Ambient Masthead tags

Friday, April 29, 2022

Insta Scoop: Daughter of Troy Montero and Aubrey Miles Diagnosed with ASD


Images courtesy of Instagram: milesaubrey

132 comments:

  1. Not a fan of Aubrey but I wish her well. Sana mas maging strong sila for their daughter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Beh bakit kailangan pa sabihin na you’re not a fan. Fan or not, basta wish her well na lang. no need to qualify your well wishes.

      Delete
    2. Ang atribida mo naman 12:01! Yaan m siya kung gusto niya sabihin. Susko pati yan prinoblema mo.

      Delete
    3. 12:01, bat ka ba pakialamera kay 11:09? e di gumawa ka ng sarili mong wish for aubrey! kaloka ka magmicromanage ng ibang tao

      Delete
    4. Korek ka dyan 12:01. Diko talaga magets yang mga pa ganyang pa intro sa comment kasi di naman relevant. Pareho lang yan sa galit na galit nagmumura tapos may pa “God bless” sa dulo. 🀷🏻‍♀️

      Delete
    5. wala naman kasing kinalaman kung fan ka o hindi eh. Mag wish well ka na lang sa kapwa mo lalo na may pinagdaraanan sila.

      Delete
    6. Si 12:01 hindi na lang gumawa ng sariling wish at kailangan pa mangialam sa iba. Kaloka!

      Delete
    7. Si 12:01 yung pakialamerang kapitbahay. Hindi na lang tapat mo linis mo.

      Delete
    8. 12:01, ganon ka-laking hassle sa'yo yung first line ni 11:09? Let him/her be.

      Delete
    9. Anon 12:01 di masaya buhay neto lahat napupuna.Kampon ni karen🀣

      Delete
    10. I agree with you. Hindi ko gets mga nababasa ko dito kahit sa ibang post na sinasabi pang hindi sila fan. Why not wish then well plain and simple. Ano ba point nila by saying na di sila fan?

      Delete
  2. Get will soon to daughter

    ReplyDelete
    Replies
    1. ASD is not a disease.

      Delete
    2. Get well soon talaga?

      Delete
    3. It's not something you can catch like a cold. Marami din info about it from Aubrys post to shed light on this condition.

      Delete
    4. Don’t say get well soon coz ASD has no cure. It’s all about keeping the balance, maintaining medication if doctors required.

      Delete
    5. Girl hindi lagnat yan! Kaloka ka.

      Delete
    6. Kaloka ka 1125! Lol Minsan mag marites ka din sa ibang bagay para dumami alam mo Maliban sa showbiz news!

      Delete
    7. Sorry but this comment is so ignorant 🀦🏻‍♀️. Please do your research. Google is free

      Delete
    8. Yes being autistic is not a disease. It’s just their brains are wired differently and how they process information. Think of a brain like a road map. Most brains have a map that looks similar, with all roads being the same. However, autistic brains have different maps. The roads that carry signals may be bigger or smaller, or might take a longer or shorter path. This means we see, think, and feel things differently from most people at different speeds. Depending on how autistic brain is mapped, autistic people have different traits and needs. Some loves to push, pull, and climb. Others avoid loud sounds because they hurt. Some also loves to jump, spin, flap, and move a lot. Each has different traits. Because autistic brains process information differently, people need to understand that they need to do things differently sometimes because their brain works differently.

      Delete
    9. Anong get well soon? Ano lagnat lang?

      Delete
    10. Kung makapagsalita naman kayo kay 11:25 hindi ba pwedeng wala talaga sya alam at mabuti intention nya to wish her well? Imbes itama nyo and educate kung ano pang panlalait sinabi nyo.

      Delete
    11. @12:42 @1:05 Ang rurude naman ng mga nag reply nyo sa comment ni 11:25 Feeling magagaling masyado. Let's say wala syang alam sa sakit na yan, kailangan nyo ba maging harsh sa kanya? You could have said it in a way na you made her understand what ASD is. Grabe kayo! Kawawa naman si 11:25 ang ganda ng intention nya pero dinown nyo yung tao!

      Delete
  3. You are not alone troy and aubrey, nadiagnose din ng ASD yung daughter ko before 3 yrs old.. Ginive up ko career ko at si husband na lang nag work para matutukan ko ang ST and OT nya. 9 yrs old na sya till now nagthetherapy pa rin. Hindi madali ang journey na may anak ng asd. Ang hirap mag hanap ng school na mag fifit sa kanya. Andun yung mag iisip ka baka mabully. Napakagastos ng may anak ng asd. Andyan din yung tantrums and stimmings na pag dadaanan. Hindi bukas ang mga tao about asd. Iisipin nila mental retarded yung bata. I hope maging aware ang bawat isa about special kids. And parents should teach their kids about special kids para incase makaencounter sila hindi nambubully.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May the God Bless your Family. Keep strong πŸ™

      Delete
    2. Virtual hugs with consent 11:32. You and your husband are great parents. Hoping for strength and peace to your family

      Delete
    3. Hi mommy. Son ko may asd rin 12 years old na sya ang grade 3 na sya this school year from public school. Dumaan din sya sa lahat ng sped, ot at st. Now wala na kahit ano therapy hopefully makahanap ka rin ng school na mag bibigay impotansya at pag mamahal sa anak mo.

      Delete
    4. Same here… my child was diagnosed when he’s about 2.. and he’s turning 10 this year… it’s true magastos.. but don’t give up lang

      Delete
    5. 11:32 same tayo My youngest daughter is 15 yrs old she diagnosed with ASD When she was 2 yrs old.. iyak ako ng iyak tuwing gabi naiisip ko paano na anak ko napaka mahal ng SPED schools lalo na ang SP at OT at totoong napakahirap maghanap ng school na fit sa kanya dahil lagi na lng nabu bully at minsan ng muntik mamolestiya ang anak ko. napakahirap lalo na ngayon patay na ang asawa ko, ako na lng at ang mother inlaw ko ang nagtataguyod sa mga anak ko 3 anak ko at siya ang bunso pilit akong nagpapakatatag para sa mga anak ko lalo na sa kanya

      Delete
    6. Hugs munshie anon 1:42am..kapit lang..laban lang...

      Delete
    7. Hugs to all of you! As a mom and doctor na nag work sa isang SPED na public school, saludo talaga ako sa mga magulang at pamilyang nag aalaga sa mga batang may ASD and other similar neurodevelopmental conditions. Lagi ko dasal na mas maipush dito sa pibas ang advocacy ng mga may special needs kasi ang hurap naman talaga ng pinagdadaanan ng mga pamilya nila.

      Delete
    8. Same my son is now 10 yrs old diagnosed sya before sya mag 2.grabe ang mahal ng ot at sp inilaban lang namin ng mister ko. Para kang ngpaoaaral ng college. Normal school pinapasukan nya sa umaga school sa hapon therapy nya. Plus may tutor din sya. Andon kasi ung takot ko na hndi makasabay sa klase at pagtawanan ng ibang kids. Kaya kahit mahirap at wala na natitira samin halos push ko parin. Ngyon hndi na sya ngttherapy but still may tutor parin. Kahit na okay na sya i mean nakakapagsalita na may stuttering parin sya onti. Tska monsan natutulala kaya lagi bgyan ng activities.

      Delete
  4. I hope there will be more platform in the Philippines supporting Autism awareness. People needs to understand these children have different situations and they needed more attention, love and care. Regardless of any diagnosis, i love my little boy. It won't define him. We will try our best to help him overcome challenges along the way. Cheers Aubrey and Troy for sharing your story.

    ReplyDelete
  5. I have a cousin who showed very similar signs. At one point she would just make sounds (like monkey sounds) and would always cry her way out of everything. There was no in between as far as emotions which is honestly not uncommon for kids. She also started going to speech pathology classes. Honestly we were certain she was on the spectrum. But she turned out fine! There is hope! It’s a good thing to recognize that your child may be a little different but never label them and treat them so differently cause it could just be a development delay and they’ll catch up.

    ReplyDelete
  6. Yes, I already knew before pa. I commented before to have her tested and to keep her away from the TV and for Aubrey to give her utmost attention instead of her workouts and plants. Umaga gabi the little girl is in front of the television and gadgets. Inaway away pa ako ni Aubrey, KC Montero and his wife.

    ReplyDelete
    Replies
    1. While your intention might be genuine. They are not asking for your advice and do not assume that they are leaving the child the whole day infront of the tv based on IG stories and their post. Kahit sino magagalit sis.

      Delete
    2. How do you know what the kid does day and night? Is this personal knowledge or just an assumption?

      Delete
    3. alam mo maritess, mostly ang mga parents hindi agad tanggap pag may kakaibang kilos ang anak. lahat ng nakikita namin ay normal, baka late lang ang speech, kung kakaibang mag tantrums, I see it na baka na spoil ko lang. So for you to comment on something na very personal esp sa anak ng iba ay talagang maaway ka

      Delete
    4. Yes this is very common, Denial ang parent yan din ang sinasbi ng Pedia ng baby ko, madalas denial ang parent and ayaw ipatingin..

      Delete
    5. Anon 11:43PM - who cares if you knew before then, can you just leave them alone? Why annoy them? Is it really necessary to mention that they fought back to you? It's their life!

      Delete
    6. because it's their kid. miski ako awayin kita, concern is one thing, but right now kakasabi mo lng "imbis na puro exercise at plants", goes to show na may halong judgement ung tone mo.

      Delete
    7. o e d ikaw na magaling. d ka nmn kakilala or ka ano ano maka recommend ng acitivites kala mong expert. o sya palakpakan tyo

      Delete
    8. Luh? And who are you to comment on something so personal, more so anak ng iba? Kinaproud mo yan na "alam mo na before pa"? Sa tono ng pananalita mo, hindi ka concerned kung hindi nagiimpose na marites.

      Delete
    9. Te wala ka naman kasing karapatan na magbigay ng unsolicited advice. Saksak mo sa kokote mo yan. Pakialaman mo na lahat wag lang ang pagpapalaki ng magulang sa anak niya.

      Delete
    10. Te know when to draw the line of being pakialamera and tsismosa. Wag na wag kang magmamarunong lalo na sa nanay ng ibang bata!

      Delete
    11. 11:43 talagang sure ka na maghapon nasa tv anak nila and si aubrey is walang inatupag maghapon aside from her exercise and plants based on her IG post?! Buti nga sayo inaway ka nilang lahat

      Delete
    12. May iba kasing bata kumakalma pag nanood ng tv or iPad. Hindi lang naman siguro maghapon nila pinapanood yung anak nila at nagkataon lang na yung pinost nila nasa tv yung bata.

      Delete
    13. Etong si 11:43 bida bida din eh.

      Delete
    14. sorry for being harsh for lumugar ka din kasi. lurker ka lang di kanfriend or what

      Delete
    15. Like you 11:43, I already knew before pa. But unlike you, alam kong it would be so insensitive and so wrong to tell Aubrey and Troy that there is something wrong with their daughter and that they should do this and do that.

      Delete
    16. So you are crediting yourself for knowing before the parents? Patawa ka. Maybe in your mind you mean well, pero ilugar mo sarili mo lalo na pag tungkol sa mga anak ng ibang tao.

      Delete
    17. So vindicated ka na nyan? Proud ka pa talaga ha?

      Delete
    18. Bumanat mga kapwa Maritess! I don’t care what you all say with my unsolicited advice for Aubrey before. I raised autism awareness for the sake of their daughter. I have been observing her behaviors and their behaviors toward her of course. The kid is non-verbal and yet the dad talks to her with just repeated sounds like ahhhh eeeehhhh or just bibi bibi bibi. She constantly flaps her arms, likes being upside down, running around and twirls in circular motion, and her face is always blank with blank stares and does not show proper emotions, etc etc. If you follow them, dad posts a lot of IG videos of her everyday so it doesn’t take a genius not to know that she exhibits behaviors within the spectrum. And yeah, always in front of the tv sya since she was a baby.

      Delete
    19. Ganyan din ako i know the signs. knowing may anak ako special.(hndi lahat alam ko) Pero d, ako ung una magsasabi shempre nakakahiya naman. Kahit gustong gusto ko ng sbhin. Gusto ko kasi maaksyunan agad. May intervention agad. Impt kasi un. Maaga madetect maaga magagawan ng intervention. Like with my friends son same diagnosis ng anak ni aubrey. Baka. Un lang gusto sbhin 1143

      Delete
    20. Di naman siguro sya nag una una. Maybe she is just concerned sa bata. If someone will say that to me, id go to the doctor right away. Especially im sure kahit sila aubrey napapansin din yan but tama nga dito, they were in denial maybe. Wishing rocket well! Sending prayers.

      Delete
  7. pakatatag lang sila, be strong.

    ReplyDelete
  8. Basta continuous ang therapy at full support ang family, hindi man ganun kabilis compare to most kids, matututo pa din ang bata. Tyagaan lang talaga at more patience. Tibayan nyo ang loob nyo Troy and Aubrey. Kaya nyo yan! ❤❤❤πŸ™Œ

    ReplyDelete
  9. I wish they did their research first before wearing puzzle pieces.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I wish you did your research first before commenting this. 🀦‍♀️

      Delete
    2. Did you read the caption? They did. The child is diagnosed. They are still learning and still researching. It is a journey; new therapies, new information and new studies are conducted every day - constant learning. If you're too lazy to read the caption, don't comment negatively.

      Delete
    3. 12:12 sana nag research ka rin. Puzzle pieces ay symbolo yan ng autism awareness, just like pink ribbon is associated with breast cancer celebrated every october

      Delete
    4. Nahiya ako para sayo. Ang lakas ng loob mong mag-comment ng ganyan sana ikaw muna ang nagresearch

      Delete
    5. Dahil sayo napa research ako. I swear girl, when you do your research din, mahihiya ka kina aubrey. Hehe

      Delete
    6. 12:12 sinabi na nila na diagnosed na, so yes, they can wear t-shirts with puzzle pieces in support since logo yan ng autism awareness

      Delete
    7. It's true na most of the family with asd kids sa buong mundo ay against sa puzzle symbol dahil hindi naman puzzle ang anak mo na dapat buuin.

      Delete
    8. Most of the parents ng may kids with asd ay against sa puzzle symbol dahil for us hindi naman puzzle ang anak mo na need buuin. Autism is not a disability, its a different abilityπŸ’™πŸ§‘❤πŸ’œ

      Delete
    9. I totally get you. Unfortunately, lalo na sa Pilipinas, only very few know that the puzzle pieces logo they associate with autism is like an insult to the asd community.

      Delete
    10. Guys before bashing 12:12 YOU DO YOUR RESEARCH! 12:12 is not doubting Rocket's diagnosis. The puzzle piece is actually offensive & even traumatic to people who grew up w/ autism. Puzzle piece was used during the Autism Speaks campaign (1963 )it was said autism ruined lives and marriages plus it was considered a dreaded disease. The founder even talked abt. Wanting to drive herself and her daughter off a bridge bec of her autism. This really made people think badly of ASD. The preferred symbol now is the rainbow infinity.

      Delete
    11. 12:54 they still use the puzzle piece though

      Delete
    12. And before you did your research 12:54 sana nag-COMPREHENSION CHECK ka muna. 12:12 never mentioned any doubts about the diagnosis. She questioned the parents wearing the shirt with puzzle piece symbol. Just like what the other commenter said, the symbol evolved over time so kung may negative connotation man ito before, nabago na sa paglipas ng panahon.

      Delete
    13. Parang rainbow na nga ngyon na infinity

      Delete
  10. I pray for good health sa kanilang lahat lalo na sa parents para maalagaan nila c baby hanggang mejo maging independent sya.

    ReplyDelete
  11. Next to this is may vlog na about sa journey nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why not? Kung magkakaroon ng awareness mga tao, okay lang un. Ndi ka naman nila pipilitin manood.

      Delete
    2. 12:33 nothing wrong with that, raising awareness. Especially sa pilipinas where ASD is not really known sa mga madlang people

      Delete
    3. Marami ng vlogs about sa ganyan international panga e dami sa YouTube, sa pinas Meron like candy pangilinan

      Delete
    4. that's good so other parents going through the same thing can learn from their experience

      Delete
    5. Sana nga ivlog nila dahil nakkaproud magkaroon ng ganyang anak at para mas marami pang magmahal don sa bata.

      Delete
    6. And anong problema doon? It will spread awareness and help them earn money too na makakatulong dahil sobrang gastos ng ganyan. Palibhasa napakainsensitive mo.

      Delete
    7. 12:33 WHY NOT?? Is there something wrong with that?? You are raising awareness FOR THESE KIDS!!

      Delete
    8. That would be great and a good move on their part kasi maeeducate yung mga tao about ASD.

      Delete
    9. nothing wrong with that. if they monetize it wala din kaso. mahal pa therapy. parents will do anything for their children

      Delete
    10. I hope they do! I will subscribe and watch.

      Delete
    11. Jusko mas makarunungan pa kayo sa mga magulang! Nakakaloka kayong mga marites kung magdunung dunungan. If I know wala naman talaga kayong alam sa symbol na yan at niresearch niyo lang para may maicomment kayong di maganda at magmukang matalino dito sa thread! Mapagpanggap kayo na apektado in behalf ng mga may autism.

      Delete
  12. Mukhang tanggap na nila kaya nila nasshare na. Ito yung mahirap sa magulang ang matangap . Basta matiyaga ang mga magulang sa pagpapasensya at pagmamahal may improvement at hindi naman impossible maging normal yung bata. Kailangan nila makahanap ng isang sport or activities na magaling sila at doon sila magexcel. Good luck sa inyo aubrey and troy kaya nyo alagaan si rocket.

    ReplyDelete
  13. Hindi ko alam kung totoo pero may nabasa ako na prone sa birth defects/autism ang mga bata kung ang mother ay around 35-40 na? Totoo ba? Nappressure kasi ako mag 30 na ako pero i dont think im ready to have kids pero ayoko naman na sa kakadelay ko e mas prone sa autism magiging baby ko. Share your thoughts momsies

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1251 Parang totoo baks but igoogle mo nlang. Isa pa, may 4yrs ka pa.😁

      Delete
    2. Not true. Yung DIL ko was only 24 when she gave birth to my apo. And cousin ko 28 lang din.

      Delete
    3. Mas prone pag nagkaka age na ang nanay pero 30 lang ako nung pinanganak ko ang anak ko na autistic at no issues sa pregnancy. Hindi mo din talaga masabi. Basta ready kang mahalin at tanggapin ang anak mo regardless ❤️

      Delete
    4. I searched troy’s age he is 50 yrs old na palaand aubrey is 42. So i guess age of the parents also plays a role??

      Delete
    5. Naku that's not true, bakit si pokwang almost 50 na nabuntis at ok naman
      Gene defect yan

      Delete
    6. Yes, kaya nga sa NT scan nakalagay mas mataas ang risk ng defects like DS pag 35 and up

      Delete
    7. yung cause ng asd is still unknown. may mga mothers din na below 30 na may anak na may asd. so its not about the age din.

      Delete
    8. Genetic daw yan. Environment din. Yung iba kung mild lang nman na aoutgrow din paglaki. Dapat lang i expose sa tao. Play and mingle with other kids

      Delete
    9. Higher talaga ang percentage ng pagkakaroon ng abnormalities, genetic defects (inc Down Syndrome) pag older na ang parents. But please don't let that pressure you into marrying or having a kid even if you're not yet ready. I gave birth to my kids at 37 and 41 and thankfully, everything is ok naman. Even yung pregnancies ko were kinda easy, yun lang 2x CS ako. Slight nag-worry lang ako kasi ang eldest sister ng husband ko had Down Syndrome. Pero sabi ko lang kay God, I will accept kung anuman ang plan Niya. Marami namang iba who had kids in their late 30s, even 40s, mga Koreana rin nga di ba? Basta alaga lang sa checkup, take care of yourself and the baby, pray for the best and surrender everything to God :)

      Delete
    10. Mas mataas siguro ang chance pero may kakilala ako na 25 years old nagkaanak na autisic.

      Delete
    11. Linked to more advanced age ng mom duribg pregnancy yung ibang conditions like downs syndrone and asd pero it doesnt mean naman na 35+ ka nagbuntis eh automatic may condition na anak mo. Maliit pa rin yung risk sa dami dami ng pregancues at this age. Wag ka mapilitan kung di ka pa ready kasi kawawa ka din and magiging anak mo kung pinilit mo just becaue of that. Still, pag isipan at plan ka na rin if yub talaga gusto mo. It's not for everyone pero may pinsan ako di sya ready pero nagpa freeze sya ng eggs nya for her peace of mind.

      Delete
    12. Friend ko gave birth to her autistic daughter when she was only 18. Then at 35, she gave birth to a very normal child na super daldal.

      Delete
    13. Age of parents doesn't play a role. It's more on genetics. You can check both yours & your husband's side. But does this matter? Mahalin mo lang anak mo with or without impediment.

      Delete
    14. please use the term child/children with autism instead of calling them ‘autistic’ it is so politically incorrect 😬

      Delete
  14. Usually ganyan pa rin naman gamit ng ibang mga asd group. Ewan ko ba bakit di sila marunong mag research.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano bang problema niyo ni 12:12 sa puzzle pieces? I read an article about and it made a lot of sense. Nag-evolved na din ang meaning nyan over time.

      Delete
    2. Nag research kana pala pero di mo nalaman offensive yung puzzle piece.
      -1.09

      Delete
  15. Pamangkin ko din may mga sign ng Autism. Iniencourage ko yung kapatid ko na sana patignan nila sa specialist para malaman kung ano ba talaga ang meron ang nephew ko. Early detection kasi mas maganda. Pray ko lang palagi na sana kahit papaano a maging mabait ang mundo para sa mga may Autism.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Advise mo kapatid mo na pa therapy agad. Apo ko ganyan nadaan sa therapy kasi sila din ang kawawa pag inignore.?

      Delete
    2. Magastos kasi ilang test at gagawin, mas maaga ma detect mas ok para therapy na agad at mag improve

      Delete
    3. 1:58 after therapy pwd na sila sa normal school? Or me specific school para sa kanila?

      Delete
    4. @1:58 it depends. It’s a case to case basis but through early intervention ng therapy, there’s a higher chance that kids with autism go to regular schhol

      Delete
  16. My grandon has austism. It was diagnosed early din. Kailangan talaga full time tutok ang parents. He used to peel off the upholstery tapos kinakain im not kidding ganon kalala. Then need ng helmet kasi inuumpog ang sarili. Dati special school pa sya so tinyaga ng dil ko sa therapy and now he’s doing good. Nasa regular school na ang di na takot makipag communicate. Syempre there’s no cure but he’s more sociable now.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko nagets yung introvert part? Pagintrovert may autism na kaagad?

      Delete
    2. No sis 12.33 pero pag may asd ka usually di sila marunong makihalubilo sa ibang tao. Hypersensitivity yung sensory nila kaya ayaw nila sa ingay kaya madalas mag isa sila dito na papasok yung therapy to manage yung mga stimuli.

      Delete
    3. Wala naman siyang sinabing introvert. 12:33 only relayed na mas sociable na ang grandson based on her observation. Wag matrigger kung self-described introvert ka.

      Delete
  17. Children with ASD may be different but that does not make them less of a person.

    ReplyDelete
  18. I think stress also plays a role, Hindi lang age. Katulad kay Jennylyn, super stressed siya nun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Feeling ko din. Super stressed mama ko nung pinagbubuntis nya brother ko with autism

      Delete
  19. Saludo talaga ako sa parents ng kids who have ASD. My cousin's 2 sons both have ASD, and she's a single mom at that! Katuwang niya sa pag-aalaga sa kids ang mother-in-law nya.

    ReplyDelete
  20. Yung daugther ng sister in law ko has all the signs... nung pinacheck up sabi ng neuro pedia ADHD daw (i'm not sure kung cover na yan ng ASD). When I saw the post pinasend ko sa husband ko sa sister niya ... and ang reply lang eh "USO" daw ngayon kasi nakakulong ang mga bata.

    I dunno what to feel... pero lamang sakin na denial pa sila, which is for me wrong. Need pa naman ng bata ng ST and OT, but given their financial situation, alam kong hirap din sila.

    Sana magkaroon ng proper information and support about autism para mawala na 'yung stigma. Some parents and families had a hard time accepting it dahil sa judgement ng ibang tao na kulang sa proper info about autism.

    i have other friends na may anak na diagnose na autism and those kids may act weird but they are the sweetest.

    ReplyDelete
    Replies
    1. there’s plenty of information around. there are FB groups/pages like autism society philippines, you may find those useful

      Delete
  21. Tanda nya na din kc nung pinagbuntis nya anak nya. If high risk pregnancy, expect nyA na possible tlga na may mangyayaring mga ganyan

    ReplyDelete
  22. Wow this must be challenging. Sending love to all of parents and grandparents here who are dealing with kids with autism. Ako naman i have no kids but my spouse has auto immune that causes muscles to weaken.t my spouse can no longer walk nor stand. Iba-iba talaga tayo ng cross in life. Sending love to everyone❤

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cross? My son is not my cross. I know you mean well.. and true that there will be hard days - but I can't imagine a life without my child. His name is Matthew - a gift from God. Which truly fits him. I hope you will heal from what you're going through. And to find purpose in the life you chose. God bless.

      Delete
  23. Hi all, ang Autism po ay spectrum. Ibig sabihin, iba iba ang signs sa iba't ibang indibidwal o bata. Hindi dahil may nakita kayong isa o dalawang sign sa bata ay agad na ASD. Kailangan po sila ma evaluate ng isang Devt Pedia para makita kung maraming areas sa devt ng isabng bata ang naapektuhan. Mahabang eval po yun kaya dapat masuring mabuti.

    Wala po specific dahilan ang pagkakaroon ng ASD. Marami pong factors like para sa akin, pregnancy complications and intrauterine growth restriction and nangyari sa baby ko at 33 wks sa loob ng tiyan. Nung 2 yrs old mas lalo nahalata sa iba nya behavior at delayed speech kaya namin sya pinagtignan. At confirmed ASD nga. 7 years old na sya now at kahit consistent sa therapy at SPED ay marami pa din syang issues that we continue to work with everyday. Hindi alam ng ibang mga tao ang struggle ng mga hatang may ASD kaya para sa kanila ay "weird"- iwasan po natin ang ganitong mga salita. Maging mas open na tayo da neurodiversity. Aside sa awareness ay mahalaga ang Acceptance sa mga batang ASD at ituring silang parang normal lang- makilaro at kamustahin sila . Alisin po natin ang takot sa anong kulang o di nila kayang gawin. My son is ausome and I'm so proud that he has the purest of souls - a life of innocence with no stain of sin. I'm so honored to be his mom.

    ReplyDelete
  24. Someday, these kids will loathe their parents for disclosing their medical history on the internet.

    ReplyDelete
    Replies
    1. OA mo it’s for the awareness of others who may be going through something similar

      Delete
    2. True ka dyan! Mukhang balak pagkakitaan or pinagkakakitaan na nga now pa lng. Oversharing pero yan naman talaga uso sa pinas among celebs

      Delete
    3. My son has asd..he knows he has asd and his friends ,our families , everyone kmows..d naman need itago. Proud and loud pa nga kami kasi gifted at matalino..to each his own

      Delete
    4. 12:17 for crying out loud having ASD is not taboo it’s not a contagious disease there is no reason to hide it. educate yourself πŸ™„πŸ™„

      Delete
  25. I admire this couple for having the courage to announce this in public. Hindi madali ang umamin sa ganito kalagayan lalo na sa bansang puro panlalait at pangmamaliit sa kapwa ang hilig gawin.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...