Wednesday, April 10, 2019

Repost: Darren Espanto Mourns Violent Death of Former Road Manager


Images courtesy of Instagram: darrenespanto


MABALACAT CITY, Pampanga – Patay ang dating road manager ng Kapamilya singer na si Darren Espanto at kaibigan nito sa pananaksak, Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat, lumuwas ng Pampanga ang magkaibigang sina Karwin Guevarra at Carmencita Pelayo upang kitain ang kanila ding kaibigan na si Rachel Alabado.

Si Pelayo ang dating road manager ni Espanto.

“May kukunin silang pera. Bali yung bank account nung dalawa doon ipapasok yung pera, ‘yun yung sinabi ng asawa ko,” ayon kay Mark John Hernandez, asawa ni Pelayo.

Sa mismong bahay ni Guevarra sa Barangay Tabun natagpuan ang mga bangkay ng magkaibigan na tadtad ng saksak at may hampas pa sa ulo.

Buhay naman ang kaibigan nilang si Alabado.

“Ang una niyang kwento sa imbestigador, siya raw ay pinalo ng unidentified suspect na-unconscious siya. Nagtulog-tulugan. Pagkagising niya ganun na nangyari. Paniwala ng imbestigador, inconsistent yung ibinigay niyang information. May mga nakitang galos sa kaniyang katawan, sa kaniyang mga kamay, sa kaniyang mga paa, parang self-inflicted,” pahayag ni Police Staff Sergeant, Roldan Tababa.

Ayon sa mga magulang ng mga biktima, matagal nang magkakaibigan ang tatlo. May pagkakautang umano si Alabado sa dalawa, bagay na tinitingnan ng mga pulis bilang anggulo sa pagpatay.

“Tingnan niyo ‘yan, kalakas. Kung may saksak ‘yan makakalakad ng ganyan? ‘Yung anak namin ‘di mo matitingnan talaga,” sabi ng ama ni Pelayo na si Leonardo Sr. 

Itinuturing naman ng mga pulis na suspek sa pagpatay si Alabado at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong double murder laban sa kaniya.

'NANGINGINIG AKO HANGGANG NGAYON'

Ibinuhos naman ni Espanto sa social media ang kaniyang pagkabigla sa sinapit ng kaniyang "Ate Karen."

"I still couldn’t believe the news of your passing, ate Karen. Nanginginig ako hanggang ngayon kasi 'di ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang. Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao," sabi ni Espanto sa kaniyang Instagram post.

Sa naturang post ni Espanto, makikita ang masasaya nilang larawan ni Pelayo noong magkasama pa sila.

Para kay Espanto, higit pa bilang road manager ang naging turingan nila. 

"You are family to us... You will forever be my “Ate Karen.” I will keep all the memories that we had through the good times and the bad and I will always remember the things you’ve taught me in the past. I love you so much and I’ll keep you close to me heart always," sabi ng binata.

12 comments:

  1. Gone too soon. Condolence.

    ReplyDelete
  2. Aw.. condolence to the families 😭

    ReplyDelete
  3. ganito na ba kalala ang patayan sa Pilipinas? Ganito ba kamura ang buhay dun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 12:33 matagal na.

      Delete
    2. we need tlga a bakal na kamay ng batas. ibalik ang death penalty. putulan ng daliri or kamay mga snatcher magnanakaw etc etc

      Delete
    3. Dati pa pong ganyan.

      Delete
    4. I am a religious person, 1:13 am pero favor ako sa death penalty at divorce.

      Delete
  4. Wala kasing pakialam mga tao sa pinas..kahit naririnig na nilang nagkakagulo dedma lang..magsasara pa ng pinto kesa you know madamay..kaya marami napapahamak kasi walang gusto tumulong..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami ayaw makisali sa gulo ng iba kasi baka sila naman ang masaksak at mapatay. Ikaw ba willing na isakripisyo buhay mo sa mga taong di mo naman kaclose na kung may mangyari sayo eh paano naman mga anak mo? Minsan kailangan maging selfish. Kaysa ikaw pa mapahamak. Di lahat ng tao gusto maging bayani.

      Delete
    2. Grabe nakakaawa si 3:28..pray hard para kapag nangailangan ka ng tulong may magbigay sayo..marami talagang mapapahamak lalo na kun ikaw ang kapitbahay..

      Delete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...