Friday, March 13, 2020

Tweet Scoop: Celebrities React to Imposition of Community Quarantine on Metro Manila


Image courtesy of Twitter: jascurtissmith


Images courtesy of Twitter: iamsuperbianca

Image courtesy of Twitter: gretchenho

Image courtesy of Twitter: mainedcm

Image courtesy of Twitter: ChynsOrtaleza

Image courtesy of Twitter: MikoRaval

242 comments:

  1. Magsipagbasa kayo rather than reading just the headline then post agad! Lahat na lang ba isusubo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman kasi mabasa na bukod sa community quarantine. Walang extents and limits na sinabi. Walang q&a after ng speech ni PPRD kaya walang chance linawin ang mga malalabong points. Siguraduhin mo din muna mga sinasabi mo
      Bago ka magcomment. Mema ka.

      Delete
    2. Sa Bible yung mga Israelites pag me mga ganitong kumakalat na diseases nagrerepent na at umiiyak tumatawag sa Diyos para maawa at ilift yung pinadalang kaparusahan. Pero ngayon, wala nang gumagawa nun puro mga expertise na ng WHO at Health department ang prioridad. Imbis na unahing lumuhod at magsisi At hanapin ang Diyos nagpanic buying Ng mga Alcohol at Disinfectant para protektahan mga sarili sa isang sakit na hindi nakikita pero kumakalat!

      Delete
    3. Gorl pinanuod ko lahat, and i bet sila din explain mo nga bylines ng community quarantine? Eh kahit nga DILG and DOF iba iba interpretation.

      Delete
    4. Exatcly! Itong mga anti dds na ito puro reklamo para bang wala ng nagawa maganda ang Presidente. Sa nga ganitong pagkakataon magdasal at alamin ang mga healthy measures. You damn people are full of hatred. Kneel down and pray.

      Delete
    5. Halatang ikaw ang di nagbabasa ghorl.

      Delete
    6. Sana hintayin nyo yung guidelines tomorrow daw ilalabas after the executive meeting. Actually right after the announcement I watched the teleradyo, lots of gov't officials concern e.i.DILG, DTI were interviewed may mga nalinaw ng issues kaya bago mag post mag basa at makinig muna. Keep safe everyone, para rin sa kabutihan natin lahat.

      Delete
    7. @12:56 so vengeful si God ganun? Wala siyang awa kaya nagpadala ng kaparusahan?

      I don't agree sa panic buying. Mas mahahawa ka kung maraming tao kasama mo sa paligid mo. Be calm and wash your hands and don't touch your face. Be proactive.

      Delete
    8. 12:56 I agree with you.

      Delete
    9. Actually, I just read an article by GMA, and the DOT undersecretary said that they would give an update once they receive the guidelines. So tingin ko, they issued the statement of having MM in a community quarantine without having set the guidelines yet. Parang di rin nila alam kung paano ipapatupad ito.

      Delete
    10. 1:10 your dds smell is showing. walang lockdown na mangyayari kung sana ready lang ang government natin. eh wala puro cover-up ang nangyayari tapos umamin na lang nung naglalabasan na from outside sources ang mga maysakit. tapos community quarantine pero open pa rin ang international flights so ano? tuloy tuloy pasok ng mga chinese!

      Delete
    11. Ah 1:32 buti naitanong mo yan. Marunong ka bang magbasa ng Bible? Eto basahin mo 2 Peter 3:10-12 para lalo kang mataraugan sa tanong mo!

      Delete
    12. fyi, no country and no govertment worldwide is ready with this pandemic. we shld be thankful the govt is taking such measures, now it is in our hands as citizens to follow for this virus not to spread out.

      Delete
    13. Ito ang mga Pilipino, imbes na mag nilay nilay at magdasal sa ikaayos ng lahat , napakahilig makipag patalinuhan sa kapwa Pilipino. Anu guys? away away pa din kung lockdown o hindi? Mag si sunod na lang tayo at dasal.

      Delete
    14. Alam mo kasi 1:32 ang worst scenario jan sa Pandemic na yan e kung GINAWA MO NA LAHAT ANG MGA PROACTIVE NA INUTOS NG WHO AT DOH Yung washing of hands, disinfectant, alcohol, face mask, anti-people, anti-touch at NAACQUIRE MO PA DIN YUNG SAKIT! (Tulad nung mga attending physicians at mga walang history ng travel sa infected areas) Pag ganun pano na Kung Hindi umubra yung ProActive mo???! E di dun pa rin ang bagsak sa pinost ko!

      Delete
    15. 153 haru jusko paano ba mareready ang isang bansa sa isang virus na wlang vaccine at hindi pa tukoy paano gamutin? Yes may precautionary measures but maski saang sulok ng mundo tumataas ang bilang ng infected people maski nga sa Eu daming namamatay. Ngayon may ginawa daming satsat, wlang ginagawa satsat pa rin ng satsat. Hay Pinas wlang pag asa. Gobyerno di maasahan, mga tao reklamador at wlang disiplina.

      Delete
    16. 253 tumpak. Maski nga dito sa Europe tumataas everyday ang bilang ng infected eh. Oh well, dyna nman tayo magaling, ngumawa ng ngumawa. Lol

      Delete
    17. 12:56 May point ka gurl importante ang magdasal, humingi ng tawad at awa.

      1:32 di ko din gusto un panic buying. Bibili ka with so many people. Mas delikado un sa virus. Huhupa din naman yan.

      Delete
    18. 1:53 palagi na lang govt so ibig sabihin pala ung mga first world countries din na affected di rin sila prepared at naging pabaya.

      Delete
    19. Relax lang guys ha. Sa Mar 15 pa effectivity nito. Magwala kayo kung agad agad tapos walang guidelines. Mag antay kayo ng executive order. Be alert not anxious.

      Delete
    20. 1:53 this is not about DDS or Dilawan anymore. Kahit sino nakaupo dyan kakalat at kakalat ang virus dahil sa katigasan ng ulo ng mga pinoy. Makinig at sumunod na lang po sa order ng govt. Wag na bahiran ng politika ang mga bagay bagay at hindi naman nakakatulong.

      Delete
    21. Pinaka-sensible ang comment ni Bianca. Mag-ingat nga naman sa choice of words to avoid panic. Hello Gretchen Ho. ABS din, grabe ginawa nyo kahapon sa breaking news nyo, kahit pa nag-apologized kayo. Kaya nagagalit sa inyo ang mga tao. Magkaron naman ng kunsiyensya yung iba, hindi puro sariling interes lang ang pina-prioritize. Seryoso itong pinagdadaanan ng bansa kaya magtulungan na lang lahat. I-set aside ang pulitika.

      Delete
    22. @akoito, 1:10, guess what, wala naman talagang nagawang maganda si digong. Meron ba? Wag mong sabihin ang infrastructures kasi guess what, utang lahat sa China na sobrang pagkataas ng interest. Sige, magbigay ka ng napakagandang ginawa ni Digong. Siguraduhin mong hindi fake news yan. Mapipingot kita.

      Delete
    23. @2:57 true..ang tatalino eh..hahaha..dina lang gawin ang sa tingin eh tama to prevent contracting/spreading the virus rather than making "noise" sa socmed.

      Delete
  2. Hays bakit di nila maintindihan sinasabi ni tatay digong, lockdown pero pwd lumabas pumasok ang mga tao kailangan lang malayo sa isat isa

    ReplyDelete
    Replies
    1. So hindi lockdown? Kasi pwede labas pasok? So anong sense ng "lockdown"?

      Delete
    2. Baks di mo ata naintindihan. Pwede ka maglabas pasok as long as WITHIN Metro Manila. Pero kung taga labas ka at going to Metro Manila ka starting March15 waley na. :( Magulo sa totoo lang. Di nya kase masyado inexpound.

      Delete
    3. 12:39 o may sense ka na nian? ikaw na nagsabi lockdown pero pwede labas masok? ๐Ÿคฆ‍♀️
      Kahit nga gamitin natin ang term na quarantine, hindi pa rin papasa yang ganyang setup.

      Delete
    4. Ghorl kulang ang statement mo

      Delete
    5. To make it more magulo pwede parin maglabas pasok yung mga taga kalapit probinsya sa NCR kung dito sila sa NCR nagwowork. I mean, locked down nga e diba ano sense nun? Nakalabas din yung virus. Ok naman maglagay ng locked down pero sana linawin nila. Imbis na ma inform lalong nagka gulo. More questions rather than answers eh!

      Delete
    6. 12:39 kung taga manila ka, walang problema. pero paano yung tagalabas na sa manila nagwowork? aaaaand! magiimpose ba ng curfew? di ako magtataka kung magseset ng curfew pangontra kalat ng covid kuno pero baka gamitin lang para makagawa ng mga overnight kalokohan

      Delete
    7. 1:15 para magandang pakinggan. Me movie vibe na Matibay, Matatag, Matigas! LockDown!

      Delete
    8. Jusku wala naman akong narinig na lockdown sa speech ng presidente. Bakit pinagpipilitan ng iba ang "lockdown?" Basahin po ang community quarantine, Municipality/City quarantine, Provincial/City quarantine. Maiintindihan nyo po.

      Delete
    9. ibig sabihin ng lockdown, di ka makakalabas ng sarili mong bahay sa oras na gusto mo. kitam? hindi mo din maintindihan ang sinabi ni digong.

      Delete
    10. 12:39 ikaw ang hndi nakaintindi!!! Lockdown means walang makakalabas ng bahay. Hndi rin or wala pang sinasabing clearer explanation on whaylt will happen to the workers outside of mm, like bawal pumasok in any means of transpo in March 15 and yet my work parin at kelangan ng id to prove n may work k. Like its contracting and confusing. Sna ayusin nila ang explanation

      Delete
    11. 1057 community quarantine besh hindi lockdown. Kaf nagbalita nyan at lockdown ang ginamit na word. Eh di lalo nagpanic ang mga tao. Nagsorry na nga sila kahapon. Lol

      Delete
  3. Let's wait for further updates. Yung DOH kasi kupad kumilos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truth,12:41. Dapat nga tayo kumalma and yet s ginagawa/sinasabi nila parang ina underestimate nila ang virus kaya ayan. Kung umpisa plang may action, edi sna na lessen.

      Delete
  4. Yung iba naman makapag comment lang. Di gamitin common sense

    ReplyDelete
  5. Bianca, yung mother station mo ang unang nag-leak ng term na “lockdown” because of an erroneous post. They even apologized for it, remember? Let’s start from there. Based from some excerpts, the gov’t said community quarantine. Yung erroneous post ng station mo started the “panic” of the people. Meanwhile, napagod ako sa press con ni Duterte. Nakakaloka sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May problema talaga ang News Department ng ABS. Kaya damay ang buong network. Ayaw talaga magbago.

      Delete
  6. Daming alam ng tao sa twitter. Lockdown daw is martial law. Puro hatred na lang, di na magka isa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo parang warzone sa pinas naghihilahan pababa mga tao

      Delete
    2. hatred ba yun? ang tax natin nagpapasweldo sa pulitiko. we're just asking what for the things we deserve.

      Delete
    3. 12:45 lahat n lng sabihin ng Pangulo eh mali para sa kanila...

      Delete
    4. kung nakinig kang talaga at inaanalyse mo lahat ng sinabi ni digong, mapapatanong ka talaga at itatanong mo ang mga malabong points. hindi yan dahil sa hatred kundi dahil malabo ang sinabi nya. ianalyse mo ang lahat ng puntos nya, para maintindihan mo din para ikaw mismo nakakapag isip.

      Delete
    5. 12:45 kahit hndi ako dds, i think lockdown/community quaratine is the best action ngaun para s ganyun mabawasan ang contact from others and minimise the spread.

      Delete
    6. 12:45 1-2 people lang yata ang nagpost nun. Ginawa mo namang stand ng marami. Ang lala mo girl. ๐Ÿคฆ‍♀️

      Ang nababasa kong posts, majority follow-up questions kasi malabo ung ibang parts. Ang matatalino kasing tao, tinitignan kung anong pwedeng maging problema at butas sa isang proposal para maayos ang implementation. Hindi ung sunod lang ng sunod, tapos nakanganga sa haba ng pila sa slex para sa "no work id, no entry" policy

      Delete
  7. If nanuod sila and nagbasa. Hindi na nila kailangan itanong

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1245 explain mo nga teh at mukhang ang talino mo! obvious namang hindi hindi naipaliwanag mabuti ang guidelines ng quarantine.

      Delete
    2. Huh? Eh wala pa namang guidelines at EO. Malamang marami pang tanong for now.

      Delete
    3. Nanood at nagbasa ako pero madami pa din akong tanong. Sige nga pakiexplain, ang sabi pwede pa ring pumasok ang mga empleyado na nakatira outside metro manila basta pakita ang id, hindi ba nadefeat nun ang purpose ng lockdown dahil pwedeng di alam ng tao na me sakit sya tapos makahawa sya kada papasok sya sa opisina? Pano kung taga labas ka ng metro manila pero need mo magpunta sa ospital na within metro manila ano ipepresent mo? hanggang ilan lang pedeng kasama ng pasyente? Pano kung March 15 discharge ka na sa ospital pero sa Rizal ka nakatira, di sila pede palabasin? Me accommodation bang ibibigay o ihahatid sa sila? Pano ung sinasabing social distancing kung sasakay ka sa MRT na laging punuan? Ung Angkas, sususpindihin ba nila? Kung ung limit sa pagbili ng alcohol di nasunod, pano nila masisigurado na susunod ang mga taong wag lumabas? Let’s face it ang daming walang disiplina sa atin. Pakisagot naman 12:45 para malinawagan ako.

      Delete
    4. napagaling mo naman 12:45. Gov’t nga acknowledge na madami pang dapat ipalinawag at hinihikayat magtanong ang tao, tapos ikaw alam na agad lahat kaya walang tanong tanong e noh? napakagaling

      Delete
    5. Cgro nman hindi dapat huminto ang buhay natin ano kasi may virus. Kung may trabaho at hindi nman kanselado, eh di pumasok maski pa saan galing. Pero kung lakwatsa lang nman ang purpose o pwede nman sa isamg buwan ba pwedeng gawin ang isang bagay, ipagpaliban muna para makaiwas sa virus at hindi na din maraming tao ang nasa labas. Ganyan lang intindi ko. Hindi nman pwedeng lahat komplikahin.

      Delete
    6. ang totoong nakinig, mapapatanong talaga kasi ang labo nya. ngayon kung wala kang tanong, aba'y di ka napaisip sa mga sinabi nya. lawakan mo isip mo uy, analyse mo lahat ng puntos na sinabi nya. at saka mo malalaman na ang labo talaga ng speech nya. salamat pala sa UP scientists, mga doctors at healthcare people. ako na lang magpapasalamat kasi kinalimutan ni pdutz na pasalamatan.. di mo naisip yun no? kasi hindi mo pinakinggan ng maayos ang speech nya.

      Delete
    7. Wag kang magmarunong 12:45. Ang dami pang butas ng implemention or statement kagabi at hanggang ngaun ay naghihintay kmi ng update on what would happen.

      Delete
  8. Ang talino nung Yaya. Walang masabi. Diba nag benta yan ng libro kuno?

    ReplyDelete
    Replies
    1. She has a name, and I may not like her, but calling her "ang talino nung Yaya" is a derogatory remark. I wouldn't resort to that.

      Delete
    2. HAHAHAHAHAHAHAAHAH agree lang sya

      Delete
    3. 1259, anong derogatory sa yaya term?? Marangal na trabaho ang pagiging yaya sa pagkakaalam ko.

      Delete
    4. 12:59, what to do, norm na talaga nowadays ang bastos mag salita. Lalayo ka pa. Listen to how the leader speaks.

      Delete
    5. 12:47/1:24, calling her yaya and not using her name is derogatory in itself.

      Delete
    6. And why is that derogatory?-rolls eyes-

      Delete
    7. Wasn’t she known as yaya dub?

      Delete
    8. 1:24 walang derogatory sa term na yaya, pero it’s as if you are saying na di pwedeng matalino ang yaya. Obvious na di mo gusto so Maine kaya simpleng bagay issue sayo. Sa laki ng problema nv Punas, yan lang talaga napagtuunan mo ng pansin. I’m not 12:59

      Delete
    9. 129 paka sensitive! I guess you have issues with the term yaya. Big deal masyado sayo eh. Don’t overthink. Here’s for you ‼️‼️‼️ Lol

      Delete
    10. kita mo lang kung bakit hindi naiisip na deregatory yun.. haaays

      Delete
  9. Among the celebrity commenters, it seems that only Bianca Gonzalez ang brainer among sa mga sawsaw brigade na makapag-comment lang na mga starlet. Disappointed with Gretchen Ho, naturingang news presenter, boplaks din pala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy, ateneo yan. di yan boplaks.

      Delete
    2. Tama naman ang sinabi ni Gretchen kinorek niya ang term because yun kasi ginamit ni CNN Phils at Rappler Lockdown 12:47am double major yan sa Ateneo AB comminications and Management Engineering. Mahirap na kurso yang ME may sports pa cya. Kaya mo yan?

      Delete
    3. Agree with you! Epal yang si Gretchen parang si Agot Isidro ang peg.

      Delete
    4. 12:47 Kaya mo ang achievement ni Gretchen Ho? Double major yan AB Communications and Management Engineering plus busy pa sa sports at Ateneo pa! Anong mali sa sinabi niya? She was just wanting some details. Ikaw yata inggiterang boplak.

      Delete
    5. 106 so? She is.

      Delete
    6. Baka ikaw boplaks. Hirap ng kurso ni Gretchen Management Engineering isa sa pinakamahirap yan.

      Delete
    7. Akoito is halatang DDS drag pa si Agot. Hirap sa inyo bash ninyo ang tao pero di niyo maexplain in details bakit disagree kayo sa sinasabi nila. Kasi nga blinded lang sa political color kayo

      Delete
    8. 1:09 1:12 1:22 Tama na Gretchen itulog mo nalang yan

      Delete
    9. Meh, lahat sila Puro epal lang. it’s a lockdown, live with it.

      Delete
    10. 12:47 tama naman sinabi nya, need ng specification , in other words kailangan ng detalye.
      Aminin natin, madami naman mahina sa comprehension kaya madaming naniniwala sa fake news at madaming naguguluhan. Take for example ung nagdeclare na ang presidente na suspendido ang mga klase sa Metro Manila, ang dami pang nagtanong kung pano daw ung lugar nila na Pasig, Makati, QC etc. Mas lalong kailangan iexplain ang ibig sabihin at epekto ng lockdown.

      Delete
  10. Very good si Bianca.

    ReplyDelete
  11. For once, agree ako kay Bianca.

    ReplyDelete
  12. Magresearch kayo ano po para maclarify nyo ang statement ng Presidente. Yong mga pasosyal na wokes sa twitter eh martial law agad? Inumin nyo nalang Starbucks nyo at magtiktok di na kayo nakatulong may gana pang gumawa ng gulo.

    ReplyDelete
  13. Okay, tweet muna yung ibang Mamaru na stars natin bago research, no?

    ReplyDelete
  14. Ito na naman itong mga artista na ito na hindi marunong mag research at entitled masyado, kaming normal na tao naiintindihan namin kahit nasa office kami at di naman namin napanuod talaga yung balita, nung narinig namin dito sa office, nag search talaga kami, and we accepted it. Lockdown, or community quarantine, wag na nating pakumplikaduhin pa, parehas lang din ng patutunguhan yon! Para sa kapakanan nating lahat!!!!

    We don't want our provinces to suffer like what we are going through here in Metro manila, kasi mas mahirap kapag pati probinsya natin lumala kasi they don't have hospital facilities like we have in here.

    At hindi ito Martial law, jusko naman. Sa ganitong panahon, mag kaisa hindi mag inarte ang kailangan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1255 oa mo! sagutin mo yong valid question nila! hindi yong nagprepretend kang mas may alam. so yon na nga paano kung taga bulacan at nay work sa manila,bawal punasok kasi lockdown? paano kung uwian na, mapipilitan kang mangupahan na muna sa manila kasi bawal kang lumabas? yan sagot!

      Delete
    2. Kaw tong di nakaaintindi. Hindu sila nag disagree sa 'lock down' ang point nila ano yung guidelines ng lock down. Kasi sinabing locked down pero pwede padin lumabas pasok yung taga probinsya sa Manila kung sa Manila ka nag wowork. Di lock down taga don. Saka yung isa pang kelangan linawin yung kapag may more tnan 3 case sa lugar nyo di na kayo pwede lumabas ng city nyo? Di na rin ba pwede pumasok? Ayun lang yung tinatanong nila gorl ok ka lang?

      Delete
    3. sayo na nanggaling sa panahon ngayon kailangan magkaisa pero nilalait mo ung mga di nakakaintindi at me mga tanong. Yaman din lamang na madami kng alam, turuan mo kapwa mo, itama mo ung mga maling alam nila para me saysay naman yang kaalaman mo.
      So pano nga kung yang sinasabi mo na mga taga probinsya e lumala at hospital lang dito sa manila ang dapat nilang puntahan, obviously pedeng exception yan, pero ano ung guidelines?
      Sa ganitong panahon, magkaisa hindi natin kailangan magmagaling.

      Delete
    4. Jusko kung may trabaho kayo sa manila at hindi nman kanselado eh di pumasok kayo sa kanya kanya nyong trabaho kasi ho may exception nman tayong tinatawag diba? Gusto nyo yata may sweldo kayo pero wlang trabaho. Lol, kumbaga common sense nlang yan na paglakwatsa at di nman ganun ka importante ang gagawin, eh di wag na muna pumunta sa Manila. Marami kadi ngayon wlang pasok pero nasa mall at nagtitiktok. Kahit na ano pang tawag dyan para din sa kabutihan natin yan. Pinatupad yan kasi marami sa atin shunga.

      Delete
    5. kung naiintindihan mo at nakinig ka talaga ng husto, mas madami kang itatanong for sure kasi mapapaisip ka. ngayon kung hindi ka napaisip eh baka nakatulog ka sa nakakaantok na speech ni pdutz.

      Delete
    6. 313 ganoon kadali?! hindi ito tungkol sa trabaho o lakwatsa ateng. kailangan talaga ng guidelines at soecification. kung yang idea mo ang gagawain nating basehan para mo na ring sinabing useless ang quarantine kasi kung sino sino lang pala ang pwede pa ring pumasok at lumabas sa manila! yang simple mong iniisip ang nakakapagcomplicate dahil ironic yang pinagsasabi mo sa quarantine chuchu ng presidente!

      Delete
  15. Ewan ko ba nadadamay nayong mga matitinong artista dahil lang sa mga ganitong post parang papansin nalang. Wala ba silang time magbasa at manood ng current events not only in the Philippines but around the world.

    ReplyDelete
  16. Dami niyong hanash. nakakatulong po b yon

    ReplyDelete
  17. Dami na namang magagaling sa twitter ๐Ÿ˜’

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano namang gusto mo yung tahimik lang na artista na playing safe tapos nagsasalita lang kapag sila na mismo naging biktima?

      Delete
    2. Anon 1:30am sinabing bang dapat playing safe?ang hirap kasi daming mga pa woke yung lockdown ang sabi ng iba martial law agad.
      Buti kinorek ni Bianca kasi sa totoo lang fear mongering din ang media at times.

      Delete
  18. Manood kasi kayo ng news.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka ikaw ang hindi nanood kasi kung napanood mo si Duterte malilito ka rin sa pinagsasabi niya. Para cyang batang di nag aral binigyan na nga ng kodigo pero iba ang interpretation.

      Delete
    2. Lockdowns are safer, dito sa Europe it is actually for the best.

      Delete
  19. pwede pa rin naman pumasok at lumabas ang mga tao outside metro, yun lang dapat valid ang reason mo. you neex to provide an ID kung ang work is withn the metro. okay na to kasi atleast mababawasan ang tao sa MM, yung iba kasi namamasyal lang eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. konti na lang yang namamasyal sa panahong to. ang marami talaga ung nagttrabaho sa metro manila pero nakatira sa neighboring provinces. magulo yan na isa isang check ng ID.

      kung gusto talaga ng quarantine, workers who needs to work here must stay here. para masecure talaga na hindi kakalat ung virus sa ibang areas.

      Delete
  20. I don't get the point of Community Quarantine kung pwede rin naman pala umuwi ng mga provinces at bumalik ng NCR provided magpapakita ng ID na sa Manila nagwowork. Ang gulo!! They need to explain everything further.

    ReplyDelete
    Replies
    1. They need to declare it so they can release funds and execute faster. Because in cases like this na walang plan at dahil mahirap magplan (the outbreak is faster than finding a solution), the government needs to lift some restrictions and bureaucracy so they can decide and execute without going thru a rigorous process.

      In layman's terms, di sila makakabili ng suka kung di naman sure kung ang ulam bukas ay adobo. Mas madaling bumili ng suka kung nag announce na si mama na ang ulam bukas ay adobo. That's how our government works, which is soooo primitive.

      Delete
    2. MM lang nga kasi ang Quarantined at 1mo. class suspension. Sa mga provinces binibigay ni Du30 ang decision sa mga local officials kung magpapatupad sila. Yun lang ang nagpagulo.

      Delete
    3. 1:49, i agree sa pagiging primitive ng pag iisip nila. ewan ko ba kung pinag isipan naman nila ng husto yung mga pronouncements na ganito. kasi mas lalo silang nanggulo kesa magpakalma ng mga tao. meron din kaya silang ginawang risk management at strategic planning? sa palagay mo?

      Delete
    4. 11:12 mahirap nga kasing kalaban yang hindi nakikita. Wala namang training o preparedness kahit sinong bansa sa mga ganyang krisis. Pero sana dapat kung magpapatupad ng guidelines e Pangkalahatan agad hindi yung experiment o waiting game muna sa ibang lugar kung maaapektuhan dahil Spreader nga kasi ito at mahirap macontain na hindi pa makita ng visible eye.

      Delete
  21. Kung tutuusin nakkatulong sila na pag pinansin nila mas kiniclear.ngkaron kc ng kalituhan dahil sa cnn news na nakalagay lockdown so they were clarifying.

    ReplyDelete
  22. Palibhasa may reading comprehension ang karamihan s pinoy, iba jan bsta nagbasa ng headline pero di binasa ng buo ung storya, ung iba anti kaya lahat ng gawin ng pres.duterte ggawan nila ng maling story!!!!! S totoo lang kung ayaw ng lockdown pede naman umalis sila ng metro manila choicr nila yan.. pano ssabhn n martial law kung freeng free ka mag post ng hatred s gobyerno!!! S ganitong panahon need natin sumunod para di lumaganap ung virus wala muna sana ung about a politics kse sukang suka nako

    ReplyDelete
  23. Sumunod na lang kasi tayo at OBEY sinasabi ng DOH.. ingat sa inyong lahat. Ayoko na mag basa ng negative comments nakaka stress lang at nakaka cause na ng panic e.

    ReplyDelete
  24. Hayy nalang di makaintindi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hirap intindihin incoherent ramblings ng tatay digs mo

      Delete
    2. 154 may announcement man o wla, dapat common sense nlang din ang pinapairal para hindi mahawa ng virus.

      Delete
  25. Appreciate the initiative of the government to contain and control the pandemic Cause reality sucks guys, ilang bilyon ba taung Pilipino? Pag majority ng population nagkasakit what will happen?

    And please take time na makinig ng news. Hnd puro headlines lang. Hilig nyo shortcut. Be informed in a way na alam mo lahat ung balita.. Wag masanay sa patche patcheng balita.

    ReplyDelete
  26. There's no martial law mentioned in their tweets.
    Actually Jasmine retweeted the news from cnn,so she asked if it's a lockdown or community quarantine?
    The others were asking abt the land travel lockdown.
    So hindi sila magulo.naging negative lang interpretation dito ng commenters na iba.kc lahat tayo affected kasama sila so they need a clearer explanation.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naging nega sa kanila kasi DDS sila. Kahit anong opinion or suggestion, defensive agad.

      Delete
    2. Sa tweets nila wala pero pag icheck mo mga comments ng ibang tao ganon yung dating.

      Delete
    3. 2:56 TRUE. nagtatanong lang para iclarify ung details. malabo naman talaga ung ibang nasabi ni D30. kaso masiadong defensive ang DDS, kesyo sumunod na lang daw. Oo nga, susunod nga, kelangan lang ng clearer guidelines. Problema pag kulto ng DDS, ayaw na mag-isip eh.

      Delete
  27. I watched the news pero may kalituhan sa isip yong Ibang sinabi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. With due respect to the President,sana he should give way to the best person to speak on his behalf,it would be Sec. Duque of Dept. Health para maexplain nya mabuti yong sa covid 19,also the Dr's. who knew too well abt the situation abt not to do or to do..
      Kasi nakkalito rin kc pag si President nagpaparating ng balita,may sideline comments pa so nawawala tuloy yong essence ng cnasabi.

      Tapos yong sa lockdown on travels by land and sea.i hope magpaliwanag cla mabuti.
      Dapat nong malinaw na talaga yong guidelines saka nila sinabi sa tao.
      Para di lalo nagkalituhan.

      Habang pinapolish nila sana naglabas ng guideline muna ang dept of health thru presscon.

      Kasi ngayon maraming fake news kung bat kc itong admin na to nauso talaga fake news.parang dinadaan sa biro at bashing mga ginagawa.
      Kapag nagsabi ka ng pagkalito o tanong.bash agad katapat.

      Delete
    2. I have nothing against artists who speak their mind.if you think or read it clearly there's nothing wrong with what they said..although they are public personalities,pero tao pa rin cla at pilipino rin na malaya magtanong kung may kaguluhan sa isip nila.buti nga yan at para mas malinawan pag clinear ng mga taong concerned..

      Actually napanood q rin presscon at medyo nalito aq.

      We should not be divided,pag may nagtanong wag ibash agad at wag agad defensive ang mga DDS na against sa govt ang mga taong nagtatanong.
      Maging matalino sana tayo himayin mga bagay2.binigyan tayo ng utak para mag isip at puso para maunawaan mga bagay bagay.

      If we always agree on things kahit may kalituhan sa isip natin,then the persons concerned will not do their job properly.

      Delete
  28. Yung sa thread ni Chynna Ortaleza parang nag-usap-usap mga row4

    ReplyDelete
  29. Nakakaloka naman kasi tlaga. The purpose of quarantine is to not spread the virus outside metro manila, to contain it. Pero if gov't will allow those coming from the province to enter MM, it's defeating the purpose. Anu akala nila sa mga taga outside MM, di mahahawa ng virus? Haha. The moment they enter MM, there's a higher chance na mahawa sila, then uuwi sila sa family nila, not knowing na possible carrier na pala sila ng virus.

    Also, how will gov't enforce na yung working in MM but residing outside MM lang ang makakapasok during quarantine? Ichecheck ang ID? How many millions of people will they check daily, coming in and out of MM. Baka maubos lang ang oras ng commuter sa paghintay na macheck ID nila. Tapos na shift nila sa work, di pa sila nachecheck.

    Yan po siguro isa sa mga tanong ng celebs. Watching the live broadcast and reading the news and statements made by gov't officials like DILG Sec. Aรฑo after the conference does not answer these questions.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Total lockdown kasi tlaga needed to contain the virus. Pero lets be honest.. di possible yun as of now. During the president’s announcement pa lng.. andami na nagrreklamo sa social media pano sila na sa manila nagwwork, wala daw sswelduhin ung di papasok, etc.. So for now community quaratine muna ang best possible solution. Yes, isa isa nila iccheck ung papasok. And yes hassle un. Hopefully ung hassle na un will discourage ung mga puede nman di pumunta sa manila to go hence eventually decreasing the people coming in & out. Di perfect plan but what can we do. Let’s just cooperate.

      Delete
  30. Wala pang detalye about it so wait na lang muna tayo. Ang mahalaga dapat alam na ng bawat isa yung mga dapat gawin in relation to hygiene, yung sneezing and coughing etiquette, at iba pa.

    ReplyDelete
  31. Clear naman eh. Makakapasok ka at labas ng Metro Manila kung may ID ka or pruweba na nagtatrabaho ka inside Metro Manila

    ReplyDelete
    Replies
    1. Edi wag tawaging lock down. Ang dating kasi ng lock down total ban ng entry and exit. Kung may exceptions edi quarantine tawag dun. Kapag di inform ang mga tao lalo nagko cause ng panic yun

      Delete
    2. Hay nako terminology lang pala problema mo. Ang laki 152. Yang panic na yan, nauna na yan bago pa nag anunsyo ang govt.

      Delete
    3. @1:52 kahit quarantine hindi din dapat nakakalabas

      Delete
    4. 152 kaf ang nagbalita nyang lockdown na word ang ginamit. Community quarantine naman kasi ang term.

      Delete
    5. Anon 1:52am Diba community quarantine nga ang tawag.Pero halos lahat ng headlines sunud sunod lockdown ang sinabi bago pa nga iannounced yan nagpost na ng lockdown yung ABS tapos nagsorry sila diba dahil wala pa naman announcement nagpost na sila agad agad.

      Delete
    6. Kaya nga community quarantine ang tinawag, di ba? Hindi naman lockdown ang sinabi ng Pangulo.

      Delete
    7. 1:52 sit down! You don't know anything, who saisd that it is a lock down? di ka na nga nakakaintindi nagmamarunong ka pa. Walang lock down. Ikaw ang hindi informed pero kung makacomment ka kala mo kagaling mo. SIT!

      Delete
    8. COMMUNITY QUARANTINE nga hindi lockdown!

      Delete
  32. Tumpak si Bianca dito infer

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nope, OA lang yan. Nothing wrong with the word lockdown because it’s what it is. No coverup nonsense needed.

      Delete
    2. 1:54 eh bakit di pa nilinaw dun sa announcement? community quaratine pang nalalaman. pinabango pa!

      Delete
  33. At the first place Digong's statement was very confusing!Lalo na ung Veerus and CoBed!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha natawa nga kami sa Veerus, sino ba yun???๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

      Delete
    2. ikaw ba perfect?? stop looking down on others... meron ka bang nagawa para sa bayan mo??

      Delete
    3. 1:41 ambag ko yung mga taxes ko at di ko pagboto diyan sa Digong na sinasamba mo. puro ambag lagi ang pambalik niya. potluck ba to?

      Delete
    4. Bat ka nagagalit? Wag mo isumbat tax mo, responsibilidad mo yan.

      Delete
    5. 3:03 tinatanong niyo si 2:24 kung anong ambag niya. nung sinagot niya na taxes niya, sabihan niyo siya na wag manumbat?!

      Grabe. please make some sense.

      Delete
  34. Gusto ko si Gretchen Ho palaban di natatakot magcomment. Sabagay di naman cya artista. Kala din ng mga mema volleyball player lang cya. Google din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. her statement is valid, me comprehension problem ka?

      Delete
  35. If total lockdown kasi marami aangal at maraminagtratrabaho sa manila from nearby provinces. Useless din talaga pero u really cant please all eh tigas ulo pinoy

    ReplyDelete
  36. Pakagulo talaga ng gobyernong to. Magpapatupad ng community quarantine for the whole MM in 2 days pero wala namang malinaw na detalye. Ang dami kasing segway sa role ng China sa buhay nating Pilipino kesa sa malinaw na impormasyon sa kung ano talaga yung ipapatupad na quarantine.

    ReplyDelete
  37. Nakakatawa naman ang mga DDS na nagsasabing walang alam si Greta volleyball player lang cya. Related sa media ang education niya at nag aral oa abroad. Gusto ko sila ni Bianca Ateneo ladies mga di lang patweetums kagaya ng iba dyan.

    ReplyDelete
  38. Applause for Bianca! Siya lang nag iisip ng matino at sinet aside ang pagiging against niya sa Duterte Administration. Yung iba celeb parang bata, di porket ayaw nila sa tao, lahat na lang against sila. Pairalin din ang utak wag puro emosyon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek. Tong si jasmine e ilugar ang sarcasm lalot ganyo na panahon

      Delete
  39. Travel is not allowed via land, air and sea. No entry exit from and to Manila except I think for the workers who lives outside NCR. And if ever sa isang barangay nagkaroon ng positive sa COVID 19, then mgkakaron ng Community Quarantine and that is the time na hindi na pwede lumabas ung mga nakatira dun kasi self quarantine na sila. Eto ay base sa pagkaintindi ko lamang.๐Ÿ™

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka, ganyan din ang intindi ko.

      Delete
  40. Sa totoo lang mahirap panindigan yang social distancing lalo na sa mga umaasa sa jeep, train, bus at tricycle, hindi aalis yang mga yan hanggat hindi pa puno, so pano yun? Labanan na lang ng malakas na immune system, ang laging maghugas ng kamay at wear a mask at syempre matinding dasal.

    ReplyDelete
  41. Sana kasi someone who is articulate ang nagsalita sa press conference.

    ReplyDelete
  42. Grabe yung comment ni Maine Mendoza! Pinag-isipan talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Very intelligent comment ๐Ÿ˜‚

      Delete
    2. It means she have the same question with Gretchen kaya nga naka retweet.

      Delete
  43. Omg, these people are slow. It’s a lockdown which is an appropriate word for the action needed. It means nobody gets in our or out of the community. It’s self-descriptive, LoL. Get over yourselves and don’t be dense.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Omg, you're so slow din. Please do some research. It was already announced that they will allow citizens residing outside of Metro Manila but is working in Metro Manila to come in and out. Exempted sila sa "lockdown". Is it self descriptive pa din? Lol!

      Delete
    2. @2:17 so ano pala sya for you if not lockdown?

      Delete
    3. apir 217 ang arte arte pa ni 150 eh siya naman itong sabaw. lockdown but people can still come in and out if they have the ID. so self descriptive talaga yan sa kanya hahaha! BURN

      Delete
    4. dear 1:50, do you know what a lockdown means? it means sa bahay ka lang, hindi ka makakalabas ng bahay. parang preso sa loob ng kulungan, hindi ka makakalabas ng selda mo. ang community quarantine is the more appropriate term kasi ibig sabihin, puwede kang lumabas within your community, in this case, within metro manila. so these two terms are different kaya kung nag iisip ka talaga, ikaclarify mo xa.. and besides, even after declaring community quarantine, may exemptions pa din, naisip mo ba kung gaano kagulo ang mga pinagsasabi ng inaantok mong presidente?

      Delete
    5. 3:30 not 2:17 pero tawagin na lang natin siyang "gated community" kasi basta may gate pass (aka work id), pwede ka na pumasok.

      Delete
  44. Hahahahaha, Hindi pala nila alam ang meaning nang lockdown. It means no in and no out. It’s simple.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It’s not just simply no in and out, there’s an exemption that’s why it causes a lot of confusion. Employees residing outside but working in Manila get to enter as long as they present their company IDs. So how does that minimize the spread of the virus then if it’s not a strict lockdown? Kaya nagtatanong kasi nag iisip. Try mo? Kaya today?

      Delete
    2. Exactly! Lockdown pero allowed mag-entry and exit ang taga outside Metro Manila? Yung gov't yata natin ang may di alam sa meaning ng lockdown or quarantine.

      Delete
    3. Tell that to the government. Community Quarantine pero allowed and in/out. Selective lang.

      Delete
  45. Guidelines will soon be released kaya sa Mar15 pa magstart. Chill lang muna tayo. Wag muna magpanic.


    Pero okay, nakaka-panic talaga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kelan magpanic, sa March 15 na lang pag nagstart na lockdown? Panu if walang irelease na guidelines?

      Delete
  46. I like the way Gretchen Ho evolved from being a pacute tsinita ng Lady Eagles to someone confident in the media. Tama naman kasi may tamang pinag aralan naman kaya inggit lang dds.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di lahat ng inis kay Gretchen ay inggit at dds na.Assuming.

      Delete
  47. basahin nyo na lang yun grounds ng lockdown ng Italy and Ireland, ma gegets nyo.

    ReplyDelete
  48. Kaya nga may date na march 15 e,malamang yung gov officials gagawa pa ng detailed guidelines..mga atat..puro reklamo di nalang tumulong sa gobyerno during these times.๐Ÿคฆ‍♀️

    ReplyDelete
    Replies
    1. So gagawa pa lang? Future tense? Pero may mga naglalabas na ng guidelines kahit hindi pa napapagmeetingan? I appreciate Digong for declaring community quarantine pero alam mo different dept heads have various interpretations that I don’t think aligned with the president has stated. Sana before maglabas ng guidelines, make sure na parehas ung sinasabi so wlang confusion.

      Delete
    2. Lol, don't you think as gov't officials they should've known better that announcing it without detailed plan will result to this reaction? I don't see anything wrong sa mga naging reaction nila. Are we going to wait until Mar 15 before we ask the questions? E what if they don't release a detailed plan on how all these will be done? Anu, e di nga nga na lang tayo? Tapos sasabihin nyo naman by then, dapat nagreact ng mas maaga. Sows!

      Delete
    3. When you announce something as impactful as community quarantine, you should be prepared with the IRR. Para alam agad ng mga tao ano gagawin. Makakapag prepare ng tama. What it did was create more confusion.

      Pano tutulungan ang gobyerno kung di mo nga alam ang direksyon nila? Panay kayo tulungan ang gobyerno. Sila ang mas may obligasyong tumulong dahil public official sila. E sila pa nauna magpatest at iscure mgansarili nila. ni hindi nga nagpasalamat kahit sa mga medical teams at frontliners

      Delete
    4. Sinabe mo pa. Nakakairita na imbes na gamitin ang pagka “influencer” nila sa pagpapaaalala sa tao na magunite at sumunod sa batas e panay reklamo pa. Kairita.

      Delete
  49. Lahat ng bansa ng lockdown para na rin yun sa kabutihan at kalusugan natin, may masa lang nmn tong mga walang kwentang celeb na to

    ReplyDelete
  50. Spur of the moment comment from most of them, community quarantine for prevention of spreading it further.

    ReplyDelete
  51. 2:52, paano mo matulungan ang isang gubyernong wala naman talagang alam sa palakad ng bansa coz pang barangay levels lang ang alam??? HIndi kaagad gumawa ng solution palibhasa galing sa China ang problema.

    ReplyDelete
  52. Madami sa nagtatarbaho sa Makati, BGC and Ortigas are from San Pedro and nearby prrovinces in the South and from Bulacan and nearby provinces in the North so yung suggestion na mag leave na lang sila for a month is not ok. Mas worse yung economic impact if mag sha shut down mga negosyo because of the lack of human resource. I hope they'd consider this when they lay out the details of the 'community quarantine'. But tama sa Duts HUWAG MAG PANIC!

    ReplyDelete
  53. Di ako agree kay bianca. Mas importante ngayon ang transparency as opposed to choosing the "right" terms to designate to things just so they sound better. Beyond politics na to, we're talking about a pandemic that could wipe out vulnerable populations. Yun lang naman ang dapat gawin ng gobyerno. Be transparent dahil health at buhay ng citizens ang nakasalalay.

    ReplyDelete
  54. Nakalimutan nila i-lift ang coding! It would help in social distancing.

    ReplyDelete
  55. Community quarantine lang si sinabi..

    ReplyDelete
  56. Kuda Lang ng kuda si Gretchen ho. Parang chismosang puro panggugulo.

    ReplyDelete
  57. Gumamit ng mga utak hindi puro hangin lang laman kase niyan! Nakakainis tong mga artistang to sa Korea halos lahat ng artista nag donate ng money to help fight the virus or buy testing kits and help their rrspective communitirs etong mga to kuda ng kuda wala naman mga ginagawa para sa bayan!

    ReplyDelete
  58. Maka react naman mga to. Tinatry na nga i contain ang covid as much as possible. Ayaw pa magsisunod. Para naman sa ikabubuti ng lahat yan. Unless gusto nyo magkaron ng covid

    ReplyDelete
  59. Kung ang work mo eh direct service related work at ikaw ay nakatira sa province at nagwowork sa manila or vice versa, isa ka sa exempted sa lockdown. Same kung may medical needs ka at sa Manila lang ang gamot.
    Pero kung ang purpose mo is maglagalag, magbakasyon, magshopping or whatsoever, yun ang hindi allowed. Kung wala ka naman dapat gawin sa labas, manahimik ka na lang sa bahay mo ng di ka maapektuhan ng sakit. Or kung unknown carrier ka, atleast di ka nakahawa.
    May exemption kasi iniisip ng government yung mga daily wage workers. Maraming magrereklamo na mahihirap nating kabayan na kelangan magwork or magpagamot sa manila.
    Lawakan na lang natin ang isip ngayong panahon ng epidemya. Magtulungan na lang tayo na wag lumaganap ang sakit. Wag na lang maging.pasaway, lalo na sa mga estudyante at mga nakawork at home.

    ReplyDelete
  60. Ang dami nating alam. Do we even have a better idea on how to deal with these matters.

    ReplyDelete
  61. Sa truth lang sa movies ko lang madalas marinig ang LOCKDOWN, never thought that mararanasan natin ito in real life. Ipagdasal na lang natin ang kaligtasan ng bawat isa at makahanap ng lunas ๐Ÿ™๐Ÿฝ๐Ÿ™๐Ÿฝ๐Ÿ™๐Ÿฝ๐Ÿ™๐Ÿฝ

    ReplyDelete
  62. titigas ng ulo nyo. dami satsat

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibig sabihin lang nito, nag iisip ang mga tao. nasa demokratikong bansa ikaw, libre ang mag isip. malaya tayong magdiskusyon kung papano mapapabuti ang bansa natin. kung ayaw mong mag isip at ayaw mong makakita ng mga comments, magbundok ka, wag kang magbukas ng social media, wag kang makihalubilo sa tao para hindi ka nakakasagap ng opinion ng iba.

      Delete
  63. From our President Duterte. “The crisis is very, very clear. COVID-19 is spreading throughout the country, including the Philippines,” he said. “It’s a serious one. Do not belittle it. Do not minimize it, but do not kill yourself with worry … If you do not cooperate, the problem would start and it would start with you and it will end with you.”

    follow n lang po kau dyan tama na reklamo

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong ifafollow kasi hindi klaro ang instructions?

      Delete
    2. DDS talaga 9:42 proud kapa sa post mo noh? Spreading in the country including Philippines hahahaha.

      Ang point nyan kasi is hinde prepared ang gobyerno. Nag lickdown pero pede makapasok ang intl flights?


      Galennng!

      Ayusin muna nila protocol kasi

      Delete
  64. Ang daming hanash ng mga artista. Importante mag ingat. Matatalino nmn kayo. You can manage.

    ReplyDelete
  65. THE MESSAGE WAS NOT CLEAR. I understand na mukang pagod na si PRRD pero sana nag stick nalang sya basahin ung nasa papel. ang gulo ng message. 10% ng speech nya binabasa ang script at 90% ng speech nya adlib. I appreciate the use of Community Quarantine, which is good kase nabawasan ang takot ng mga tao pero it was not clear kung paano nila matutulungan ang mga tao. paano ung mga nakatira outside metro manila and working in metro manila? paano nila matutulungan ung mga taong sumasahod sa mismong araw na un. di lahat ng pilipino sumasahod ng kinsenas at katapusan. bakit magiging libre lang ang test kit kung malubha na ang sakit? maraming infected na tao na wala pang signs, so papachek up nalang sila if malapit ng mamatay. bakit pwede ang international flights to and from manila pero ang domestic travel land, air or sea bawal? so pwede padin makapasok mga chinese?.....ang poblema kc sa speech eh madame syang sinasabi na hindi ko naman kelangan malaman. gaya ng pagmura sa veerus, military presence at mga supladpng pilipino, pati pag thank you sa China naisingit nya pa talaga. napaka unnecessary na ng mga un. actually magaling ang PR team nya, andami ngang naniwala sa 3-6 mos. kaya sana nagstick nalang sya basahin ang script. lalo lang nagkaroon ng confusion.

    ReplyDelete
  66. Kelangan pa ba pagaralan yan. Ang ibig lang sabihin nyan wag kayo gumagala sa labas. STAY AT HOME !!! STOP THE SPREAD OF THE VIRUS !!!

    ReplyDelete
  67. Susme! Isang buwan lang yan. Manood na lang kayo ng Netflix o use the time mag beauty rest. Sabi nga ni Duterte, tutal kahit naman sa labas wala kayo ginawa kundi nakatutok sa cellphone, uwi na lang kayo sa bahay.

    ReplyDelete
  68. 1. Provincial quarantine if more than 2 positive COVID-19 cases.
    2. Work in executive dept. is suspended, except for skeletal staff.
    3. Flexble work arrangement encouraged in private sector. Manufacturing and retail businesses encouraged to stay open with social distancing and minimal work force.
    4. Mass public transport shall continue operation with social distancing.
    5. Domestic air, sea and land transport suspended from March 15, 2020 (12 midnight) to April 14, 2020, subject to the review of inter-agency task force.
    6. Code alert is now raised to Sublevel 2, highest level.
    III
    7. Stringent social distancing measures in NCR for 30 days.
    8. Suspension of classes in all levels in Metro Manila until April 12, 2020. Stay at home and study.
    9. Mass gatherings, either planned or spontaneous shall be prohibited during this period. If social distancing is no longer obeyed, if rules are disobeyed, this is punishable under the penal code and can be arrested by military and police.
    10. Community quarantine is hereby imposed in the entire of Metro Manila.
    11. In other areas, LGUs can impose localized quarantine.
    12. Baranggay-wide quarantine is advised if there are 2 or more COVID-19 cases.
    13. Municipality or city wide quarantine advised if 2 positive COVID-19 cases or more.
    14. Not enough military and police to cover the whole country. Barangay Captain is the police, Bgy. Captain can also go to prison if they don't enforce these regulations.
    15. Close monitoring and reassessment of these regulations after 7 days from today.
    16. LGUs outside NCR advised to exercise sound discretion to suspend classes, but does not allow you to suspend classes for trivial reasons.
    17. PNP and AFP shall be called upon for effective and orderly implementation of above measures. This is not martial law. Do not be afraid of the PNP and AFP. They are there to help you.
    18. Daily meetings of Inter Agency Task Force (IATF) and all relevant agencies.
    19. In social disturbance, military will keep order.
    20. OFWs allowed to travel to Mainland China except to Hubei.
    21. If things detrioriate, we may have to ask for China's help.
    22. Entry travel restriction imposed to all countries with COVID-19 cases, exept for Filipinos and their families, permanent visa holders and diplomats.
    23. Purpose of this is to protect and defend you from COVID-19.
    24. AFP and PNP will maintain peace and order. Just follow.
    X
    25. Our COVID-19 cases relatively low but fast to rise. You will be asked to go to the hospital and seek treatment.
    26. COVID-19 tests are free.
    27. He asks for your patience. Help each other. Everything is placed in jeopardy.





    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...