vic initially ang flowers. Matteo was really the person intended to give it.

    ReplyDelete
  54. Mahigpit din ako sa anak ko kahit 20s na. Pero ayokong maging kontrabida kagaya ni aling Divine!! Tinuturuan ko ang sarili kong makibagay sa anak ko at hayaan sya sa ikaliligaya nya. Poor Sarah..

    ReplyDelete
  55. Walang respeto magulang ni Sarah sa kanya.

    ReplyDelete
  56. eh kung ung bodyguard nalang kaya magbigay para manahimik na si tyang divine.

    ReplyDelete
  57. Sa sobrang pagiging well meaning ng nanay ni sarah, ngayon sya na ang nagiging mean... Should learn to let go.

    ReplyDelete
  58. I guess human nature na yung laging hindi enough ang isang bagay.. money, fame and power. People always want MORE.

    ReplyDelete
  59. Napaka selfish ng parents ni Sarah. Jusko, hindi naman sila mayaman dati. Kung ako kay Sarah matagal na akong lumayas sa puder nila.

    ReplyDelete
  60. susme bulaklak lang??? bakettt..para tuloy lumalabas they are just being so mean. Sorry ah wala tlga ako makitaan ng masama sa pag abot nya ng bouquet as suppose to be si boss vic. dko getsss mommy!!!! please have some kindness in your heart..

    ReplyDelete
  61. Oh how I wish I was Boss Vic in that moment! Maramdaman ko lang yung mapaligaya ang love birds in one simple gesture...at maiinis pa sa akin ang parents nya but they can't do anything about it because I'm the boss!!!

    ReplyDelete
  62. Anu ba kasi meron kay Matteo na Ayaw na ayaw niya??? Na stress ako sa nanay ni Sarah ha. Mabuti nga nagtiis si Matteo sa anak niya at sa kanya e For 6 years hinde pa sapat yun??? As If naman kakalimutan sila ni Sarah pang habang buhay kung nag maldita lang yan si Sarah matagal na niya nilayasan family niya at mag elope but she still chose to remain humble and Help her family kasi mahal niya. Hinde pa ba sapat yun divine?????

    ReplyDelete
  63. Question sa mga popsters: private person ba talaga si Sarah or sanay lang siya na kontrolado ng parents nya ang lahat? Nagstalk ako sa Insta niya...puro ads ng endorsements! Wala lang, it just makes me wonder if si Sarah ba talaga yung taong 'di nagpipicture sa beach o sa mangkok ng kinaing ramen...or she's being oppressed from having her own social media presence...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di nya trip, ayaw daw nya kasi ng nakakabasa ng mga nega comment. Management sya naghahandle ng socmed na yun, for business purposes lang talaga

      Delete
    2. Sarah can't even buy a new phone without her mom's permission.

      Delete
    3. Because she was psychologically programed to be like that by her own parents

      Delete
    4. 1:45 talaga? Ay grabe to the max naman yan. Talagang de numero pala ang kilos ni Sarah hindi na talaga nakakapagtaka na sumuway na sya this time.

      Delete
  64. Grabe!!!!!, syempre fiance nya yun dapat talaga si Matteo mag aabot and its VALENTINE's Day for heaven's sake!!! I cannot!!!!!! Baka last straw na ni Sara yun para magdecide na syang magpakasal ng lihim and Im glad they did it!!!

    ReplyDelete
  65. Yes sobrang babaw parang hindi dumaan ang nanay niya sa ganiyang stage na ligawan, 15 yrs old palang naliligwan na depende na sa babae kung magseseryoso, pero sa part ni Sarah hindi siya nakaranas ng ganiyan so masunurin siyang anak kaya at the age of 31 doon lang siya nkaranas ng BF na pangmatagalan. Kung ako sana nanay niya pabayaan niya na nasa hustong edad na si Sarah to decide hellor 31 yrs old na si Sarah magalit siya kung 18 or 17 nagasawa na si Sarah like other girls do. Be open minded mommy Divine madapa man siya or mahiwalay siya sa inyo pa din iyan tatakbo. Ang part mo na lang support and give her advices tutal sa tingin ko kay Sarah nakikinig at masunurin sa inyo siya.

    ReplyDelete
  66. I am grateful my parents aren't like this. Though they give their warnings when it comes to relationships, they still supported me and let me realize the mistakes on my own. Love can truly make us blind and we owe it to ourselves to listen to other people's inhibitions sometimes. Even though my relationship ended up being a mistake, my parents never said "we told you so". Instead, they quietly supported me

    ReplyDelete
  67. Buti pa si Boss Vic supportive :(

    ReplyDelete
  68. All I can say is buti Matteo was matyaga enough to understand the weird quirks and attitude ng parents ni Sarah G. And I’m really happy na kinasal na si sila and Sarah has left her controlling parents.

    ReplyDelete
  69. Siguro si Mommy divine di nakaranas ng ganiyang ligawan siya walang mga papbulaklak or what.

    ReplyDelete
  70. My unsolicited advice to Sarah: if ever mag-away kayo ni Matteo (and I am 100% sure na mag-aaway kayo because there's no marriage that is "away-proof"), do not run to your parents. Reading how toxic and petty they are, hahanap at hahanap yan ng mali kay Matteo. And if that happens na makakita sila ng bala na galing pa sayo, that would be the end of your marriage.

    I am almost 7 years married, and my husband and I know that the surest way to escalate a fight is to include the parents. So that is a no-no.

    ReplyDelete
  71. Ganyan dn parents ko lahat nlng issue sa kanila kahit anong gawin ng bf ko na asawa ko na ngaun. 33 yo na ako ayaw pko ikasal kahit pinatayuan nako ng bahay ng asawa ko haha ewan ko ba wla daw magaalaga sa knila ako lng kc kumikilos sa bahay mga kapatid ko wla pake sa knila. Natuloy pa din kasal ko at nagpunta naman sila. Sa true lang khit wala cla dun ok lang samin ni hubby. Panay inarte nila sa wedding. Tpos honeymoon ko tinatalkan ako sa fon. Kaloka di ba.

    ReplyDelete
  72. 7:27 tama ka walang RESPETO sa anak kahit ba anak si Sarah magulang dapat respetuhin ang anak. Tingin siguro ni Divine kay Sarah laruan na de susi!

    ReplyDelete
  73. tingin nila kay sarah ay pag-aari nila. anong klaseng mga magulang sila, talaga naman.

    ReplyDelete
  74. Parang ang cruel ni mommy divine kay sarah. So sad.

    ReplyDelete
  75. Walang kaduda-duda kaya nag-decide si Matteo at Sarah na gawin na lang private ang wedding nila dahil simpleng pagbibigay ng flowers ay gagawin pang issue ni Ms. Divine at Mr. Delfin. Sana mabasa nina Mr. and Mrs. Geronimo ang mga comments ng netizens dito. Masakit ang pagtaguan ka ng anak mo pero kayo po ang dahilan bakit napilitan si Sarah na gawin yan.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...