Ambient Masthead tags

Monday, April 29, 2024

Paulo Avelino Talks about 'Elevator, ' Working with Kim Chiu, Actors He Wants to Work With


Image and Video courtesy of YouTube: Luis Manzano

132 comments:

  1. Starstruck days palang crush ko na tlaga si Paulo. Haay ang gwapo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di siya gwapo don. Pango pa nga eh hahaha. Chusera na ito. Kahit sa Flower of Evil ang taba niya. Ngayon lang um-Okay

      Delete
    2. Gwapo sya kahit dati pero wala syang charm sa fans until Linlang

      Delete
    3. 3:34 wrong, umingay ang name nya nung nagBench body sya and teleserye with coco and julia M. Tumamlay then sumigla ulit nung Linlang.

      Delete
  2. Love him! KimPau fan here ❤ Sana sila ni Kim talaga ðŸĨ°

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din kinikilig sa kanila PERO mukhang bokya si kimmy here. Atleast na serve Nila purpose Nila na pakiligin tayo haha

      Delete
    2. HA HA HA PAANO NAKAKA SIGURO?

      KASAMA KA NILA 24/7?

      LAHAT TAYO WALANG ALAM

      MAKA BOKYA KA

      Delete
    3. 150 gising na delulu! Hindi ganyang tipo ni Kim ang usual gf ni Paulo. Wag mo na ipilit kay Kim yan kasi masasaktan lang sya.

      Delete
    4. Hmmm no. May interview nga si Paulo kung kelan sila magkaka-movie ni Kim, ang sabi nya “Kim na naman?” Sorry.

      Delete
    5. Tama na yang kaka LT nyo tanda na ni Kim forever na lang LT?

      Delete
    6. ayaw ni paulo mapirmi sa Lt.nakapartner na nya mga alister at ayaw nya mapirmi sa isang leading lady,si Kim di uusad ang career ng walang Lt.

      Delete
    7. 12:27 we'll never know (o kaya time is the ultimate achuchu)

      2:30 what do you mean by "ganyang tipo"? Akala mo ikakaangat mo o ng shiniship mo ang mababang pagtingin mo kay Kim? Lalo siyang blessed dahil mabait na tao

      11:12 nakakahiya kay kylie dahil di naman dapat napag-uusapan si kim dun. Pero huli ka na sa balita, latest statement ni paulo, more projects this year with Kim. April pa lang tayo

      11:44 mas matanda si Paulo saka may iba pang mas matanda at mukhang matanda kay kim na kapit pa rin sa LT

      4:23 sabi ni paulo for the longest time umiwas siya sa LT. Pero ngayon naka 2 project na siya ka-LT si kim at may upcoming pa. Puwera pa sa mga asap overseas shows. Hindi uusad? Lalo nga umuunlad ang tao. 7 days a week may programa, more endorsements pa & growing number of fans.

      Bring it on bashers ðŸĪŠ
      Di ba anon 1:50 klasmeyt natin sa FP na CAPS LOCK lagi.
      Go go go #kim & #kimpau fans 👏👏👏
      ðŸŧðŸĨ‚

      Delete
    8. 5:40 ikaw yung tipo na pag na bokya baliktad ang sasabihin. For sure ikaw ang una magsasabi na user si Paulo pag wala or mag break sila ni Kim. More endorsements nga si Paulo pero in time masasabihan na user kahit kayo ang todo push sa guy.

      Delete
    9. 9:56 as if kilala mo si 5:40
      Hindi lahat ng kimpau pushing maging magjowa na sina kim at paulo

      Delete
    10. 540 antih, wla akong shiniship kay Paulo. Jusko, sa Pinas lang uso ang ganyang galawan. 😂 At ang cringe ng comment na yan. Yikes!

      Delete
    11. Kadiri ang mga loveteam adiks here. Jusko!!! Its 2024 na!!! Bagsak n nga ang economy and entertainment industry, tpos pinupush nyo parin ang mga delusions nyo!!!

      Delete
  3. Parang pinaasa lang niya si Kim.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang pinaasa at walang nagpaasa. Trabaho nila yan.

      Delete
    2. @10:27 Hindi pa rin naman ready si Kim. I think yun kung ano man sweetness/relationship nila , helped Kim noong post break up phase niya.

      Isa pa balita ko mayroon non showbiz na nanliligaw sa kanya , sobrang Yaman daw. But knowing Kim , medyo “guarded” pa yan heart niya

      Delete
    3. Sa birthday message ni VG, wag daw matakot. Parang hindi pa rin handa si K. Pareho sila K at P na sobrang dedicated sa trabaho, lalo thriving careers nila. Pero di mapagkakailang nagparamdam si P kay K. Ibang iba ang trato niya kay K kumpara nung ka-LT si J. Mas may respeto at sweetness siya kay K kaysa kay J.

      Delete
    4. I think alam din ni Kim na trabaho lang talaga sila. Kaya siguro ganun sya ka emotional sa bday nya sa Showtime. He seems like a good guy pero he was just doing that dahil may show sila. Sorry Kim. Dapat alam na nya yan.

      Delete
    5. Or the way around mga fans lang ni Kim ang pilit na maging jowa niya si Paulo

      Delete
    6. I dont think he is into Kim. I dont think pinaasa din. Di naman nanligaw.

      Delete
    7. 10:27 sa dinamidami ng “reel” “on-screen” “fan-serving” loveteams nitong mga nakaraan, hindi ka pa din ba natututo kung ano yung totoo sa for the promotion ng projects lang? Talaga ba? 2024 dear. Tigilan niyo na yang pagiging delulu.

      Delete
    8. Di nman masama kung di maging cla ni Kim noh. Wag lang mang uto para panoorin ung project nila. Like ung mga behind the scene sobrng sweet, pakilig kuno pra maraming kiligin. Kc nkakaturn off cya minsan sa true lang di mo maintindihan😅 ok na cguro sabihin nyang single sya.

      Delete
    9. I don’t think that’s the case. Napanood ko yung birthday celeb niya sa Showtime. What’s clear is that she’s very optimistic about the future but admittedly still hurting from her previous relationship. At the most is…kinikilig siya sa mga geatures ni Paulo. But I don’t think she’s completely healed from her breakup. And even when everyone’s wishing her true love, ang pabiro niyang sagot was “wag muna” or “saka na”.

      Delete
    10. 1242 lahat ng ka lt ni Paulo ganyan sya ka sweet. Mas malala pa nga kay Maja dati. Lol

      Delete
    11. 2:32 well Paulo really courted Maja in real life

      Delete
    12. Yes ganyan si pau sa mga ka lt nya, yung kay maja nga pati nonshowbiz friends ni pau lagi nilang kasama sa mga lakad nila

      Delete
    13. Correct 2:32, naalala ko sinurprise pa niya si maja ng nag concert ito, ganun si paulo sa mga ka loveteam niya, sweet talaga siya, eh kaso yung mga fans ni kim nag asume na may ligawan porket sweet din si paulo kay kim.

      Delete
    14. 2:32 True. Mas pakilig sya kay Maja before. Pero I think bet din ni Paulo nun si Bea talaga and tried na ligawan pa pero na friendzone sya lol

      Delete
    15. Bka nman friends cla ni maja at that time kc may jowa na c maja. Iba kc pag parehong single binibigyan ng meaning

      Delete
    16. 924 huh? Fakenews ka dear. 😂

      Delete
  4. Nagiging showbiz na si Paulo. Iba talaga ang pressure pag may LT.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think both PA and KC are mature enough not to get pressured by the LT. Kung nagpapapressure sila, eh di sana umamin silang sila na talaga. That is, ibigay ang hilig ng fans. But they’re not doing that. Which is good, they’re staying away from fan service. And they’re simply doing what they are willing to do.

      On the part na nagiging showbiz na si Paulo, I don’t think it’s that. I think he is just being more open to possibilities now. And seeing how sought-after his partnership with Kim is, striking while the iron is hot sila. He is a businessman after all. More projects and more endorsements mean more money for him. More money na he can inject into his business. He has ventured into producing films. He is a co-producer of Elevator. Kaya masipag magpromote.

      Delete
    2. Mas focused at all praises si Pau kay Kylie kaysa kay Kim. Trabaho lang talaga ang KimPau. Huwag nang umasa ang mga delulu fans na ipu-push kahit sino sa idol masabi lang na may nagkagusto.

      Delete
  5. CLICK BAIT NAMAN ANG VLOG NI LUIS

    WALA NAMANG SAGOT SI PAULO. PERO TITLE NG VLOG ABOUT PAULO AND KIM

    HIRAP TALAGA KUMITA NG PER💰💰💰

    KAHIT MAYAMAN SA PANAHON NGAYON MAGHAHAPIT PA RIN
    👍👍👍👍😔😔

    ReplyDelete
    Replies
    1. Laging clickbait yung Luis Listens napansin ko na yan. Yung pinapakita sa start ng video hindi ganun yung tanong or sagot ng guest sa totoong interview.🙄

      Delete
  6. Sila paba ni Janine Kasi kung totoo madame Ang magagalit pag nagkataon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat lang kuyugin cya ng mga fans ni kim kung totoong cla pa ni janine. Niloloko nya mga fans!

      Delete
    2. Ung mga fans sa Pinas may tendency maging delulu. Artista mga yan, trabaho nila pasakayin kayo pero wag naman maging delulu.

      Delete
    3. Ayan na nga c 1234. Nagpapaniwala sa mga edited reels at videos online ni Kim at Paulo.

      Delete
  7. Either he does not want his dating life be open to the public or there really is nothing between him and kim. Looks like kim was expecting some more from the frienship.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga ba teh??? Close kayo ni Kim? Nakwento niya sayo?

      Delete
    2. WOW SINABI NI KIM SA IYO?

      ACTRESS SI KIM OR NASA SHOWBIZ

      TRABAHO SILA

      PARANG AKALA MO NAMAN NAGHABABOL SI KIM

      SINABI NI PAULO SA IYO

      BASHER BITTER KAðŸĪŠðŸĪŠðŸĪŠðŸ’–

      Delete
    3. Halata naman na kinikilig si Kim kay Paulo. Pero parang wala lang kay Paulo. Trabaho lang kumbaga.

      Delete
    4. Tingin ko kay Kim is she is one very friendly person; demonstrative in her hugs, arm swings, beso, and even kurot. What the public do not see or hear ay ano ang nasabi, nagawa or nakurot para matrigger ang hampas or kurot ni Kim? Napagkamalan tuloy si Kim na nagpiflirt when hindi naman.

      Delete
    5. 4:09 Agree. Salamat naman at may sensible na comment dito.
      May iba pa ngang sinabi ni paulo na flirt sa kanya may bf e.
      Si kim sa lahat super friendly & touchy. Pero makikita mong may pagkakataon na marunong umilag o umiwas lalo pag lalaki. May bf man siya o wala.

      Delete
    6. 4:09 eh kay xian di sya ganyan.

      Delete
  8. Ung totoo Paulo.. may jowa ka noh? Sana lang c Kimmy wag pauto sa pakilig ni Paulo if ever man na may secret gf cya!

    ReplyDelete
  9. Pareho silang gwapo ni Alden and I heard they are close friends.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yap, Pau and Alden are friends, same interest sila, Pau helped Alden set up his expensive game consul, same din ng gym and both are runners now. 🏃‍♀️

      Delete
  10. Kaya madaming artistang na prepressure at nasisira ang buhay dahil sa mga taong assume ng assume at ship ng ship ng loveteam. Hindi ba pwedeng tulad ni Johnloyd at Bea na lang ang tingin naten sa on-screen pairs? At ihiwalay ang personal na buhay nila. Nakakaawa na kase yung nga artista sa totoo lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag iisa lang talaga si John Lloyd at Bea kahit may movie sila hindi nila tinatago ang jowa nila. Minsan invited pa nga ang jowa nila sa mga block screening or premier nights. Pinili nila friendship kaya hangang ngayon friends parin sila.

      Delete
    2. Kaya yung ibang loveteam di na Nakagawa ng trabahong mag Kasama dahil magkagalit na

      Delete
    3. Hindi rin kasi sila nadiktahan ng network nun. Pwede naman pala imarket ng di totoong loveteam

      Delete
    4. At the beginning tinago din nila

      Delete
    5. Diether and G Toengi din before Gimik, hindi pinipilit na maging magjowa kahit mag magjowa sila sa series.

      Delete
    6. Si JLC kasi halatang hindi type si Bea. Si Bea ang parang naghihintay lang pero wala talagang maaasahan kay Lloydie. Iba ang type nya sa babae.

      Delete
    7. Tinago ni bea that time si mico and si jlc nmn tinago si ciara s. parang yan naging lesson learned ni jl kasi di ata kinaya ni ciara situation ng loveteam nila ni bea that time kaya after that mas naging open na si jl sa mga naging gf na makita siya publicly with them

      Delete
    8. 1:59 It’s completely the opposite dear. ;) I know.

      Delete
    9. 1:59 lol.. magaling lang mag pretend si JLC na hindi gusto pero love nun si bea. But good for them kasi mas pinili nila i keep ang isat isa as good friends

      Delete
    10. nung unang pÄąnartner si jlc kay bea e bata g bata pa si bea at may karelasyon si jlc at si Ciara sotto,tapos habang may karelasyon si jlc nagkaroon naman ng karelasyon si bea at si Miko palanka so di nagsasabay na parehong single

      Delete
  11. Kailan ba sinabi ni Paulo na may gusto siya kay Kim at nililigawan nya? Parang wala naman. Gustong makatrabaho Oo kahit nga si kath gusto ni Paulo makatrabaho pero para mag assume ang fans kasalanan na nila un.

    ReplyDelete
    Replies
    1. alam mo
      namn mga pinoy fans may pagka delulu

      Delete
    2. 1:11 mga fans lang ni Kim ang OA Kung maka-assume. Pag hindi natupad ang gusto nila iba-bash ang guy na kesyo pinaasa lang daw si Kim.

      Delete
    3. Ang solid fans ni Kim ayaw kay Pau

      Delete
  12. Nagpipilit kasi na may relasyon cla 95% mga fans ni Kim.. kakasplit lang ni Kim kay Xian sa tingin nyo ready na ba magmahal uli si kim? Pabayaan nyo muna na mag heal cya

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:12 pero obvious naman na kinikilig si Kim kay Paulo.

      Delete
    2. Pero sure ako kung liligawan siya ngayon ni Paulo sasagutin niya ito, halata namang may gusto siya kay Paulo.

      Delete
    3. 5:16 Consistent siya sa pagsabing hindi muna lovelife pagkatapos ni X. Wag muna.

      Delete
    4. Di yan fans ni kim, mga kimpau yan. See paulo's following on ig, slow umusad kasi mga kimpau lang nadagdag. I'm team Kim din, I don't follow Paulo. Kim's not ready, whatever they have now is basically hyped up by kimpau fans, lahat ng galaw binibigyan ng meaning. Can't they appreciate theit team up as magkatrabaho? Need ba talaga magkarrlasyon pag sabog ang chemistry ng dalawang artista?

      Delete
    5. Naks 95%? Nagpa SWS SURVEY ka para mamg generalize at judge?
      1:12 sadyang hater ka lang

      Delete
  13. Why does it seem that most commenters here are underestimating Paulo’s and Kim’s maturity and intelligence??? People…hindi na po sila teenagers. Both of them are grown adults in their mid-30’s. Given their individual circumstances, I don’t think any one of them would haphazardly jump into a relationship at this point. If you have been watching It’s Showtime, you would know that Kim is still hurting from her breakup with X. She’s all cheerful and bubbly. Pero lumalabas sa banters nila sa show na naghi-heal pa lang siya sa pag-iwan sa kanya ni X. On Paulo’s part, assuming that the KimPau fans are correct that he has feelings for Kim, do you really think he would act on his feelings at this point na alam niyang hindi pa ready at nakakamove on completely yung isa??? Mukhang matalino si Paulo, I don’t think gagawin niya yun. And so…just because mukhang walang ginagawang follow-through si Paulo at hindi supposedly nanliligaw, iniisip ng iba na pinaasa niya lang si Kim or nabokya si Kim or whatever. I think all these comments and assumptions are so unfair to them!! In my opinion, walang nagpaasa, walang umasa, walang nag-assume, walang nabokya sa kanilang dalawa. They are merely minding their own business, doing what they should, and behaving like how responsible mid-30s adults should. They both need time. Let’s leave them in peace and stop putting either of them in a bad light.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga thriving ang loveteam business sa Pinas kasi ang daming delulu at ang daling paikutin lalo na ng network na mahilig maghype. 😂 Pero nasa nature na ng mga Pinoy yata yan ang pagiging gullible eh. Lol

      Delete
  14. im a kimpau fan but i dont like paulo for kim in real life. kim needs someone like bmc or victor in real life, not paulo. but he's a great actor

    ReplyDelete
  15. I like Paulo as an actor very versatile pero di ko sya bet for Kim. May nega lang akong feelings sorry guys. Wish Kim heals muna and enjoy herself.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang daming nagko-comment dito na they don't like Paulo for Kim. Unang-una, gusto ba or may balak bang manligaw si Paulo kay Kim? Kung ilagay niyo naman sa pedestal si Kim as if wala ng deserving na lalaki para sa kanya. She's not that gustuhin type to be honest. Nagka-bf siya because those two men were her love team.

      Delete
    2. 2:11 mukhang hindi rin naman bet ni Pau si Kim. Makikita yan sa mga naging past gfs ni Pau.

      Delete
    3. Napaka harsh! Eh hypothetical din naman hindi naman talaga deserving si Paulo kay Kim. Kahit based sa loveteam, long term naman yun naging relasyon nila.

      Delete
    4. 1:42 uhm catch ba si paulo? Isang malaking ahahhahaha. Gustuhin nmn si kim lumabas lng siya sa circle niya puro work at showbiz lng kasi umiikot mundo niya need niya din to take time off and make friends na hindi related sa work niya

      Delete
    5. 1:42 Ang obvious mo namang hater lang talaga ni Kim. Sana kalevel mo si Kim at ikaw ay ligawin para magka sense naman sinasabi mo.

      Delete
    6. @1:42 in short napilitan lang sa kanya para sa kabuhayan showcase

      Delete
    7. Mismo 4:41! And her fans are too gullible to accept that truth. Hehe

      Delete
    8. Dami pang palusot 3:59. Kung meron mang may type kay Kim, gagawa at gagawa yan ng way. And yung circle of friends niya for sure may mga non-showbiz friends din yan. Angge for example, she met Gregg thru Cherry Pie.

      Delete
    9. 1:42 robi d hindi naman LT nagkagusto sa kanya. At may iba pa. Nabakuran lang ng LT. Si xian matagal na silang hindi LT pero nagtuloy pagiging bf gf nila. Kaya saan naman galing bintang mong hindi kagusto gusto si kim. Maka down ka naman mg kapwa mo babae.

      Delete
    10. 5:32 oh e di ikaw na ang gustuhin lol ilang months pa lng nmn siyang single kung maka demand ka nmn ng may magkakagusto agad sa kanya nasa healing process pa yung tao di yan katulad ng ex niya na may ka date na agad agad

      Delete
    11. 8:50 si Kim kasi ang usapan. Wag mo ilihis sa commenter teh. Di mo ba matanggap na kaya lang siya nagka-jowa kasi ka LT niya kaya wala na silang ibang choice?

      Delete
    12. 4:03 lame naman ng comeback mo. Di si Kim ang tipo ni Paulo at hindi siya magugustuhan nina LJ at KC kung hindi siya good catch.

      Delete
    13. 12:10 oh eh asan na sila ngayon? Sure ka bang good catch talaga for them yang si Avelino? Oo gwapo and let’s say may pera na din pero bakit nga ba walang nag iistay? Sa dami ng jinowa nya. To think nasa kanya na lahat.

      Delete
  16. It is reasonable for Kim to take a breather first before looking for someone to love. Paulo as a person na matalino hindi din naman siguro yan mamimilit manligaw sa babaeng hindi pa healed. They need more time and space for Kim to be ready.

    ReplyDelete
  17. kung totoo na walang feeling then congratulations sa kanilang dalawa at ang galing nila mag act na akala mo nga may something! Praying for Kim’s heart!

    ReplyDelete
  18. I am a long time Paulo Avelino fan. He has been judged wrongly because he is always silent. He is close to past leading ladies pero di naman lahat naka relasyon nya. In fact mas matagal sila ni Jodi na model non showbiz dahil di naman nag artista. Pansin ko ngayon iba cya kay Kim Chiu. Hindi niya masupla very respectful cya. Unlike kay Maja and Janine noon. Ang soft niya towards Kim. Only long time avid fans can see the difference.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree! Eto din ung na noticed ko. He's soft and very respectful kay Kim. May respeto naman sya sa past leading ladies nya but kay Kim d nya mabara eh, he always gives in kay Kim. I'm not saying na may relàsyon sila. Cguro if wala, then bakanmay soft spot sya for Kim.

      Delete
    2. Finally someone pointed this out.
      I'm kim's fan at si paulo matagal ko na nasusubaybayan mula kaH to kaF. Nanuod pa kaya ako ng pag-amin na buntis si Lj. Hehe. Nanunuod kasi ako ng SOP dati sa studio, nacu-cute-tan ako kay Lj. Kung recent memory, grabe siya alibadbad sa huling ka-LT niya na si J. To think anak at apo yan ng mga pinaka-pipitagan sa industriya. Di maiiwasan ikumpara kay K.
      Hindi ako umaasa na may formal ligawan dahil si K kailangan pa magheal. Saka 7 days a week ang trabaho. Quality time ang importante sa relasyon.
      Si paulo naman di ba may balita si OG na sabi ni paulo papakasal lang siya pag nakagraduate na ng college anak niya.
      Sa ngayon happy na ang #kimpau fans sa organic na chemistry nila, closeness nila at respeto bilang friends. Nadagdagan friend nila sa isa't isa sa industriya ❤️

      Delete
    3. Kasi si Kim iyakin. Ganyanin niya si Kim kukuyogin siya ng fans ni Kim.

      Delete
    4. 6:53 nye ang babaw ng reasoning mo. May fans din si J at WARLA din ha, in fairness. Mula sa bigatin clan yang si J. Makukumpara ang pagiging gentle ni Paulo kay K habang binabara at pinapahiya niya si J. No wonder ayaw na ni J ng anumang may kinalaman kay Paulo, makapareha o makita sa shows

      Delete
    5. 11:59 Feeling ko kasi linlang taping and wwwsk taping, na witness ni Paulo ung lowest point ni Kim - na ospital ang ate nia, heartbreak from more then a decade relationship at death ni sir deo.. kaya gnun sya ka gentle and soft kay Kim.

      Delete
    6. 11:59 You're wrong. It's not mababaw. Depende kasi yan sa personality o character ng tao. Maybe Janine and other women kaya nilang masakyan yun. But given Kim na maraming pinagdaanan lately, you have to be cautious and sensitive. It only means mataas ang IQ and EQ ni Paulo to think that way.

      Delete
  19. I think sila pa ni Janine pero tinatago nila kasi very click ang kimpau. Baka utis na din ng management. Parang di tipo ni Pau si Kim.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tatanda na nila para sa ganyang gimik.

      Delete
  20. Halata namang matagal ng walang Janine. Jusko sino bang papayag na ibang babae mag punta sa Premiere Night at magpromote ng movie ng BF. Todo support si Kim kay Paulo in person and sa social media. Kahit sa time ng CocoYass masasabiong si Julia talaga and Coco kasi si Julia nagpropromote lagi sa shows ni Coco. Logic lang yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. TUMFACT! Hindi sila magjowa PA. pero at least friends o special friends. Take their time muna makilala isa't isa at focus muna sa career. Mga bata pa sila kahit mid 30s. Marami pa mararating at maiipon

      Delete
  21. Kim Chiu talaga yan kasi nag tweet na si Kuya Kim na bakit cya dinamay ahahaha

    ReplyDelete
  22. Lumabas na yung tiktok video na Kuya Pau ang tawag ni Kim sa kanya off-cam. Kaya please tumigil na sana yung nga faneys.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit naman tatawagin nya si Paulo ng kuya common sense lang yon. Yung lalaki inask nya ng kuya. Sabi nya Kuya, Pau ba yan?

      Delete
    2. 8:12 luh nakaka lungkot na yung ka delulu an mo. Basahin mo yung transcript mo, feeling mo may sense yung "pau ba yan?" versus "Si Kuya Pau ba yan?" Kahit ikaw pinipilit mo na din imisinterpret yung transcripts. Scary!

      Delete
    3. Ano ba kayo. Kung pang mag-ama na, mag-tito o mag-lolo pa na age gap may nagkakatuluyan, mag-kuya age gap pa kaya? 1 to 2 yrs lang gap nila no. Saka likas na sweet at marespeto si kim sa pakitungo sa lahat

      Delete
  23. Napanuod ko interview, and halatang work lang talaga ang sa kanila ni Kim, medyo nagpa kilig lang sila pero yun lang talaga, kaya yung mga kimpau diyan tigil na sa kaka ilusyong may nangyayaring ligawan, sa tingin ko if wala na sila ni janine siguro may iba siyang gusto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maka utos naman to..huwag mo ng problemahin ang mga kimpau fans kung kinikilig sila..

      Delete
    2. Mas marunong pa mga tao dito mag conclude kesa sa mga fans na 24:7 tutok sa dalawa haha…basta eto lang masasabi ko… simula ng lumipta si Pau sa Abs si Kim na ang lagi nyang sinasabi na gusto nyang maka work and very vocal sha na nagagandahan sya kay Kim. Ngayon natupad na gusto nya at naging super close pa sila and bonus pa na timing na single si Kim this era na naging close sila soooo I don’t think papakawalan pa yan ni Pau. Based din sa mga observations ko sa mga interviews and btw videos you can tell na nagiging soft si Pau at you can see his nervousness, lalo na nung WWWSK mediacon… halata silang dalawa ni Kim dun na nervous haha. Idk just my two cents.

      Delete
  24. kung kinikilig kayo ibig sabihin ang galing nila gumanap, yan lang yon. I love Kimmy pero kailangan nya na now yong mamahalin talaga siya, yong ready na. She derserves to be happy

    ReplyDelete
  25. Di natututo mga fans about sa fans service lalo na sa dos ganyan style nila.

    ReplyDelete
  26. Yung kapam pansin ko ganyan galwan sa LT nila para ma hype. Ending natatali ang artists nila sa LT. Exception ang kina Bea at JLC, patok kahit walang eme na kunwari sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaze di naman type or nagustuhan ni jlc si bea

      Delete
    2. 12:10 Ikaw ba si JLC? LOL

      Delete
  27. Boring na tao lang din makakapag tyaga dyan kay Paulo. Gwapo lang pero walang kadating dating yung personality. Ako inaantok sa kanya tuwing napapanuod ko mga interviews nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh di ikaw na magpa interview

      Delete
    2. Hahahaha. Grabe to

      Delete
    3. korek may pa drama pa na mystiryoso di naman kaguapohan hahaha

      Delete
  28. Walang mawawala kay Kim kung di din naman sila magkatotohanan ni Paulo. Alaga ng Management si Kim kaya kahit mawala yang KimPau di naman sya mabobokya. Ginugroom na nga sya as versatile actress kung di lang pumatok tong KimPau. And pagdating sa lovelife, mas dehado sya kung tutuusin knowing may sabit na si Pau at malamang priority pa din nun yung anak nya. So makikihati lang si Kim. Kaya much better sa single sya mapunta.

    ReplyDelete
  29. Paulo is over hyped tbh walang appeal … I don’t watch his movies not a fan n

    ReplyDelete
  30. Paulo Avelino is feeling boxed in and is clearly regretting getting himself enmeshed in this LT culture but serves him right for trying to use Kim. His expectation v reality is karmic

    ReplyDelete
    Replies
    1. Use kim? More than a decade sa dami dami ng artista sa kaF si Kim consistent answer ni paulo.
      Pero sa kabilang banda, kanya naman nila pareho magsolo e. Si kim mabubuhay sa 7 days work niya sa variety shows saka maraming ads niya. Singit-skngot na lamg ang serye o movies.

      Delete
  31. Dami na namang delulu dito, di nyo ba gets laging sagot ni kim sa bday greetings ng st fam, mapa-live at ig? "Saka na yun" yan lage nya sagot when they wished her love life. Mga delulu fans lang laging binibigyan ng meaning lahat ng galaw nila. Pati sa kasal ni angge, nandun daw si P ðŸĪĶ‍♀️ grabe malala na kalungkutan ng mga faney, kaya delulu nlng para pasayahin mga sarili nila.

    ReplyDelete
  32. I have a feeling paolo has a non showbiz gf. Feel ko lang naman hahah . Hidne niya bet ang showbiz magiging jowa niya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree kaya tumigil na ang paunine dahil si Janine lang naba-bash at wala naman project with pau. Yung mga kimpau naman, reel lang dapat. Wag na i-push yung real. Kakapilit nila lalo lang nauudlot.

      Delete
    2. Same here, kasi nung tinanong si paulo kung sino gusto niya makatuluyan, sagot niya non-showbiz, so baka nga may non-showbiz na siyang gf ngayon.

      Delete
  33. Bilang fan ni kim, sana yung magaan din sa mata at magaan kasama na guy makatuluyan niya. Kasing positive ng aura niya na humble kahit sa ordinaryong tao. Yung ex niya suplado na matapobre ang dating. Sana malapit sa pamilya ni kim na sobrang mahal niya at mabait sa mga bata kasi si kim pangarap noon maging teacher ng mga bata kung nakapagtapos siya at hindi nag-artista. Deserve niya true happiness at true love 🙏

    ReplyDelete
  34. Good luck na lang sa fans ng Kimpau. I dont think na aamin itong dalawa Kung may relationship sila. Paolo wants privacy and Kim naman may history din matagal umamin na may relasyon like yung sa kanila ni Xian, took years bago niya aminnin

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...