Tuesday, August 12, 2025

FB Scoop: Mon Tulfo Defends Public Call-out of Doctor for Alleged Professional Fee







Images courtesy of Facebook: Ramon Tulfo


94 comments:

  1. Normal naman mahal talaga ang professional fee ng mga doctors. If depends na lang kung ano mga specialization. Ilang taon nilang inaral 'yan. Kung may mabait na doctor magbaba ng fee. Eh di wow. Kaso pinahiya nito ang Doctor eh. Mga Tulfo brothers feeling entitled.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome to the Philippines. Sobrang mahal na ang magpagamot ngayon lalo na sa private hospitals. Napansin ko yan after the pandemic. Ginawang business na talaga. Partida pa yan at public hospital pa ang Philippine Heart Center. Nanay kong senior nagpa -partial hip replacement 400K inabot sa isang private hospital. Nung nagkainfection after a month 200k naman. Doctors professional fee dun sa partial hip replacement is 100k. 75k naman sa bakal. Nakakalakad na thank God with the help of a walker. Hindi pwedeng walang walker. This year nangyari. Grabe ngayon. Ang laki ng tinaas sa private hospitals hindi na makatarungan minsan. Mismong hospital fees ang laki laki na

      Delete
    2. Kaso itong PF ng ibang Doctors, overpriced!

      Delete
    3. Namiss nila ang laki ng kitaan during the pandemic eh. Milyones ba naman pag na COVID. Kaya ang taas na maningil ng mga ospital at doktor ngayon. Dapat sa ganyan talaga maimbestigahan.

      Delete
    4. Pano mo nasabe na overpriced? San mo nakumpara? At ang binabayaran mo sa mga doctor eh un skill at knowledge nila na ilang taon nila inaral at inaaral pa dahil evolve ng evolve ang medicine!

      Delete
    5. Do you know that MVP owns 27 hospitals

      Delete
    6. 12:33 Ang Philippine Heart Center is a GOCC, not a public hospital. May charity and private patients dyan. E kung di mo kaya magbayad ng private e dun ka sa charity.

      Delete
    7. Tignan nyo kase ung mga comment sa main post, mostly mga panig sa doctor at mga dating patient nya pa un ah.

      Delete
    8. dapat maintindihan ni Mr. Tulfo ang side ng mga doctors. alam ko dahil Dr ang anak ko. 4 years premed, 4 years med school, 1 year internship, then board exams, 3 years residency, then board exams again, 2 years fellowship, after, board exams ulit. tuition fee (milyon ++), mga medical books pa na libo libo ang halaga, uniforms, allowance tapos magkano lang sweldo pag residente. halos walang tulog sa kaka-aral noong student pa lang hanggan sa residency and fellowship. tapos during internship at residency - wala rin halos tulog during duty, minsan 48 hours straight... or longer pa. tapos gusto ni Mr Tulfo, libre or minimum wage? hahaha...Ser, punta ka sa mga charity hospitals, pero pag major-major cases, gagastos ka pa rin. Lalo na pag espesyalista ang kailangan mo. sabihan mo kasi mga politiko na wag nila ibulsa ang tax na binabayad namin...sa halip i-upgrade nila ang mga public hospitals at taasan ang sahod ng mga residente at health workers like nurses and others. yung budget ng mga politko gamitin para magkaroon ng magagandang medical services ang mga public hospitals for labs, surgeries etc. wag puro dakdak Mr. Tulfo.

      Delete
    9. Mura pa nga ung PF na nirereklamo nya. Kung gusto nila ng cheaper rate sana sa public hospital sila nagpa admit. May koneksyon sya bukod sa tumalak at ipahiya sa socmed ang doctor eh bkt hindi nya ilapit sa goct charitable institutions or sa mga kapatid nyang senador at congrssman. Naka upo silang lahat sa pwesto sa gobyerno eh d dun nya ilapit. Hindi ung ipapahiya nya ang mga professional doctor. Shame on you tulfo!

      Delete
    10. Anon, Mas mahal fees ng mga doctors sa abroad like sa US. Mura na na yang P85k for a heart procedure. Kung ayaw magbayad glng mahal baguhin lifestyle mag exercise huwag kumain ng fatty para hindi magka heart disease

      Delete
    11. Well said, well explained anon 1022.

      Delete
  2. Bakit di mo tulungan? di ba tumutulong kayo sa mga nangagailangan? mga kapatid mo Senador, Congressman ang pamangkin. Kahit papaano atleast may naitulong ka kaysa mag-rant.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay! di binasa ang buong post tumulong naman sina Erwin at pamangkin Niya. Hahahahahhahahahahah

      Delete
    2. Meron din siya, kung di ka nagbasa. Bakit hindi ka umambag?

      Delete
    3. Nagbabasa ka ba?

      Delete
    4. Bakit ganyan utak mo? Imbes ayusin ang system. Para marami makinabang gusto mo gawin pulubi ang tao aasa sa ibang tao. Sila ang kakarga ng burden tumulong just because walang maayos na systema? BTW, are u a doctor or maybe, hindi ka pa or any close relative na hospitalized and victimized by these unfair practices

      Delete
    5. Tinulungan nila. Nakakapagtaka na ilang govt officials na ang nagbgay, pero d napunan? San dinala ang pera?

      Delete
  3. If meron kailangan na i-justify ang sweldo, I think hindi dapat mga doctors iyon. Dapat mga fake journalists, politicians, etc. Ang dami ng umaalis na doctor because of the low salary in the Philippines and the challenging work conditions. I am not a doctor but my mom and my sister are.

    ReplyDelete
  4. 40k na lng po yung pf ni doc and he agreed to accept guaranteed letter. Pinalalaki lng ni mon tulfo ito. Natural naniningil ng fee yung doctor nag aral sya ng matagal para maging doctor para gumamot at sumagip ng buhay alangan namn TY na lng. Bakit hindi dinala sa mas murang ospital? Pwde naman. Doon di naniningil ng mahal ang mga doktor.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 85k daw un PF? Ano bang procedure un ginawa?

      Delete
    2. Nabasa ko lang specialist daw ung doctor sa mga sugat, ung sa patient instead na putulin na ung paa, naagapan dahil dun sa doctor na binabash ni tulfo

      Delete
    3. Saka ilang govt official ang nagbigay daw diba? Bakit d napunan ang 85k?

      Delete
    4. Nilinis lang daw yung sugat sa binti dahil sa diabetes

      Delete
    5. Philippine Heart Center is not a gov't hospital. Depende din sa procedure and anong klaseng room ang kinuha ng patient at dito ibase ang PF ng doctor. For sure sinabi ng doctor ang PF niya before ginawa ang operation. Gusto lang mang barako ni Mon Tulfo. I will not give a discount if I have been honest on my PF from the beginning.

      Delete
    6. Imbis magpsalamat at hndi na amputate ang paa eh nagreklamo pa kung kelan gumaling na.nakailng ospital at dr na yan. Si dr ribu lng nakapagpagaling.
      Bago pa yan gamutin for sure sinabiban na sa presyo ng pf yan! Galwang manloloko di. Eh kung kelan napagaling na ska magrrklamo. Pero pag wala gustong dr gumamot halos magmakaawa at sbhn gumaling lang.

      Delete
  5. Putak ka ng putak sa mga bagay na wala ka naman talagang alam. Masabi lang na kokomento ka. Sobrang nahiya naman kami sa inyo Mr. Mon Tulfo! Sana ho kayo nalang ang nagnananaknak na sugat, para di kayo magpabayad kero lang

    ReplyDelete
  6. Ang mga doctor sa Pinas parang politicians na rin. Greed ang pinagmulan nyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 🎯
      Nakalimutan na ang Hippocrates oath. Others nga will refuse to accept you as their patient kung si kayo magkasundo sa rate

      Delete
    2. Accla bigay ko na sa yo na greedy ang doctor— pero ang outcome , buhay ang pasyente, eh sa politiko, ilang dekada ng greedy, ano result—???, so in the end, di pareho ng doktor ang politiko

      Delete
  7. Sorry pero I stand with the doctors. Hindi lahat pwedeng maging doctor or mag-opera. Ang dpat i-call out nitong si Tulfo ei ung congress people na walang maipasang batas para mapaganda ang healthcare sa Pilipinas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat i call out din ang ibang Doctor.

      Delete
    2. I agree. Bago sila maging specialist, grabe ang hirap nila bago maka-abot jan. Ilang years bago sila maging doctor, then after licensure they still need another at least 3 years. At hindi natatapos dun ang inaaral nila, kasi buhay ang hinahawakan nila. No room for error. At habang nag do-doctor at nag aaral at the same time, may mga expenses din sila for those training and studies na ginagawa nila. Anong akala natin sa mga nasa medical field, hayahay ang buhay?

      Delete
  8. kaya naalis mga doctors and nurses sa Pilipinas e. Nakakhiya itong si Tulfo

    ReplyDelete
  9. Kaya kailangan mataas ang coverage ng Universal Health Care Law. Utang na loob mga politiko, hands off sa pondo ng UHC. Tama na ang pangungurakot. We deserve better services with all the taxes we are paying.

    ReplyDelete
  10. Nag doctor para yumaman. Nasty doctors are eveywhere. Not just in PH.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinagsasabi mo nag aral ng ilang taon alangan i thank you mo…

      Delete
    2. Para yumaman? Baka di mo alam kung magkano tuition fee ng mga yan. Mahirap mag doctor pag walang pera

      Delete
    3. Hindi mo alam kung gaano ang ginastos di ng mga magulang at pamilya nila para maging doctor sila. Anong akala mo libre mag aral ng pagiging doctor? Idagdag mo na din ang 12-24 hours shift nila sa ospital. Akala nyo ba pagka graduate nila ng doktor instant malaki agad ang PF nila? Alamin nyo muna ang hirap din nila bago sila maging specialist bago ka magsalita ng ganyan 12:37

      Delete
    4. Inggitera, para namang di ka alipin ng salapi ante @12:37

      Delete
  11. I respect ang work ng Doctors at sa health sector workers. Pero itong story na to ay naranasan din namin. Simple finger operation ng aking pamangkin sa Cebu Hospital. Ang PF ng Doctor umabot ng halos 90k. Sorry po, ung iba balasubas din sa paniningil. Hindi pa kasama ang 100k hospital bill.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung simple operation lang pala bakit hindi ikaw na lang ang nag operate sa pamangkin mo. simple lang pala.

      Delete
    2. 12:37 FYI surgery of the hand is a very complicated procedure

      Delete
    3. Pilsopo ka din 2:31! Meron nga iba di mo need mahospital. Huwag ka nga magmarunong kung di mo narasanasan ang ganitong situations. Sana maexperience mo din at iquote muna ang price bago ka gamutin.

      Delete
    4. Hoiieeee 1:05 ikaw ba ung pasyente?

      Delete
    5. Kung kakailnganin ng espesyalista ibig sabhin hindi simple yun. Kase kung simple pla sana sa mga intern dr’s kayo nagpaopera

      Delete
  12. Di ko gusto na nag-name drop siya. Pero why people defend high PFs nung doktor? Hindi ba dapat accessible ang healthcare mapa-private or public man yan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kasi naranasan ng iba dito kung paano mahospital at magbayad ng malala sa Doctors.

      Delete
    2. I think ang nakakapagtaka ay bakit ang mahal ng bayad, di ba public hospital ang Heart Center?

      Delete
    3. Philippine Heart Center is one of the GOCC healthcare institution sa Pilipinas. Ibig sabihin, hindi ito fully funded ng Gobyerno, kumbaga may ambag lang sila sa pondo, pro at the same time ung pagpatakbo ng hospital ay nakadepende rin sa income nito to fund yung needed budget, as such, meron naka alot na bed capacity for CHARITY PATIENTS and likewise pede din po sila mag CATER NG PRIVATE Cases. Bago maadmit ang pasyente, they are being informed of their right to choose kung maadmit sila under CHARITY (walang PF na babayaran sa doctors, LIBRE PF) or PRIVATE (definitely may bayad ang PF, accommodation etc).
      The patient and her family had the chance to decide if they will be admitted as CHARITY or PRIVATE sa Philippine Heart Center. Had they decided to be admitted as CHARITY CASE, 0 balance billing yan ( i know cause I am a doctor of charity cases like this case sa philippine heart center and even charity cases where walang bayad ang pasyente ay si Doctor Ribu ang kasama namin na nag-aayos ng sugat nila just so maiwasan ang pagkaputol ng mga kamay/paa or paglala ng impeksiyon).
      Apparently ang PINILI nila is TO BE ADMITTED under PRIVATE CARE and was eventually referred to the said Surgeon for co-management nung sugat ng pasyente na di gumagaling.
      Ang panggagamot ng non-healing wound ay hindi basta basta lalo na at apparently ay meron daw ata peripheral arterial occlusive disease (bara sa ugat sa involved na binti ung pasyente) based dun sa post nung naunang doctor na nakahandle sa kanya sa SDS hospital. Septic (kalat at malala ang impeksion) ang pasyente, and kung hindi maayos ang pag alaga sa sugat including debridement(surgical procedure where a competent and qualified doctor removes the dead/necrotic tissues para ma-prevent ang further na pagkalat ng impeksiyon sa dugo at paglala nito na) pedeng magresulta sa pagkaputol worst case scenario even death of the patient kung hindi macontrol ang infection at mag emd up to septic shock. At i-consider nio po >20days admitted ang pasyente, at yung surgeon na un ang nagtiyaga na maggawa ng debridement procedures na yun entire time she was admitted. Na kahit nung kasagsagan ng bagyo ay ni-raroinds pa nia just to make sure na malinis at hindi lumala ung impeksion, kase sia ung klase ng Doctor na hanggat maaari ayaw nia na may pasyenteng maputulan ng paa/kamay dahil lang sa infected na sugat.
      So BASICALLY po, LIMB and LIFE saving procedure yung DEBRIDEMENT (pedeng gawin as bedside procedure pr sa loob ng operating room) na ginawa nung doctor. Idagdag mo pa na sa America sia nag training ng wound care subspecialization nia at iilan lang po ang ganyang matiyagang Doctor ang maglinis ng mga sugat kahit pagkabaho baho na ang nalalanghap na amoy. Kung sa ibang doctor yan na hindi trained sa wound care and limb preservation, baka po naputulan na ng paa ung pasyente simula palng.

      So kung kayo po ang Doctor na gumawa nung daily debridement ng pasyente, admitted for >20days, sa palagay nio po magkano po kaya nararapat ung naging PF?

      Delete
    4. Philippine heart center is 1 of the GOCC specialty center in the Philippines.
      This means, Government owned po sia pro HINDI sia FULLY FUNDED by the government. May AMBAG po ang GOBYERNO pro ang siste is para mapanatiling functional sia, nakadepende din po sia sa income ng hospital itself to fund its operation. Kulang na kulang po ang po dong galing sa gobyerno para mapanatiling tumatakbo ang hospital. As such, since may ambag po ang gobyerno sa funding, kaya meron po naka-ALOT na Bed capacity for CHARITY CASES and likewise pede o sila mag-Cater ng PRIVATE CASES para matustusan ang pondo ng hospital para sa mga bayarin at pambayad ng mga kailangang gamit sa operasyon sa mga sakit sa puso.
      Bago maadmit ang isang pasyente sa PHC, before they are admitted sa ward, sa emergency room palang, they are already informed of their right to choose kung magpapaadmit ba sila under CHARITY CASE (libre at walang babayaran na PF sa doctor) or PRIVATE CASE (definitely magbabayad ng PF, accomodation/rolm etc). Had they DECIDED to be ADMITTED under CHARITY CARE, ZERO(0) balance billing sana sila, walang kelangang bayarang Professional fee sa doctors (i know kase isa ako sa mga doctors na tumitingin at gumagamot sa mga charity cases like the case ng pasyente na nabanggit, and even sa CHARITY cases where WALANG PF na babayaran ang pasyente, KASAMA namin si Doc Ribu sa paglilinis at pag-aayos ng mga hindi gumagaling na sugat ng mga charity patients just so maiwasan ang paglala at pagkalat ng impeksiyon, maiwasan ang pagkaputol ng paa/kamay, pagkamatay dahil sa septic shock). But then, the family OPTED TO BE ADMITTED under PRIVATE CARE and hence was then referred to the said Surgeon.
      Ang panggagamot ng NON-HEALING wound ay hindi basta basta. Kelangan ng tiyaga at dedikasyon at tamang kaalaman.
      Sa kaso ng pasyenteng nabanggit, apparently based dun sa account nung unang Doctor na naghandle sa kanya sa SDS hospital, di umanoy may peripheral arterial occlusive disease (baradong ugat ang binti na involved) ang pasyente making it more difficult na paghilumin dahil sa limitadong daloy ng dugo sa area affected gawa nung bara idagdag mo pa ang pagkakaroon din di umano ng pasyente ng Diabetes. Ang isang paraan ng pag alaga ng sugat na ganyan ay tinatawag naming DEBRIDEMENT (surgical procedure na pedeng isagawa bedside or sa loob ng operating room depende sa area affected and extent ng severity) kung saan nililinisan ang sugat at tinatanggal ang mga dead tissues/necrotic tissues/naknak/patay na mga skin/muscle na nakapaloob sa sugat upang ma-prevent ang paglala ng impeksiyon at pagkalat nito sa dugo and of course ung pagkaputol. Infected ang paa ng pasyente at kung hindi ito maagapan, at madebride ng maayos maaring ang ending nito putol ang paa, kalar na impeksion sa dugo (sepsis) worst case scenario ikamatay ng pasyente kung hindi macontrol ang impeksion at mag end up ng septic shock.
      Ung pasyente apparently ay naadmit daw po ng >20days, at ung surgeon ang nagtiyagang magawa ng debridement procedure entire time the patient was admitted, na even nung kasagsagan ng nagdaang bagyo ay pinupuntahan at nirorounds pa din nia ang pasyente just to make sure na mapanatiling malinis ang sugat at ma prevent ang paglala dahil ang Doctor po na kinukuwestiyon po ay isang klase ng Doctor na hanggat maari ayaw nia na may napuputulan ng paa/kamay dahil lang sa infected na sugat. Isa sia sa mga nagtityagang maglilinis ng sugat kahit gaano pa pagkabaho baho nalalanghap na amoy galing sa mga sugat.

      Delete
  13. Sana naisip nyo rin sa gobyerno ayusin ang health care ng mga mamamayan nyo.

    ReplyDelete
  14. Reminder to doctors, ayaw ng mga politicians ng ka-kumpitensya. Dapat sila lang daw ang corrupt lol

    ReplyDelete
  15. Kapag ang mga politiko hindi ginagawa ang mandate nila, tuloy pa rin ang sweldo plus millions/billions of additional budget. Pag ang doktor ginawa ang trabaho nila, maawa na lang? Ipapahiya mo pa. Sabihan mo yang mga kapatid mong senador to advocate for better healthcare. Or pautangin mo yang kaibigan mo. Ikaw ang maawa sa kanya.

    ReplyDelete
  16. Bago mo “linisin” ang mga ospital, pwede bang linisin mo muna isa-isa ang mga corrupt na politiko sa mga municipalities at syudad sa Pilipinas. Ang liit na bagay lang nyan compared sa milyon-bilyong ninanakaw ng nga political dynasties sa bansa. Baka kapag nagawa mo yan e hindi na ganyan kalaki ang bill ng kaibigan mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit kailangan bago linisin. Pwede naman sabay. Kapag naayos ang pag regulate ng ratsa, marami din agad makinabang. Or at least tubuan ng hiya ibang doctors because of this issue..

      Delete
  17. Sana nilubos mo na ang tulong! Sabi mo konti na lang eh di Ikaw na ang pumuno! Sabi nyo nung kampanya kami ay para sa mga mahihirap, tutulungan namin kayo, pagagaangin namin ang buhay nyo eh di gawin nyo.

    ReplyDelete
  18. Puro kayo pulitiko dagdagan nyo pa ang tulong!

    ReplyDelete
  19. This is a different matter and set aside politics. Di ko gets ang mataas na pf ng doktor dahil nasa gov't hospital sya to think walang operasyong ginawa. You may have families from the med field and meron din ako. My surgeon friend once said, ang pag dodoktor ay isang vocation hindi lang sya profession. May mga walang pambayad na minsan napapakamot ulo na lang sya. But that's the reason why they wanted to become doctors hindi lang dahil sa "mahal ang pag aral ng doctor kaya mahal sila sumingil" ang rebuttal nyo. And again, nasa PHC sya at wala sa private hosp. And yes, taga sya sumingil.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May private rooms rin sa mga public hospitals like Philippine Heart Centre. My mom was admitted there back in 1990s nasa halos half a million na yung binayaran ng Papa ko at that time my mom opted private care due to weak immune system. Patients or their guardians have the option mag Charity or Private care. This particular patient opted in for Private care, so they consented to be billed as Private. My sister is a surgeon in a public hospital at hindi sila year round may sweldo lalo pag nag papalit ng Mayor. Buwan na thank you OT walang bayad. May karapatan sila mamuhunan sa service nila lalo na at specialised skill, isa pa yang PhilHealth na yan na half sufficient lang.

      Delete
  20. Why don't you help him? Sabi mo friend mo sya? Saka yung kapatid mong si Erwin, 100k lang? compare sa perang pinagmatigasan nyang hindi ibalik? Ang name mo wala sa list ng mga donors mo, saka yung kapatid mong senador! If the doctor asked for that PF, why don't you pay for the difference? And after that, bakit hindi nyo pagandahin ang health care system jan sa Pinas? Hindi yung dakdak ka ng dakdak jan!

    ReplyDelete
  21. To be fair, valid ang point niya. Na encounter ko ito na ung OB ko ininstruct nya ako na sa secretary niya iabot ung PF na 60k for my c/s instead na ipadaan sa hospital billing. Walang resibo un so meaning walang tax. Pinalabas nia sa billing na 10k lang chinarge sakin for pf kasi family friend. naka depende ung percentage ng pf nila sa total bill kaya sino ba naman makaktanggi kung may discount. Pero mali un.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako CS din kasi may complications ako. Nagkaroon din ako ng gestational diabetes. Sabi ng doctor ko sa diabetes na mas mura daw pag nagbayad ng PF sa clinic nya kesa i-charge sa hosp. From 25k naging 20k.

      Delete
  22. Mas Mahal tagala sa private hospitals

    ReplyDelete
  23. Kung totoong nag linis lang ng sugat ung doctor at wala nang ibang ginawa bukod don. Aba malaki nga nman ung hinihingi nyang PF.

    ReplyDelete
    Replies
    1. For leg amputation na naisalba at hindi pinutol. Yun lang yung sugat na nilinis nitong doctor. Yun lang. madali lang

      Delete
  24. I do not like this Tulfo guy but I am with him on this. Maybe hindi lahat, but we have personally experienced this unconscionable charges of doctors.. Kahit walang major procedure sisilipin ka lang kapag nag rounds DAILY ( their own time, kahit need mo busy sila basta wait ka) they charge same as your room rates.Kapag maY procedure naman they would give you a rate which sounds reasonable naman sana kaso sabay may condition na sa kanila pa rin ang Philhealth allocation. Which means 100% out-of-town the pocket ang fees nila. Parang extra na nila ang galing Philhealth..Tama si Tulfo dapat may safeguard measures.. Syempre may top-tier doctors Kaya mas mahal so at least align the tariff with the category of the hospital. Sometimes. Punta ka tingin mo Mas mura na hospital kaso ang doctor dahil 3.hospitala pala. Sya affiliated, he charges the same High rate regardless whc hospital ka nakaasdmit..
    Parang tariff.And the patient is actually helpless kung sinong doctor i-aassaign syo kapag tinakbo ka sa emergency and would need a specialist.. Pray ka nalang na di mahal ang mapunta syo.. kapag tinakbo ka ER on suspected severe flu kunwari,they will run tests and then bases on the findings kahit suspected palang ang diagnosis mag aaaaign na ng specialist #1 who may find something else in another organ not his specialization, so simultaneously he will refer specialist #2.kG patient minsan 5 doctor may daily charge and yung iba does not have the decency to stop. Billing kahit wala nang papel.. For as long as admitted ka sige metro nila.. Kahit SC discount parang ayaw pa nila appluy against their fees.. Sad

    ReplyDelete
  25. There is actually a backstory about this Dr.s Fee. The family apparently had a daughter or a family member that celebrated he 18th birthday. Thay had this lavish birthday party where they spent over a million. They spent and did not even ask for a discount on the expenses they spent on their dress, events coordinator, food etc. The party came out ok with mony spent.
    Then biglang nagkaroon ng ganitong problema. They cried that they were charged this much. I understand that dr.s fees can be very high. Tjey apent too much also for this profession. Millions din ang ginugol bila sa pag aaral at pag specialize. They were given a 30k discount iyak pa rin sila. Splurging on unnecessary stuff and not saving for this unexpected expenses. Naawa ako sa pasyente and family but the doctors need their services paid too. Mga senador do we get discounts from them no. So it is what it is. It is becoming the norm or it has been the norm in the Philippines. Nakakaawa pero ano ang pwede nating gawin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron pa lang back story eh. PHC is a private hospital, kaya, no freebies. For sure sinabi ng doctor ang PF niya before the operation, now na nakaraos at ok na, pahiyain ang doctor sa soc media, makahingi lang ng malaking discount??? Kung ako doctor, deadma lang.

      Delete
  26. some people here would just say anything because they probably have not experienced being hospitalized or have a relative hospitalized. i get it doctors spent years to earn their profession pero kasi real talk tayo, hindi regulated ang PF nila kaya they can just put anything they want on their bill (pero pagdating ng filing of taxes iba nilalagay hahaha).. and hindi covered ng guarantee letters ang PF kaya money down talaga, yun ang mabigat para sa pasyente..almost 40% ng total bill sa PF napupunta and this is based on experience hindi kwento² lang kaya I understand the plight of Philip

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bkt ang videographer, make up artist, event organizer regulated b ang pf? Wala nmn nagreklamo sa knila after magawa ng mgnda ang trabaho, ung doctor n nirreklamo ang tanging nkpag save ng paa ng psysente

      Delete
    2. para maging fair, why not try to be in their shoes also?
      study for more than 12 years, magvtraining ng more than 3 years, go on duty for 36hours then rest 8 hours then duty ulit for 36 hours.. mas stressful sa doctors when thebpatient are admiited kasi even sa gabi gigisingin sila for orders such as anong meds labs or even anong swero ikabit

      Delete
  27. Penoys doing penoy things again :D :D :D No wonder doctors and nurses are leaving penas ;) ;) ;) You can't tell them how much money they should make :) :) :)

    ReplyDelete
  28. Mon Tulfo dapat sa gobyerno ka manawagan. Sa laki ng mga taxes at mga contributions ng mga tao, hindi ba dapat napupunta ito sa mga services tulad ng Healthcare? Nagagawa na yan sa ibang bansa. Hindi dapat tayo namamalimos sa mga politiko dahil pera din natin yan! Wake up people

    ReplyDelete
  29. sobra din ang mga tulfo at times. I get na gusto nila makatulong. But ang yabang nila. What if dumating ang tome na he needs a doctor and ang katabi nya ay yan pinahiya nya??

    ReplyDelete
  30. Paano pala pag nagkasakit ang mga Tulfos? Itakbo sila sa pinaka malayong hospital please?!

    ReplyDelete
  31. Naranasan naman paano ka greedy mga doctors nong na ospital asawa ko. St lukes sa e rodriguez. Kada visit ng doctor 10k (araw araw) and this was in 2013 pa.insurance kasi magbabayad ng bills kaya ang damingdoctor iba iba napasok at nadalaw sa asawa ko pati nutritionist kaya araw araw din may charge sila pero ung mismong doctor ng asawa ko ang 10k every dalaw. Kaya natakot na asawa ko na tumira sa pinas.

    ReplyDelete
  32. Naiintindihan ko na hindi biro ang pinagdaanan nila sa pagdodoktor. Dugo, pawis, oras at pera ang inilaan nila at ng pamilya nila ng ilang taon para makapanggamot. Kaya hindi masama na maningil ng PF dahil skills, knowledge at expertise ang binabayaran para sa health and life ng pasyente. Pero ang tanong ko lang sana kung nagbabayad din ba po kayo ng tamang buwis? Sa daming beses ko kasi nagpa check up at nagpagamot, never sila nagbigay ng O.R. or invoice para sa serbisyo nila, unless ako mismo ang hihingi. Minsan ang sagot pa ng sec nila naubusan na sila ng kopya ng resibo. :(

    ReplyDelete
  33. Hospital staff ako, nakakapagtaka lang na kapag may unannounced visit and audit ang BIR sa mga clinic ng doktor biglang sabay-sabay nakasarado ang mga clinic hehehe as in patay ang mga ilaw at naka lock ang doors. Parang ang co-incidental naman na kung kelan may BIR auditors saka sabay halos lahat no clinic na bigla ang mga doctors? 🤔

    ReplyDelete
  34. All these coming from a family who patronize nepotism? 2 brothers in senate, collude business during his sis stint at tourism, lahat ng pera galing sa malasakit etc is tax payer, so ikaw wala ka pang ambag

    ReplyDelete
  35. Regulated ang PF ? Mag senate inquiry ka sa HMO para malaman mo ang bayad is 560 pesos net after tax , na papadala after 6- 12 months, never ka nagquestion bakait kinuha billions from philhealth,

    ReplyDelete
  36. Kung gusto nyo ng mura o libre dun kayo sa public hospital as charity

    ReplyDelete
  37. My father was hospitlaized . 1.7mio ang bill. 34k lang philhealth na nabawas. Nangutang talaga kaming magkakapatid para makabayad. I understand the PF , di ko gets yung 34k. Sana maging free na ang healthcare sa Pilipinas. Gap happens pagdating sa health talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Imagine, kung mahirap talaga kayo wala pipiliin nalang ng maysakit maglaho kesa masira ang pamilya sa utang.

      Delete
  38. during sa prime ni kris and willie, minimum 2 million pesos ang income daily... ngaun influencers are earning more than the professionals..
    bawat appearnce nila malaki ang fee nila... wala kang narininig... and yet pag professional magcharge sa service provided, mali na?

    ReplyDelete
  39. Vascular surgery is a major surgery, FYI. Kahit paa, binti, kamay but involves major arteries in your bodies eh mahal singil dyan. That is a major specialty. Tulfo and others defending him eh you guys are not understanding the situation. 30 years ago, I worked for an orthopedic doctor and mataas na singil nya dati pa. 85k to restore the circulation in your blood vessels to save your foot from getting amputated is justifiable.

    ReplyDelete
  40. Nakaprivate sila pero nakatanggap ng funds including from malasakit center???
    At bakit problema ng doktor ang pag ayos ng sistema, di ba trabaho yan ng gobyerno? Hindi naman yan inaral sa med school. Bat hindi niya kalampagin ang mga tulfo sa senado?? O ang gusto nila ay magpakamartir ang doktor for little to no pay sa private practice, kahit ganun na ang ginagawa nila sa charity patients?
    Magkano kaya ang bayad sa abroad for similar skills sa surgery? Bulok na sistema and incompetent politicians turn the people and patients against competent doctors like the one he name dropped. Minsan mahirap mahalin ang pilipinas.

    ReplyDelete
  41. Well, marami talagang doctor na ginagawng business ang mga patients. Naospital ako dati, nirefer ako sa surgeon. Dahil buntis ako, OB ko ang nagperform ng operation. Yung surgeon, nag interpret lang ng mga results at dinalaw ako ng 2x sa ospital na 5 minutes lang ang tinagal. Guess how much was his pf? 20K!!! Buti na lang covered lahat ng maxicare. Imagine if ikaw ang magbabayad mismo. Payag ka ba sa ganun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Girl, this looks like a limb-saving operation kasi the doctor that was mentioned is a vascular surgeon. Google mo para malaman mo what they do. Di yan pipitsugin na doktor for that kind of specialty. Yang mga baradong ugat causing limb ischemia is part of their procedures. Kumbaga taga repair sila ng mga baradong ugat na can result to compromised circulation. He even fixed what was botched from the previous surgery. Medicine is business tsaka profession. Ano akala mo libre yan?

      Delete
  42. Nasan kayo nung bayaran ng tuition fee?

    ReplyDelete
  43. Tulfo should not invalidate vascular surgery as di major surgery ang binti. Providing wrong information eh wag basta basta lang. Eto namang mga netizens kampi agad kay Tulfo.

    ReplyDelete
  44. Botched operation sa isang hospital sa Marikina, inayos at na- save pa yung leg sa Heart Center na am sure, sa umpisa pa lang sinabi na ang PF ng doctor. Suerte yung patient, tinanggap pa siya ng second doctor, coz most doctors won't do this. Delikado and very unethical. Tapos now, siraan pa yung pobreng doctor sa soc media, makakuha lang ng huge discount sa PF ng doctor??? Kung ako ang doctor, talk to the lawyers ang isagot ko kela Mon.

    ReplyDelete
  45. Babayad ka talaga ng mahal kasi SPECIALIST nga sila. Hindi biro yan….Sana yung ingay mo Ramon iparinig mo sa mga politiko na iprioritize yung pagtatayo ng hospital. Yan talaga ang lalong nagpapahirap sa mga pinoy.

    ReplyDelete
  46. Mas naiinis ako sa mga buwaya ng bansa. Walang nakukulong sa mga yan kasi nagkakampihan!!

    ReplyDelete