Image courtesy of Twitter: ABSCBNNews
Image courtesy of Twitter: bandila
Source: www.news.abs-cbn.com
Nakabangga ang sasakyan ng aktor na si Ejay Falcon habang papunta sa taping sa Laguna.
Kuwento ni Raffy Reyes, isang konsehal sa Tanay, Rizal, nabangga ang kaniyang kotse ng van na pagmamay-ari ng aktor sa Pililia, Rizal noong umaga ng Marso 7.
Ayon kay Reyes, gumewang pakaliwa ang van at sumadsad sa gilid ng kaniyang kotse. Nayupi ang pinto, tumilapon ang side mirror, at nabasag umano ang bintana ng kotse niya.
Ang masama pa rito, tumakbo raw ang van nang nilapitan ito ni Reyes.
May mag-asawang naka-motor naman ang sumaklolo umano kay Reyes at hinabol ang van hanggang sa isang checkpoint.
Dito napag-alaman na sakay pala ng van si Falcon.
Kuwento ng aktor, tulog siya nang mangyari ang aksidente at drayber umano niya ang nakabangga.
"Version naman ng driver ko, pagbaba niya ng van ko, natakot siya kasi first time mangyari. May sumigaw, natakot siya," kuwento ni Falcon.
Humingi ng pasensya ang aktor at nagpasalamat dahil walang masyadong nasaktan sa insidente.
Patuloy naman ang pag-uusap ng magkabilang partido para sa kaukulang danyos.
























