Monday, March 4, 2019

Repost: Maja Salvador on Finding Love Again with Rambo Nuñez

Image courtesy of www.push.abs-cbn.com


Ayaw man pag-usapan ang maraming detalye ng kasalukuyang love life, masayang nagbahagi ng kaunti ang Dance Princess na si Maja Salvador sa press kahapon March 1, sa naganap na event para sa kanyang bagong brand endorsement, Guitar Apparel. 

"'Wag na tayo sa into details, ibigay niyo na lang sa akin 'yon, at least nag-share ako. It's my first time na, one thousand percent, na walang pagdadalawang isip, if I'll share it or not," unang pahayag ng aktres na tinutukoy ang kamakailang pagpopost sa Instagram ng photos kasama si Rambo Nuñez.

Ayon sa huling report, siyam na taon nang nakakalipas nang maghiwalay si Maja at kanyang ex-boyfriend na si Rambo. Ikinumpirma ito ni Maja sa interview at sinabing walang matinding rason ang dating hiwalayan nila.

"'Yung dati naman kasi namin, ano yun e, 'Career or love life,' may ganon. Siyempre, bata (kami) ‘di ba?... So parang hindi nabigyan ng todong chance before, so eto na siguro ang chance," kuwento ng aktres. 

Sa loob na siyam na taong magkahiwalay, inamin ni Maja na nagpatuloy pa rin ang komunikasyon niya sa ina ni Rambo na si Marilen, sa katunayan tinatawag niya pa rin itong 'Mom.'

"Sobrang suwerte (ko) lang din na ang bait ng family (niya), na wine-welcome nila (ako) ng parang pamilya. Actually parang anak ang turing sa akin e, yun yung masarap sa pakiramdam," sabi ni Maja.

Binabawi na rin daw ng aktres ang dating pahayag na hindi niya binabalikan ang kanyang mga exes. "Minsan you break your own rules, and I think it's worth it," ani Maja.

"Sabi ko nga, ang gaan, sobrang kabaligtaran ng dati," pahabol na pahayag ng aktres.

Si Gerald Anderson ang huling kilalang naging ex-boyfriend ni Maja. Naghiwalay ang dalawa sa hindi isina-publikong dahilan noong 2015.

Samantala, naghahanda ngayon ang aktres para sa isang pagbibidahang iWant digital series at isang teleserye sa ABS-CBN. Ang iba pang detalye ay hindi pa kasalukuyang nilalabas.

44 comments:

  1. I like Maja, no pretentions din.

    ReplyDelete
  2. May non showbiz boyfriend si Maja last year. Hindi si Gerald ang huling boyfriend

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Kilala", popular, kaya nga si Gerald lang sinabi. Non showbiz yung last ex, malamang ayaw magpa publicize. Ano ba. Si Rambo mukhang socialite kaya sanay na.

      Delete
  3. how old is Maj?? sana ito na. oo shes very lowkey about her lovelife always. magugulat ka nalang ex niya si ganyan hehe

    ReplyDelete
  4. Habang tumatanda si maja mas nagiging sensible. I like her na!

    ReplyDelete
  5. Dapat sya ang peg ng mga older sa kanya pero dami kaertehan and nega sa lovelife on socmed pa. Happy for Maja.

    ReplyDelete
  6. dyeskelerd ang badoy talaga ni lola

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1;13 ipost mo nga itsura mo dito nang magkaalam-alaman na. Naamoy kong mas baduy ka, lolang loka!

      Delete
  7. nagsusumigaw ang pagiging starlet level ni maja

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Starlet aura lang talaga siya. Kinuha pa siya guest host sa It's Showtime last week. Kaloka. Haha!

      Delete
    2. Sya na yata ang starlet na maraming best actress award. Say nyo???

      Delete
    3. Starlet? Suerte nga sya sa mga peojects
      at endoreswments kaya yumaman, noh?

      Delete
    4. Inggit ka lang 1:14 sa pagkaka-guesting ni Maja sa Showtime imbis na yung idolet mo, hehehe. Halata ngang nasabik ang audience sa kanya dahil sa lakas ng palakpakan nila lalo na nung magpasampol sya ng new dance steps nya...eh ikaw?

      Delete
    5. Versatile sya kaya laging nagiging guest host. Kalog sya, magaling magpasampol ng new dance steps, at kasundo ang halos lahat ng hosts & performers sa Showtime. In other words, very entertaining syang host.

      Delete
    6. And she's a very good host 1:37, aminin, she's entertaining. Nag enjoy pa nga mga audience eh. But of course di mo makita Yan because you hate her.

      Delete
    7. 7;21 wag delulu ateng. anong good host ka dyan! pwede ba shea ok as an actress, excellent dancer but host hahaha sobrang ngangey!

      Delete
  8. Halatang in love si Maja. Lalo syang bumata at umaliwalas ang aura nya.

    ReplyDelete
  9. Ex ni Kelsey Meritt

    ReplyDelete
    Replies
    1. We know. Hindi lang ikaw in the loop.

      Delete
    2. u dont need to name the exes move on girl. sila nga wala issue ikaw pa

      Delete
  10. Masaya ako para kay Maja. Napakabait nyang tao kaya laging dinidinig ni Papa God ang mga wishes nya lalo na sa love life. Sana sila na nga ni Rambo.

    ReplyDelete
  11. Naniniwala akong pag kasundo mo ang ina ng bf/gf mo, mas masaya at tahimik ang love life mo. Suerte mo Maja, mukhang magkasundong-magkasundo kayo ni Mommy Marilen.

    ReplyDelete
  12. Malaking bagay pag kasundo mo ang mother ng bf/or suitor mo. Masarap sa pakiramdam. Suwerte ni Maja kay Mommy Marilen.

    ReplyDelete
  13. Marrying age na sina Maja at Rambo. Ipagdarasal kong sana sila na ang magkatuluyan. Parehong mukhang responsible na sa buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga makasal na sya wala nsmang nangyayari sa career niya forever dance princess na lang. starlet levels hanggang ngayon.

      Delete
    2. Not a Maja fan pero never naman nababakante si Maja sa mga projects. At magaganda mga serye nya, di lang nga sa movie swerte.

      Delete
    3. Ang importante, tuloy-tuloy ang income ni Maja. Hindi sya natetengga. At sa klase ng trabaho nya, mukhang naman syang nagi-enjoy, nakakapag-travel pa sya.

      Delete
    4. Isiningit na naman ni 7:04 ang pagiging "starlet daw" ni Maja. Ang hindi alam ng basher na yan, maraming sumikat at yumaman nang starlets sa showbiz. Wag si Maja!

      Delete
  14. We're very, very happy for you MAJA!

    ReplyDelete
  15. Awww! Bakit ako naluluha? Tears of joy for Maja!💋💕⚘

    ReplyDelete
  16. Girl, and tanda mo na. Go.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matanda si Maja pero baby face at bagets-looking. Di kagaya ng idol mo na mas mukhang gurangis kesa sa partner nya, hahaha!

      Delete
    2. Dami kong tawa sa comment mo 2:23, BWUAHAHAAAHHH!

      Delete
  17. To Mommy Marilen, thank u po for accepting our idol Maja to ur family.

    ReplyDelete
  18. Natawa naman ako doon sa "Minsan you break your own rules." Girl, this is not the first time na nag-break ka ng sarili mong rules. In case you forgot naging BF mo nga yung Ex ng BFF mo eh and that one didn't last either.

    ReplyDelete
    Replies
    1. E kung di naman nya rule yun dati, anokaba 4:44.

      Delete
    2. Jusko move on na teh.

      Delete
    3. 4:44 - kahit ano pa ang gawin ni Maja sa buhay nya, kanya na yun! Wag ka nang ma-bitter na balikan pa ang nakaraan. Past is past. Masaya na ulit sya kaya let's just be happy for her. Hindi kabawasan sayo yan, 4:44, kung pagbibigyan natin si Maja😘.

      Delete
  19. Infer hawig sila. Feeling ko Ito na ang "the one" ni Maja.

    ReplyDelete
  20. Happy for her!! Stay in love.

    ReplyDelete
  21. seryosohin mo na girl utang na loob

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha natawa ako. oo nga naman tanda na nya huh!

      Delete
  22. Meron naging non-showbiz na boyfriend si Maja after Gerald. Last year sila naghiwalay. Kaya sabi niya during TLSB promo sa isang guesting niya na 8 months na siyang single. Sana siya na talaga si The One. So happy for you Majing!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...