Wednesday, June 30, 2021

Tweet Scoop: Saab Magalona Calls Out eZConsult for Difficulty in Booking a Vaccination Slot





Images courtesy of Instagram/ Twitter: saabmagalona

70 comments:

  1. mas mabilis po sa app mismo. ganun talaga dagsa ang gusto magpabakuna magbaon na ng pasensya kahit sa pagbobook pa lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit sa app matagal

      Delete
    2. Technical difficulties daw, siisante na po ang Zuellig Pharma over yung kapalpakan nyang eZConsult. Contract terminated.

      Delete
  2. 5 pm ako pumila online 10pm na ako naka pasok. Nag register pa lang ako. Wala pa scheduling ng bakuna at eemail daw ako pag okay na. Dapat nilalagay na nila ang brand at ang ibang brand ay prone sa blood clotting. Paano kung may comorbity

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree. Isa sa side effects ng AZ yung blood clotting diba??? di sya good for diabetic people or borderline diabetic.

      Delete
    2. Research and read muna classmates ha. If you have comorbs and doubts, please consult your doctor first. Check nyo yung percentage ng nagkaron ng clot bec of Az. Then check what underlying conditions the victims had. Hindi automatic na may comorb ka magkaka clot ka. Wag basta maniwala sa sabi nito at sabi ni ganyan. Lalung lalo na sa fb.

      I have comorbs and my doc gave me ok for Az. But that's me. Baka iba ang kaso sa yo. Tandaan: all vaccines (and medicines) have side effects.

      Delete
    3. True yan 7:56. Pacheck muna sa doktor. Saka before ka actual na saksakan ng vaccine, may doktor na mag assess before hand if pwede sau ung brand.

      Delete
  3. Buti nalang QC govt already terminated their contract with EZ Consult. But it makes me wonder, for a company as big as Zuellig bakit hindi nila magawa ng maayos yung app nila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kasi sila IT company to begin with. Pharma with a side of IT sila.

      Sa true lang, madali lang gumawa ng scheduling app. Use the cloud para pwedeng i-adjust ang capacity at maayos ang performance. Ipagawa nyo sa nga students ng UP o PUP, sayang ang bayad na milyones o!

      Delete
    2. 1242 parang gobyerno lang din bakz di magawa ng maayos.

      Delete
    3. 3:22 sayang sumakit ulo ko kahapon kakaantay

      Delete
  4. What an epic fail you had right there.

    ReplyDelete
  5. Hindi naman maiiwasan minsan ang mga technical difficulties kung minsan sa mga ganyan lalo kung madami ang nagreregister. Pero itong si Saab parang ang dalas mag rant ni atih sa social media

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede ba ako nga nag antay ng 3 hours wala nangyari. Ngayon pala langa ko nakapagbook. Maraming gusto magpabakuna.

      Delete
    2. 12:47 hindi minsan ang regular tech difficulty teh

      Bulok talaga

      Delete
    3. Actually dapat maiwasan yan. Ang tagal na ng issue ng ezConsult.

      Delete
  6. Ang entitled mo naman! Hindi lang ikaw ang hirap makakuha ng sched!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy may troll!

      Hello DDS 12:52 AM

      Delete
    2. 12:52 sinabi ba nya na sya lang ang hirap makakuha ng sched? Ako rin nag rant kasi nag cracrash yung site kanina after ko magantay nf 4hours

      Delete
  7. Walang budget sa servers yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagdagdag na nga daw bg servers sa lagay na yan. QC dagdagan niyo pa.

      Delete
    2. Hindi naman kailangan bumili ng servers, at hindi siya sustainable. I-AWS or Azure lang nila para cloud na, ang dali pa ng maintenance at mag-adjust ng capacity o computing power. Aanhin mo sangkaterbang servers after mabakunahan na ang lahat aber?

      Delete
    3. 3:25 qc ang pinaka mayanan na na city di afford

      Delete
  8. what more yung iba na walang internet access?yung mga elderly na hindi marunong mag online? Saka yung iba na pumipila as early as 2am?! Ikaw uupo ka lang sa cozy house mo at mag bubook tapos kung maka reklamo ka! Napaka feeling entitled mo naman!!! Hindi lang ikaw ang anak ng QC!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kapal mo. Kasi un ibang city nga pwede walk in. Sa QC di pwede. Lehitimong tanong at reklamo un ni-raise ni Saab. Taga QC ako at 5 oras ako nagintay para lang maka register. Hindi pa schedule sa bakuna. Register lang. Kaya wag ka nagmamarunong. Kung taxpayer ka hindi masama ang maghanap ng maayos na serbisyo. Kaya sanay na sa gobyernong palpak dahil gaya mo ayos na sa pwede na.

      Delete
    2. Pahirap aa qc ano ba???? bakit ba galit ka kay saab eh pareho lang naman lahat ng dinadanas ng mga taga qc.Kaninang 12 lang ako nakapagbook. Kanina pa ako 5pm nagaantay!

      Delete
    3. Willing kasi magtiis si 1254 Wag lang daw batikusin ang gObyerno nyang mahal

      Delete
    4. 1:16 TRUTH! Ang laki ng tax na binabayad ko kada cutoff kaya sobra galit ko sa gobyerno sa kakulangan nila magprovide sa mga pinoy. Hindi biro ang pagbabayad ng tamang buwis tapos kukurakutin lang

      Delete
    5. BULOK NA SERBISYO

      Delete
    6. Nag-walk in kami sa center sa may amin, para mabakunahan magulang ko. Pinakita namin na down ang mga app. Pinayagan naman sila. It helps na yung homeowners assoc sa amin may abugado na presidente, sila nag-organize ng bakuna drive para sa A2 na hindi pa bakunado.

      Delete
    7. Hindi ka kasi taga qc teh kaya di mo ramdam hahahaha alam mo bang nung naterminate ang contract andaming taga qc na natuwa.. mema ka din eh

      Delete
  9. Konting pasensya din minsan mamsh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natry mo na ba mag abang 5 hours para makapasok lang sa website? Palpak naman talaga.

      Delete
    2. 12:55 AM - 4 hours of waiting...ONLINE...tapos konting pasensya?

      HAHA

      NOOO

      This shouldn't be tolerated. If EZConsult didn't have the infrastructure to support this they shouldn't have been awarded by the government this contract. SIMPLE. Walang kinalaman ang pasensya.

      Delete
    3. Konting pasensya? 4:20 nandoon na ako sa site tapos 9pm ako nakapag book kasi puro crash ang site anong konting pasensya? Bakuna ito na makakasalba ng buhay!

      Delete
    4. True 120 am.

      Delete
    5. “konti”?? basahin mo ulit yung post. Sobrang haba ng pasensya nya para magantay ng ilang oras

      Delete
    6. 1:20 tulog na Saab

      Delete
    7. 3:50, okay lang sa iyo na palpak? Kaya hindi umaasenso ang Pinas dahil sa kagaya mo.

      Delete
    8. 3:50 girl yung nag queue hindi lang si saab sa 19k na pumila sa online tumigil ka

      Delete
    9. This comment has been removed by a blog administrator.

      Delete
  10. Nagdagdag na sila ng server sa lagay na yan hahaha.

    ReplyDelete
  11. Buti nga umabot pa sa ganyan. Ako nga as in registration pending pa rin until now.

    ReplyDelete
  12. Hhmm hindi lang kayo ang gusto magpa vaccine, inday..

    ReplyDelete
  13. Malaki kasi ang populasyon nyo anti at ang internet sa Pilipinas, nakakahiya ang bagal. 😂 Kaya kunting pasensya at pasalamat na rin kasi marami ang gustong magpabakuna. Mas nauuna pa ang fake news at hakahaka sa bakuna sa atin. Yung nangungumbinsi pa ng iba na wag na magpabakuna.

    ReplyDelete
  14. Girl, pili ka. Sa'men wala ng ganyang app. Walang registration. Pila ka ng 10PM the day before, overnight kayo sa site, para sure slot. Kapag dumating ka ng 2AM, wala ng assurance yun kung pasok sa cut-off.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1:16 why are we comparing struggles eh pare pareho lang tayo pinanapahirapan ng gobyerno na binabayaran natin? Kaya di tayo umaasenso eh. Accountability naman dyan.

      Delete
    2. Sa QC po di pwde pumila no choice ka kung di magparegister online.Until now di rin kami nkakuha ng slot for booking.Kasi kung my ganyan na pipila sigurado ang daming pipila ng the night before, kaso wala po..

      Delete
    3. Delikado pumila. If magkacovid ka bago mavaccinate e di magdoble infection mo, isang simulation at isang totoo.

      Delete
  15. Budgetan niyo naman ang servers and database.

    ReplyDelete
  16. Ganyan din kami sa NY at first sobrang tagal and we would login at different times, minsan gising pa ng madaling araw. Konting pasensya, mataasang demand pero in the end mag open up rin. Praying for PHL classmates, malapit na yan. Kapit lang.

    ReplyDelete
  17. Hmmm, there is no surprise there at all. A study came out today and it shows that pinas is second to the very bottom among all countries in the world in handling the pandemic. It’s really a shame. Fact.

    ReplyDelete
  18. Lol, Ganyan naman talaga sa pinas. You have to wait for anything, forever.

    ReplyDelete
  19. Oh my, that’s frustrating. In Canada, I just went to any pharmacy (mine is inside a grocery store) and asked fo be vaccinated. I didn’t even have to wait, no line. I just showed my government health ID and answer a few questions and I got vaccinated right there. Boom, done.

    ReplyDelete
  20. i tried EZconsult mahirap talaga gawan sana nila ng paraan. pahirap sa tao na naka data lang. I contacted our city and reported the case na sobrang hirap mag book online.

    ReplyDelete
  21. Pina kinggan ka ni mayora.. terminated na contract nila sa qc.

    ReplyDelete
  22. Anywhere pwede daw magpabakuna diba edi dun kayo sa mas madali anh process

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa qc need mag register di pwede walk in

      Delete
  23. Hindi naman binayaran ni Q.C. government yung pag gamit ng ezconsult,nag volunteer lang yung pharma company na may-ari ng EZConsult. Kaya di natin masisisi kung bakt mabagal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Volunteering is not an excuse for sloppy work.

      Delete
    2. Sloppy work or sloppy system? Ginagastusan ng ezconsult yung pagpapatakbo ng app, and if marami na ang napapansin ng qc government sa laging hirap mga tao sa pagbbook via ezconsult then they should've invested nalang sa ibang app/platform.

      Delete
  24. Naglogin ako ngayon at marami pang slots. Madaling araw to mga 6am mabilis makabook sa app

    ReplyDelete
  25. mga personalities na gaya neto Saab Magalona di magandang halimbawa she could call or write privately to the said developers or company kesa i post reklamo on line while some can access and iba hinde kc nga me traffic na mag pa book online TOXIC masyado puro reklamo nalang sa lahat kc belong sila sa sa priviledge group na kapagka online shout out ma solutionan agad ba or sila sila lang matutulungang solutionan ?? tanggalin naten ang pagiging self entitled pare pareho lang tayo mamatay sa lupa uudin ang katawan..tapos magtataka silang mga artista/personalities kung baket ang mga netizens are quick to judge eh kagaya nilang mga sikat personalities(me followers) ang nagiging idol ng common tao sa pagiging toxic...tigilan na yan wala ng ginawa puro reklamo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag-iisa ka sa opinyon mo’ng ganito 742AM

      Delete
    2. 7:42 Actually it's ur comment i find toxic 😂

      Delete
  26. Thank god they terminated the services nitong EZ Consult. HCW ako and I've been trying to book with them and di naman ako binabalikan or binibigyan ng schedule. Good thing proactive naman barangay namin and we can register with them.
    Unacceptable talaga yung ganto.
    Mga baks we should all demand from our government better service.

    ReplyDelete
  27. Minsan lawakan din natin pasencia natin. I tried booking for a friend sa mismong app ng Ezconsult and i was able to book a few minutes after. Then nung mga bandang 11pm, nakapag book uli para naman sa anak ng friend ko. Again, i was able to book a slot. Ganun din yung mga pamangkin ko. If they terminate Ezconsult p, ano ipapalit? They have to do it ASAP. Otherwise mas malaking problem. Yung bago nilang system na QCvax ba yun, nagka crash din naman. Ok naman sana na pang supplement itong EZConsult. Wag naman sana tanggalin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree with you. Especially since for all netizens na ang pila. It means tens of thousands may be trying at the same time. Ang masuggest ko lang sa mga system developers is to separate the registration from the scheduling. Wag na bigyan ng schedule option ang nagregister, location yes, then manage the queue separately. Yung trying hard magpasikat with a scheduling system is asking for trouble.

      Delete
    2. baka traffic lang ang site dyan kasi malaki ang population, nag crash pag sabay sabay ang mga tao magparegister. Sa ibang lugar hindi naman ganyan dahil hindi siguro marami ang population.

      Delete